Share

3. Kierzyuwi Yanzon

IVY'S POV

Naunang umakyat si Trida sa kwarto. Ako naman ang naiwan para maghugas nang pinagkainan namin. Wala na rin sa kusina 'yong apat dahil umakyat na rin sila kanina. Pagkatapos kong maghugas, agad na rin akong sumunod sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko si Trida, gumagawa ng assignment. "Patapos na ‘ko, kopyahin mo na lang ‘tong sa ‘kin,” sabi niya habang nilalabas ko 'yong notebook ko sa bag. Gagawa na rin kasi sana ako.

"Baka mahalata ni ma'am na nagkopyahan tayo ‘pag magkamukha ang sagot natin,” sagot ko naman sa kaniya.

"Hindi ‘yan! At saka isa pa, kung gusto ni ma'am nang magkakaibang sagot…sana nagbigay siya nang magkakaibang tanong!” Napaisip naman ako ro'n. May point din siya tumango na lang ako. Pagkatapos niyang gawin ang assignment niya, ipinasa niya sa ‘kin yong notebook at kinopya ko naman ‘yon without reviewing her answers. Mukha naman siyang matalino kaya tiwala ako sa sagot niya.

***

Pareho na kaming nakapantulog ni Trida. Pero bago ako mahiga, bigla niya ‘kong hinamon maglaro ng bato-bato-pick. "Para saan?" tanong ko sa kaniya.

"Kung sino ang matatalo, matutulog dapat nang naka-tape ang bibig,” nakangiti niyang sabi. Nagsalubong naman yong kilay ko dahil do'n. "Sige na kasi! Dali na!"

"Kailangan pa ba 'yon?" alangan kong tanong. Di ko kasi maintindihan kung bakit kailangan i-tape pa ang bibig.

"Sige na, dali na!” Pinilit niyang itaas ang kamay ko kaya wala na rin akong nagawa kun’di ang sakyan ang trip niya sa buhay. Umayos na kami at pumosisyon. "Bato-bato-pick!" Sabay kaming nagbitaw ng kamay at agad kong kinuha 'yong packing tape na nasa bed niya.

"T-teka Ivy..." umatras siya sa ‘kin habang nakatitig sa tape na hawak ko. Nagbato kasi siya at nagpapel naman ako kaya siya ang talo.

"Hindi ba sabi mo kailangan teypan ang bibig nang matatalo?" natatawa kong sabi sa kaniya.

"Oo nga, pero...just let this slide. Pinakopya naman kita sa assignment, e!”

TRIDA'S POV

Pareho na kaming nakahiga ni Ivy. Buti na lang talaga pumayag siyang ‘wag na lang teypan ang bibig ko. Naisip ko kasi na tape ang sagot sa paghihilik niya. Akala ko rin matatalo ko siya kaya ang lakas ng loob kong maghamon. I underestimated her.

Hindi pa ‘ko inaantok kaya bumaling ako kay Ivy. "Ikaw, bakit ka nga pala nag-dorm? Malayo rin ba 'yong bahay niyo?" tanong ko sa kaniya habang busy sa hawak niyang cell phone.

"Oo."

"May family ka ba rito? Or any relatives?" tanong ko ulit, pero umiling siya. “Pareho pala tayo.

***

MAKALIPAS ang halos isang linggo — mas naging close pa kami ni Ivy. Hindi na siya 'yong tipo na mahilig tumango. Nakikipag-communicate na siya sa ‘kin nang maayos. Nakikisakay na rin siya sa biro at pati na rin do'n sa apat kapag nagkakasabay-sabay kami sa kusina.

Nag-a-apply ako nang kaunting make up, habang si Ivy naman, inaayos ang mga gamit niya sa bag. Nakagayak na kami pareho para pumasok. "Hindi ka man lang ba mag-aayos?" tanong ko sa kaniya. Nagpolbo lang kasi siya at liptint ‘tsaka nagsuklay.

"Okay na ‘to, ‘di naman ako mahilig mag-ayos. ‘Tsaka ‘di ako gaanong marunong."

