Share

Chapter Fourteen

“Be ready, we're leaving in an hour.” Sabi ni Steve bago ito umakyat sa kaniyang kuwarto.

'Yon lamang ang sinabi nito pagkapasok at hindi manlang ako tinignan. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Pero may hint na ako na tungkol ito sa family gathering kaya naghanda na rin ako.

Nag-bodycon dress ako na dark blue at stilettos na black. Pinatungan ko lamang ito ng black coat. Itinaas ko ang aking buhok na naka-pony. Pagkatapos ay lumabas na ako dala ang aking sling bag.

Paglabas ko ay saktong labas lang din naman ni Steve. Saglit lamang itong napatingin sa akin bago ako nilampasan at naunang bumaba ng hagdan. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sa kaniya.

Nagdire-diretso ito sa kaniyang sasakyan kaya sumunod ulit ako at naupo sa passenger seat. Pagkasakay ko ay agad niya itong pinaandar kahit hindi ko pa naikakabit ang aking seatbelt.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko rito habang nagkakabit ng seatbelt.

“My mom's birthday.” Maikling sagot nito.

Tss. Hindi manlang si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status