Share

05

Kinabukasan ay maagang umalis si Hunter para makipag meeting sa isang client nila sa isang coffee shop malapit sa opisina nila Thunder. Kanina pa rin bagot na bagot si Hunter sa meeting na iyon kasama ang kapatid niya. 

Gusto na niyang umalis dahil naiinip na siya at ang kliyente at si Thunder lang naman ang nag-uusap, nandito lang siya para sa formality na sinasabi ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapamura nang ilang beses sa tagal ng pag-uusap ng mga ito. Tutubuan na siya ng ugat sa pag-upo ay hindi pa rin sila natapos.

“What’s wrong?” Thunder asked him. He scoffed. “I’m bored, fucker,” mahina lang ang pagkakasabi niya para hindi marinig ng kliyente nila.

Tinitigan siya ng masama ni Thunder bago umiling. “You can fuck your girl later, but focus on this one now, Hunter.”

Hindi niya mapigilang mapaismid. Ang Summer’s ang hawak niya pero involved pa rin siya sa DCC. Si Thunder ang namamahala ng kumpanya simula nang mamatay ang Daddy nila matapos maaksidente nila Mika at Kerko noon.  Inatake ito sa puso at hindi nakasurvive. Mabuti na lang ay nakaligtas si Mika sa aksidente at maging si Kerko.

Since then, si Thunder na ang tumayong padre de pamilya ng mga Dela Cruz. Wala namang tutol si Hunter dahil wala naman siyang pakialam. He can still do whatever he wants, pero alam niya rin na kailangan niyang maging responsable, para sa kapatid niya. 

Iiling-iling si Hunter habang patuloy ang meeting ni Thunder at ng kliyente nito. Alam naman niya kung anong pinag-uusapan nito. He was the one who proposed that deal.

Hindi sinasadyang napalingon siya sa pinto ng coffee shop nang bumukas ito. Awtomatikong may naglarong ngiti sa labi ni Hunter pagkakita kay Zyline. 

Kumunot ang noo niya nang makita si Zyline na may kasamang lalaki. 

Nakatitig lamang siya sa mga ito habang nagtatawanan sina Zyline at ang kasama nito na tila ba kumportableng kumportable ang babae rito.

Kitang-kita niya mula sa kinauupuan si Zyline. Bakit ba napakahilig nito sa jeans na tila sinira? Kumunot ang noo ni Hunter habang pinagmamasdan ang suot ng dalaga. 

Loose shirt and ripped jeans. Itinupi lang ng dalaga ang manggas ng shirt na suot.

Nakamasid lang si Hunter kay Zyline habang pinapanuod ang bawat kilos nito. He’s watching her drink her coffee. He’s watching her smile, laugh…

Nawala ang boredom na kanina pa lumulukob kay Hunter doon. Hindi niya maiwasang mapangiti kapag sumisimangot si Zyline habang may kung anong ginagawa sa sketch pad nito.

Nawala ang ngiti na iyon nang tumabi ang lalaking kasama ni Zyline dito at inakbayan pa ang dalaga.

Kaano-ano ba ito ni Zyline?

Ang akala niya’y wala itong boyfriend?

“Hunter,” kinalabit siya ni Thunder kaya naman agad niya itong nilingon. “Ano?” He asked him. Medyo naging iritable siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. 

“Tapos na ang meeting,” ani Thunder sa kanya. Napatingin siya sa kausap ni Thunder na nag-aayos na ng gamit.

What the fuck? Paanong natapos ng ganoon na lang ang meeting ng mga ito?

“Thank you, Mr. Dela Cruz…” tumayo na ang lalaki at nakipag kamay kay Thunder. Tumayo na rin siya para kamayan ito.

Ang mata ni Hunter ay muling napadako sa gawi ni Zyline. Wala na ang lalaking katabi nito, nasa harap na ito ng dalaga.

Nakakunot noo pa rin si Hunter habang nakatingin sa dalawa. 