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "Halika nga rito, maupo ka." Tumayo ako sa upuan ko at inoffer ko ‘yon sa kaniya. Sumunod naman siya sa ‘kin at naupo nga. "Ako ang mag-aayos sayo." Sa tingin ko okay lang sa kaniya dahil hindi naman siya umangal. "We need to wear make up in order for us to look good and presentable,” sabi ko habang ina-aplayan siya ng foundation.

"Mmm…” she hummed as a response.

"And we need to look presentable because of the field we are going to take in the future." Pinatungan ko 'yon ng powder at kasunod ang blush-on.

"Sige. Turuan mo ‘ko minsan kung paano mag-ayos. 'Wag mo kapalan ang blush-on ko, ha? Baka naman mamaya magmukha akong clown?"

"Hindi ‘yan. Basta magtiwala ka lang sa ‘kin,” I reassured.

"Lalagyan mo ba ‘ko ng eyeshadow?" tanong niya habang pinapantay ko 'yong blush-on sa pisngi niya. Tumango naman ako. "Sige. Gusto ko yong eskimo eyes."

Nagsalubong ang kilay ko. "You mean, smoky eyes?"

"Ah, smoky ba? Akala ko eskimo, magkatunog kasi."

Pagkatapos ko siyang ayusan lumabas na kami ng kwarto. Hawak niya ang compact mirror niya at tinitingnan niya ang sarili sa salamin. Halatang nagustuhan niya 'yong ayos ko sa kaniya.

Noong nasa lobby na kami, huminto siya. "Bakit?" I asked.

Tumingin siya sa ‘kin at tiningnan yong kilay ko. "Bakit hindi mo inayos ang kilay ko? Kilayan mo rin ako."

"Male-late na kasi tayo, bukas ko na lang aahitin ‘yang kilay mo."

"Ngayon na!" Napabuntong-hininga ako 'tsaka ko kinuha sa bag 'yong pang-ahit ko ng kilay.

Sinumulan ko nang ayusin ang kilay niya. "Pumikit ka baka malagyan ng buhok ang mata mo.” Agad naman siyang sumunod. Habang inaahit ko 'yong kilay niya, narinig ko ang boses ni Matthew at Zee. Pababa sila sa hagdan at parang nagkakaladyaan.

"Late na kayo!" biro sa ‘min ni Matthew no'ng matanaw niya kami ni Ivy sa lobby, pero hindi namin sila pinansin dahil busy ako sa kilay ni Ivy.

Natapos na ‘ko sa isa kaya lumipat ako sa kabila. Pumasan naman si Zee kay Matthew no'ng nasa tapat na namin sila at na-out balance si Matthew, dahilan para madanggis niya ‘ko. "Ano ba naman ‘yan!" baling ko sa kanilang dalawa. Agad naman silang nag-sorry at tumakbo palabas ng dorm. Nang humarap na ulit ako kay Ivy para tapusin 'yong kilay niya—napalunok ako sa nakita ko.

Naahit 'yong mahigit kalahati nang kilay niya sa kanan. As in 1/4 lang no'n ang natira. Patay! "Bakit?" inosente niyang tanong sa 'kin. "Dalian mo na, tapusin mo na baka ma-late pa tayo!” Kinuha ko agad 'yong eyebrow pencil ko para gawan nang paraan ang disaster na nangyari sa kilay niya. Wala siyang kaalam-alam do'n kaya hindi ko na lang din binanggit para hindi siya magalit.

"Okay na," sabi ko nang titigan ko ang kilay niya na mukhang normal na ulit dahil sa nilagay kong eyebrow pencil. Basta 'wag lang siyang maghihilamos.

"Tingnan ko nga." Kinuha niya sa bulsa ng palda niya 'yong compact mirror niya pero bigla ko 'yon inagaw no'ng itatapat na niya sa mukha niya.

"Male-late na tayo! Mamaya ka na magsalamin!" Hinila ko na siya palabas ng dorm. Pagdating namin sa school, sa cafeteria agad ang diretso namin para mag-almusal muna. Maaga pa naman kaya siguradong wala pa ang teacher namin sa room.

Habang kumakain kami, nabaling ang tingin ko sa mesa nila Haze, Kayden, Zee at Matthew. Magkakasama din silang kumakain. Ilang table lang ang pagitan nila sa 'min, mga lima.

