Share

Chapter 2

Nanibago man pinilit ni Nenita na maging pormal sa harap ng mag-ama. Tapos na silang maghapunan at ngayon dessert naman ang nakahain sa mesa. Hindi siya pamilyar sa pagkain ngunit nagustuhan niya ang lasa. Napansin iyon ni Enrico kaya nilagyan niya ulit ang platito ni Nenita.

"Salamat po, " nahihiya na wika niya sa maliit na boses.

"Marami pa iyan sa ref, wag kang mahiya na kumain, " kaswal na saad ni Enrico sabay ngiti sa kanya.

Napayuko si Nenita upang itago ang mukha nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Kaagad niya ring sinaway ang sarili dahil baka makita nila iyon.

"Mga gamit mo ba ang laman riyan sa bag mo? " tanong ni Ethan.

Nag angat ng mukha si Nenita kay Ethan. "O-opo."

"Ang liit ng bag mo, siguro kaunti lang iyang dala mo, " komento ni Javier.

"A, opo. Kaunti lang po. "

Malakas na sabay napabuga ng hangin sina Javier at Ethan na ipinagtaka ni Nenita at the same time ay kinabahan.

"Magpahinga ka ng maaga, shopping tayo bukas, " nakangiti na sambit ni Ethan.

"Maduga ka! Ako ang unang naka-isip! " si Javier.

"Pero ako ang unang nag-aya, " kibit-balikat na sagot naman ni Ethan.

"Kahit na! Ako ang kuya. "

"Oh, so ano ngayon? "

"Sa akin siya sasama. "

Pabalik-balik ang tingin ni Nenita sa dalawang lalake na nagtatalo sa kanyang harapan. Hindi niya sukat akalain na magtatalo ang dalawa dahil sa kanya. Hindi rin siya makasagot dahil wala rin siyang mahagilap na sasabihin.

"Paunahan nalang tayo bukas kung sino ang mauna, " paghamon ni Ethan.

"Deal, " buong kompiyansa na sagot no Javier.

Si Don Emmanuel ay tahimik sa isang tabi na nakikinig sa dalawang anak. Natutuwa siya para rito dahil hindi iba ang turing nila kay Nenita kahit pa ngayon lang nila ito nakita at hindi pa lubos na kilala.

Napailing si Don Emmanuel upang iwaksi sa isipan ang namayapang asawa. Kung buhay pa ang kanyang asawa, siguro makipagtalo rin siya sa mga anak sa oras at atensyon sa asawa. Lalo na sa kanilang bunso na si Enrico na buntot ni Debbie. Kung saan ang ina naroon rin ito nakalambitin.

Tumayo si Enrico at hinigit patayo si Nenita sa dinning table na ikinalaki ng mga mata ng dalawa niyang kuya.

"Ihatid kita sa kwarto mo, " aniya sa nakatulala na babae.

Nabaling ang tingin ni Nenita nang may lumagabog. Umawang ang kanyang labi nang makitang nag-uunahan sa pagtayo si Ethan at Javier mula sa pagkasalampak sa sahig. Tatanungin niya sana ito nang hilahin siya muli ni Enrico.

"Isa ka pang maduga! " nagmadali na tumakbo si Javier kung saan nakalapag ang bag ni Nenita at mabilis iyon dinampot.

Dahil walang ibang gamit si Nenita, ang medical kit ang hinablot ni Ethan at nagmadali na sumunod rito.

"Akala niyo kayo lang a! " patakbo na sigaw nito.

Tumayo na rin si Don Emmanuel at sumunod sa mga anak na nagtatalo. Pinagtatalunan ang batang babae na bagong salta sa kanilang bahay.

"Iyong hugasin wag niyong kalimutan, " saad ni Don Emmanuel. "Kundi kayo ang itapon ko palabas. "

Nagtutulakan si Javier at Ethan kung sino ang mauna na pumasok sa maging kwarto ni Nenita at kung sino sa kanilang tatlo ang maghugas ng mga hugasin. Sa huli sabay silang nangudngod sa sahig sa pagtutulakan.