“Are you heading home or Summer’s?” Tanong ni Thunder sa kanya.

“I’ll stay here.” Wala sa loob na sagot niya sa kapatid. “Bakit?” Takang tanong ni Thunder. Hindi na siya nagtaka sa reaksyon nito dahil kanina’y halos gusto na niyang lumabas ng pinto ng coffee shop na iyon.

Lumingon din si Thunder sa tinitignan ni Hunter. Napansin nito si Zyline.

“Zyline.”

Hindi napigilan ni Hunter mapamura nang tawagin ni Thunder si Zyline. Lumingon sa gawi nila ang dalaga.

Halatang nabigla ito nang makita sila. Ngumiti ito kay Thunder pero sinimangutan siya. Hindi pa ito nakuntento, inirapan pa siya. 

“Hi, Thunder!” Tumayo ito para lumapit sa kanilang dalawa. Nakipagbeso pa ito kay Thunder. 

“What are you doing here?” Zyline asked Thunder. Hindi man lang siya nililingon nito at hindi natutuwa si Hunter sa inaarte ng dalaga. 

“Meeting. You?” Nilingon ni Thunder ang lamesang iniwan ni Zyline. “You’re with someone?”

Ngumiti si Zyline bago tumango. “Yeah, si Bobbie.”

Bobbie pala ang pangalan ng lalaking kasama nito. Hindi malaman ni Hunter kung bakit parang nakaramdam siya ng disgusto sa lalaking iyon.

“I see,” tumatango-tangong sabi ni Thunder. “I have to go. Susunduin ko pa si Rain sa yoga class niya,” paalam ng kapatid sa babaeng kaharap. “How about you, Hunter? Are you going to stay here?” tanong ni Thunder sa kanya. 

Nakapako ang mata niya sa mukha ni Zyline na iniiwas ang tingin sa kanya. 

“No,” nakita niya kung paanong natigilan si Zyline. Bakit? Ineexpect ba nito na mananatili siya? Nagbago na ang isip niya, e. 

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. 

“I thought you'd stay?” Kunot-noong tanong ng kapatid. “Nevermind,” ani Thunder bago bumaling kay Zyline. “We need to go, Zy.”

“I remember what you said, after that meeting I can fuck my girl, right?” Hindi inaalis ni Hunter ang tingin sa dalaga. Nakita niya ang pamumula ng mukha nito dahil sa sinabi niya.

Napailing na lang si Thunder. Alam nito ang ugali ng kapatid. He’s blunt and he’s not gonna change. 

“Let’s go,” nauna ng maglakad palabas si Thunder sa kanya. Nakatingin lang siya kay Zyline bago bumaba ang tingin niya sa labi nito. 

Alam niyang naisip ni Zyline ang halik na ibinigay niya rito dahil bigla nitong kinagat ang labi. Napangisi na lang siya. 

Walang paalam na lumabas na rin si Hunter ng coffee shop at sumakay sa sasakyan niya. Uuwi na lang siya ng bahay para makapag pahinga. Maaga siyang ginising ni Thunder para sa meeting na iyon.

Habang nagmamaneho, walang ibang umuukopa ng isip ni Hunter maliban kay Zyline. Hanggang makauwi siya’y ang dalaga ang laman ng isip niya. 

Minabuti niyang mag-gym na lang habang pilit inaalis sa isip ang babae. Hindi niya dapat iniisip si Zyline. Alam naman niya na walang patutunguhan ang bagay na iyon sa  kanilang dalawa.

Halos dalawang oras din siyang nag-gym pagkatapos ay naligo at kumain. Mamayang gabi’y may usapan sila nila Vaughn na magkikita. Hindi niya alam kung saang bar sila magpupunta pero kahit saan ay okay sa kanya. 

Kailangan niya din ng distraction.

