Share

Chapter Twelve

Ang balak kong gigising ng maaga para hindi maabutan ni Steve ang nangyari ay hindi ko nagawa. Dahil nagising ako na wala na sa tabi ko ang binata. Hindi ko tuloy alam kung ano ang naging reaction niya nang malamang ako ang kasiping niya kagabi.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama, binalot ang sarili sa comforter ni Steve. Napapikit ako sa isiping baka nandidiri na sa' kin ngayon si Steve dahil hindi si Nicole ang nakatabi niya.

Napamulat ako dahil sa pagbukas ng pinto sa banyo. Doon, lumabas ang hinahanap ko. Nakatabing lamang ito ng towel sa pambaba at walang saplot pang itaas. Itinaas ko naman lalo ang comforter habang napapalunok sa kaba.

Walang emosyon ako nitong tinignan habang nagtutuyo ito ng kaniyang buhok.

“Ano pang ginagawa mo r'yan? Bakit hindi ka pa magbihis at bumalik sa kuwarto mo?” Malamig nitong tanong bago pumasok sa loob ng kaniyang walk-in-closet.

Nanlulumo naman akong nagbihis habang nasa loob pa s'ya. Pagkatapos ko magbihis ay lumingon pa ako sa pina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status