Share

Chapter 26

Wala ng dahilan pa para umiwas si Nenita.

Sinadya niyang iwasan ang lalaki, ang hindi ito pansinin at 'wag bigyan ng pagkakataon na magkausap sila dahil sa nangyari sa kanila noong nakaraang linggo. Gusto niya ring makapag-isip ng mabuti si King. Ayaw niyang magdesisyon ang lalaki ng basta-basta na hindi ito pinag-iisipan ng maayos.

Hindi rin naman siya papayag na hahantong sila sa kasal dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Sagrado ang kasal at hindi iyon laro na kapag ayaw mo na ay basta ka na lang titigil at kakalas. At isa pa, hindi naman siya mabubuntis kaya wala talagang rason para mag-isip si King na papakasalan siya.

"Net—"

"Kung uungkatin mo na naman iyong nangyari sa'tin, please lang wag mo na ako kausapin kahit kailan, " naubusan ng pasensya na usal ni Nenita at kusang kumalas sa yakap ni King. "Subukan mong banggit may kalalagyan ka," panakot niya pa.

"Sorry na—oy saan ka pupunta?"

Humabol si King sa kanya at hinawakan ito sa pulso. Sambakol ang mukha na nag angat ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status