Alam niyang solo na naman niya ang bahay nila, tapos na ang renovation ng bahay ni Thunder kaya roon na ulit sa bahay nito nakatira ang pamilya nito. His mom is nowhere to be found. Malamang ay nasa kung saang salon ito ngayon, hinahayaan na lang nila ito dahil iyon naman ang kaligayahan ng ina magmula nang mawala ang daddy nila. 

His sister’s in the hospital. Nagbabantay ng boyfriend nitong kagigising lang mula sa comatose. He’s sure that Mika will say they’ll prove that there is forever. Hindi niya maiwasang mapailing. 

Dalawang kapatid na niya ang nababaliw dahil sa salitang pag-ibig.

It doesn’t exist.

Nasa isip lang naman ng lahat ‘yon, gaya ng lagi niyang sinasabi. Mas naniniwala siyang attracted lang ang mga ito sa isa’t isa. He’ll never going to say he’s in love unless, mababaliw na siya ng tuluyan sa pag-iisip tungkol sa babaeng ‘yon.

Hindi ganoon ang naging epekto sa kanya ni Rain. He’s just in like with her, not in love. 

Pasado alas-siyete na nang umalis si Hunter sa bahay nila. Alas-otso ang usapan nila ni Vaughn na magkikita kasama ang mga kaibigan nila. 

“Saang bar ba?” tanong ni Hunter kay Vaughn habang kausap ito. Naka-speaker phone ang cellphone niyang nakapatong sa dashboard ng sasakyan.

“Blue’s Haven, pare.”

Natigilan si Hunter at kumunot ang noo. Bar ng kaibigan ng kapatid na si Thunder ang Blue's Haven. Ilang beses na siyang nagpunta roon kaya pamilyar sa kanya iyon. At ang alam niya, si Zyline ang namamahala ng bar na ‘yon. 

“Hunter, are you still there?” Vaughn asked him. Napabuga siya ng marahas na hangin. Kailangan niya ng distraction pero sa balwarte siya ng dalaga pupunta? Is this some kind of a joke?

“Yeah, I’ll be there,” pinatay niya ang cellphone at nag-isip kung tutuloy o hindi. 

Pero wala siyang dahilan para hindi magpunta doon.

Ano naman kung nandoon si Zyline?

Iiling-iling niyang binuhay ulit ang makina at nagpunta na sa bar na 'yon.

Matapos niyang maiparada ang sasakyan ay agad siyang pumasok sa loob. Marami ang bumabati sa kanya sa loob nito.

Agad naman niyang nakita sila Vaughn na nakaupo at nagsisimula ng uminom. Nagpakawala siya ng mahinang ‘tsk’. He’s a hard drinker, yes, pero mahal niya pa din naman ang sarili niyang atay kaya moderate ang inom niya.

“Musta, Hunter?” tanong sa kanya ni Diego bago siya inabutan ng baso ng alak.

“Gwapo pa rin,” nagkibit balikat niyang sagot. Natawa naman ang mga ito sa sinabi niya. “Gago, alam na namin ‘yon. May girlfriend ka na ba?” tanong nitong muli sa kanya. 

“Girlfriend? I never had a girlfriend, Diego,” he smirked. 

“Whoa, hanggang ngayon ba wala pang nakakabihag sa mailap na puso mo?” Natatawa ding tanong sa kanya ni Alvin.

Umiling siya bago uminom. 

“Tangina naman, pre. Nagpatali na ang kapatid mo, ayaw mo pa bang lumagay sa tahimik?” tanong ni Vaughn sa kanya. Umiling siya ulit sa lalaki. 

“Why would I commit myself to anyone. Ang babae? Sakit lang sa ulo ‘yan. They want love, I want sex. Hanggang doon lang ang kaya ko, e. Ayoko ng kadramahan nila. Nakakasuya,” ani Hunter bago muling uminom. 

“I really hope hindi ka tamaan ng pag-ibig, pare. Kawawa ang babaeng mamahalin mo, e,” tinapik ni Vaughn ang balikat niya bago uminom din sa baso nito.

Nalipat na ang topic nilang apat sa kung saan-saan. Negosyo, babae… babae, negosyo.

