Share

Chapter Five

 Sumakay ako ng taxi papuntang mall, habang nasa taxi ay pinunasan ko ang aking mukha. Pagkarating ko ay pumasok ako sa loob at naghanap ng coffee shop. Hindi naman ako nahirapan maghanap, umorder agad ako at tinawagan ang aking kaibigan.

  “Amirah...” Basag na boses kong tawag sa pangalan niya. Nagsisimula na naman manubig ang aking mga mata.

  [B! Hey... Are you crying? Where are you? Are you okay? Please tell me where are you, I'm coming.]

 Napangiti naman ako sa sunod-sunod nitong tanong sa 'kin. Pangalan pa lamang niya ang sinasabi ko, sobrang nagaalala na s'ya.

  “A-Are you free today?” Tanong ko habang nagpipigil na maiyak dahil ibinaba na ang order kong coffee at bread.

  [I'm always free for you B, you know that...] 

 Oo, ni minsan hindi niya ko tinanggihan. We're best friends since ten years old kami. Bagong lipat sila sa subdivision namin noon dahil friends pala ang mga parents namin. 

  “Can you pick me up?”

  [Of course! Where?] Mabilis nitong sagot.

  “Mall, I'll text you where exactly I am.”

  [Okay... I'm on my way, wait for me.]

 After the call, ay napabuntonghininga na lamang ako. I'm so thankful to have Amirah, she always one call away. Itinext ko agad kung nasaan ako para hindi na mapagod kahahanap ang kaibigan ko. Hindi naman ako naghintay ng matagal, ang nagmamadaling si Amirah ang pumasok sa coffee shop.

  “B! Gosh! Paga na naman ang mga mata mo! What happened?” She hissed.

  “A...” Sa pagtawag ko sa pangalan niya ay nanginig na ang labi ko. Hindi ko na mapigilan ang hikbi, hindi ko na napigilan pa ang nag-uunahang luha sa mga mata ko. Napakagat sa labi niya si Amirah habang nakikita akong nasasaktan. Kahit s'ya ay naluha na rin dahil do'n, niyakap ako nito ng sobrang higpit. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi at masusumbungan dahilan ng lalo kong pag-iyak.

  “Shhh... I'm always here B. You can tell me everything, you can cry anytime. I won't mind,” sabi nito habang hinahagod ang aking likod.

  “I'm t-tired... I'm in p-pain...” Sinisinok kong sumbong sa kaibigan habang umiiyak ng sobra. “I hurt t-them... I ruined them—”

  “It's not your fault B, it's your parents. Hindi mo naman magagawang manakit, hindi mo magagawang manira. Huwag mong sisihin sarili mo, okay?” Humarap ito sa 'kin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

  “A... Kitang-kita ko... Ramdam na ramdam ko 'yong sakit na nagawa ng parents ko sa kanila. At ang sakit! Nakaka-guilty,” walang tigil sa pagtulo ang luha ko na pinupunasan naman ni Amirah.

  “B...” tawag nito sa pangalan ko.

  “I want to rest for a while, away from all of them... Away from my painful reality of life. H-Help me... Please...” 

  “You don't need to beg for help, I'll help you. We will run away from them, who put you in pain. I promise!” Ngumiti sa 'kin si Amirah kaya napangiti rin ako bago ko s'ya niyakap.

  “Thank you!”

 Ilang minuto lang kami nagtagal sa coffee shop bago umalis. Mabuti na lamang at may dala itong sasakyan. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang nagda-drive si Amirah.

  “Are you okay? May gusto ka bang kainin?” Tanong nito bigla sa 'kin, tumingin ako sa gawi niya at ngumiti 

  “Wala... Salamat.”

  “Tulog ka muna, medyo malayo pa tayo. Take a rest, alam kong pagod ka.”

  “Okay lang ba wala kang kausap?” Tanong ko, nakakahiya naman kasi.

  “Oo naman, mag-o-on na lang ako ng playlist. Kailangan mo ng pahinga girl,” sabi pa nito na pasulyap-sulyap sa 'kin. Kaya naman 'yon ang ginawa ko, pumikit ako hanggang sa kainin na ako ng aking antok. Pagod na pagod ang pakiramdam ko, pakiramdam ko na drained ako. 

 I'm emotionally and mentally tired...

 Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Pero nang magmulat ako ng aking mga mata ay wala na akong kasama sa kotse. Nakabukas na rin ang bintana sa tapat ko kaya ramdam ko ang malakas na hangin. Ang kulay kahel na langit na humahalik sa dagat ang bumungad sa 'kin. 

 Napakaganda... Payapa ang dagat, at walang tao kung nasaan ako kaya malaya kong nakikita ang magandang scenery na 'to. Napangiti na lamang ako dahil sa sarap na pakiramdam na dulot nito.

  “Gising ka na pala!” Masiglang sabi ni Amirah na naglalakad na patungo sa gawi ko.

  “Saan ka galing?” Tanong ko at bumaba na ng sasakyan.

  “Sa rest house,”

  “R-Rest house? Nino?” Tinignan ko ang pinagmulan nito at nakita ang isang may dalawang palapag na bahay.

  “Rest house ko!” Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi nito. Ni minsan ay hindi niya nabanggit ang tungkol dito.

  “May resort ka?!” Nanlalaking matang tanong ko, natawa naman ito habang tumatango.

  “Hindi alam nina Mommy, kaya zip your mouth!” Banta nito sa 'kin.

  “S'yempre naman!” At naglakad na kami patungo sa bahay na rest house raw niya.

