Finding Supremo

Finding Supremo

By:  Miss Ahyenxii  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
10 ratings
63Chapters
7.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ivy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as well. Haze, Trida's ex. Zee, Trida's best friend. Matthew, Ivy's crush. Kayden, has a crush on Ivy and Kierzyuwi, the cold yet billionaire transferee. Everything seemed perfectly normal between them, until one day, two dead bodies appears in front of their eyes. As the murder case continued inside and outside their school, Trida and Ivy discovered the possible cause of the murder and who was behind it. Iyon ay si Supremo—na hindi nila matukoy ang totoong pangalan. Ngunit sa kagustuhan nilang malaman kung sino nga ba si Supremo, Ivy and Trida started to investigate. Five men turned out to be suspicious and those five were their friends. At sa patuloy nilang paghahanap rito, hindi lamang ang misyon nito ang kanilang matutuklasan. Maging ang kasunduan na isa pala sa kanila ang nakatakda nitong pakasalan. Will Trida and Ivy be able to handle the truth? Or would they just choose to run away from it?

View More
Finding Supremo Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Kyzer Lee Aguilan
kailan po ang update? Grabe po ang ganda ng mga stories nyo
2024-03-21 12:50:11
1
user avatar
Carol Canlas
kailan po update
2023-05-18 07:15:21
0
user avatar
Myra H. Mapanao
roller coaster... ang ganda.. mag aala detective ka sa story na ito highy recommended!
2023-04-19 06:04:22
0
user avatar
CristineMay💖
highly recommended story
2023-04-15 01:34:25
0
user avatar
Katreena Cybelle Joy Bernido
recommended
2023-03-31 12:40:44
0
user avatar
nerdy_ugly
Recommended
2023-03-29 15:40:30
0
user avatar
Myra H. Mapanao
highly recommend...️
2023-03-22 20:14:03
0
user avatar
Starky Ryacel Peralta
Genre: Mystery, Romcom, Crime, May kaunting drama, more on bardagulan din kaya gugulong ka sa katatawa. Char! kaya ano pa inaantay nyo basa na para sabay-sabay tayong mag ala Detective Conan...️‍♂️
2023-03-09 23:03:42
0
user avatar
Starky Ryacel Peralta
Super duper HIGHLY RECOMMENDED po etong story ni Miss otor, andito na po lahat na gusto nyong basahin lalo na po kung mahilig kayo sa mga Mystery. May kaunting drama, at mapapa overthink ka malala ... Detective Conan pasok............
2023-03-09 22:52:29
0
user avatar
Miss Ahyenxii
Isang mafia nagpanggap na estudyante at pumasok sa isang university para sa kaniyang misyon. Makikilala niya ang dalawang makulit na tourism student, si Trida at Ivy, na hindi niya alam na sa isa pala rito ang nakatakda niyang pakasalan ayon sa kasunduan.