Napatingin si Hunter sa gawi ng bartender.

She’s there.

Nakabestida ito ngayon na hapit na hapit sa katawan. Masyado ding mataas ang laylayan nito. Pihadong kapag yumuko ito, makikita na ang kaluluwa nito.

Bakit ba kailangan na ganyan ang suot nito?

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa dalaga. Gusto ba talaga nito na nilalantad ang katawan sa publiko?

Malakas ang tugtog na nanggagaling sa speaker malapit sa DJ at marami ang sumasayaw sa dance floor. Ang mga kaibigan niya ay patuloy sa pagkukwentuhan. 

Nakatingin lang siya sa dalaga habang patuloy na nagsasalita ang mga kasama niya na hindi na niya halos maintindihan. 

May hawak itong baso na may lamang margarita. Nakangiti habang nakatingin sa mga kabataang nag-eenjoy sa pagsayaw sa dance floor.

Kasama na naman nito ang lalaking kasama nito kanina sa coffee shop. Ano ba ang relasyon ng dalawang ‘to?

Inisang lagok ni Hunter ang laman ng baso bago nagsalin ulit.

Zyline’s Blue’s sister. Blue’s Thunder’s friend. Thunder’s his brother. 

It means she’s fucking off his limits.

Noon pa mang nakita niya ito, nagandahan na siya sa dalaga. Nagandahan. Hindi na-in love. They’re not friends like what Zyline said. Hindi naman talaga. They were not even a nodding acquaintance. Para sa kanilang dalawa, hindi nag-eexist ang isa’t isa.

Kumunot ang noo niya nang makitang may mga lalaking lumapit kay Zyline. Bakas ang iritasyon sa mukha nito. May mga lumapit na waiter para ilayo ang mga lalaking iyon sa dalaga. 

Nagpatiim ang bagang niya habang pinanunuod pa rin ang dalaga. 

Hindi niya inaalis ang mata sa dalaga. He saw how she just shrugged those men off. Na parang balewala ang nangyari. 

Hindi tuloy maiwasan ni Hunter isipin na sanay ito sa mga ganoong pangyayari.

And he thought she’s a virgin?

Napailing siya. Ano nga ba ang alam niya sa dalaga? Wala naman talaga.

Iniiwas na niya ang tingin sa dalaga at itinuon ang atensyon sa pinag-uusapan nila ng mga kaibigan niya. Kaninang nagpunta siya ng restroom ay may dalawang babaeng humarang sa kanya.

Walang makapagpaliwanag kung paano silang nagawang tanggihan ni Hunter. Siguro’y wala lang siya sa mood. Maaari ding ayaw niya lang talaga. 

Mag-aalas-tres na ng madaling araw nang magpaalam si Hunter na uuwi na. He stayed long enough and he needs to rest. Maaga siyang kailangan sa opisina.

Kumunot ang noo niya nang makita ang kumpulan ng mga lalaki sa madilim na parte ng parking lot. 

“Ano ba, let me go!”

Umalerto ang pandinig niya nang maulingan ang boses ni Zyline.

Humakbang siya palapit dito. 

“Ano ba?! Bitawan niyo nga ako!” Nagpupumiglas si Zyline sa mga ito.

“Walang nasasarapan sa pagpipilit,” aniya na nagpalingon sa tatlong lalaki.

“Huwag kang makialam dito. Napaka-pakipot nitong babaeng ‘to, eh,” ani ng isang lalaking halatang lango sa droga.

Napatingin siya kay Zyline. Pinanlakihan siya ng mata nito na para bang sinasabing tulungan niya ito. 

Hindi siya nagsalita.

That’s exactly the reason why they don’t want Mika to wear those kinds of clothes. Maraming takam sa laman ang nagkalat sa kung saan.

“Hunter!” Pukaw ni Zyline sa atensyon niya. Napailing na lang siya bago hinila ang dalaga mula sa mga lalaking may hawak dito. 

