Share

Despised Relationships
Despised Relationships
Author: Mhadz_T.K

Prologue

  “Buntis ako!” masiglang balita ko sa aking asawa pagkarating nito sa bahay. Ngunit ang maganda kong ngiti ay unti-unting nabura dahil sa reaksiyon nito.

 “Paano mo nasigurado na akin 'yan?” malamig nitong tanong sa akin.

  Literal na natigilan ako sa narinig. Paano n'ya natanong ang ganitong bagay? S'ya ang asawa ko, kaya malamang s'ya ang ama!

  “Dahil ikaw ang asawa ko, hindi ba?”

  “Pero hindi naman ako sigurado na ako lang ang nakakagalaw sa iyo.” Umismid pa ito at tiningnan ako na para bang nakakadiring bagay. “Ilang araw kang paalis-alis, and do you expect me to believe that? Are you kidding me?!” Nilampasan ako nito at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

  “Hindi ibigsabihin na umaalis ako ay nakikipagkita na ako kung kanino! Ikaw ang ama nito!” naiiyak kong saad.

  “Puwede ba, Brianna, tigilan mo ako sa kaartehan mong 'yan?! Sa dami kong nâikama, ni isa wala akong nabuntis! Tapos ngayon, babalitaan mo ako na buntis ka?! Ginagago mo ba ako?!” galit nitong tanong muli sa akin.

 Oo, alam ko ang lahat nang panlolokong ginagawa n'ya behind my back. Marami siyang babae at iba-iba ang kaniyang ikinakama. Alam ko lahat. Pero wala s'yang narinig sa akin, dahil takot akong mawala siya, takot akong masira kami bilang pamilya. Lalo pa ngayon na magkakaanak na kami.

 “Pero—”

  “Stop it, Brianna!” sigaw nito na nagpakaba sa akin ng sobra. “Stop this nonsense! Kung buntis ka, e 'di, congrats! Pero huwag mong sabihin na akin ang anak ng iba!”

 Ang sakit! Ang sakit-sakit sa pakiramdam ng mga sinasabi n'ya.

Umalis siya sa harapan ko ngunit tumigil muli at humarap sa akin.

  “Tapusin mo ngayon pa lamang ang imahinasyon mo, dahil hinding-hindi mangyayari ang gusto mo! Huwag kang umasa ng masayang pamilya mula sa akin. Huwag na huwag kang mangarap na kasama ako. Nakakadiri ka!” sabi pa nito at tuluyan na akong iniwan.

 Sa araw-araw na magkikita kami, wala s'yang sinasabi na ikagagaan ng loob ko. Simula nang ikasal kami, ni minsan ay hindi siya naging asawa sa akin.

 Masakit…  Sobrang sakit… 

  Pero, tinitiis ko, huwag lang s'yang mawala sa akin. Huwag lang n'ya akong iwan… 

 Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak nang umiyak matapos niya akong saksakin ng mga salita n'ya. Sanay na ako, pero masakit pa rin.

 Umaasa akong darating pa rin ang panahon na matututuhan n'ya akong mahalin. Umaasa akong mararanasan ko ang matrato niya ako nang tama. Hindi ako nawawalan ng pag-asa.

 He cheated multiple times. He hits me when he's drunk, but that’s okay. And now, he doesn't want to accept that I was pregnant and he’s the father. But I still love him, so I will stay… 

I will stay no matter what, because I'm his wife. Mambabae man s'ya, sa akin pa rin s'ya uuwi.  Kahit hindi bukal sa loob n'ya, ako naman ang pinakasalan niya. Kasal kami at saksi namin ang Diyos.

 Luhaan na naman akong bumalik sa kuwarto ko. Ayaw n'ya rin na magkasama kami sa iisang kuwarto. 

 Paano niya ako nabuntis? Dahil may nangyayari sa amin kapag lasing s'ya. Pero kinabukasan ay parang walang namagitan sa aming dalawa. Balik s'ya sa pagiging cold n'ya sa akin. Pero maghihintay pa rin ako…

  “Maghihintay ako sa atensyon at pagmamahal mo, asawa ko. Alam kong matatanggap mo rin na anak mo 'to. Nabigla ka lang siguro.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status