2023-03-08 10:14:01
5
63 Chapters
Prologue
One year ago...SUPREMO'S POV"Naihanda mo na ba ang lahat ng kailangan ko?" I asked Vincent, who had just entered my office. He was the one my grandfather sent to help me on the mission I needed to take care of. He's thirty, five years older than me."Okay na lahat. Na-empake ko na ang mga gamit na kailangan mo. Naghihintay na ang sasakyan sa labas." We both got out and went towards the car.I sat beside the window, gazing outwards at the street while Vincent was the one driving my car. We are on our way to the Hotel where I will be temporarily staying, while I carry out my mission. "Malayo pa ba tayo sa Hotel?" I asked Vincent."Hotel?" his eyes, from the rearview mirror, met mine. "Anong hotel? Hindi ka sa hotel mag i-stay."My eyebrows furrowed. "The hell are you talking?" I said, confused by his words."Sa dorm ka titira," he said without giving me any emotions."What?!" My voice echoed inside the car. "Lolo told me—""Change of plans," he said, cutting me off."And you didn't in
Read more
1. DS Dorm
TRIDA'S POV"Nasa'n ka?" bungad ko kay Zee nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko. Kaibigan ko siya simula pa noong high school ako. Nagkakilala kami noong minsan na pinagtanggol niya ako sa mga nambu-bully sa 'kin. Siya rin ang pumigil sa 'kin noong oras na tatalon dapat ako sa rooftop ng school dahil sa matinding depresyon, dulot ng pambu-bully sa 'kin ng mga kaklase ko at iba pang mga estudyante."Bakit? Miss mo na 'ko?" tinawanan niya pa 'ko mula sa kabilang linya."Oo, miss na kita. Pahiram muna 'kong pera. Tinatamad akong mag-withdraw," sagot ko sa kaniya. May pera naman ako sa savings account ko dahil pinapadalhan ako ni kuya. Kaso nga lang, sinaniban ako ni Master Katam. Katamaran."Bakit na naman? Ano'ng tingin mo sa 'kin? ATM mo na basta na lang magluluwa ng pera 'pag kailangan—magkano ba?" Iniba niya agad ang usapan no'ng pabagsak kong binaba ang baso sa sink, at kamuntikan na 'yon mabasag."Five lang. Kailangan ko lang mag-grocery 'tsaka magpa-laundry.""Five pesos lan
Read more
2. She Left Her Home
TRIDA'S POV"Damay mo kami, Trids!" pahabol ni Matthew pero hindi na lang ako kumibo. Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Ivy sa upuan niya at saka ako nilapitan. "Ano'ng maitutulong ko?""Pabalat at pahiwa 'yong sibuyas at bawang." Inabot ko sa kaniya 'yong kutsilyo pero nagulat siya at napaatras dahil naitutok ko pala sa kaniya 'yon. "Sorry," sabi ko, 'tsaka ko inayos ang pag-abot. Akala niya siguro sasaksakin ko siya. Sinimulan ko nang i-prepare ang ibang kailangan ko sa pagluluto ng adobo. Habang 'yong apat na lalaki nasa dining table, nagbabardagulan at naghihintay na naman ng ayudang ulam galing sa 'kin."Trida, bakit pinaiyak mo 'yang bago mong roommate?" tanong ni Matthew. Nilingon ko naman si Ivy at nakita kong tumutulo nga ang luha niya—habang naghihiwa ng sibuyas. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigil ko na lang muna dahil bigla akong naawa.***Magkasama kami ni Ivy na kumakain, 'yong apat naman nasa kabilang table. Binigyan ko na sila ng ulam dahil napadami na ri
Read more
3. Kierzyuwi Yanzon