Hindi siya lasing kaya alam niyang kaya niyang patumbahin ang tatlong lalaki. 

Agad siyang inambahan ng suntok ng isang lalaki pero naunahan naman niya ito. Tinangka din ng dalawang lalaki na suntukin siya. Hinawakan siya ng isa pero agad siyang nakawala.

Nakahiga na sa sahig ang tatlo nang may lumapit na security guard. Napailing na lang si Hunter nang maramdaman ang kirot sa labi niya. Ilang beses din siyang tinamaan. Hawak ang panga ay naglakad na siya pabalik sa sasakyan niya. 

“Bakit ‘di mo ako agad tinulungan?” Zyline asked him. Hindi niya napigilang mamangha sa reaksyon ng dalaga. “Paano kung may nagawa silang masama agad sa akin? Bakit tumitig ka pa?” pinanlakihan siya nito ng mata.

Now, he’s pissed. 

“A thank you is enough, Ms. De Guzman,” aniya bago ito lingunin. 

“Hunter, wait…” hinawakan nito ang braso niya. “May sugat ka,” hinawakan ni Zyline ang ilalim ng mata niya na tinamaan ng suntok kanina. Nararamdaman niya nga ang hapdi mula dito. May singsing yata ang gagong lalaki na nakatama sa kanya kaya nasugatan siya. Ilang beses din siyang tinamaan kaya alam niyang maging sa gilid ng labi ay may sugat siya. 

“I’m fine.” Iniiwas niya ang mukha mula dito nang hawakan siya ni Zyline. 

“No, you’re not. Sumama ka muna sa akin sa loob. Gagamutin natin,” hinawakan nito ang kamay niya at hinila papasok ulit sa bar. Sinabihan niya na hindi naman kailangan dahil ayos lang siya pero nagpumilit ang dalaga. Mukhang nawala na ang pagkainis nito sa kanya.

Ginamot nito ang sugat niya kahit na anong tanggi pa ang sinabi niya. Hindi kumikibo si Hunter sa bawat pagdampi ng balat ni Zyline sa mukha niya. 

“Hindi naman pala kasi kaya…” Bulong ni Zyline habang patuloy sa pagpupunas ng bulak na may alcohol.

“You really have your own way of saying thank you, huh?” he sneered. 

Natahimik naman si Zyline sa sinabi niya.

“Aalis na ako,” tumayo na siya at naglakad palabas. Hindi na siya dapat nanatili pa roon.

Napahugot ng malalim na hininga si Zyline. Alam niyang kailangan niyang magpasalamat kay Hunter dahil sa pagliligtas sa kanya. Tumayo siya at sinundan si Hunter na naglalakad na palabas. 

“Hunter, sandali…” tawag niya sa binata. Huminto naman si Hunter sa paglalakad at tumingin sa kanya.

“What?” he asked her while looking at her.

“I’m sorry…” nagyuko si Zyline ng ulo. “And thank you. Mag-iingat ka.”

Tumalikod na siya para bumalik sa loob nang hawakan siya ni Hunter at hapitin.

“I have my way of saying you are welcome,” nanlaki ang mata niya nang bigla nitong kabigin ang batok niya at siilin ng halik ang nabiglang labi niya.

Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan hanggang sa bitawan na ng labi ni Hunter ang labi niya. 

Tinignan niya ito. Yumuko si Hunter sa kanya at tinitigan ang mukha niya. 

“Next time don’t wear dress like that. Baka sa susunod, hindi na kita iligtas. Hindi ko na din mapapangako sayo’ng ligtas ka sa akin.”

Binitiwan na siya nito at tuloy-tuloy na naglabas. 

Hindi pa rin siya nakapagsalita. 

He kissed her again. 

Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso niya? Bakit… bakit tila gusto niya yatang mapahamak sa kamay ni Hunter?

Nababaliw na yata siya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Reynelyn Chavez
akala ko libre hanggang dulo hnd pala......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status