Share

5. Mafia Game Part 1

Third Person's POV

Nasa sala na ang lahat, sa dorm. Si Kierzyuwi, Haze, Kayden, Matthew, Zee, Trida, Ivy at ang tatlo pang nursing students na sina Michaela, Shane at Mikee. Kakilala ito ni Trida kaya inaya niyang sumali para kahit papaano ay maragdagan sila.

Letter C shape ang style ng sofa sa sala kaya naman nagdagdag si Kayden at Haze ng monoblock para maging paikot ang ayos nila at maging magkaharap-harap.

Magkakatabi ang mga babae at magkakatabi naman ang mga lalake. Para maging patas ang laro, nag-volunteer ang caretaker nilang si Mildred para magsilbing moderator o host nila.

Nang maisulat na ni Mildred ang mga roles sa maliliit na papel ay ibinilot na niya iyon at inilagay sa isang food container at saka paikot na pinabunot ang bawat isa.

"Tingnan n'yo na ang mga roles niyo. Ingatan n'yong huwag masilip ng mga katabi niyo," paalala nito sa kanila. Isa-isa naman nilang binuklat ang kanya-kaniyang papel na hawak at pagkatapos ay nilukot nila iyon at itinago sa kanilang mga bulsa.

Para naman malaman ni Mildred kung sino ang dalawang mafia, doktor at pulis ay sinimulan na niya ang laro.

First night phase. Dito ay matutulog ang mga players. Hindi literal na matutulog kun'di yuyuko lamang ang mga ito at pipikit.

“The night has come. Pumikit na kayo at matulog," utos ni Mildred sa mga ito. Agad namang yumuko ang lahat at pumikit. "Mafia, gising. Meet your fellow members." Two mafia raised their heads and looked at each other silently. "Okay. Go back to sleep." Hindi maiwasang mapangisi ni Mildred nang sa wakas ay nakita na niya kung sino ang magsisilbing mafia sa laro. "Umaga na. Gumising ang lahat," anunsyo niya. Daytime phase. Nag-angat ng tingin ang lahat at unang tumama ang mata ni Trida sa nakangising si Kierzyuwi habang nakatingin din ito sa kaniya, tila mayroon ding pagdududa. "Sa tingin n'yo, sino ang kahina-hinala na mafia sa grupo?"

"Sa tingin ko si Kierz. Malakas ang pakiramdam ko. Sinabi ng bolang kristal sa 'kin!" walang pagdadalawang-isip na sabi ni Trida habang nakatitig kay Kierzyuwi.

"Para sa 'kin si Shane or Michaela," giit naman ni Zee. "Nakita ko silang ngumiti kanina, pagdilat natin."

"Hindi ako mafia! Bakit masama bang ngumiti? Hindi ba p'wedeng kinikilig lang!" depensa agad ni Shane, dahilan para kantyawan siya ng mga kasama. "Sa tingin ko si Kayden ang mafia or si Haze," dagdag niya.

"Para sa 'kin ay si Matthew, Mikee at si Michaela. Letter M ang initial nila. So, p'wedeng clue 'yon. M means mafia!" natatawang sabi ni Haze, dahilan naman para mapailing si Trida dahil sa walang kwentang naisip nito.

“Kung 'yon ang basehan mo, ibig sabihin mafia rin si Ate Mildred?" Tumaas ang isang kilay ni Michaela habang nakatingin dito. Natawa naman ang kanilang host na si Mildred pati na rin si Trida at Ivy. "Sa tingin ko si Kayden at Zee," dagdag ni Michaela.

Umikot naman ang paningin ni Kierzyuwi sa mga kasama bago niya itinuon ang atensyon kay Trida. "It's Trida. Trust me." Diretso ang tingin niya rito habang nakangisi.

Agad namang dinepensahan ni Trida ang sarili. "Hindi ako mafia! Ikaw ang mafia! Unang tingin ko pa lang sa'yo duda na agad ako. Guys, maniwala kayo sa 'kin, si Yuwi ang mafia. Siya ang patayin natin!" gigil niyang sabi kasunod ng pag-irap kay Kierzyuwi.

"Sa tingin ko naman ang mafia ay si...Kayden at Zee," mahinang sabi ni Ivy. Tila hindi rin ito sigurado at parang nanghuhula lamang.

"Si Haze at Matthew ang sa tingin kong mafia." Kayden.

"Hindi ako. Citizen lang ako, men. Para sa 'kin, si Shane at Michaela ang mafia," giit ni Matthew.

Matapos ang ilang minutong pagbibigay ng opinyon ay nagsimula na ulit magsalita si Mildred para buksan ang nominasyon. "Oras na ng nominasyon. Pumili na kayo ng dalawang tao na sa tingin n'yo ay mafia."