IVY'S POVNaunang umakyat si Trida sa kwarto. Ako naman ang naiwan para maghugas nang pinagkainan namin. Wala na rin sa kusina 'yong apat dahil umakyat na rin sila kanina. Pagkatapos kong maghugas, agad na rin akong sumunod sa taas.Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko si Trida, gumagawa ng assignment. "Patapos na ‘ko, kopyahin mo na lang ‘tong sa ‘kin,” sabi niya habang nilalabas ko 'yong notebook ko sa bag. Gagawa na rin kasi sana ako."Baka mahalata ni ma'am na nagkopyahan tayo ‘pag magkamukha ang sagot natin,” sagot ko naman sa kaniya. "Hindi ‘yan! At saka isa pa, kung gusto ni ma'am nang magkakaibang sagot…sana nagbigay siya nang magkakaibang tanong!” Napaisip naman ako ro'n. May point din siya tumango na lang ako. Pagkatapos niyang gawin ang assignment niya, ipinasa niya sa ‘kin yong notebook at kinopya ko naman ‘yon without reviewing her answers. Mukha naman siyang matalino kaya tiwala ako sa sagot niya.***Pareho na kaming nakapantulog ni Trida. Pero bago ako mahiga, bigla niy
Read more
4. Hidden Treasure
TRIDAS POVIsang linggo na ang nakalipas simula noong dumating si Kierzyuwi Yanzon sa aming dormitoryo. Bagong lipat siya at sa eskwelahan din namin siya nag-aaral. Base sa narinig ko, kaklase siya ni Haze at Kayden dahil Business Administration ddin ang kurso niya. Nakikita ko na rin siyang kasa-kasama nila Haze kapag kumakain sila sa kusina. Medyo tahimik ito pero mukhang kasundo naman niya ‘yong apat na kolokoy. Sila Haze, Kayden, Matthew at Zee. “Trida, samahan mo nga ako sa cr, naiihi na ‘ko.” Napukaw ang atensyon ko nang tawagin ako ni Ivy. “Halika na, dali!” “Apurado ka naman! Taeng-tae ka ba?!” “Hindi. Ihing-ihi na ‘ko!” Tumayo ako sa upuan ko at sabay kaming lumabas sa classroom. Pumunta kami sa restroom na nasa floor lang din namin. Pagpasok ni Ivy sa cubicle, pumasok na rin ako sa kabila. Iihi ako kahit hindi ako naiihi. Wala lang, trip ko lang. Saktong pag-upo ko, may narinig akong pumasok sa loob ng cr at kasabay no’n ang pagsara ng pintuan. Hindi pintuan ng cubicle, k
Read more
5. Mafia Game Part 1
Third Person's POVNasa sala na ang lahat, sa dorm. Si Kierzyuwi, Haze, Kayden, Matthew, Zee, Trida, Ivy at ang tatlo pang nursing students na sina Michaela, Shane at Mikee. Kakilala ito ni Trida kaya inaya niyang sumali para kahit papaano ay maragdagan sila.Letter C shape ang style ng sofa sa sala kaya naman nagdagdag si Kayden at Haze ng monoblock para maging paikot ang ayos nila at maging magkaharap-harap.Magkakatabi ang mga babae at magkakatabi naman ang mga lalake. Para maging patas ang laro, nag-volunteer ang caretaker nilang si Mildred para magsilbing moderator o host nila.Nang maisulat na ni Mildred ang mga roles sa maliliit na papel ay ibinilot na niya iyon at inilagay sa isang food container at saka paikot na pinabunot ang bawat isa."Tingnan n'yo na ang mga roles niyo. Ingatan n'yong huwag masilip ng mga katabi niyo," paalala nito sa kanila. Isa-isa naman nilang binuklat ang kanya-kaniyang papel na hawak at pagkatapos ay nilukot nila iyon at itinago sa kanilang mga bulsa
Read more
6. Mafia Game Part 2
Third Person's POVNapabaling si Ivy sa katabing si Trida dahil sa sinabi ni Keirzyuwi. "Mafia ka?" Tila gusto na rin niyang magduda rito."Hindi ako mafia! Si Kierz ang nararamdaman ko na may tinatago!" singhal ni Trida.“Hindi. Malakas ang pakiramdam ko na si Zee ang mafia o kaya si Kierzyuwi," natatawang sabi ni Haze habang nililipat ang tingin sa dalawa."Hindi ako mafia, dahil kung mafia ako malamang kanina ka pa patay!" ganti ni Zee sa kaniya."Time's up!” Itinaas na ni Mildred ang kamay sa ere. “Ituro niyo na ang taong pinaghihinalaan n’yong mafia." Agad naman silang sumunod. Matthew, Haze, Ivy and Kierz pointed to Zee. And Trida pointed to Kierzyuwi. "Zee, mayro’n kang isang minuto para dipensahan ang sarili mo,” baling sa kaniya ni Mildred.Umayos naman siya sa pagkaka-upo bago magsalita. "Listen, everybody. Wala pa tayong napapatay na mafia. Puro inosente ang namamatay. If you choose to kill me now, mas mahihirapan kayong malaman kung sino ang mafia without me, dahil pulis a
