Share

Kabanata 2 : Part 1

NANGANGATOG ang mga tuhod ni Eselle sa antisipasyon na napalingon sa kaibigan. Back in high school, Mark used to kiss her cheeks all the time but never it affected her in a sensual way. Ngunit gayong nasa harap niya na ulit ito ay parang siyang nalulusaw na sinidihan na kandila. Hindi niya mawari kung natatae lang ba siya o sadyang kinilig siya sa ginawa nitong paghalik sa kanyang pisngi.

"Ellie?" untag nito na hindi naging sapat para bumalik sa reyalidad.

Malaki na talaga ang pinagbago ng kaibigan at para bang hindi niya na mapigilan ang sarili na matakam sa mga nasisilayan. Mark was too enviable to ignore, and to stay tranquil. Kaya naman wala sa isip na inabot ni Eselle ang man pecs ng kaibigan at dinadam iyon.

Oh, matigas... kasing tigas ng bato!

"Ellie? Are you listening to me?" patuloy na pagkuha nito ng kanyang atensiyon.

Wala sa sariling napatango-tango na lamang siya sa ani ng kaibigan. Unti-unting bumaba ang kanyang kamay sa lower abdomen nito at binilang iyon sa paghimas-himas. Four? Six? Napailing-iling siya sa natuklasan. Hindi... Hindi lamang pala iyon six kundi eight...

Eight yummy pandesal!

Parang gusto niya tuloy magkape ng tanghaling tapat at latakin ang pandesal ng kaibigan. Oh, how she bet it would be delicious. As much as the owner for sure.

"Ellie!" pasigaw na saway nito.

"Ay Ellie ng ina mo!" gulat na pagak ni Eselle nang matubuan ng hiya. Nang mapagtantong nanatili pa rin ang kamay niya sa abdomen ng binata ay napangisi na lamang siya dito. "Aba Marky, ha! Totoo pala talaga lahat ng nakikita ko. Hindi ka pala na-photo shop."

Napangisi ang kaibigan na nagpainit ulit ng kanyang mukha. Ang dating mahiyain at patpatin na si Marky ay may playboy grin na ngayon. At mas lalo lamang itong gumuwapo sa kanyang paningin.

"Why don't you touch lower and see the real me?" nakangising biro nito.

Mabilis na tinulak niya ito palayo nang mag-init ang mukha. "Aba't ang bastos mo na, ah! 'Yan ba ang natutunan mo sa States?"

Napahalakhak ito. "I'm just joking, Ellie. Masyado ka kasing nabighani sa 'kin. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip na crush mo na ako ngayon."

"Oo nga..." Napatango-tango siya at dinuro-duro ng marahas ang dibdib ng kaibigan. "Kabastusan at kakapalan ng mukha ang natutunan mo sa States!"

"Again, I'm just joking, Ellie, ang seryoso mo namang babae ka. So ano tayo na?" Inilahad nito ang kamay at naguguluhang tiningnan niya lang iyon.

"A-a-anong t-tayo ka diyan?"

"Tayo na't pumunta sa function hall at baka ma late pa tayo sa event..." Tumikhim ito at ngumiti ng pilit. "...is what I mean."

"Ahh..." Nadismaya ng kaunti, tinaggap ni Eselle ang kamay ng binata sabay tango. "Oo, tara."

Isang hakbang pa paputa dito ay natalisod na naman si Eselle sa sementong nakauwang. Muntikan na siyang mapura ng malutong sa gulat. Buti na lamang at hawak ni Mark ang kanyang kamay at para lamang silang nakaprente sa isang dancing competition.

"Hangang ngayon, careless ka pa rin pala, Ellie," Pumalatak ito bago pa hinawi ang hibla ng kanyang buhok na ngayon ay tumatabon sa kanyang mukha papunta sa tainga. "At hangang ngayon ang ganda-ganda mo pa rin. May jowa ka na ba?"

"W-wala."

"Good."

Pabigla siya nitong pinatayo at naglapat ang dibdib nila sa isa't isa. Mahigpit na nakahawak ito sa likod niya gamit ang isang kamay. Para bang may iisang utak ay sabay silang nagkatinginan ng sabay sa mata ng isa't isa. May nakita siyang kung anong kislap doon na hindi niya maipaliwanag. Kung may makakitang iba ay baka isipin ng mga ito na nag-tatango dance sila sa gitna ng daan.

Nang bahagyang lumapit ang mukha ni Mark ay bigla napapikit si Eselle. Ewan niya rin sa sarili at kung bakit siya napapikit. At hindi rin nakatulong ang bilis ng pintig ng puso niya na animo'y isang kabayo na nakikipagkarera para itulak ito palayo. Siguro ay dahil na rin bago ang pakiramdam niyon sa kanya na hindi naman masama kung tutuusin.

Sapagkat ganoon na lamang ang kanyang pagkadismaya nang noo lang ang naglapat sa kanila at hindi ang mga labi.

Aba't nadismaya ka pa talaga, Eselle, ha?

"Why did you closed your eyes? I'm not going to kiss you."

Ngalingngaling batukan niya ang sarili. "Ahhh... Hindi ba? Este oo naman hindi. Hindi mo talaga ako hahalikan at pektus ang aabutin mo sa 'kin. At saka bakit mo naman ako hahalikan, 'di ba? Napuwing lang ako. Pisteng hangin 'yan pinuwing ako! Ihipan mo nga mata ko, Marky, ihipan—"

"I'm not going to kiss you, Ellie, because that's what you make me promise back in this very place..." matamang pag-uulit nito. "Kasi nga 'di ba peksman walang talo-talo tayo?"

