Share

2. She Left Her Home

TRIDA'S POV

"Damay mo kami, Trids!" pahabol ni Matthew pero hindi na lang ako kumibo.

Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Ivy sa upuan niya at saka ako nilapitan. "Ano'ng maitutulong ko?"

"Pabalat at pahiwa 'yong sibuyas at bawang." Inabot ko sa kaniya 'yong kutsilyo pero nagulat siya at napaatras dahil naitutok ko pala sa kaniya 'yon. "Sorry," sabi ko, 'tsaka ko inayos ang pag-abot. Akala niya siguro sasaksakin ko siya.

Sinimulan ko nang i-prepare ang ibang kailangan ko sa pagluluto ng adobo. Habang 'yong apat na lalaki nasa dining table, nagbabardagulan at naghihintay na naman ng ayudang ulam galing sa 'kin.

"Trida, bakit pinaiyak mo 'yang bago mong roommate?" tanong ni Matthew. Nilingon ko naman si Ivy at nakita kong tumutulo nga ang luha niya—habang naghihiwa ng sibuyas. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigil ko na lang muna dahil bigla akong naawa.

***

Magkasama kami ni Ivy na kumakain, 'yong apat naman nasa kabilang table. Binigyan ko na sila ng ulam dahil napadami na rin naman 'yong niluto ko. Isa pa, may ambag dito 'yong bestfriend ko—si Zee. Sa kaniya kasi galing 'yong pera na ipinamili ko. I mean, hiniram ko sa kaniya.

"Sarap talaga nang luto mo Trida, p'wede ka na mag-asawa!" Nag-angat ng tingin si Matthew at nag-thumbs up pa sa 'kin.

"Kung mag-aasawa ako para lang maging tagaluto, 'di bale na lang. Baka lasunin ko pa s'ya!" umirap ako sabay subo sa pagkain na nasa kutsara. Kunwari namang nasamid si Haze dahil sa sinabi ko. Binaling ko 'yong tingin ko kay Ivy dahil napansin kong sumisinghot-singhot pa rin siya dahil sa pag-iyak niya kanina sa sibuyas.

"Grabe naman 'yang mata mo. Sibuyas pa lang 'yan pero umiiyak ka na? Pa'no pa kaya 'pag nagka-jowa ka tapos nag-break kayo?" seryoso kong sabi sa kaniya.

Hindi siya sumagot kaya si Haze ang bumanat. "Ibig sabihin umiyak ka no'ng nag-break tayo?" he teased.

Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. "Oo naman. Tears of joy!" Ngumisi ako.

Medyo natawa 'yong mga kasama niya habang nakikinig sa 'min. Pero agad siyang bumawi. "Para namang hindi ka nag-I love you at I miss you sa 'kin no'n tuwing magkausap tayo sa hating-gabi."

"Kailan 'yon? 'Di ko maalala," palusot ko.

"'Yon ang mga panahon na mahal na mahal mo 'ko. Na pati sa panaginip mo ako 'yong nakikita mo," he said, giving me a playful smirked.

"Ah, kaya pala madalas akong bangungutin noon!" I shot back.

"Bangungot? E, hindi ka nga no'n nakakatulog hangga't hindi mo 'ko nakakausap!" He laughed.

"Bakit, ikaw rin naman, ah!" Nagsimula nang kumulo ang dugo ko. "Hindi ka rin nakakatulog no'n hanggat hindi ko sinasagot ang tawag mo!"

"Kaya nga buti na lang break na tayo. At least ngayon nakakatulog na 'ko nang maayos at mahimbing." Ngumisi ulit siya na lalo kong ikinainis.

"Ay wow! Shoutout naman sa'yo no'ng sinabi mong ikamamatay mo kapag nawala ako! Ano na! Matagal pa ba! Kapeng-kape na 'ko!" ganti ko sa kaniya. Hindi nakasagot si Haze. 'Yong apat naman halatang nagpipigil nang tawa. Narinig ko rin si Ivy na natawa nang mahina kaya nilingon ko siya. "Oh, marunong ka pa lang tumawa?"

"Baka kainin mo 'yang mga sinasabi mo at magsisi ka kapag wala ka nang nakitang tulad ko?" balik ni Haze sa 'kin kaya binalik ko ang tingin sa kaniya.

"Kung wala na 'kong makikitang tulad mo... THANKS GOD! I'M RELIEVED!"

"Bakit no'ng kayo pa ang tahimik ng mundo? Magbalikan na nga lang kayo!" sita ni Kayden sa 'min.

"Kung may babalikan man ako, 'yon ang time na hindi ko pa siya nakikilala!" sagot ko sabay irap kay Haze.

