Share

His Personal Maid
His Personal Maid
Author: Diena

Prologue

Tahimik, walang kibo si Nenita na nakatanaw sa kabilang table. Simula nang makarating sila hanggang sa malapit ng matapos ang party ay tahimik siya. Walang emosyon na mababakas sa kanyang mukha ngunit ang mga mata niya ay kanina pa humahapdi sa pagpigil na huwag umiyak. Ang damdamin niya kanina pa naninikip sa sakit na nadarama.

At nang dahil iyon sa lalaking kanina niya pa tinititigan. Na kahit nakatagilid ang gwapo niya parin tingnan. Ang perpekto ng pagkahulma ng panga niya. Ang matangos niyang ilong. At ang makinis nitong leeg.

Kaagad siyang nagbaba ng tingin at pa simpleng pinunasan ang butil ng luha na hindi na napigilan ang pagpatak. Mabuti nalang at wala sa kanya ang atensyon ng mga kasamahan.

Si Nemfa busy sa pagkulikot sa cell phone nito. Si Javier ay ayaw mawalay ang tingin kay Janice. Si Ethan ay nakikipagbangayan sa mga pinsan na pinagdiskitahan ang kambal niya. Si Enrico na nasa kanyang tabi ay parang linta na nakakapit sa braso ni Nadia.

Kanina niya pa gustong umalis kaya lang ay wala siyang maidahilan sa mga ito. Nahihiya rin siya na maunang umuwi dahil lahat ng pamilya ay narito sa bakuran ng mga Montefalco—Christof Montefalco ang pinsan ni Don Emmanuel na kapit-bahay lang rin nila.

Nang wala ng bakas ng luha ang mga mata, muli siyang nag angat ng tingin—doon sa lalake na kanina niya pa pinagmamasdan.

Hindi niya alam kung alam ba ng binata na nariyan lang siya sa likod nakamasid. Kung alam niya ba na kanina niya pa ito pinagmamasdan. Kaswal lang ang binata na nakikipag-usap. Wala itong ibang pinagkaabalahan kundi ang sagutin at harapin ang mga kamag-anak na lumalapit sa kanya.

"Shut up your mouth, Adam. "

Gusto na namang maiyak ni Nenita ng marinig ang buo at malalim na boses ng binata. Ang boses na minsan ay musika niya sa pang araw-araw. Ang boses na nagpapakalma sa kanya sa tuwing gusto na niyang bumitaw.

Ang boses na namiss niya sa loob ng ilang buwan na hindi ito narinig.

"I am stating the fact, bro. " Natatawa na sagot sa kanya ni Adam at nakangisi na iniwanan siya.

Nabaling ang atensyon ni Nenita ng sikuhin siya ni Enrico. Salubong ang kilay na nilingon niya ito.

"Ang suplado ng crush mo, " ininguso ni Enrico ang binata sa kanilang harapan. "Ilang taon na ba iyan umaaligid sayo? "

Hindi alam ni Nenita kung sino ang tinutukoy ni Enrico. Pero wala naman siyang ibang crush na alam ni Enrico kundi ang pinsan niyang ubod ng suplado.

"May alam ako na paraan para lalo kayong mapalapit dalawa, " segunda niya ng hindi sumagot si Nenita. "Tutal parehas naman kayong single. Iyon nga lang ay kung crush mo parin siya hanggang ngayon. "

Blangko ang mukha na tiningnan muli ni Nenita ang binata. Kasama nito ang pamilya niya. Hindi siya sigurado kung alam ba ni Enrico kung ano ang real score nilang dalawa ng pinsan niya. Marami naman siyang pinsan na single pero itong suplado ang binanggit niya. Sabagay, ito lang naman kase ang alam niya na crush ni Nenita.

Ang crush ni Nenita na tinutukoy ni Enrico ay si King Harvin Montefalco. Ang nag-iisang anak ng kanyang Tito Christof. Na lingid sa kaalaman ni Enrico na may malalim pa silang relasyon ni King. Na may mas malalim na samahan bukod sa pagiging aso't pusa na siyang palagi nilang nakikita.

Ayaw ng balikan iyon ni Nenita. Dahil matagal ng tapos kung ano man ang mayroon sila dati ni King. Kung maari nga lang ay hindi na sana magtagpo ang landas nilang dalawa.

But destiny will always finds a way. Sakto kase ang pagbalik niya sa mansyon ng mga Montefalco ang kaarawan ng nanay ni King. Hindi narin siya nakatanggi dahil si Don Emmanuel mismo ang nagpasya na sumama siya.

Akala niya wala si King kanina kaya kampante siya kahit ang bigat sa damdamin niya ang muling pagpasok sa tahanang ito. Ang tahanan kung saan noon ay payapa siya rito ngunit ngayon iba na ang naramdaman niya. Parang ayaw ng humakbang ng mga paa niya para tumuloy.

Sa loob ng anim na buwan na hindi niya nakita ang lalake, galit at sama ng loob ang naramdaman niya rito. Pero nang makita niya ito kanina, gusto niya itong takbuhin at yakapin ng mahigpit. Gusto niya itong lapitan at kamustahin.

Nawala iyong galit at sama ng loob na naramdaman niya para rito. Na tinangay iyon lahat ng makita niya si King. Pero lalo lang siyang nasaktan ng hindi man lang napansin ni King ang presensiya niya.

Napabuntong-hininga nalang si Nenita sa sinabi ni Enrico at napapatanong sa sarili kung gusto rin bang mapalapit sa kanya si King.

Hindi naman kase sila nagtapos sa maganda o maayos na usapan para mapalapit muli sa isa't isa na parang wala lang nangyari sa pagitan nilang dalawa.