"Si Kierzyuwi muna ang piliin natin 'tsaka si Kayden," suhestyon ni Trida.

"Si Shane at Michaela. Iba 'yong ngiti nila kanina no'ng dumilat na tayo. May something," natatawang sabi ni Matthew. Lahat sila ay tumingin naman sa dalawang inakusahan nito. Ngunit hindi nila masabi kung ito nga ba ang mafia o hindi. Dahil tanging si Mildred lamang ang nakakaalam ng totoo.

"Oras na ng nominasyon. Ituro n'yo ng daliri n'yo ang tao na sa tingin n'yo ay mafia," utos ni Mildred sa kanila. Isa-isa na silang nagturuan.

Trida pointed to Kierzyuwi.

Kierzyuwi pointed to Trida.

Matthew, Zee and Ivy pointed to Shane.

Shane pointed to Zee.

Haze and Kayden to Michaela.

Michaela to Haze.

Mikee pointed to Kayden.

Kayden pointed to Matthew.

“Dalawang boto, Michaela. Tatlong boto, Shane. Ngayon may thirty seconds kayo para depensahan ang sarili n'yo," baling ni Mildred sa dalawang akusado.

"Una sa lahat, hindi ako mafia. Pangalawa, kapag ako namatay, pagsisisihan n'yo ang desisyon n'yo!" seryosong sabi ni Shane sa mga kasama.

"Hindi ko alam kung bakit pinagbibintangan n'yo akong mafia, pero promise inosente ako. Kapag ako namatay sa round na ‘to, mababawasan agad ng citizen ang grupo, maniwala kayo," pangungumbinsi naman ni Michaela sa kanila.

"Oras na ng pagboto. Sino sa dalawa ang pinaniniwalaan n’yong mafia?" tanong ni Mildred at sabay-sabay nagturo ang lahat. Si Ivy at Trida ay itinuro si Michaela at ang lahat ay nakaturo na kay Shane. Ibig sabihin ay si Shane ang pinaghihinalaan nang lahat bilang isang mafia. "Majority wins. Ngayon Shane, sabihin mo na ang huling mensahe mo bago sila magdesisyon kung papatayin o bubuhayin ka pa," utos ni Mildred sa kaniya.

"Bakit ayaw n’yong maniwala na citizen ako? Mukha ba akong mamamatay tao? Citizen ako! Wag n’yo 'kong patayin!" inis nitong sabi.

"Oras na ng pagdedesisyon. Save or kill? Thumbs down kapag papatayin niyo at thumbs up kung isa-save niyo. Go!" Agad na nag-thumbs up si Trida at Ivy para iligtas si Shane. Pero the rest ay nag thumbs down kaya hindi pa rin nila ito nailigtas. “Para sa kaalaman n'yong lahat, si Shane ay...isang...citizen!" anunsyo ni Mildred na ikinagulat nang lahat.

Nagsimula na rin silang magbulungan at magsisihan dahil sa naging desisyon ngunit agad silang natigilan sa pagtataray ni Trida.

“Oh, ‘di ba? Sabi ko sa inyo maraming magaling magsinungaling dito! May nabiktima agad!” Inikot niya ang paningin at saka binalingan ang katabing si Ivy. “Subukan mo lang akong traydorin, Ivy…makakita mo talaga!” natatawa niyang banta rito.

“Subukan mo rin akong traydorin, Trida, makikita mo rin!” natatawang ganti rin nito sa kaniya.

"The night has come, yumuko na kayo at magsitulog." Yumuko na muli ang lahat at pumikit dahil sa anunsyo ni Mildred. "Mafia, gising. Sino ang gusto n’yong patayin?" The two mafia raised their head and silently pointed Michaela to kill. "Okay. Mafia, go back to sleep." Mafia's lowered their heads. "Doktor, oras na para gumising at ituro mo ang gusto mong iligtas." The doctor raised his head and pointed to Trida. "Matulog ka na ulit.” The doctor lowers his head. "Pulis, ikaw naman ang gumising. Ituro mo kung sino ang suspetya mong mafia. Kapag tumango ako ibig sabihin ay mafia siya at kapag umiling ako, ibig sabihin ay hindi," paliwanag ni Mildred. Police pointed to Trida and Mildred gave her an answer. "Go back to sleep, police." Hindi alam ng bawat isa kung sino ang mafia at kung sino ang pinatay nito. Hindi rin nila alam kung sino ang doktor at kung sino ang iniligtas nito. Wala rin nakakaalam sa kanila kung sino ang pulis. Ang tanging nakakaalam lamang ay ang host nilang si Mildred. "Umaga na. Gumising na kayo." Lahat ay nag-angat na ulit ng ulo. "During nighttime, may pinatay na naman ang mafia at ‘yon ay si Mikee. Hindi nagtagumpay ang doktor na mailigtas siya dahil ibang tao ang napili ng doktor. At sa kasamaang palad, si Mikee ay isang inosenteng citizen." Lahat sila ay nagulat sa anunsyo ni Mildred. Muling nagbulungan ang mga ito kung sino ang doktor at kung sino ang totoong mafia. "Ngayong patay na rin si Mikee, wala na siyang karapatang magsalita o magbigay ng opinyon. Out na siya sa game katulad ni Shane,” paliwanag ni Mildred. At ang kagandahan dito ay makikita na no’ng dalawang na-out kung sino ang mafia mamaya kapag muli itong ginising ng host. "Ngayon, oras na ng nominasyon para piliin kung sino ang mafia."