"Ako naman, kung may babalikan ako, 'yon ang panahon na nililigawan mo pa 'ko. Para binasted na lang sana kita." Humalakhak siya nang malakas kaya lalo akong nairita. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. Inagaw ko 'yong kutsara na isusubo na sana niya pati ang plato niya. "Teka hindi pa 'ko tapos!"

Hindi ko siya pinakinggan at diretso kong nilagay sa sink 'yong plato niya. "Hindi mo deserved kumain!" inis kong sabi. Nawalan na rin ako ng gana kaya niligpit ko na 'yong pinagkainan ko 'tsaka ako bumaling kay Ivy. "Sumunod ka na lang sa taas pagkatapos mong kumain. 'Wag mong huhugasan 'yong pinagkainan mo. Hayaan mong si Haze ang lumandi sa mga plato." Hindi ko na siya hinintay makasagot at agad na 'kong umalis.

IVY'S POV

Pagkatapos kong kumain, tumayo ako para hugasan 'yong sarili kong pinagkainan. "Iwan mo na lang 'yan, si Haze na bahala d'yan," sabi ng isang lalaki sa 'kin na sa pagkakatanda ko, Matthew ang pangalan.

"Okay lang, kaya ko na 'to." Isa lang naman, e. Dugtong ko pa sa isip ko. Nahihiya akong pahugasan pa 'yong pinagkainan ko dahil hindi ko pa naman sila kilala.

"Talaga? Kung gano'n..." lumapit sa 'kin si Matthew sabay lagay ng pinagkainan niya sa sink, "pakidamay mo na rin 'to." Ngumiti siya at tinapik pa 'yong braso ko bago umalis.

Sumunod na rin lumapit 'yong Zee ang pangalan, at nilagay rin sa sink 'yong pinagkainan niya. "Ito rin." Ngumiti siya bago umalis.

"Tapos na rin ako," sabi no'ng Kayden at inihabol din ang plato niya.

Sunod namang lumapit si Haze habang nakangiti sa 'kin. "Thank you, Ivy. You saved me!" Umalis na rin siya matapos niyang iwan sa 'kin ang plato niya. Napatulala naman ako habang nakatitig sa mga platong nagmamakaawa na kuskusin ko na sila.

Pagkatapos kong hugasan lahat, umakyat na 'ko sa 3rd floor. Pumasok ako sa kwarto at naabutan ko si Trida na nakahiga at tahimik. 'Di ako sanay.

Hindi na lang din ako kumibo. Umupo ako sa bed ko na katapat lang nang kaniya at inayos ko ang bag ko na gagamitin bukas sa school.

"Ivy?" Lumingon ako sa kaniya nang tawagin niya 'ko. "Hindi mo ba 'ko tatanungin kung bakit kami nag-break?" tanong niya sa 'kin. Umiling naman ako kaya bigla siyang sumimangot. "Ano ba 'yan ang boring mo naman kausap! Para kang engkantong nagpapanggap lang na tao!" Bumalik na ulit siya sa paghiga at tinakip ang kumot sa mukha.

TRIDA'S POV

Nakadapa ako at nakasubsob sa bed ko habang 'yong unan ko nakataklob ko sa ulo ko. 10:30pm na pero hindi pa rin ako makatulog. Kung kailan ko gusto ng katahimikan, do'n naman umaatake 'tong si Ivy. Hindi ako makatulog dahil sa hilik niya. Tahimik nga siya 'pag gising pero halimaw naman kapag tulog!

Bumangon ako at sinindihan ang ilaw. Tiningnan ko siya, nakakanganga pa. Paano 'ko makakatulog ngayon? Hindi pa naman ako sanay na may naghihilik. Lagyan ko kaya ng tape ang bibig niya? Umiling ako. That's a bad idea. 'Di naman ako gano'n kasama.

Nilapitan ko siya at kinuha ko 'yong isang unan sa gilid niya. Ipinatong ko 'yon sa mukha niya para kahit papa'no mapigil at humina 'yong paghihilik niya.

Bumalik na ulit ako sa bed ko at nahiga. Kaso ilang minuto pa lang ang lumilipas, lumakas na naman 'yong hilik niya. Nilingon ko siya at nakita kong nakalaglag na 'yong unan na itinakip ko sa mukha niya. Sinubukan kong hindi na lang pansinin ang paghilik niya pero hindi ko talaga kaya.

