Share

12. Ivy Meets Who?

IVY'S POV

Nagdalawang isip ako kung gigisingin ko ba si Trida para sagutin niya ang tawag ng mommy niya o hindi. Pero naisip ko, huwag na lang. Mukhang malalim na kasi ang tulog niya kaya siguro hindi niya ramdam ang pag-vibrate ng phone niya.

Hindi ko na rin 'yon pinansin at inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkuha ng mga hanger para makapagsampay na agad ako.

Palabas na ulit sana ako sa kwarto nang mag-vibrate ulit 'yon ang cell phone niya. Lumapit ako para tiningnan ang screen at nakita ko na mommy pa rin niya ang tumatawag.

Tiningnan ko ang oras sa bandang itaas. 11:37 PM. Saglit akong natigilan at napaisip. Emergency kaya?

Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at dinampot ko 'yong cell phone ni Trida para sagutin 'yon. Naisip ko kasi na baka emergency kaya tumatawag ang mommy niya nang ganitong oras.

“Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko! Nag-aalala ako sa'yo!” bumungad sa 'kin ang pagsigaw ng babae sa kabilang linya, ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status