"Mukhang tahimik lang si Matthew, 'no?" sabi ni Ivy na hindi ko namalayang nakatingin na rin pala sa direksyon no'ng apat. "Parang gusto ko silang makilala. Feeling ko mababait sila."

Natawa ako nang bahagya sa sinabi niya 'tsaka ako umiling. "Sige, ipapakilala ko sila sa'yo base sa kung paano ko sila nakilala. Pero huhulaan mo kung sino ang tinutukoy ko."

"Sure," sagot niya sa 'kin, mukhang excited.

"The playboy who loves to flirt with every girl he finds cute and charming. The mababaw ang kaligayan. Mabilis matawa sa mga jokes. The childish. Extraverted. Warm and loving naman kahit papa'no. Strong-minded, and known for being charismatic," litanya ko.

Umarko naman ang kilay niya bago sumagot. "Haze?"

"Wrong. Matthew De Belen." Bahagya siyang nagulat pero agad din nakabawi. "Okay, next is...he can befriend anyone very easily. He doesn't hesitate to go to the person he wants to be friends with and start a talk. He loves hanging out with people and socializing, he is a naive and carefree guy who likes to do what he likes to do without worrying. Can be serious but he likes to keep things light and connects with people through laughter and fun! Also, the pro gamer. The one who spent TOO MUCH money on the game."

"Si...Kayden?"

I shook my head no. "Nope. My bestfriend na yayamanin—Zee Kleivn Trevena!" nakangiti kong sabi sabay sulyap sa mesa no'ng apat. "Okay, next. The outgoing. Very sociable. The funny type of guy who loves making jokes, kaya magkasundo sila ni Matthew. His popular because of his killer smile."

Napaisip naman siya sabay baling sa gawi no'ng apat. "Killer smile? I think si...Kayden?"

Umiling ulit ako sabay sabing, "Haze Cartajena." Lumingon ulit ako sa gawi nila para sulyapan si Kayden na huli kong babanggitin. "And the varsity. Can also be noticeably quiet when in a large group of people. Loves being by himself. Hangout only with his friends. And can be a savage sometimes. No other than...Kayden Razon." Binaba ko ang tingin ko sa pagkain at muling sumubo. "Matatalino silang apat. Hindi lang halata kapag gumawa na nang kalokohan. Lalo na si Matthew at Haze, sila kasi ang tandem pagdating sa bardagulan!" dagdag ko pa, which is totoo naman. “Now, let me ask you...sino'ng bet mo sa kanila?"

She stared at me for a moment. "Hmm...si Matthew. Lagi kasi s'yang nakangiti. Tapos 'pag ngumiti s'ya sobrang charming." Napangiti pa siya, halatang kinikilig. Napabuntong-hininga naman ako. May pagka-flirt kasi si Matthew.

Pagkatapos ng klase, nagdesisyon agad kami na umuwi sa dorm. Naglalakad kami sa sidewalk nang biglang may lumabas na aso sa isang gate na nakabukas. "Ivy, takbooo!” Hinatak ko agad si Ivy dahil bigla ‘yon tumakbo palapit sa ‘min. Nagsimula na rin ‘yon tumahol nang malakas.

Utang na loob! Hindi pa ‘ko nakakagat ng aso sa buong buhay ko, ‘wag naman sana! “Aray! Tangina, sandali!” reklamo ni Ivy dahil hila-hila ko pa rin siya. Gusto ko sanang mag-react dahil ngayon ko lang siya narinig magmura, pero wala na 'kong oras para ro'n. Napasigaw na kami pareho dahil sobrang lapit na sa ‘min no’ng bwisit na aso. “Saklolo! Saklolo! Putang ina!” parang tangang sigaw si Ivy. Ano ‘to? Sunog?

Malapit na kami sa dorm namin at may natanaw akong magarang sasakyan na nakaparada sa harap. Tinted ang mga salamin no’n at parang walang tao dahil patay ang makina. “Ivy, akyat! Bilis!” Bago pa maabot ng aso ang binti ko, agad akong sumampa sa hood ng kotse. Para namang tanga si Ivy dahil hirap makasampa kaya agad kong inabot ang kamay niya bago pa siya mahabhab ng aso.