  “May mga damit na ako rito, kaya hindi na ako nag abalang kumuha sa bahay. Magka-size naman tayo kaya gamitin mo na rin. Don't worry, bago lahat 'yon!” 

  “Wala naman akong reklamo ah!” 

  “Inagapan ko na!” pabiro pa ako nitong inirapan.

 Pagpasok sa loob ay namangha pa ako dahil sa ganda at linis nito. Kumpleto rin sa gamit, may sofa set at malaking flat screen tv. May kusina na kumpleto rin sa kagamitan, may lutuan, may ref na puno rin ng laman. 

  “Madalas ka rito?” Tanong ko sa kaibigan habang naglalakad na kami pataas sa second floor ng bahay.

  “Medyo...” 

  “Ikaw naglilinis ng buong bahay?!”

  “Yeah, why?”

  “Nothing, akala ko may katulong ka rito o kaya caretaker.”

  “Hindi ko naman kailangan 'yon, kaya ko naman na.”

  “Eh bakit ka nga pala bumili ng ganito?” Tumigil na kami matapos ang mabagal na pag-akyat namin sa hagdan.

  “Incase lang... You know business world girl, look at you. I know, one day my parents will arrange me too to some strangers. Maganda na ang ready kapag run-away-bride ang peg ko!”

  “Wow! Hindi ko naisip 'yon ah! Tss! Sana binigyan mo ako ng tips, sana run-away-bride rin ang peg ko 'di ba?”

  “Hindi ka nagtanong! At saka, hello?! Si Steve 'yon, ang mundo mo! Remember?” Natigilan ako sa sinabi niya, noon kinikilig lang ako sa kan'ya sa malayo. Ngayon, hindi na nga ako na crush back, sobrang hate pa niya ako. Napabuntonghininga na lamang ako sa isipin na 'yon.

  “Tara na nga! Nandito tayo para ma-relax, hayaan mo muna ang problema.” Tumango naman ako at sumunod sa kan'yang paglalakad. 

 May malaking veranda sa second floor, may mini sala rin at dalawang kuwarto na magkatapat lamang. Matapos namin magpalit ng damit ay bumaba muli kami.

  “Malapit na maggabi, inom tayo sa tabing dagat! Gusto mo?” Tanong nito.

  “Sure!” 

 Pumunta ito sa kusina, at pagbalik nito ay may dala na itong maliit na cooler at malaking chips. Sabay kaming tumungo sa tabing dagat para maumpisahan na ang inuman. Puno ng beer in can na may ice cubes ang loob ng cooler. Umupo na lamang kami sa buhangin at nagbukas na ng aming inumin.

  “Ano nga palang resort 'to?” Tanong ko bigla.

  “Isla Haven.”

  “Nice! Buti hindi matao ngayon 'no?”

  “Yeah. So, puwede ko ba malaman ang nangyari muna kanina?” She asked, kaya naman ikinuwento ko lahat sa kan'ya.

  “Bakit gano'n A? Bakit gano'n ang business world 'no? Para lang silang nagbebenta ng gamit kung ipakasal sa hindi kilala ang mga anak nila. Pera-pera na lang ba talaga ang labanan ngayon?”

  “Pera lang talaga mahalaga sa kanila, at ang kompanya. Wala silang pakialam kung may nasasaktan man sila, o kung may natatapakan. But, I pity Nicole, she doesn't deserves this. I mean, I'm not blaming you, I just hates your parents for doing this sh*t.” Seryosong sabi nito sabay inom sa kan'yang beer.

  “I feel you, I started to hate them for hurting innocent people. For the sake of money, they will do anything.”

  “That's how business world is, ang malas lang natin dahil isa tayo sa mga produkto ng mga magulang na nasa business world. Na anytime ay puwede nilang ibenta. Tss.” Ani Amirah.

 She's right, we're the product of our parents that anytime will sell to someone's rich.

  “Ang malas lang, solong anak tayo. Salo natin lahat ng gusto nilang ipagawa sa 'tin.” Sabi ko naman.

  “Yeah, but, if ever na mangyayari sa 'kin 'yang arrange marriage na 'yan? Hindi nila ako makikita! Ikaw ba? Itutuloy mo?”

Napaisip naman ako sa sinabi niya, tama bang sumama na lamang ako sa best friend ko?

  “Tutulungan mo ba ako kung sakali?” Tanong ko.

  “Lagi naman! Saka, girl! Puwede ka namang huwag na umuwi mula ngayon! H'wag mo na hintayin ang kasal,”

  “Sure ka safe rito?” Napalingon ako sa paligid. May mga katabing rest house rito na hindi kalayuan pero mga wala atang tao.

  “Oo naman! Saka puwede naman tayo mangibang bansa kung ayaw mo rito.”

  “Naku! Siguradong i-freeze agad nila ang mga card natin. Hindi mo ba naisip 'yon?” Tanong ko, dahil ako sigurado na agad ako ro'n.

  “Siyempre naman naisip ko na rin 'yan, kaya nga araw-araw ko kinukuha laman ng card ko at tinatago rito. Para may cash ako kahit kanila na ang card!” Pagyayabang nitong sabi, napahanga naman ako sa mga ginagawa niya.

  “Grabe ka A! Iba ka talaga! Ang advance mo mag-isip!”

  “Ako pa ba? So, ano? Game? Run away heiress ang peg natin!”

 Wala namang masama kung pipiliin kong maging masaya sa sarili kong desisyon, 'di ba? Gusto ko lang maramdaman ang totoong ako, ang kalayaan. 'Yong hindi ko kailangan magpanggap na ibang tao para lamang magustuhan.

 I really need time for myself...

I badly need my peace of mind...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status