Share

Kabanata 2 : Part 2

Napaatras siya ng kaunti at inihanda ang pepper spray na nasa loob ng rattan round bag. Halos tumigil siya sa paghinga nang maosyo kung sino ang estranghero sa ilalim ng itim na helmet.

Pinasadahan niya ito ng tingin ulo hanggang paa. Aba't ang yaman naman ata nitong kidnapper at naka-Ducati pa? Idagdag pang mukhang mayaman talaga ito kaya bahagya siyang napanatag.

"Ellie, it's me!" pagbibigay-alam nito sa pagulat na pamamaraan.

Doon na siya nakahinga ng maluwag nang hinubad nito ang helmet at bumungad sa kanya ang ngayong napakaguwapong kaibigan.

"Nako, Marky!" Ngalingngaling inutusan niya ito ng mahina sa ulo. "Huwag ka ng magpa-suspence ulit, ha. Huwag mo ng ulitin 'yon at baka ma-taekwondo watta talaga kitang h*******k ka!"

"Grabe..." Tumikwas ang isang sulok ng labi nito, ngumisi. "Hanggang ngayon, sadista ka pa rin pala, Ellie."

Muli, makabuluhang pagtitig ang natanggap mula sa kaibigan. Habang tumatagal ay hindi na niya na nawawari ang nasa isip nito o kung anuman ang iisipin nito. Tila ngayon ay mukhang na itong puzzle game na hindi niya na kayang mabuo.

"Saan punta, espren? Hatid na kita." alo ni Mark dahilan ng pagbalik niya sa reyalidad.

Parang gusto niya biglang iumpog ang sarili nang kumirot ng bahagya ang kanyang puso sa naulinigan.

Espren...

Sobrang inasam niya ang katagang iyon pero bakit parang ayaw niya nang marinig pa iyon galing dito? Was it necessary to feel hurt by an old endearment?

"Sa bahay namin, Marky," tugon niya sa kaswal na tono. "Doon ako magapapalipas ng gabi."

"Doon sa bahay ninyo dati na marupok?! Hell, no! I won't let you. Baka mapaano ka lang doon. Doon ka na lang sa tinitirhan natin dati. Besides sanay na naman tayong kasama ang isa't isa, 'di ba? We've been living there for three years, so why change the usual?"

Sa sinabi nito ay naalala niya bigla ang pag-iwan sa kanya ng ina noong second year high school para magtrabaho sa ibang bansa. Maagang naulila ang kanyang ina at tinigilan na rin siyang suportahan ng kanyang ama noong tumuntong siya ng second year high school simula nang maghiwalay ang mga ito. Iyon ang tanging rason upang mag-udyok na mag trabaho ang kanyang ina sa ibang bansa para mapaaral siya nito na dire-deretso hanggang kolehiyo. Simula noon, naiwan siya sa bahay nilang gawa sa dampa at naintindihan niya naman ang naging desisyon ng ina. Sapagkat noong naging magkaibigan sila ni Mark ay pinatira siya nito sa apartment na inihabilin sa kanilang sa kadahilanang sa U.S na ang mga ito maghahanap-buhay at para naman may kasama raw sa bahay ang binata.

Bilang isang mabuting anak at para sa reputasyon ng pamilya, naintindihan naman iyon ng kaibigan dahil galing ang Hernandez sa pamilya ng mga doctor. Kaya hindi na rin siya nagulat noong nakabalita siya na veterinarian ang kinuha nitong kurso sa Harvard at veterinarian doctor ang naging trabaho nito sa States.

Ilang segundong pinakatitigan niya lamang ang binata. Sandali niyang naisip kung ano ang ba naging buhay nito sa ibang bansa. Kahit puno ng katanungan ang gusto niyang ibato sa kaibigan ay minabuti niya na lamang na manahimik.

"Don't give me that look, Ellie. Hindi kita gagapangin, promise. Pero ako, okay lang sa akin kapag ginapang mo 'ko." anito sabay magiliw pa na kumindat sa kanya.

"Bastos!" ani Eselle sabay hampas dito sa braso.

"Aba! Matapos mo akong hipuan sa abs ganyan na lang ang isusukli mo—"

Mabilis na umangkas siya sa Ducati nito at tinakpan ang bibig ng kaibigan. "P*****a! Ang dami mong satsat, tara na!"

