Share

Chapter 4

Naging maayos ang paninirahan ni Nenita sa mansyon. Hindi niya naramdaman ang pagiging isang katulong. Kundi para siyang isang prinsesa na inaalagaan ng apat na prinsipe. Palagi siyang may pasalubong sa tatlong magkapatid kapag naka uwi ang mga ito. Mag damit, pagkain o kung ano pa man. Lalo na si Don Emmanuel na hindi nakakalimut na uwian siya ng mga paslaubong.

“Kailan ang birthday mo?” tanong sa kanya ni Ethan. “

Nasa theater room silang lahat habang nanonood ng palabas. Napagitnaan siya ng apat.

“Sa May 26.”

“Oh, next month na. Diba 18th birthday mo na iyon?” Javier said.

“So, ibig sabihin kailangan nating maghanda ng malaki at engrandeng birthday party?!” masayang usal ni Enrico na tila ay may naiisip nang magandang plano sa araw na iyon.

“Hindi naman kailangan na paghandaan,” pagtanggi ni Nenita. “Dalaga na ako sa araw na iyon. Pang bata lang ang party,” natatawa na dugtong niya.

Hindi naman talaga kailangan. Magulang niya nga hindi maalala ang special na araw na iyon. Tapos ang pamilyang ito ay gusto pa siyang bigyan ng engrandeng kaarawan. Sa tanang buhay niya hindi niya pa naranasan na batiin siya, ipaghanda siya sa araw na iyon, o bilhan man lang ng isang mamon para may mapaglagyan ng kandila na hihipan niya.

Minsan naisip niya, ampon lang ba siya kaya parang wala lang sa mga magulang niya sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan? Kaya naging normal na lang sa kanya ang araw na iyon sa buhay niya.

“Pero isang beses lang iyan mangyari sa buhay mo, hija.” wika ni Don Emmanuel.

Umiling siya sabay ngiti dito. “Eh, hindi na ho. Hindi ko naman naranasan na mag-celebrate nang kaarawan kaya hindi na importante sa akin iyon. Magsimba lang ako sa araw na iyon.”

Iyon ang kagawian niya sa tuwing sasapit ang kaniyang kaarawan. Dahil walang nakaalala sa araw na iyon kaya mag-isa siyang nagdidiwang. Sanay naman siya. Ngunit masakit sa kanyang kalooban na mabuti pa ang ibang tao binibigyan ng importansiya ang araw na iyon samantalang ang mga magulang niya ay hindi man lang iyon maalala.

Ngunit hindi nababagay sa kanya ang ganoong engrande na celebration. Dahil isa lang siyang muchacha na sampid sa pamilya. Sino ba siya para pag aksayahan ng pera para lang ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Hindi na nagpumilit pa ang tatlong magkapatid sa mangyari dahil hindi nila mapilit si Nenita. Nang makita ni Enrico ang pagiging malungkot ni Nenita, gusto niya itong yakapin. Ngunit pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang maramdaman ni Nenita na kinakaawaan siya.

Nang makita ni Javier ang butil ng luha na pumatak sa mga mata ni Nenita, nagkunwari itong walang alam at nakita. Nagkuwari itong nasa palabas ang atensyon ngunit naiiyak siya habang nakikita na malungkot at may pinapasan na problema ang dalaga.

Kapag kaharap sila nito isa siyang masayahin, maligalig, madaldal. Ngunit kapag siya nalang mag-isa doon lumalabas kung ano ang tunay niyang naramdaman.

Ilang beses na napakurap si Nenita. Hindi siya maka fucos sa palabas dahil sa naiisip. Iniyuko niya ang ulo ng mapagtanto na lumuluha na pala siya. Mariin siyang napapikit dahil ayaw niyang makita ng mga ito na umiiyak siya. Natatakot siya sa maaring sabihin ng mga ito at magtanong kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

Sa kanyang pag pikit, ilang sandali ang lumipas hindi niya namalayan na nakatulog na siya. Pinahiga siya ng maayos ni Enrico sa couch na kanyang inuupuan nang mapansin na nakatulog na si Nenita. Kinumutan niya rin ito.

“Ampunin nalang kaya natin siya?” biglaang sambit ni Enrico.

“Oo nga, dad. Bakit hindi nalang natin siya ampunin?” pag sang-ayon ni Ethan.

“Hindi natin siya pwedeng ampunin,” ani Don Emmanuel, malamlam ang mga mata na nakatingin kay Nenita.

“Bakit hindi pwede, dad? Tutal wala na naman siya sa pamilya niya. Sinasaktan pa siya ng tatay niya,” saad ni Javier.