Nagsimula na ulit magbigay ng opinyon ang bawat isa. Unang nagsalita si Haze.

“Michaela, bakit ka kinakabahan? ‘Wag mong sabihin na ikaw ang mafia at nakukunsensya ka sa pagpatay mo kay Mikee?" natawa nang bahagya si Haze habang nakatingin dito.

"Pano’ng hindi ako kakabahan, eh, pakiramdam ko ako na ang isusunod n’yo kahit na inosente ako!" sagot nito sa kaniya.

"Kung alam mo pa lang inosente ka, bakit ka kakabahan?" Nakisali na rin si Kayden.

"Wala na. Huli ka na. Papatayin ka na namin, mafia ka!" Haze laughed a bit. Napaisip naman si Trida at pinagmasdan ang lahat pati na rin si Michaela.

"Oras na ng botohan, thumbs down kung papatayin n’yo si Michaela at thumbs up kung naniniwala kayong inosente s’ya," anunsyo ni Mildred. Nag-thumbs up muli si Trida at Ivy para iligtas si Michaela ngunit ang lahat ay naka-thumbs down na kaya’t na-out pa rin ito. "Si Michaela ay isang..." lahat sila ay nakatingin kay Mildred at nakaabang sa sasabihin nito, “ordinary citizen!” Labis ang naging panghihinayang nang karamihan sa naging resulta, lalo na si Trida. Tatlong citizen na ang na-out at ilan na lang silang natitira ngunit hindi pa niya alam kung sino ang ibang citizen na kakampi niya. Sumapit muli ang night phase. "The night has come, magsitulog na ulit kayo." Muling yumuko at pumikit ang lahat. "Gising, mafia. Sino ang gusto n’yong patayin?" The two mafia raised their heads and pointed to Kayden. "Okay. Go back to sleep." The Mafia lowers their head. "Doctor, wake up. Who do you want to save?" The doctor pointed to Trida, again. "Doctor, go back to sleep." The doctor lowers his head. "Police, wake up. Sino ang gusto mong malaman ang identity?" The police pointed to Haze and Mildred gave her an answer. "Police, go back to sleep." The police lower his head. Fourth day phase. Oras na muli ng paggising. "Umaga na, gumising na kayo," anunsyo ni Mildred habang nangingiti dahil sa mga naganap habang nakayuko ang ilan. Lahat ay nag-angat na ng tingin sa isa’t-isa. "Kagabi habang tulog kayo, galit ang mga mafia kaya may pinatay na naman. At ang napatay nila ay ang inosenteng si Kayden." Lahat ay gulat na bumaling kay Kayden habang ito ay natatawa na lamang dahil hindi niya inaasahan na maa-out agad siya sa laro. "Nagkamali na naman ang doktor ng taong iniligtas," dagdag ni Mildred sa mga ito.

Nagsimula na namang magbulungan ang lahat kung sino ang doktor na palaging nagkakamali.

'Ang tanga naman no’n! Mamimili na nga lang ng ililigtas, mali pa!' bulong ni Trida sa isip habang iniikot ang tingin sa mga kasamang natitira. Ngunit hindi niya alam na siya ang palaging pinipiling iligtas ng doktor.

"Ngayon, oras na ulit para bumoto. Sino sa tingin n’yo ang mafia?" tanong ni Mildred.

"Guys, makinig kayo sa ‘kin. Si Kierzyuwi ang kailangan nating patayin. Naniniwala ako na isa s’ya sa mafia! Nararamdaman ko ang pahiwatig ng bertud!" giit ni Trida.

Tiningnan naman siya nito at nginisihan. "Kanina mo pa ‘ko pinag-iinitan at gustong patayin. Are you the mafia?"

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
hala,papaganda na kwento nila ,thank u author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status