Bumangon ako at piniga ko 'yong ilong niya para hindi siya makahinga. At successful naman 'yong ginawa ko dahil no'ng hindi siya makahinga gamit ang ilong, medyo gumalaw siya at umikom 'yong bibig. Natigil na rin siya sa paghilik kaya bumalik na ulit ako sa bed ko at nahiga na para matulog.

Pero wala pa yatang sampong minuto kong naipipikit ang mata ko nang magulantang ako sa bigla na naman niyang paghilik. Hindi ko na alam gagawin ko!

IVY'S POV

Bumangon ako at nag-stretch ng kamay habang naghihikab. Ang sarap nang tulog ko. Bumaling ako kay Trida at— "Ay kalbo!" Napalakas ang boses ko sa gulat sa kaniya. Nakaupo siya sa gilid ng bed niya at nakatulala habang nakatingin sa 'kin. Nangingitim ang palibot ng mata niya. Para siyang panda. Nag-drugs ba siya habang tulog ako?

"Kumusta...tulog...mo?" dahan-dahan at matamlay niyang tanong sa 'kin.

"M-maayos naman."

"Sana all..." Tumayo na siya at kumuha ng twalya sabay pasok sa banyo. Ano'ng nangyari sa kaniya?

***

Naglalakad kami papasok sa school. Nakasuot siya ng sunglasses para hindi raw makita 'yong eyebags niya. "Bakit kasi hindi ka nakatulog kagabi?" tanong ko sa kaniya. Sabi niya kasi sa 'kin kanina, 3:00am na raw pero gising pa siya.

Huminto siya sa paglalakad at bumaling sa 'kin. "Hindi mo alam? You sure?" medyo may pagka-sarcastic niyang sabi. Umiling ako at bumuntong-hininga naman siya. "Nevermind." Nagpatuloy na ulit siya sa paglakad habang ako, nakahinto pa rin at nakatingin sa kaniya.

Napaisip naman ako bigla. Naalala ko no'ng tinanong niya ako kung hindi ko raw ba itatanong kung bakit sila nag-break ng ex niya. Si Haze.

Ah...baka she reminisced about her past with him kaya hindi siya nakatulog. Bigla akong naawa sa kaniya. Siguro mahal niya pa 'yon tapos nagkukunwari lang siya na hindi na. Sighed. Ano kaya'ng gagawin ko para medyo gumaan 'yong dalahin niya?

Naglakad ako para habulin siya. "Okay lang 'yan...malalagpasan mo rin 'yan." Natigilan siya sa paglalakad at kasabay nang pagharap niya, ay ang paggaya ko sa kaniya no'ng tinanong niya ang pangalan ko. "RAAWWRR!"

Kumurap-kurap ako nang ilang beses dahil walang epekto sa kaniya 'yong ginawa ko. Sa halip, parang nahiya pa siya sa mga taong nagdaan at nakakita sa 'min. "Punta na 'ko sa department, sunod ka na lang." Tumalikod na ulit siya at naglakad palayo.

Ako naman ay sa registrar muna pumunta para ayusin ang pag-enroll ko. Hindi pa naman regular ang klase dahil mag-iisang linggo pa lang naman simula no'ng nagsimula ang pasok.

***

Pagdating ko sa department, umakyat ako sa second-floor para hanapin 'yong room na nakalagay sa forms na hawak ko. BSTM 2 Blk 1. Room 201.

Madali ko lang nakita 'yong room dahil nasa bungad lang. Pagpasok ko sa loob marami ng mga estudyante at may kaniya-kaniyang mundo. At mostly mga babae. Kaunti lang ang lalaki sa room at 'yong ilan halatang malambot pa.

"Ivy!" boses ni Trida 'yong narinig ko. Nakita ko siyang nakaupo sa harap at may ilang kakwentuhan. Naglakad siya palapit sa 'kin. "Dito ka rin?" tanong niya habang suot pa rin ang sunglasses niya. Tumango naman ako at ngumiti nang bahagya. "Tara sa cafeteria, kain muna tayo habang wala si ma'am." Naglakad siya palabas kaya napilitan akong sumunod.

Habang naglalakad kami, napansin ko na lahat nang nakakasalubong namin, ngumingiti sa kaniya. May iba naman na naghe-hello at hi sa kaniya. Para bang napakaraming nakakakilala sa kaniya dito sa school.

TRIDA'S POV

Namimili na ako ng pagkain sa mga naka-display sa mahabang salamin. "Gusto mo nito?" tanong ko kay Ivy sabay turo sa pagkain na napili ko. Tumango naman siya. Kumuha ako ng bottled juice sa ref na katabi namin. "How about this one?" Tango lang ulit ang isinagot niya sa 'kin. Wala ba siyang dila? Pagkatapos namin magbayad nagpunta na kami sa bakanteng mesa. Kakain na sana 'ko pero bigla akong na-curious kay Ivy so I studied her face. "Bakit Tourism ang kinuha mong course?"

