Share

Chapter 1

Nag-aagaw ang dilim at liwanag sa kalangitan at may isang batang babae na habol ang kanyang hininga at paika-ika na tumatakbo sa tahimik na kalsada. Panay ang tingin nito sa kanyang likuran na animo may kinakatakuan roon na nilalang na humahabol sa kanya.

Bawat bahay na kanyang mararaan kinakalabog nito ang gate upang makahingi ng tulong. Ngunit sa kasamaang palad ni isa roon walang nagbukas ng pinto sa kanya. Napanghinaan na siya ng loob pero hindi parin siya sumuko.

Malakas na sunod-sunod na kalabog mula sa bakal na gate ang gumulat sa tatlong magkapatid na lalaki na masayang nagkukwentuhan. Noong una binalewala nila iyon sa pag-aakalang pinagtitripan lang ng mga batang dumaraan ang gate nila. Ngunit nang sumunod na sandali, sa muling paglagabog may tinig ng isang babae na itong kasama at tila ito ay nangangailangan ng tulong.

"Tao po!"

Nanginginig bakas ng kanyang pag-iyak na sambit ng babae sabay p****k ulit sa bakal na gate. Nanghihina na siya. Kung tatakbo pa siya at maghahanap ng bahay na maaring makatulong sa kanya baka babagsak na siya sa daan.

"May bisita ba kayong inaasahan? " kunot-noo na tanong ni Don Emmanuel sa kanyang mga anak. Sabay na umiling ang tatlo at sabay ring tumayo upang tingnan kung sino ang tao sa labas ng kanilang bahay.

Nabuhayan ng loob ang batang babae nang lumagitgit ang gate at unti-unti iyong bumukas. Tulala siyang napatingala sa tatlong gwapong lalaki na nasa kanyang harapan. Pakiramdam niya mga anghel ito na bumaba sa kalangitan upang siya ay iligtas sa kapahamakan.

"Ano ang kailangan mo, hija? At bakit ganyan ang hitsura mo? " usisa ni Don Emmanuel nang makita ang buong kalagayan ng babae.

Doon lang siya natinag at ibinaling sa kaliwa ang tingin kung saan naroon si Don Emmanuel.

Mariing napalunok ang batang babae bago nagsalita. "Maari ho ba akong mamasukan bilang katulong rito sa bahay niyo? "

"Paumanhin ngunit hindi kami naghahanap ng katulong, " kaswal na sagot ni Javier ang panganay na anak ni Don Emmanuel habang sinisiyasat ang kabuuan ng babae.

Napayuko ang batang babae sa sinagot sa kanya ni Javier. Iyon palang ang salitang narinig niya nawalan na siya ng pag-asa.

"Hindi kami tumatanggap ng katulong, hija. " usal ni Don Emmanuel. "Lalo na sa isang tulad mo na sa tingin ko ay isa kang minor de edad."

"We don't need a maid. But we can help you right now, " mahinahon na wika ni Ethan naaawa sa batang babae.

"Maari ba naming malaman kung ano ang nangyari sayo? " ulit na tanong ni Don Emmanuel. "Bakit parang takot na takot ka at nanghihina? Marumi rin ang kasuutan mo at basa ka pa ng pawis. "

Namumuo ang mga luha sa mata na muling umangat ng mukha ang babae. "L-lumayas ako sa amin.. Natatakot ako sa tatay ko kaya... " napasinghap sa gulat ang mag-ama nang lumuhod ang babae, luhaan ang mga mata na tumingala sa kanila. "Nakikiusap ho ako... Sinasaktan ako ng tatay ko gusto ko ng makalaya sa amin, " umiiyak na pagmamakaawa ng batang babae. "K-kanina pa ako kumakatok sa mga kabahayan rito nagbabakasali na pagbuksan nila ako at tulungan, " dismayado na umiling ang babae "pero isa sa kanila walang nagbukas... Kaya nagmamakaawa ako sa inyo-",

Mabilis na lumapit si Enrico sa kanya at inalalayan na tumayo. " Hindi mo kailangan magmakaawa, "aniya at kinuha ang bag pack na bitbit nito. "Dad.. " nakikiusap ang boses na tawag niya sa kanyang ama.