Kahit hindi niya kaharap ang binata ay natitiyak niyang nakangisi ito. Nang si Mark na mismo nagpulupot ng mahigpit sa kanyang kamay sa baywang nito ay nanatili siya sa ganoon na posisyon, walang nagawa bagaman nagustuhan niya rin naman ang isa sa rason.

"Humawak ka ng mabuti, ha. Pero hawak lang, Ellie, walang hipuan sa abs. Sa susunod may bayad na 'yon." biro pa nito sabay halakhak.

"Buwesit ka talaga! Pektus, gusto mo?" gigil na wika ni Eselle na nagpahalakhak na lamang sa kaibigan.

Mark woke the engine to ignore the quarrel and drive away. Halos tumalon ang puso niya nang kasing bilis ng mga race motorist ang pagpatakbo nito sa makitid lamang na daan. Mahigpit siyang yumapos sa tiyan ng binata upang siya tumalsik sa kung saang kalsada kada pinipihit nito ang manubela papahinto.

"P*****a ka talaga!" sigaw niya habang mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa Ducati animo nasa pelikula na Fast and Furious.

Tumaas-baba na lamang ang dibdib ni Eselle sa kaba nang makarating na sa apartment. Tila hindi makagalaw, naramdaman niya ang panginginig ng mga tuhod. Nakababa na ang binata ngunit nanatili siyang nakaupo sa Ducati at walang naiusal.

"Hey, are you okay?" nag-aalala pero natatawa nitong untag.

Nang hindi pa rin siya natinag sa kinauupuan ay ito na mismo ang nag-akay sa kanya pababa ng Ducati. Napahawak siya agad sa balikat nito para humingi ng tulong nang bahagya pang matumba. Pero mukhang iba ata ang nahipo niya.

Bato-bato... bato-batong muscle!

Wala sa sariling nagbasa ng pang-ibabang labi si Eselle.

Ang sarap ng pandesal! Nasaan na ba ang kape?

"In fairness you have boobs now," biglang ani ng binata dahilan nang pagsupil sa kapilyuhan.

Mabilis na pinagkrus niya ang dalawang kamay sa dibdib at tinaasan ito ng isang kilay. "Excuse me?"

"Dati kasi flat tops ka lang, eh." natatawang tudyo pa nito. "You should thank me and not glare at me, Ellie. I just complimented you."

Pinaghahampas niya ito ng malakas sa balikat. "Buwesit ka! 'Yan ba talaga ang natutunan mo sa States, ha? Ang mang-api?" She playfully jumped on him and gave him a tight headlock. "Sumagot ka h*******k!"

"Stop it, Ellie," pula na ang mukhang pagsamo nito. "I can feel your..."

"You can feel what?!" asik niya sa tainga nito, hinigpitan ang pag-ipit sa ulo. "Ano, ha?!"

"Y-y-your boobs pinning on my head and it's driving me insane! Fuck!"

Isang malutong na kutos naman ang binigay niya dito bilang tugon.

"Buwesit ka talaga kahit kailan!" Tinalikuran niya na ito at narinig niya ang pagbungisngis ng kaibigan.

Hindi na siya nagulat pa nang suwabeng nitong ipinulupot nito ang mga kamay sa kanyang tiyan at naramdaman niya ang nakakakuryenteng mainit na hininga sa kanyang leeg.

Nang bahagyang lumapat ang labi nito sa kanyang leeg ay napapikit si Eselle nang mag-init ang kanyang katawan. Halos mapaungol siya nang maglandas ang tungki ng ilong nito pababa sa kanyang hayag na balikat.

Darn, why am I feeling this? Why am I feeling this towards my best friend?

"Sorry na, Ellie. I was just joking. Simula ng magkita tayo ulit, you keep pushing me away. Hindi ko tuloy alam kung nasiyahan ka ba sa pagbalik ko o hindi."

Humarap siya sa kaibigan at sinalat ng masuyong ang mukha nito. "I miss you too, Marky. Sobrang na miss kita." Tumingkayad siya at yinakap ito ng mahigpit. Ipinikit niya ang mga mata at dinamdam ang pagkakataong iyon.

It's been twelve years since she did the very same gesture. At hindi niya akalaing kailangan niya pala iyon gayong yakap-yakap niya na ito ng mahigpit sa kasalukuyan.

"You can never imagine how much I missed you, Ellie. I missed you this close to me. I missed all of you."

