IVY PIÑAFLORIDANakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy."Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang
IVY PIÑAFLORIDABANG!Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa."Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipi
TRIDA MONTANAAlas-onse ng gabi nang makarating kami ni Zee sa dorm. Siya ang nag-ayang umuwi sa ‘kin matapos namin matanaw sa lounge si Ivy at Matthew na magkalapit ang mukha at parang magki-kiss. Landi ni acckla!Nakiusap pa naman ako kay Zee na aantabayanan ko itong makalabas kaya naghintay kami sa labas ng building. Pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya sumusulpot kaya kinulit ko pa si Zee na samahan ako pabalik sa loob dahil baka utak na niya ang pinasabog sa loob kanina.Pero hayun nga. Pagpasok namin, natanaw namin sila ni Matthew. Ang lalandi talaga."Matulog ka na para hindi ka mapuyat. May pasok pa bukas,” paalala ni Zee pagtungtong namin sa third floor.Huminto rin ako at nilingon siya. “Salamat kanina.”Dahil kasi sa nangyaring pagputok ng baril at pagkawala ng ilaw, agad naglabasan ang mga tao sa club. Nataranta rin ako noong oras na ‘yon dahil may mga nagsisigawan at halos lahat nagpa-panic. Buti na lamang ay agad niya akong natunton at iginiya palabas. Kung hindi
TRIDA MONTANAMaaga kaming pumasok ni Ivy sa school dahil ipinatawag kami sa dean's office. Nabalita kasi sa department namin ang nangyaring pag-aresto at pagkakulong namin kaya kinausap kami ni Dean.Ngunit ang inaasahan ko ay iinterbyuhin niya kami regarding that matter, like kung totoo bang kami ang pumatay. Pero hindi pala."Nagpunta rito ang secretary ng daddy mo, Trida. All the misunderstanding has been cleared. So, focus on your study." Ngumiti si Dean bago ituloy ang sasabihin. "Kapag may narinig kayo o nagtanong sa inyo about sa nangyari, report to me right away. Their names, block, and course if they are from different department. Okay?""Okay po." Ngumiti lamang din ako nang bahagya sa kaniya at ganoon din si Ivy bago kami tuluyang nagpaalam."Buti naman kung gano'n. Alam mo bang kung anu-ano'ng pinagsasabi sa 'kin ng mga classmates natin noong pumasok ako?" sumbong ni Ivy sa akin paglabas namin ng Dean's Office."Nagmagaling ka kasing pumasok, eh. Hayun tuloy ang napala mo
One year ago...SUPREMO'S POV"Naihanda mo na ba ang lahat ng kailangan ko?" I asked Vincent, who had just entered my office. He was the one my grandfather sent to help me on the mission I needed to take care of. He's thirty, five years older than me."Okay na lahat. Na-empake ko na ang mga gamit na kailangan mo. Naghihintay na ang sasakyan sa labas." We both got out and went towards the car.I sat beside the window, gazing outwards at the street while Vincent was the one driving my car. We are on our way to the Hotel where I will be temporarily staying, while I carry out my mission. "Malayo pa ba tayo sa Hotel?" I asked Vincent."Hotel?" his eyes, from the rearview mirror, met mine. "Anong hotel? Hindi ka sa hotel mag i-stay."My eyebrows furrowed. "The hell are you talking?" I said, confused by his words."Sa dorm ka titira," he said without giving me any emotions."What?!" My voice echoed inside the car. "Lolo told me—""Change of plans," he said, cutting me off."And you didn't in
TRIDA'S POV"Nasa'n ka?" bungad ko kay Zee nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko. Kaibigan ko siya simula pa noong high school ako. Nagkakilala kami noong minsan na pinagtanggol niya ako sa mga nambu-bully sa 'kin. Siya rin ang pumigil sa 'kin noong oras na tatalon dapat ako sa rooftop ng school dahil sa matinding depresyon, dulot ng pambu-bully sa 'kin ng mga kaklase ko at iba pang mga estudyante."Bakit? Miss mo na 'ko?" tinawanan niya pa 'ko mula sa kabilang linya."Oo, miss na kita. Pahiram muna 'kong pera. Tinatamad akong mag-withdraw," sagot ko sa kaniya. May pera naman ako sa savings account ko dahil pinapadalhan ako ni kuya. Kaso nga lang, sinaniban ako ni Master Katam. Katamaran."Bakit na naman? Ano'ng tingin mo sa 'kin? ATM mo na basta na lang magluluwa ng pera 'pag kailangan—magkano ba?" Iniba niya agad ang usapan no'ng pabagsak kong binaba ang baso sa sink, at kamuntikan na 'yon mabasag."Five lang. Kailangan ko lang mag-grocery 'tsaka magpa-laundry.""Five pesos lan
TRIDA'S POV"Damay mo kami, Trids!" pahabol ni Matthew pero hindi na lang ako kumibo. Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Ivy sa upuan niya at saka ako nilapitan. "Ano'ng maitutulong ko?""Pabalat at pahiwa 'yong sibuyas at bawang." Inabot ko sa kaniya 'yong kutsilyo pero nagulat siya at napaatras dahil naitutok ko pala sa kaniya 'yon. "Sorry," sabi ko, 'tsaka ko inayos ang pag-abot. Akala niya siguro sasaksakin ko siya. Sinimulan ko nang i-prepare ang ibang kailangan ko sa pagluluto ng adobo. Habang 'yong apat na lalaki nasa dining table, nagbabardagulan at naghihintay na naman ng ayudang ulam galing sa 'kin."Trida, bakit pinaiyak mo 'yang bago mong roommate?" tanong ni Matthew. Nilingon ko naman si Ivy at nakita kong tumutulo nga ang luha niya—habang naghihiwa ng sibuyas. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigil ko na lang muna dahil bigla akong naawa.***Magkasama kami ni Ivy na kumakain, 'yong apat naman nasa kabilang table. Binigyan ko na sila ng ulam dahil napadami na ri
IVY'S POVNaunang umakyat si Trida sa kwarto. Ako naman ang naiwan para maghugas nang pinagkainan namin. Wala na rin sa kusina 'yong apat dahil umakyat na rin sila kanina. Pagkatapos kong maghugas, agad na rin akong sumunod sa taas.Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko si Trida, gumagawa ng assignment. "Patapos na ‘ko, kopyahin mo na lang ‘tong sa ‘kin,” sabi niya habang nilalabas ko 'yong notebook ko sa bag. Gagawa na rin kasi sana ako."Baka mahalata ni ma'am na nagkopyahan tayo ‘pag magkamukha ang sagot natin,” sagot ko naman sa kaniya. "Hindi ‘yan! At saka isa pa, kung gusto ni ma'am nang magkakaibang sagot…sana nagbigay siya nang magkakaibang tanong!” Napaisip naman ako ro'n. May point din siya tumango na lang ako. Pagkatapos niyang gawin ang assignment niya, ipinasa niya sa ‘kin yong notebook at kinopya ko naman ‘yon without reviewing her answers. Mukha naman siyang matalino kaya tiwala ako sa sagot niya.***Pareho na kaming nakapantulog ni Trida. Pero bago ako mahiga, bigla niy