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at medyo matagal bago siya sumagot. "Gusto kong maging flight attendant at makapag-travel sa iba't-ibang bansa."

"Nah, you're not qualified." Pinag-ekis ko pa ang dalawang kamay ko. "Flight attendant must have a good communication skills and interpersonal skills. Pero ikaw halos 'di ka nagsasalita. Parang takot kang makipag-usap. Tango ka lang nang tango!" Napailing ako habang nakatingin sa kaniya. And again, 'di pa rin siya kumibo. Nakatingin lang siya sa 'kin. Mukhang disappointed sa sinabi ko. "A flight attendant's primary job is keeping airline passengers and crew safe. They respond to any emergencies that occur on the aircraft and make sure everyone follows FAA regulations," I added. "Pa'no kapag naging flight attendant ka at isa ako sa passenger n'yo? Tapos biglang magca-crash na pala 'yong eroplano? Baka kapag tinanong kita kung katapusan ko na ba...baka tanguan mo lang ako!" singhal ko sa kaniya.

"Grabe ka naman! Hindi lang kasi ako sanay makipag-usap 'pag hindi ko pa gaanong kilala," dipensa niya. Nagpatuloy na ulit kaming kumain pero maya-maya, siya naman ang nagtanong sa 'kin. "Eh, ikaw? Bakit ka nag-Tourism?" she asked curiously.

"Wala, trip ko lang. Magaganda kasi at sexy 'yong mga flight attendant kaya feeling ko do'n ako nababagay. I also want to ride the pilo— I mean, airplane." I laughed a little. "At saka gusto ko rin ma-experience 'yong hihinto ang eroplano sa taas para magpa-gas!" I joked.

"Wala naman gasoline station do'n sa taas."

"Mayro'n. May cr nga rin, e. Kaya kapag naiihi ka at occupied 'yong cr sa eroplano, sabihan mo lang 'yong piloto na ihinto ka sa gasoline station, iihi ka lang kamo."

Her eyes turned sullen, and pity appeared in her eyes. "Hindi ko alam kung ano'ng dahilan nang paghihiwalay n'yo ni Haze pero...okay lang 'yan. Magiging okay ka rin soon. Pakatatag ka." 'Yong tono niya, para bang pinapalabas niyang may mental disorder ako.

Pero sa halip na mainis, natawa pa 'ko sa kaniya. "Ayan! Gan'yan nga! Matuto kang sumagot!"

Napailing na lang siya at nagsimula na ulit kaming kumain. "Matagal mo na ba silang kilala?" tanong niya nang mabaling ang tingin niya sa pwesto ni Matthew at Zee.

"Ah, sila ba? Hmm, well...si Zee best friend ko. Si Matthew naman nakilala ko lang dahil tropa siya ni Zee. Since last year dito na sila naka-dorm kaya kahit papa'no close ko na sila."

"Anong year na sila?"

"Si Matthew at Zee, 3rd year college. Si Kayden at Haze naman, 4th year, graduating na. Lahat sila Businesses Administration ang course kaya sa kabilang department sila," paliwanag ko. Tumango naman siya habang ngumunguya. At pansin kong hindi niya inaalis ang tingin niya kay Matthew. "Bakit? May bet ka ba sa kanila?"

Nasamid siya bigla sa tanong ko kaya naibuga niya sa 'kin ang nasa bibig niya. Na naging dahilan para matulala ako. Parang gusto ko tuloy siyang kaldabugin.

"Sorry..." agad siyang dumukwang para tanggalin ang ilang butil ng kanin na tumalsik sa mukha ko.

"Masyado yata akong naging mabait sa'yo Ivy kaya inaabuso mo 'ko." Dinampot ko 'yong tissue sa tabi ko at pinunasan ang mukha ko. Ewww.

***

Noong matapos ang klase ay agad akong nag-aya sa dorm. Alas dose ng tanghali na. Pang-umaga ang schedule namin kaya ang pasok namin ay magsisimula ng 7:00am to 12:00 noon. May ibang araw naman na may hanggang 9:00 am lang kami at may isang subject kami na pang 5:00pm-6:00pm, pero every friday lang.

"Matulog ka pag-uwi natin sa dorm," sabi ni Ivy nang makita niyang naghikab ako. Gagawin ko naman talaga 'yon kahit hindi niya sabihin. Magdamag akong hindi nakatulog dahil sa paghihilik niya at kung mamayang gabi hindi na naman ako makakatulog, baka bukas makalawa mamatay na lang ako bigla.

