Share

Kabanata 1 : Part 2

NAGBALIK ang mga memorya ni Eselle sa high school nang makatapak na sa wakas sa Saint Augustine Academy. Maraming nagbago sa loob ng campus na mas lalong lamang ikinaganda ng eskuwelahan sa Talisay, Batangas. Isa na doon ang second floor ng iilang gusali para sa K-12 Curriculum, mas pinalawak na canteen at pinagandang court. Maraming mang nagbago pero nanatili pa rin ang berde ang pinta ng room at mga building na nakakakalma sa paningin.

Papunta sa pinaka-function hall, natigilan si Eselle nang makita ang matayog na pine tree. Dahil doon ay naalala niya ang best friend na si Mark Hernandez...

Natatarantang napatakbo si Eselle sa first period subject sa kadahilanang nahuli ang jeep na sinasakyan nang nagkatraffic dahil sa nagbundolan na track at motor papunta sa eskuwelahan. Kahit kalayuan ay pilit niyang tinakbo para lamang makaabot sa first subject.

"Fudge... patay talaga ako nito." hinihingal niyang mutawi habang pahapyaw-hapyaw na tinitignan pa rin ang relong pambisig.

Mas binilisan pa ni Eselle ang pagtakbo nang malamang mahigit treinta minutos na siyang huli sa klase. At sa eskwulahan nila, kapag twenty minutes late, it can consider absent. At hindi rin considerate ang Filipino teacher nila na menopause kung tumalak. Palibhasa kasi matanda itong dalaga.

Ilang hakbang na lamang papuntang sa classroom nang matisod si Eselle sa nakausli na semento. Malakas na pagsinghap ang kumawala sa kanyang bibig kasabay ng pagtilapon ng mga libro na kanina lamang ay hawak-hawak niya.

"Goodness! Bakit ba ang malas ko?" Naiinis na hinampas niya ang nakausling semento. Lagi na lamang siyang nadadale roon. Patayo siya nang marinig niya ang d***g ng isang lalaki na tila ba nagmamakaawa.

"Stop... p-p-please..." d***g na naman ng isang lalaki. "Tama na. N-n-nasasaktan ako..."

Nagtatakang napalingon siya sa pinaggalingan ng ingay at nakitang binubugbog ang patpat na classmate niya sa pilipino subject na lagi niyang napapansing nakaupo sa bandang likuran ng classroom.

"L-late na ako. Ginawa ko na naman ang assignment ninyo sa Science, 'di ba? So p-please—" Napadaing na naman ito nang matadyakan ng malakas sa tagiliran. "Please..."

Gigil na naikuyom ni Eselle ang mga kamay, tiningnan ng masama si Reynaldo, ang pangalan ng bully. Lagi niya itong nadadatnan sa sulok ng canteen at kung saan-saan pa sa loob ng campus na may inaaping estudyante. She actually don't want to care—to avoid herself from trouble, bagaman ngayon lamang ata siya tinamaan ng kung anong kidlat para uminit ang kanyang ulo sa ginawa nito.

"P-p-plese... maawa ka..." Sapo pa rin ng lalaki ang tagiliran ngunit pinipilit pa rin nitong tumayo. "Kinuha mo na r-rin ang baon ko ngayong araw so please pakawalan mo na 'ko. That is all I have. L-late na ako sa first subject ko..." muling pagmamakaawa ng lalaki, may putok na sa labi.

Mas lalo lamang siyang naawa nang mahimigan ang sobrang pagsusumamo sa boses nito. Base sa na obserbahan ay baka kanina pa ito pinag-trip-an ni Reynaldo. Sa laki ba naman ng katawan ni Reynaldo, walang-walang panama ang palito nitong pangangatawan. With that, she can't seem to ignore what's happening no matter how much she wants to not mind.

Kinuha ni Eselle ang libro at walang takot na binato ng ang patabaing bully. "Isang sapak mo pa at tatawagan ko ang tita ko na principal sa school na 'to!" Itinaas niya ang cellphone na touchscreen, tinaliman ito ng tingin. "Sisiguraduhin kong ma-i-expel ka ng wala sa oras!"

Matinding takot ang sumilay sa mukha ni Reynaldo bago ito kumirapas ng takbo. Hindi rin lumampas ang namutla nitong mukha nang bumaling ulit ito sa kanya. Pinandilatan niya ito ng mata at nagpatuloy na ito sa pagtakbo.

"S-s-salamat." mahinang usal ng classmate niya.

"Sus! Wala 'yon," Inilahad niya ang kamay at mabilis naman nitong tinanggap ang tulong. "Ano nga pala ang pangalan mo?"

Nang makatayo at nakapagpagpag ng uniform ay doon pa ito tumingin sa kanya. "M-mark... Mark Ethan Hernandez. Ikaw?"

Parang may kung anong protectiveness ang biglang lumukob sa kanyang katawan para sa lalaki. Payat ito at maputla ang balat at saka may suot na makapal na eyeglasses. Nang masilayan ng kabuuan ni Mark ay mas lalo lamang niya itong nagustuhang alagaan at protektahan. Para talaga itong si Jose Rizal na pambansang bayani ng Pilipinas.

"Eselle Mari Elle." nakangiti niyang sagot. "'Yon ang pangalan ko."