Mapait siyang napangiti nang sumagi na naman sa kanyang isipan ang pangyayari na iyon. Pangyayari na nagpadurog sa kanya. At kawalan ng tiwala sa lalake.

Gusto niya itong sumbatan, murahin, sisihin, itanong ang lahat ng gusto niyang itanong kay King. Pero naisip niya, may dahilan pa ba gayong ang lalake mismo ang may ayaw na kausapin siya?

"Tita."

Nanlaki ang mata ni Nenita ng kunin ni Enrico ang atensyon ng mama ni King.

"Diba nabanggit mo dati na kailangan ni King ng personal assistant? "

Tumango ang ginang "Yes, why? "

Lumapad ang ngiti ni Enrico nang humarap ni King sa kanilang gawi. Kaagad na nagbaba ng tingin si Nenita at nagkunwari na busy sa pagkain na nasa kanyang harapan dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni King.

"May irekomenda ako. Mapagkatiwalaan, at nasisiguro ko na maalaagan niya si King at magawa ng maayos ang kanyang trabaho."

Pailalim na sinamaan ng tingin ni Nenita si Enrico. Hindi alam paano pakalmahin ang dibdib sa lakas ng tibok nito dahil sa kaba. Nasisiguro niya kase na ilalaglag siya ni Enrico.

"Kilala niyo naman si Nenita," at hindi siya nagkamali. Nanlaki ang mata na tiningala niya ang lalake na malaki ang ngiti. "Siya ang tinutukoy ko. Naka resign na yan sa mansyon kaya lilipat na siya sa inyo. Bukas din ay magsisimula na siya o kahit ngayon na. "

"Yes, I know her. Thanks a lot, Enrico. Hindi na kami mahirapan maghanap. By the way, wala ba siyang boyfriend o asawa—"

"Wala, Tita. Single 'to. Never pa nagkaroon ng boyfriend kaya no worries, " mabilis na sagot ni Enrico.

Sa pagkatulala ni Nenita sa gulat hindi na siya nakarason at nakatanggi sa ginang. Tila ba isa siyang produkto na inaangkat ni Enrico dahil magaling ito sa pakipagsundo sa ginang nang sa ganon tanggapin siya kaagad bilang assistant ni King.

"Wala akong sinabi na ganon! " mariing usal niya kay Enrico ng mahimasmasan. "At wala rin akong natatandaan na aalis na ako ng tuluyan sa mansyon! "

Nagkibit-balikat lang si Enrico hindi mapalis ang malaking ngiti sa labi.

Walang emosyon na inikot ni King ang kanyang electric wheelchair paharap sa table nila Enrico. Ang kanyang tingin ay nakatuon kay Nenita na ngayon ay naghuhurumintado ang puso hindi malaman ang gagawin. Gusto niyang tadyakan ang paa ni Enrico sa subrang inis nito nang bumulong ito sa kanya. "Relax, si crush lang yan. "

Ang pagharap nilang muli ni King ang hindi niya inaasahan. Kampante kase siya na hindi na muling mag cross ang landas nilang dalawa dahil ang balita ni Enrico wala rito sa Pilipinas ang binata.

Mariing napalunok si Nenita nang huminto si King sa kanyang harapan. Ngunit pinatatag niya ang sarili. Pinakita niya rito na wala ng epekto sa kanya ang presensiya ng lalake. Kung walang emosyon na hinarap siya ni King, blangko naman ang kanyang mga mata na sinalubong ito ng tingin.

She wanted to asked King what happened to him. Kung bakit ganito na siya ngayon gayong maayos naman ang binata noong huli niya itong nakita.

Hinanap niya sa mga mata ni King ang dating pagtingin nito sa kanya noon. Pero kahit kaunting pagkamangha nalang sa kanya ay hindi niya iyon makapa sa mga mata ng binata.

Kasing lamig ng yelo ang mga tingin nito. Na para bang may malaki siyang kasalanan na nagawa. Na para bang nakalimutan niyang gandang-ganda siya kay Nenita noon.

Masakit man para kay Nenita ang emosyon na pinapakita ni King sa kanya, hindi siya nagpatinag. Masakit man para sa kanya na parang siya pa itong nanakit sa kanilang dalawa, binalewala nalang iyon ni Nenita. Dahil hindi niya naman alam kung ano ang nararamdaman ng binata sa muling paghaharap nilang dalawa.

"So, you will be my personal maid, now? " nakangisi, malamig na usal ni King at inikot kaagad ang wheelchair patalikod kay Nenita.

Napatanga si Nenita sa ginawa ni King. At parang hiniwa ang puso niya sa muling pagtalikod ni King sa kanya. Nanumbalik lahat ng sakit, galit, sama ng loob niya rito. Pero ang huling salita ng lalaki ang tumatak sa isip niya na ipinagtaka niya.

"Maid? Pero ang sabi kanina assistant? " nagtataka na tanong niya sa sarili.

Nang marinig ang pagsipol ni Enrico, nakakamatay na tingin ang ginawad ni Nenita sa kanya at malakas itong pinaghahampas sa braso dahil pinagkaisahan siya nito.

Hindi niya alam kung bakit ito ginawa ni Enrico. Kung sinadya ba ito o pinagplanuhan, hindi niya alam. At iyon ang inaalala niya dahil hindi pa talaga siya handa na makasama muli si King at makita ito. Hindi niya alam kung kaya niya bang makaharap ang lalake kahit ilang minuto lang.

Mas lalo itong hindi inaasahan ni Nenita. Na hahantong siya sa pagiging personal maid sa taong minsan ay minahal niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status