"Ayos lang po kayo? " nanlaki ang mata na tanong ni Nenita sa dalawang lalake na nasa sahig.

Hilaw na tumawa ang dalawa. "Ayos lang kami, " si Javier ang sumagot.

Si Enrico ay tahimik lang na inaayos ang higaan. Malinis naman ang kwarto kaya kaunting pagpag lang ang ginawa niya.

"May sariling cr dito kaya hindi mo na kailangan lumabas, " wika ni Enrico.

"May toiletries rin, " sabat ni Ethan.

Binatukan ni Javier si Ethan. "Bakit ayaw mo magpatalo? Sino ba ang kuya rito, ha? "

Napailing nalang si Enrico. "Iwan ka na namin rito. Magbanlaw ka muna bago mo gamutin ang mga sugat mo. "

"O-opo salamat. "

Kung hindi pa tinulak ni Enrico ang dalawang kuya ay hindi pa ito lalabas sa kwarto ni Nenita. Hanggang sa pagligpit ng pinagkainan at paghugas dito ay nagtatalo silang tatalo bagay na araw-araw na nangyayari sa kanilang buhay.

Marahanh umupo si Nenita sa malambot na kama. Hilam ang mata na sinuyod niya ng tingin ang maging kwarto niya. Ang laki niyon. Parang kasing laki ng bahay nila.

May mesa, may sariling tv, may cabinet at sariling cr pa. Kulay puti ang pader, sa mga sulok nito ay kulay gold na maaliwalas sa mata tingnan. Nang hawiin niya ang mataas na kurtina, namamangha na lumapit siya full length glass wall kung saan makikita ang malapad na lupain na sinasakupan ng buong mansyon.

Kahit madilim na ang liwanag parin sa labas sa dami ng mga ilaw sa paligid. Kung malawak roon sa harapan ng bahay, hindi hamak na mas malawak rito sa kinaroroonan niya.. Hindi niya alam kung nasa likod ng bahay ba ito banda o kung aling parte ito ng mansyon.

Isang katok ang pumukaw sa kanyang pagkatulala sa ganda ng paligid. Kasunod ang boses ni Don Emmanuel. Mabilis niyang tinungo ang pinto at pinagbuksan ang matanda.

May ngiti sa labi na inabot ni Don Emmanuel ang magkapares na tsinelas. "Para hindi lamigin ang paa mo. "

Tinanggap iyon ni Nenita. "Salamat po. "

"Gamutin mo muna ang sarili mo bago matulog. "

"Opo."

"Huwag kang mahiya na magsabi kung may kailangan ka, " ani Don Emmanuel bago umalis.

Nang wala na ang matanda inasikaso ni Nenita ang sarili. Nahihiya siyang mahiga sa kama na marumi ang katawan dahil baka madumihan ang higaan niya.

Masarap sa kanyang pakiramdam nang lumapat ang kanyang likod sa malambot na kama. Sa buong buhay niya ngayon lang niya ito naranasan dahil sa kanila banig ang kanilang gamit na pangsapin sa kawayan na sahig.

Nakaramdam siya ng ginaw kaya binalot niya ng puting kumot ang sarili. Pakiramdam niya nasa alapaap siya sa lambot at bango ng kanyang higaan.

Ilang minuto ang nakalipas ay ginupo siya ng antok dala sa pagod sa pagtakbo niya kanina. Nakakatulong rin ang malamig na paligid at malambot na higaan para siya ay makatulog agad.

Nagising siya sa sunod-sunod na katok. Muntik pa siyang mapasigaw sa takot at kaba nang hindi pamilyar sa kanyang paningin ang silid na pinagmulatan niya. Sa sumunod na katok ay mabilis siyang umalis sa kama at inayos ito bago tinakbo ang pintuan.

"Hi, good morning. "

Pakiramdam niya nanuyo ang kanyang lalamunan nang pagbuksan niya si Enrico. Bagong ligo ito dahil nanuot kaagad sa ilong ni Nenita ang shampoo na ginamit rito. Naka plain black t-shirt at maong pants ito at mukhang may lakad.