Pagpasok namin sa kwarto, hinagis ko agad sa paanan ng kama 'yong bag ko 'tsaka ako nahiga. Feeling ko wala na 'kong lakas tumayo at kumain ng lunch dahil sa sobrang antok.

"Tulog muna 'ko. Gisingin mo 'ko bandang 6:00pm para makapagluto tayo ng dinner," I said and immediately closed my eyes without waiting for her answer.

IVY'S POV

Habang tulog si Trida, kinuha ko 'yong cell phone ko at sinubukan kong tingnan kung may social media account siya. Nakita ko 'yong apelyido niya kanina sa suot niyang ID no'ng nasa classroom kami kaya sinubukan kong i-search 'yong pangalan niya. At agad ko naman 'yon nakita.

Trida Montana. Marami siyang followers sa social media at active rin siya sa pag-posting.

Habang ini-stalk ko 'yong profile niya, may nakita akong family picture nila, pero 'yong date ay two years ago pa. Apat sila sa picture at sa tingin ko kapatid niya 'yong isang lalaki na mukhang mas matanda sa kaniya. Napansin ko rin sa mga pictures niyang naka-post na halatang anak mayaman siya. Kaya siguro maraming nakakakilala sa kaniya sa school.

TRIDA'S POV

Nagising ako sa pagtapik ni Ivy sa 'kin. "Ano'ng oras na?" I asked. Halatang kaliligo niya dahil basa pa 'yong buhok niya.

"Six." I got up and made my way to the bathroom. I brushed my teeth and washed my face.

"Ano'ng gusto mong kainin?" tanong ko sa kaniya paglabas ko.

"Kung ano'ng mayro'n."

Nagpunas ako ng mukha at nagsuklay. "Sa susunod na mag-grocery ako, mag-share na tayo sa budget since magkasama naman tayong kumakain."

"Sige," tipid niyang sagot at saka na kami lumabas sa kwarto para bumaba sa kusina.

Papalapit pa lang kami, nakarinig na kami ng ingay. Ingay nila Matthew, Haze, Zee at Kayden. Pagdating namin do'n naabutan namin silang nagbabato-bato-pick.

"Ano'ng ginagawa n'yo?" usisa ko sa kanila.

Bumaling naman sa 'kin si Matthew. "'Yong talo, magluluto." Napailing ako sa sagot niya. Ang tatamad talaga!

Binuksan ko na 'yong ref at naghanap na ako ng p'wedeng iluto. Maya-maya pa, nagsigawan sila dahil sa pagkatalo ni Kayden. Lumingon ako sa kanila at nakita kong nakangiti si Kayden pero halatang dissapointed sa pagkatalo niya.

"Sarapan mo, ah!" natatawang sabi ni Haze sa kaniya.

"Tawagin mo na lang kami 'pag kakain na," dagdag naman ni Zee 'tsaka na sila umalis sa kusina, habang si Kayden naiwan para magluto.

***

Kasalukuyan na kaming kumakain ni Ivy. Mukhang nagustuhan naman niya 'yong niluto kong corned beef na may patatas.

Si Kayden naman, sinigang ang iniluto. Sobrang asim no'n at hindi namin bet ni Ivy kaya kahit inalok niya kami, hindi kami kumuha.

"Not bad for the first timer," plain na sabi ni Zee nang tikman niya ang niluto ni Kayden. Mahilig kasi si Zee sa maasim kaya siguro nagustuhan niya.

"Walang'ya, ang asim nang sabaw! Parang pinaghugasan ng kili-kili!" komento naman ni Matthew at sinabayan pa nang tawa. 'Yong sinigang kasi ni Kayden, kasing asim nang paksiw.

"Hmm, Trida?" tawag sa 'kin ni Ivy habang kumakain kami kaya binalingan ko siya. "Bakit ka nagdo-dorm? Malayo ba 'yong bahay niyo rito sa school?" Natigilan ako sa tanong niya.

Binitawan ko 'yong kutsara't tinidor na hawak ko dahil bigla akong nawalan ng gana.

I looked up at her, and she's waiting for my answer. I let out a deep sighed before answering. "Naglayas ako sa 'min."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
anu kyang dahilan bkt naglayas c trida...at anu pangalan ang ginamit ni JT sa school? gusto kong sbhin na hnd kya c Zee un o c Matthew? hmm
goodnovel comment avatar
Bell Casañas Aguilando
ohhhh naglayas pala SI trida sakanila ............ Bakit kaya ???
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status