“Sssh! Alis!” pagtataboy niya ro’n dahil tahol pa rin ito nang tahol sa ‘min. Pero hindi na niya kami maabot dahil nakasampa na kami sa harap ng kotse.

Habang busy si Ivy sa pagtataboy sa aso, nilinga ko naman ang tingin ko sa sasakyan na mukhang bago pa at halatang hindi biro ang halaga.

“Kanino ‘to?” Hindi ako pinansin ni Ivy dahil pilit niyang pinapaalis ‘yong aso. Inikot ko ang katawan ko para tingnan kung may tao sa loob no’n. Tinted ang salamin kaya sinubukan kong ilapit nang husto ang mukha ko, as in nakadikit na ang noo ko sa windshield, para lang makita ko ‘yong loob no’n. Pero kahit ano’ng gawin ko, hindi ko pa rin makita. Maya-maya pa, may lumapit sa ‘min na lalaki, mukhang siya ang may-ari ng aso dahil agad lumapit ‘yon sa kaniya no’ng makita siya.

“Pasensya na kayo. Naiwan kasing nakabukas ang gate,” sabi nito sa ‘min.

“Sa susunod kuya, pakitali. Muntik na ‘ko mamatay!” seryosong sagot ni Ivy sa kaniya.

Nagpaalam na sa ‘min ‘yong lalaki at hawak na rin niya ‘yong kadena ng aso kaya inaya ko na si Ivy na bumaba. “Tara na.” Uusad pa lang sana kami pababa nang biglang mag-start ang sasakyan. “May tao,” baling ko kay Ivy. Nagkatinginan kami at kasabay no'n ang pagsigaw ko. “Punyemas!” Umandar 'yon nang hindi man lang kami hinayaang makababa.

“Trida! Aaaah!” Kumapit sa ‘kin si Ivy nang mahigpit, pero ako, hindi ko alam kung saan ako kakapit. “Malalaglag tayo!”

Agad akong bumaling sa windshield at pinaghahampas ‘yon. “Stop! Tumigil ka! Ihinto mo! P*****a!” Ayaw pa rin niyang ihinto. At ang ginawa pa, pinag-left, right, left, right niya ang pagda-drive. Para kaming nagdadaan sa bitukang manok.

“Tridaaaa!” Napahiyaw na rin si Ivy dahil gumegewang na ang mga katawan namin at isang maling kilos o biglaang pag-preno lang ay malalaglag na kami. Lakas loob naman akong bumaling sa windshield. “Ihinto mo! Babaliin ko ‘tong wiper!” Hindi ko alam kung narinig ako ng tao sa loob. Pero akmang hahawakan ko na ‘yong isang wiper niya, bigla siyang nag-preno nang malakas, na naging dahilan para masubsob kami ni Ivy sa windshield. Buti hindi kami nalaglag.

Hindi agad ako nakababa dahil sa hilo na nararamdaman ko, at gano’n din si Ivy. Daig pa namin ang lantang gulay.

Bigla naman bumukas ang pinto ng driver’s seat at iniluwa no’n ang isang—demonyong nagkatawang anghel. Syet, ang g’wapo!

He took his sunglasses off, and his sharp defined eyes met mine. “Aren’t you going to get off?” His slanted nose looks great, accompanied with his wide and plump lips. His hairline is tough, and it outlines his forehead very pleasantly. “Or do you want another ride?” He is extremely well-proportioned. His shoulders are wider than his hips, he has lean and toned arms. His chest is wide and masculine. He has amazing legs–

“Baba na tayo!” Ivy snapped me out of my thought.

“Nasa’n na tayo?” wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Iginala ko 'yong paningin ko at nakita kong medyo napalayo ulit kami sa dorm dahil nga pala sa pag-andar ng sasakyan. Binalik ko naman ang tingin ko sa lalaking may-ari no'n at halatang badtrip siya habang nakatitig sa mga gasgas na dulot namin ni Ivy sa sasakyan niya. "Don't worry, babayaran kita sa mga gasgas na 'yan. Para 'yan lang, e! Magkano ba?"

Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa 'min ni Ivy. "One thousand..."