"G-good morning po. Sorry, tinanghali ako ng gising, " nahihiya na paumanhin ni Nenita.

"No, it's okay, " nakangiti na saad ni Enrico. "Fixed your self, may pupuntahan tayo, " aniya at siya na ang nagsara ng pinto.

Nang mahimasmasan si Nenita, kaagad itong nanakbo sa banyo at mabilis na naligo.

Wala siyang mapili kung ano ang susuotin na damit dahil puro pambahay at luma na ang mga damit na dala niya.

Nang makarinig ng katok, sweatpants na kupas na ang kulay ang pinili niya at kupas rin na damit.

"Pumili pa ako, kupas naman lahat, " himutok niya at tinungo ang pinto.

"Tara na, " wika ni Enrico nang lumabas siya.

Ang akala niya ay tuturuan siya ng lalaki sa kanyang gawain rito sa bahay, ngunit nagtaka siya nang lumabas sila ng bahay at tinungo ang mga nakaparada na mga sasakyan.

Hindi siya pamilyar sa mga sasakyan ngunit minsan na niya itong nakita sa telebisyon at alam niyang mahal ito.

"Saan po tayo pupunta? " hindi napigilan na tanong ni Nenita nang pagbuksan siya ni Enrico ng pinto ng sasakyan.

"We will buy your needs, " iyon lang ang sagot ni Enrico at inilalayan siyang pumasok sa loobng sasakyan.

Ibig sabihin hindi sila nagbibiro kagabi na bilhan siya ng mga kagamitan. Ngunit bakit sila lang dalawa?

"Nasaan po sila sir... " hindi natuloy ni Nenita ang sasabihin dahil nakalimutan niya ang pangalan ng dalawang magkapatid.

"Tulog pa sina Kuya Javier at Kuya Ethan, " aniya at minaubra ang sasakyan pa alis.

Naalala na ni Nenita, nagpaunahan pala ang mga ito kagabi kung sino ang unang mag aya sa kanya na mag shopping.

Ibinaling ni Nenita ang tingin sa labas nang makaramdam ng init sa magkabilang pisngi. Ito na ang ikalawang pagkakataon na naramdaman niya ito kay Enrico.

"Kailangan po ba talaga na bibili ako? " tanong ulit ni Nenita ngunit sa labas parin ang tingin.

"Bakit naman hindi? " balik tanong sa kanya ni Enrico.

"Kase po diba? " alanganin na tumingin siya rito.

Pakiramdam ni Nenita nanigas ang kanyang buong katawan nang guluhin ni Enrico ang kanyang buhok.

"Kahit nga siguro suklay wala ka, e. Tingnan mo nga iyang buhok mo ang gulo, " natatawa na wika ni Enrico. Ngunit tawa na hindi nang aasar at nang iinsulto.

Napayuko sa hiya na inayos ni Nenita ang buhok. Totoo na wala siyang suklay na dala. Kahit sipilyo ay wala rin. Mabuti nalang at kompleto ang toiletries doon sa kwarto niya may nagamit siya kanina.

"May blower doon pangtuyo sa buhok. Pag uwi natin mamaya tuturuan kita paano iyon gamitin. "

Nakarating sila sa mall na tahimik si Nenita. Nakasunod lang siya sa likod ni Enrico natatakot na malingat sa binata dahil baka mawala siya. Sa hirap kase ng kanilang buhay ito palang ang unang pagkakaton na nakatungtong si Nenita sa loob ng mall. Ngayon lang rin niya nasilayan ang hitsura ng siyudad.

Napapitlag siya nang umakbay sa kanya si Enrico. Ngunit hindi niya iyon pinahalata at umakto nalang ng normal.

"Mag almusal muna tayo, " saad ni Enrico at dumiretso sa escalator paakyat sa taas.