Read more
7. Mafia Game Part 3
TRIDA'S POV "Kapag pinatay n'yo ako, magsisisi kayo!" Haze exclaimed. Medyo naguguluhan na 'ko sa nangyayari. Nakakabobo talaga ang laro na 'to. Nakakaitim pa ng budhi dahil mapipilitan kang magsinungaling. I mean, sila pala. Hindi naman kasi ako nagsisinungaling dahil citizen talaga ako."Sa tingin ko hindi si Haze ang mafia," komento ko na naging dahilan para tingnan nila akong lahat na para bang may krimen akong ginawa. Hayan na naman sila!"So, the mafia is trying to defend the other mafia!" Kierz said grinning at me. Pero hindi naman 'yon ang dahilan. Feeling ko lang talaga na hindi si Haze, dahil kung siya ang mafia, baka kanina pa rin niya ako pinatay."Iyon din ang hinala ko. Trida is a mafia and so Haze," dagdag ni kurimaw na Matthew."Hindi ako—""Trida tumingin ka sa 'kin," Ivy cut me off so I turned to her. "Mafia ka ba?" she asked seriously. Walang'ya! "Wow, Ivy!" Natawa ako nang mapait dahil sa tanong niya. Para bang pinagdududahan n'ya ako dahil sa sinabi ni Matthew.
Read more
8. Mafia Game Part 4
TRIDA's POVAt ang walang hiyang Ivy, tiningnan ako nang may pagdududa. "Sabihin mo sa 'kin na hindi ka mafia."Sasagot pa lang sana ako nang biglang magsalita si Haze. "Time to choose the mafia. Remember, dalawa ang inosente sa inyo. If you know who the innocent, then tang*na, try to keep them alive!" Humalakhak pa siya.Lumingon naman si Ivy sa 'kin. "Trida, this is the last game. Patayin na natin si Kierzyuwi. Kapag hindi pa natin s'ya pinatay at may pinatay s'yang isa sa 'tin—game over na!" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala."If you kill me, you'll be done!" seryoso at tahimik na sabi ni Kierzyuwi kaya tiningnan ko siya. Nakatitig siya sa 'kin at nakangisi."Kanina ka pa n'ya pinapatay, 'di ba?" Hinawakan ulit ni Ivy ang braso ko para iharap ako sa kaniya. "Nakailang turo at boto na siya sa'yo. Kanina ko pa s'ya napapansin.""Pero binoto mo rin ako kanina, 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay noong naalala ko na minsan niya rin akong binoto para ma-out."Dahil natakot ako na baka i
Read more
9. The Mafia & The Dead Bodies
TRIDA'S POV “Ano? Hindi ba kayo matatapos d'yan?” natatawang sabi ni Haze sa 'min. Nagpipigil siya ng tawa dahil nanggigilid na ang luha ni Ivy.“Okay. Kill me now. It doesn't matter to me anymore!" Pabagsak na isinandal ni Yuwi ang likod niya sa upuan. Seryoso? Bigla akong napaisip at pinagmasdan si Ivy.“Pa'no kung nagsasabi ng totoo si Yuwi at inosente pala talaga s'ya?” tanong ko sa kaniya. At hindi pa man siya sumasagot, nabuwisit na agad ako. “Wow! Kapag inosente siya, ibig sabihin ikaw ang mafia at pinapaikot mo lang kami?” Lalong nalukot ang mukha ni Ivy na akala mo inapi ko siya.“Sumasakit na 'yong ulo ko sa totoo lang!" inis niyang ganti sa 'kin. "Sige na, ako na lang ang patayin n'yo para malaman natin kung sino talaga ang mafia sa inyong dalawa!” Sumandal siya sa sofa, tila nawalan ng ganang maglaro. “Pero 'pag pinatay n'yo ako at halimbawa man na si Kierzyuwi ang mafia sa inyong dalawa...ikaw mag-isa ang mag-grocery. Hindi kita sasamahan!” she warned.Agad namang ngumis
Read more
DMCA.com Protection Status