"Sus! One thousand lang pal—"

"Dollar," he continued. Narinig ko naman si Ivy na nagco-compute, kino-convert niya 'yon sa peso.

"Magkano?" baling ko sa kaniya.

"Fifty thousand."

Napaawang nang bahagya ang bibig ko sabay baling sa lalaking nasa harap namin. Pinilit kong tumawa nang bahagya. "Char lang. Wala akong pera. P'wedeng utang muna?"

May dinukot siya sa bulsa niya. Isang wallet. Binuksan niya 'yon at may inilabas na maliit na papel, na sa tingin ko ay calling card. Palihim akong napangiti bago niya 'yon iabot sa 'kin.

"You better pay me," malamig niyang sabi at mabilis na pumasok sa kotse niya 'tsaka na umalis.

Ibinaba ko naman ang tingin sa card na hawak ko at nagsalubong ang kilay ko nang makita ko 'yon. "Scammer!"

"Bakit?" tanong ni Ivy sa 'kin. Nainis ako kaya sa halip na sagutin siya, inabot ko na lang sa kaniya 'yong card. Card na may bank account number no'ng lalaki! Binasa naman ni Ivy 'yong pangalan na nakalagay ro'n. "Kierzyuwi Yanzon."

***

Habang naglalakad kami papalapit sa dorm, tumama ang mata namin ni Ivy sa nakaparadang sasakyan sa harap no'n. Bakit naro'n na naman 'yong sasakyan? Hindi kaya ka-dorm namin siya? Pero hindi naman siya pamilyar. Ngayon ko lang siya nakita.

"Nakikita mo ba 'yong nakikita ko?" tanong ko Ivy habang nakatanaw pa rin ako sa sasakyan na tinungtungan namin kanina.

"Oo. Kitang-kita ko 'yong gasgas kahit malayo pa tayo. Ikaw? Naaamoy mo ba 'yong naaamoy ko?"

"Oo. Nangangamoy utang na tayo." Dali-dali na kaming pumasok sa gate ni Ivy. Sa lobby pa lang iginala ko na agad ang paningin ko dahil baka narito sa loob 'yong lalaki. Pero hindi naman namin siya nakita kaya dumiretso na kaming umakyat sa hagdan.

"Sa'n tayo kukuha ng pera, pambayad sa lalaking 'yon?" tanong ni Ivy habang patuloy kami sa pag-akyat sa hagdan papunta sa 3rd floor.

May natapakan akong maumbok kaya huminto ako. Inalis ko 'yong paa ko para tingnan 'yon. At nagulat ako nang makitang wallet na itim ang natapakan ko. Agad ko 'yon dinampot. "Dito. Dito tayo kukuha!" nakangisi kong sabi kay Ivy. Binuksan ko 'yong wallet para tingnan 'yong laman pero nagulat ako nang mabungaran ko 'yong 1x1 picture na nasa harap. At 'yong lalaking nasa picture ay walang iba kun'di ang lalaking kausap namin kanina.

"Bakit? Kanino 'yan? Patingin nga." Kinuha niya sa 'kin 'yon at siya ang nag-check ng laman. "Seven hundred lang 'yong cash niya, ibalik natin kawawa naman." Kinalkal niya pa 'yong laman no'n at may hinugot siyang isang itim na card. "Ano 'to?" tanong niya pero sa card pa rin nakatingin.

"Patingin," kinuha ko naman 'yon sa kaniya para tingnan. And again, napaawang na naman ang bibig ko sa gulat.

"Bakit?" usisa ni Ivy sa 'kin.

"This is not an ordinary card..." mahina kong sabi habang pinagmamasdan 'yong itim na hawak ko. "World elite black card 'to," baling ko kay Ivy. "Exclusive lang 'to sa mga taong sobrang yaman. Ang alam ko ten million ang kailangan mo na minimum balance para magkaroon ka nito," I explained and her eyes widened.

At lalo pa kaming nagulat no'ng bigla naming narinig ang boses niya mula sa likuran. "Give me that. It's mine."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
o sya c Supremo? hahaa hirap hulaan e...thanks author
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
O hnd kya c JT ay c Kierzyuwi Yanzon?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status