Share

Chapter Fifteen

Tumagal lang kami ng ilang oras sa bahay ng parents ni Steve bago nagpaalam sa mga ito na uuwi na.

Ang pag-uusap naman namin ni Asher ay hindi na rin naman tumagal, dahil biglang lumapit sa amin si Steve. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero para silang may alitan na magkapatid dahil sa tinginan nilang dalawa. Hindi ko na lamang pinansin pa.

“Bisitahin n'yo naman kami ng madalas dito sa bahay,” wika ng mommy ni Steve. Hindi ko alam kung kailan pa ba kami naging close para maging ganito siya. Samantalang alam naman naming lahat na kasal lang sa pilit ang nangyari sa 'min ng kaniyang anak.

Umaasa pa rin talaga sila . . .

“Kapag hindi na busy, mommy,” nakangiting sagot naman ni Steve.

“O sige. Mag-iingat kayo.”

“Salamat po, happy birthday po ulit.” Sabi ko naman.

“Salamat, hija. Hindi na nagpunta ang mommy at daddy mo. Busy raw kasi sila.” Hindi naman na bagong balita 'yon. Lagi naman talaga silang busy.

Ngumiti na lamang ako.

“Sige na, mom. Pakisabi na lang kay daddy na umuwi na kami.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status