“Dahil pamilya niya pa rin iyon. May mga magulang parin siya. Pwede niyo naman siyang ituring na kapatid, prinsesa. Pwede niyo rin siyang alagaan, proteksyonan, ipagtanggol sa lahat. Pero hindi ang kukunin siya sa kanyang totoong pamilya. We will wait the right time para maging isang Montefalco siya.”

Walang nagawa ang tatlong magkapatid sa naging desisyon ng kanilang ama. Hindi lang kase sila naaawa kay Nenita, kundi gusto nila itong maging kapatid nang sa ganon ay may babae na sila. Iyon rin ang gusto ni Don Emmanuel, dahil hindi sila biniyayaan ng babaeng anak nang asawa niyang si Debbie. Kaya hindi niya masisi ang kanyang mga anak ngayon kung bakit sabik sila at gustong ampunin si Nenita.

“Kung bakit kase ang bagal niyong gumawa ni mommy ng anak, e. Ayan tuloy puro barako kami. Wala man lang kahit isa na prinsesa,” reklamo na wika ni Javier.

“Bakit hindi nalang kayo magsiasawa nang sa ganon may maging prinsesa at prinsipe kayo? Hindi iyong dinadamay niyo pa ang mommy niyo,” naka dikuwatro ang paa na wika nito.

Tumahimik ang tatlong magkapatid. Kahit gustong gulpihin ni Ethan at Enrico ang kanilang kuya ngunit hindi nila ito magawa dahil narito ang kanilang ama. Ito ang pinaka ayaw na marinig nilang tatlo. Ang usapang asawa. Ngunit ang Kuya Javier nila ang dahilan bakit na ungkat na naman iyon ng kanilang ama.

“I wanted her to be my daughter, too. Dahil iyon ang gusto namin ng mommy niyo ang magkaroon ng babae kahit isa lang,” ani nito sa malungkot na tono. “Ngunit hindi lahat ay kaya kong ibigay sa inyo. Si Nenita lang ang maka desisyon kung ano ang gusto niya. Huwag natin samantalahin ang kanyang sitwasyon ngayon na wala siya sa kanilang pamilya.” tumayo siya at pinagtuturo ng kanyang tungkod na hawak ang mga anak. “Bantayan niyo yan,” aniya at lumabs ng theater room.

Nang makalabas si Don Emmanuel, inayos ni Enrico ang kumot ni Nenita pagkatapos ay humiga ito sa couch sa katabi ng babae. Si Ethan ay palundag na humiga rin sa kabilang couch sa tabi ni Nenita at ipinikit ang mata.

Umawang ang labi ni Javier nang makita ang dalawang kapatid sa tabi ni Nenita. Humihilik pa ang mga ito upang iparating na tulog na sila kahit bago palang sila nakapikit. Gusto niya pa sana itong pagsabihan ngunit napangiti nalang kalaunan.

KINABUKASAN, nagising si Nenita na parang may nakadagan sa kanya. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makahinga ng maayos dahil pati sa kanyang noo ay may nakapatong doon. Nang imulat niya ang kanyang mata, muntik na siyang mapatili sa nadatnan. Nasa theater room parin siya ngunit may katabi siya.

Si Enrico ay nasa kanyang kanan banda. Naka tanday ito sa arm set ng couch ngunit dahil matangkad siyang tao umabot ang paa nito sa binti ni Nenita. Sa kanyang kaliwa ay naroon si Ethan, pareho silang dalawa ni Enrico ng posisyon at humihilik pa. Alam na niya kung sino ang nasa kanyang uluhan na nakadagan ang braso nito sa kanyang noo.

Hindi niya alam kung paano gisingin ang magkapatid. Hindi rin siya makagalaw dahil balot na balot siya ng kumot na para bang isa siyang suman na binalot. Hindi niya rin maigalaw kahit kaunti ang paa dahil sa bigat ng dalawang paa na nakatanday doon.

Nakangiwi na lumingin siya nang bumukas ang pinto kasabay ang pagbukas ng ilaw. Natigilan si Don Emmanuel sa nakita. Nang mahimasmasan nagpatuloy siya sa pagpasok at huminto sa paanan ni Nenita.

Magsalita sana si Nenita ngunit dumausdos ang braso ni Javier pababa sa kanyang bibig, tuloy hindi siya makahinga ng maayos.

“Hija, huwag kang matakot, ha. May gagawin lang ako nang matauhan itong mga anak ko,” ani Don Emmanuel at may hinugot sa kanyang likuran.