He was still the sweet Mark she knew. Napangiti siya nang hinagod-hagod nito ng marahan ang kanyang likod. Ngunit nang pabiglang bumaba ang mga kamay nito papunta sa kanyang pang-upo ay agad na napawi ang ngiti niya sa labi.

"Marky!" sita niya, hinampas ito sa balikat.

"Oh, wow! You, also, have bumpy butt now, Ellie," komento nito, malaking nakangisi. "Ang lahat ng flat sa 'yo lumaki na, ah. Nice!"

Naiinis na nag tinalikuran niya ito at tinungo ang pinto ng apartment. Dagling nilagay niya ang password na birthday niya at dire-diretsong pumasok sa nakaugaliang kuwarto noon. Tinanggal niya ang saplot isa-isa at nagpalit ng bathrobe.

Tulis-ngusong sinipat niya ang pinto. Aba't ang mokong ay hindi man lang siya sinuyo upang manghingi ng tawad. Nagsalubong naman agad ang kilay niya sa napagtanto. Bakit nga ba naman siya magpapasuyo, eh, kaibigan lang naman siya nito?

Dahil doon, napabuntong-hininga si Eselle at napalabi. Damn self, you really need to get a grip! Mark was obviously out of her league.

Nakahalukipkip si Eselle nang pumasok si Mark sa kuwarto na may dalang ham sandwich at lemon juice sa isang tray. She felt a little hungry, yes. Pero hindi siya natakam sa pagkain nitong dala kundi sa upper body nito na parang tinutukso siya ngayong damdamin iyon gamit ang mga kamay. Ang titigas nitong tingnan! Ang sasarap... Idagdag pa ang V-line nito na akala niya sa Henry Cavil lang ang mayroon.

Agap na napahawak siya sa mga sulok ng labi, sinuri kung may tumulo na laway sa bibig sa sobrang pagkatakam sa kaibigan. Hindi naman ito ulam pero bakit parang gusto niyang mapa-yummy ng malutong? Pakiramdam niya ay kaunti na lamang at mukhang mahihibang na siya nang wala sa oras.

Napapilig na lang si Eselle sa mga kalokohan. Isang malutong na imagination slap ang binigay niya sa sarili para mapatigil sa kapilyuhan.

Stop, Eselle! Baka nakakalimutang mong kaibigan mo 'yan!

Ganoon na lamang din ang kanyang pagka-inis sa limitasyon. Na kung bakit ganoon na lamang ang kanyang paghumaling sa kaibigan. May kung anong umusbong na pagnanasa sa kanyang kaibuturan na kahit na alam niyang hindi dapat na maramdaman.

Dati naman ay walang malisyang pinagmamasadan niya ito kahit na nakatapis lamang ito sa loob ng apartment. Pumapasok lang din ito bigla-bigla sa kanyang kuwarto para manghiram ng ballpen kahit na halos hubad siya. Para lamang silang magkapatid na pinanganak sa ibang magulang. Pero ngayon, kahit tinitignan niya lang ang mukha ng kaibigan ay gusto niya na itong sunggaban sa labi.

Oh my god! What exactly has he done to me?

Marahil ito ang pakiramdam kapag matagal-taga ng tigang! Damn, she really needs advice to her friends. Napakamali niyon... delikado. Delikado kapag kumagat siya sa bitag ni Mark sapagkat alam niyang hindi nito kailanman masusuklian ang nararamdaman kung sakali. They were best friend and they must always stay that way. Hanggang sa huli ay paninindigan niya ang peksman walang talo-talo na ipinangako niya noon sa kaibigan.

Umupo si Mark sa kanyang harap at maingat na inilapag ang tray. "Eat, Ellie, because later we would play a game."

Sa tono pa lamang nito ay hindi niya na nagustuhan. Knowing the new naughty version of Mark, alam niyang may pilyo na naman itong layunin.

"W-what game?" tila kinakabahang niyang sagot, hindi nagugustuhan ang malagkit nitong ekspresyon.

"Drink or do the dare." sagot nito habang pinaglalaruan ang dulo ng tali ng kanyang bathrobe.

Ngumiti siya sa binata at inabot ang ham sandwich at kumagat. "Gaya ba ng dati nating laro tuwing friday night?"

"Oo gaya ng dating laro..." Mark grinned and then he pulled the bathrobe tie, clasping her bathrobe open. "Pero upgraded version."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status