Napansin ni Enrico na parang wala pang karanasan ni Nenita sa mga bagay-bagay kaya pasimple niya itong inalalayan na humakbang. Muntik pa sana itong matumba kung hindi lang naka akbay si E Enrico sa kanya.

"Sorry, sir, ngayon lang kase ako nakapasok dito at ngayon ko lang ito naranasan, " mangiyak-ngiyak sa hiya na pag amin ni Nenita.

"It's fine. Ngayon naranasan mo na, " aniya sabay ngiti rito.

Hanggang makarating sila sa food court naka akbay parin si Enrico sa kanya. Maaga pa kaya walang masyadong tao. Nahihiya man ay inignora iyon ni Nenita kahit na pinagtitinginan siya ng mga taong narito. Nahihiya na inayos nalang siya ang kanyang buhok.

Si Enrico na ang nag order. Dalawang fried chicken, dalawang chopsoy, at dalawang menudo ang inorder niya. Pagkalapag niya bumalik siya ulit upang kunin ang dessert at water.

"Kain na."

Nahihiya man ay kumain nalang rin siya. Tig iisang order sila. Kahit busog na ay pinili parin na ubusin iyon ni Nenita. Sino ba siya para magsayang ng pagkain ngayong isa siya sa maraming tao na kabilang sa isang kahig isang tuka na pamumuhay.

Nang matapos silang kumain dumiretso na sila sa department store. Katulong niya si Enrico sa pagpili ng bibilhin niya dahil kung siya lang, tig isang piraso at mumurahin lang ang pipiliin niya. Wala naman kase siyang pera.

“Sir, tama na po 'to. "

"Kaunti palang yan, pili ka pa. Sandals, shoes, dress, bag—"

"Aanhin ko naman po iyan sa loob ng bahay? "

Nagkibit-balikat lang si Enrico at nagkuha ng mga iyon at pinasukat sa kanya. Lahat ng natipuhan niya kinukuha niya at ipapasukat kay Nenita. Hindi na tuloy alam ni Nenita kung paano itago ang pamumula ng mukha dala sa kilig at nahihiya na naramdaman habang sinusukatan siya ni Enrico ng mga sapin sa paa.

"YOU! "

Nanlaki ang mata at umawang ang labi ni Nenita nang maulinigan ang pamilyar na boses iyon. Paglingon niya, humahangos ang dalawang lalaki at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya. Kahit malamig ang loob ng mall pinagpawisan sila. Napatingin tuloy sa kanila ang ibang mga tao lalo na ang mga sales lady at nagsinghapan nang pagtulungan nilang dalawa si Enrico.

"Hindi ka patas lumaban! " si Javier, nakaipit sa kanyang braso ang leeg ni Enrico habang si Ethan kinakaltukan sa ulo si Enrico.

"Kasalanan ko ba kung ang tagal niyong magising?" nahihirapan na wika ni Enrico.

May nagbubulangan ngunit walang nangahas na umawat. Kahit mga guwardiya ay nakatingin lang ito na parang normal lang na nangyayari rito ang bagay na ito.

Nabahala si Nenita dahil baka makarating ito sa may ari at baka tumawag pa ng pulis dahil nagdudulot sila ng gulo.

Gusto niya itong awatin, patigilin ngunit hindi niya maibuka ang bibig sa labis na pagkagulat sa ginawa ng magkapatid.

"Kuya, awatin niyo kaya sila. " wika ni Nenita sa guwardiya.

Natatakot rin kasi siya na baka makarating ito kay Don Emmanuel. Siya ang mananagot dahil siya ang dahilan bakit nagkaganito sila dito ngayon. Baka mawalan kaagad siya ng trabaho ni hindi pa siya nakapagsimula. Naiiyak na siya sa takot at kaba dahil dumami ang mga taong napahinto upang tingnan sila.

"Anak sila ng may-ari dito, ma'am . At sanay na kami sa kanilang tatlo kapag nagagawi sila rito. Minsan nga mas malala pa ang ginawa nila yan dito. "

Salita na mas hindi inaasahan ni Nenita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status