Nanlaki ang mata ni Nenita at tila tinakasan ng dugo nang makita na baril iyon. Pakiramdam niya parang kulay papel na ang kanyang mukha nang itutok iyon ni Don Emmanuel sa kanya kasabay ang isang nakakabingi na putok ng baril.

Mabilis pa sa alas-kwatro na bumangon ang tatlong magkapatid. Muntik pang mahulog si Javier sa gulat. Si Ethan ay pasuray itong napatayo at si Enrico ay muntik ng masubsub sa sahig pagkabangon niya. Naalimpungatan ang mga ito sa putok ng baril. Habang si Nenita ay naroon sa higaan nakatulala kay Don Emmanuel at parang na trauma pa yata.

“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo kay, Nenita!?” umalingawngaw ang boses ni Don Emmanuel sa loob ng room.

Mabilis na dinaluhan ng magkapatid si Nenita at tinulungan na kalasin ito sa nakabalot na kumot nang maalala ang dalaga. Inalalayan nila itong maupo ngunit hindi parin nawala ang kaba na kanyang naramdaman.

“Anong oras na hindi pa kayo nagising? Bumaba na kayo at maghanda ng makakain!”

Mabilis na tumalima paalis ang tatlo. Nakalimutan pa nilang isama si Nenita sa takot nila sa kanilang ama. Gustuhin man ni Nenita na sumunod hindi niya kayang tumayo. Namamanhid ang mga binti niya. Ngayon niya lang rin napansin na nanginginig pala siya.

Lumapit sa kanya si Don Emmanuel at umupo sa kanyang tabi. “Pagpasensiyahan mo ako, natakakot kita. Dapat mo na yata na sanayin ang sarili mo sa ganitong sitwasyon at baka mapapadalas ang pagsayang ko ng bala,” pagbibiro na wika nito.

Hindi magawang sumagot ni Nenita. Hindi niya kase alam kung ano ang irereact niya dahil halata naman na natakot siya at na trauma kahit pa sinabi ni Don Emmaneul na para iyon sa mga anak niya. Akala niya kase kanina ay sa kanya iyon iputok ng Don. Sa kanyang pagkagulat na makita ang baril hindi niya alam kung saan o kung ano ang nataan ni Don Emmanuel kanina.

Dapat nga siguro na sanayin na niya ang sarili sa ganitong biglaan na pangyayari. Healthy naman ang katawan niya lalo na ang puso niya, ngunit kung palagi itong mangyayari ay baka bigla nalang siyang humandusay sa sahig sa biglaang pamumutla.

Sa mga sumunod na araw ay ganoon parin ang takbo ng buhay ni Nenita kasama ang pamilyang Montefalco. Masaya, kontento, maginhawa. Ngunit hindi niya parin maikaila na namimiss niya ang kanyang pamilya. Kaya nang matanggap niya ang kanyang sahod galing kay Don Emmanuel, nagpasya siyang umuwi muna siya sa kanila.

“Hindi sana malaman ito ng mga anak ko,” ani Don Emmanuel nang huminto ang sasakyan nito sa bukana ng maliit na daan papasok sa tahanan nila Nenita.

Nagpumilit kase ang matanda na ihatid siya nang sa ganon mapanatag ang kanyang loob at hindi magtaka ang kanyang mga anak kung hindi nila madatnan si Nenita sa mansyon.

“Alam mo naman kung gaano sila ka protective sayo lalo na sa ginawa ng ama mo.”

“Opo, Don Emmanuel. Naintindihan ko po. Huwag ho kayong mag-aala hindi ako magpapakita sa kanya. Mag aabot lang ako ng pera sa mga kapatid ko.”

“Mag-ingat ka. Ako na ang bahala sa mga anak ko kapag hinanap ka nila.”

Inabutan pa siya ni Don Emmanuell ng extra money nang makababa siya ng sasakyan. Nakangiti na kumaway siya sa matanda bago tumalikod pauwi sa kanilang tahanan. Tahanan na hindi tahanan ang turing sa kanya.

"NAGAWA mo na ba ang pinapautos ko? " tanong lalaki ng batang babae.

Nakayuko ang ulo, natatakot na umiling siya. "H-hindi pa ho. Hindi ako maka tiyempo dahil naroon sila palagi. "

Mariin siyang napalunok nang marahas na hablutin ng lalaki ang kanyang braso "Sa susunod, wag kang umuwi rito kung wala ka namang magandang balita na sasabihin sa akin! Walang silbi! Simpleng utos lang hindi mo pa magawa!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status