Share

8. Mafia Game Part 4

TRIDA's POV

At ang walang hiyang Ivy, tiningnan ako nang may pagdududa. "Sabihin mo sa 'kin na hindi ka mafia."

Sasagot pa lang sana ako nang biglang magsalita si Haze. "Time to choose the mafia. Remember, dalawa ang inosente sa inyo. If you know who the innocent, then tang*na, try to keep them alive!" Humalakhak pa siya.

Lumingon naman si Ivy sa 'kin. "Trida, this is the last game. Patayin na natin si Kierzyuwi. Kapag hindi pa natin s'ya pinatay at may pinatay s'yang isa sa 'tin—game over na!" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"If you kill me, you'll be done!" seryoso at tahimik na sabi ni Kierzyuwi kaya tiningnan ko siya. Nakatitig siya sa 'kin at nakangisi.

"Kanina ka pa n'ya pinapatay, 'di ba?" Hinawakan ulit ni Ivy ang braso ko para iharap ako sa kaniya. "Nakailang turo at boto na siya sa'yo. Kanina ko pa s'ya napapansin."

"Pero binoto mo rin ako kanina, 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay noong naalala ko na minsan niya rin akong binoto para ma-out.

"Dahil natakot ako na baka i
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
hahaa ayan ,game pa more para makaligtas sa paggogroceries
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status