"Halika sa loob, " ani Don Emmanuel. "Sa tingin ko ikaw ay gutom na at nauuhaw, " nakangiti na wika nito at sininyasan ang mga anak na alalayan ang batang babae na pumasok sa kanilang tahanan.

Bago tuluyang pumasok sa loob ng tahanan ang batang babae, lumingon siya sa kanyang pinanggalingan at nakita niya ang isang matandang lalaki na nakatayo sa ilalim ng sinag ng ilaw na nagmumula sa poste ng kuryente. At ang matandang lalaki na iyon ay ang kanyang... Ama.

Nang makapasok sila s loob ng mansyon, ipinaghain siya ng tatlong magkapatid ng hapunan. Akala niya siya lang mag-isa na kakain ng mga iyon ngunit nagulat siya ng dulumog rin sa hapag ang mga ito at si Don Emmanuel upang siya ay samahan na maghapunan.

Nahihiya siya. Hindi siya makakilos ng maayos upang subuan ang sarili sa samo't saring emosyon na naramdaman. Ngunit nangingibabaw ang tuwa dahil sa wakas may mabuting tao rin na siya ay pinatuloy sa kanilang tahanan.

Habang kumakain kinakausap siya ng buong pamilya at nagtatanong na rin tungkol sa kanyang pagkatao na sinagot niya rin ito ng walang pag-alinlangan.

"Ang pangalan ko po ay Nenita Quiniones. Ah, seventeen ho ang edad ko, " magalang na sagot niya rito.

"Kung hindi mo masamain, pwede ba namin malaman kung bakit sinasaktan ka ng tatay mo at kung bakit humantong ka sa paglalayas sa bahay niyo? " maingat na tanong ni Ethan sa kanya.

Mariing napalunok si Nenita bago sumagot. "A-araw-araw niya ako sinasaktan sa tuwing uuwi ako galing eskwela... Ayaw niyang nag-aaral ako dahil dagdag raw sa gastosin namin. At saka kapag naka inom siya ng alak nakakatakot siya. Kaya ako lumayas sa amin dahil baka sa sunod na malasing siya mapatay niya ako. "

Naawa si Don Emmanuel kay Nenita. Bilang isang ama masakit para sa kanya na marinig sa isang musmos na bata na sinasaktan ito ng kanyang magulang. He maybe a ruthless husband before ngunit kahit isang dapo ng palad niya sa puwet ng kanyang mga anak para paluin ang mga ito never niyang nagawa.

"Kung iyan ang dinaranas mo sa bahay niyo araw-araw maigi nga ay dumito ka, " ani Don Emmanuel na ikinatigil ni Nenita. "Wag kang mag-alala dahil sa pamamahay na ito ay ligtas ka. Walang mananakit sayo dito. Walang may gagawa ng masama sayo rito."

"You can leave here anytime you want, " kibit-balikat na saad rin ni Enrico at patay malisya na nagpatuloy sa pagkain.

"Yeah. Since matagal na rin na walang babae sa pamamahay na ito much better kung dumito ka nga, " sabat ni Ethan.

"Kailangan mo ng bahay na masilungan, you're welcome here. Hindi lang masilungan ang ibibigay namin sayo kundi tiyakin rin namin ang kaligtasan mo lalo na sa iyong ama, " wika ni Javier at masuyo siya nitong nginitian.

"S-salamat ho sa pagtanggap niyo sa akin, " lumuluha sa tuwa na usal ni Nenita. "Pangako, hindi ako maging pabigat at sakit sa ulo. Gagawa rin ako ng trabaho kahit itong buong mansyon niyo pa ang lilinisin ko buong araw. "

Nakangiti na marahang umiling si Don Emmanuel. "Malaya ka kung ano ang gawin mo dito sa bahay namin. Welcome to Montefalco family, Nenita."

"Maraming salamat ho. "

Buong puso na nagpapasalamat si Nenita na mayroon pang mabuting tao na kagaya nila na walang atubiling tinanggap siya at tinulungan. Kung nagkataon na walang bahay na nagbukas sa kanya hindi niya alam kung ano ang kahinatnan niya ngayon.

Sa ngayon, nais niyang ipakita sa pamilyang ito ang totoong kalagayan niya. Na hindi lang siya nagpapaawa o gumagawa ng kwento. Maging mabuti upang pagkatiwalaan siya ng mga ito at hindi siya paalisin sa kanilang pamamahay.

——————

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status