Share

Chapter 23

Hindi pinatulog si Nenita sa mensahe ni King. Dahil sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata parang nariring niya ang katagang iyon na si King mismo ang nagsalita.

Ang inaalala niya ngayon ay kung paano umakto ng normal kapag kaharap niya ang lalaki lalo na kapag may iba silang kasama. Dahil sa mga nangyaring kababalaghan sa kanila wala siyang mukha na maihaharap kapag may ibang nakakaalam niyon.

"Bahala na" buntonghininga na himutok niya.

Buong oras wala siyang ibang inalala kundi kung kamusta na si Rona. Kumusta na ang mga kapatid niya dahil hanggang ngayon hindi parin siya kino-contact ni Ashly. Ipinapanalangin niya lang na sana huwag silang saktan ng kanilang ama.

Tatlong araw ang lumipas na walang balita sa mga kapatid. Alalang-alala na si Nenita. Kating-kati na ang mga paa niya na umuwi sa kanila o kaya ay puntahan eskwelahan ang kapatid.

Napakislot siya nang may mabigat na braso na pumatong sa kanyang balikat. Nang tingalain niya ito it was Enrico. Pakiramdam niya huminto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status