Napatingin si Eselle sa relong pambisig at napalatak nang tuluyan na silang mahuli sa klase. At kung papasok pa sila ngayon ay papagalitan na nga sila'y tiyak na may kasama pang detention at parusa na maglinis ng banyo.

"Sorry, dahil sa akin na late ka pa tuloy sa subject natin..." nakayukong wika nito.

"Ano ka ba! Wala 'yon. At dahil late na naman tayo. Let's go. Doon na tayo sa puno maghintay sa next subject..." Tinuro niya ang malaking puno na nasa di kalayuan. "...Marky."

"Sige... E-ellie." pagsang-ayon nito.

"Ellie?" Kunot-noong binalingan niya ang lalaki.

"Tinawag mo k-kasi akong Marky kaya Ellie na lang rin ang itatawag ko sa 'yo."

Nagkibit-balikat siya at kalaunan napangiti. "Ellie... I like that. Let's go, Marky." Inilahad niya ang kamay dito senyas bilang pag-alo.

"Tara!" nakangiting tugon nito, tinanggap ang kanyang kamay.

Nakangiti hanggang tainga, sabay silang napatakbo sa ilalim ng matayog na pine tree at nag-usap.

"Yung sinabi mo kanina... talaga bang tita mo ang principal dito sa school?"

Napabungisngis siya, salat-salat ang bibig. "Hindi... Maniwala uto-uto na lang..."

Hinding-hindi makakalimutan ni Eselle ang eksenang iyon dahil iyon ang naging daan nang kanilang pagkakaibigan. Simula noon, lagi na silang magkasama sa kung saan-saan ni Mark. Tinigilan na rin ito ng mga bully simula noong naging malapit silang magkaibigan. Kahit na hindi sila naging classmate noong third year high school ay palagi pa rin silang nagkikita tuwing recess at uwian. Second year high school niya nakilala si Mark at third year high school naman ng nabuo ang MOEN.

Napaismid siya bigla sa mga memorya. She missed her skinny best friend Mark. Simula nang grumaduate sila sa high school ay wala na siyang naging balita sa lelempot-lempot na kaibigan dahil sa ibang bansa na ito biglaan nag kolehiyo. Nakakalungkot pero kinailangan niyang tanggapin ang desisyon nito. Hindi na rin siya naghangad na makita ito sa reunion dahil simula pa lang ng magkolehiyo ay nawalan na sila ng komunikayon.

Napatingin si Eselle sa cell phone na hawak at napagtantong limang minuto na lamang ay magsisimula na ang event. Mabilis ang naging paglakad niya at napasinghap na lamang siya nang madale na naman siya sa nakausli na semento. Kamuntik pa siyang masubsob sa lupa!

"Hay nako! Palagi na lang talaga!" Nababanas na nahampas niya ang semento at nagpagpag ng kamay.

Patayo pa lamang ay natigilan siya nang makita ang pamilyar na bulto sa di gaanong kalayuan. Nakakiling ang ulo ng lalaki habang nakangiti sa kanyang direksyon.

"Hindi ka pa rin nagbago, Ellie. Kahit ngayon, natatalisod ka pa rin diyan."

Unting-unti nanlaki ang mga mat ani Eselle sa katagang iyon. "M-marky?"

Nakangiting tumango-tango ito dahilan sa pag-awang ng kanyang bibig. Goodness gracious! Ang papatin at lelempot-lelempot na kaibigan noon na inaapi-api lamang ng mga senior ay isang hunk at gorgeous na handa ng mangbugbog ngayon.

The biceps were delish and the man pecs were definitely swooning. Ang malambot na features nito noon ay naging maangas na ngayon. Nakatop-knot ang buhok nito at well-defined na rin ang jawline. Ang labi naman nito na kasing putla ng gatas ay kakulay na ngayon ng mga rosas. Ang dating maputla na lalaki ay maypagka-tan na ngayon na nababagay naman sa bagong anyo.

Hindi na napigilan ni Eselle ang paghanga. Oh god, para siyang nakaharap sa greek god na nakikita niya lamang sa mga pelikula. Simpleng white shirt at ripped jeans lang ang suot nito pero nag-uumapaw naman ang sex appeal ng kaibigan.

Mabilis na napatayo si Eselle at sandaling napahawak sa baywang kung nasaan ang garter ng kanyang underwear, sinuri kung napugto ba ang suot. Dahil iyon ang naramdaman niya nang masilayan ang ngayong kaaya-ayang kaibigan. Makapugto-garter. Napakaguwapo. Napakatikas. Kung hindi niya nga lang ito kilala ay mapagkakamalan niya itong si Josh Colet ng Los Basterdos.

Shit... ang pogi...

Walang pasabing humakbang ito palapit at sa hindi alam na kadahilanan ay bigla na lamang bumilis ang pintig ng kanyang puso, animo kailanman ay hindi nakakita ng guwapong nilalang. Naramdaman niya rin ang pag-init ng kanyang mukha nang gahibla na lamang ang mukha nila isa't isa.

"Oh, I miss you, Ellie..." Pabiglang hinapit siya nito sa baywang at halos mahimatay si Eselle nang dampian siya nito ng mabining halik sa pisngi. "So damn much."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status