Share

11

“Ma’am Zyline, pinabibigay po ni Sir. Kumain ka raw po muna.”

Napatigil si Zyline sa ginagawa nang may naglapag ng pagkain sa tabi niya. Napalingon siya sa staff niya na nagbigay sa kanya noon. Kahit na hindi niya itanong, alam na niya kung kanino galing iyon.

“Kukuha ako ng pagkain kung gutom ako.” Hindi gusto ni Zyline na magtaray rito pero hindi niya mapigilan ang sarili. Alam niyang wala itong kasalanan sa kanya, pero naiinis siya dahil siya ang boss ng mga ito pero lagi na lang kay Hunter nakadikit ang mga ito. Bakit ba kasi ang papansin ni Hunter?

Papansin ito sa paraang siya lang ang nakakapansin at mas naiinis siya dahil doon.

Sa ilang araw na nakalipas na pag-aayos nila ng condo ng kapatid nito, hindi iilang beses itong nagpapansin sa kanya. Sa tuwing naroon si Hunter, lagi na lang itong nakahubad! Lagi na lang nitong inihahantad ang katawan sa harap niya at ng mga staffs niya.

At nabubwisit naman lalo si Zyline dahil ang mga babaeng staff niya na kasama nila’y hindi maitago
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status