"Oo, peksman puwedeng bang bawiin—este oo naman, walang talo talo tayo," mabilis na pagbawi niya at pilit itong tinawanan. "Oo! Walang talo-talo pa rin t-tayo!"

"Yeah, right." agap na sang-ayon nito, naningkit ang mga mata.

Damn, now she was stuttering in front of her best friend which of course, the most absurd thing that needs to stop. Ano na ba itong pinaggagawa niya? Mukhang hindi lang pala siya nabighani sa kaguwapuhan nito kundi pati na rin sa thick american accent ng kaibigan.

But then how can she stop fantasizing things though? He was so damn desirable now. Gayunman sa kabila nang pagkahumaling ay may punto naman ito. Tama ang pinaalala ng kaibigan, dapat walang talo-talo pa rin silang dalawa upang mapanatili ang pagkakaibigan.

"Yeah, mabuti naalala mo." aniya sa mapaklang boses.

"How could I not?" Bahagyang kalungkutan ang tumulay sa mukha ni Mark pero kalaunan ay ngumiti na naman. "Anyways, we're late, Ellie. We need to move."

Magkahawak kamay silang pumasok ni Mark sa function hall. Lahat ng tao ay nagtinginan sa gawi ni Mark na para bang nakakita ang mga ito ng napakaguwapong artista. Namilog na para bang hindi nito kilala ang kaibigan.

She felt proud yet a little... jealous. Hindi gaya ng dati, balewala lang ito sa eskuwelahan at siya lamang ang nakakagawa nito noon. Iilan lang ang nagbibigay dito ng atensyon at kadalasan ay siya lamang. Ngunit sa anyo nito ngayon ay mukhang aani ito ng atensyon ng mas mahigit pa sa inaakala niya.

Binalewala na lamang ni Eselle ang biglang bulung-bulungan sa bulwagan. Datapwat ang tanging nakapagtuliro lamang sa kanya ay nang nagmamalaking ipinagsiklop ni Mark ang kanilang kamay dahilan rin ng pagpukaw ng kakaibang pangangailanagn ng kanyang katawan.

Naguguluhang nag-angat siya ng tingin at matamis na ngiti lamang ang itinugon ni Mark. Hindi rin lumampas ang nakakalokong mga tinginan ng kanyang mga kaibigan nang makaupo sila ni Mark sa lamesa kasama ng mga ito.

Nakangiting binungo ni Nadia ang braso niya, nakangisi. Mabilis naman na binawi niya ang kamay kay Mark at tiningnan ng masama ang mga kaibigan senyas bilang pagsita sa mga ito.

"Nadia, Olivia, Mari, please stop that look." sita niya na nagbabantang nakangiti, hindi bumubukas ang bibig. "It's not what you think it is."

"Yeah, guys. It's not what you think it is." pag-uulit ni Mark pero may diin.

Hindi niya alam kung magagalit ba siya o matutuwa sa reaksyon ng mga kaibigan nang sabay-sabay itong tumili ng pagkalakas na naging dahilan upang mapatingin ang iba sa kanilang mesa.

Napailing-iling na lamang si Eselle at napahilot sa sentido. Her friends are being insensitive out of nowhere and Mark having fun of teasing her made her face flush in auburn. Kulang na lamang ay tumiklop na siya na parang makahiya sa kinauupuan sa sobrang hiya.

Nang magpaalam ng saglit si Mark nang pinuntahan nito ang ibang kaibigan ay napatango na siya at wala ng sinabi pa.

Pinaghahampas naman siya ni Nadia na katabi nang mawala na si Mark sa upuan. "Best friend, ah? Best friend lang ba talaga?"

"Oo, naman. At saka doon na lang talaga 'yon, Nadie. Besides, tignan n'yo naman. Mark came from States. Sa guwapo na ng isang iyon, siguradong may girlfriend na 'yan na spokening dollar born with golden spoon."

"Well, uso naman ang magtanong, hindi ba?" sarkastikong mungkahi ni Olivia.

"Wala na akong karapatan para umisisa pa sa love life ni Mark. After all, mag best friends lang kami, Via."

"Best friend lang pero ang lagkit niyong tumingin sa isa't isa? Tingnan mo, kahit nasa ibang table na nga, na sa 'yo pa rin ang atensyon ni Mark," nang-aasar na puna ni Marielle, ngumuso sa isang direksyon. "'Yon, oh, tingnan mo. Ang lagkit makatingin sa 'yo!"

Napalingon siya sa hudyat ni Marielle. Para siyang natunaw na yelo sa mainit na titig na natanggap kay Mark. Isang katiting na parte ng isip niya ang sumang-ayon sa sinabi ni Marielle pero pinigilan niya pa rin ang sariling mag-akala.

Nag-iwas siya ng tingin nang mag-init at mamula ang mukha. Gulat niyang nasapo ang magkabilang pisngi nang mahismasmasan.

No! Best friend mo si Marky, Eselle. Best friend mo lang, mariing paalala niya sa sarili. At kailangang hanggang doon na lamang iyon... Kilala niya ang kaibigan, hinding-hindi iyon titingin sa kanya nang gaya ng iniisip.

"Gege. Best friend pa nga." nang-aasar na sambit ni Marielle.

Pagkatapos nang opening ceremony ay naganap naman ang lunch sa hall. Masasarap ang mga ulam nilang grilled seafoods na ambag ng Restaurateur na schoolmate nila sa ibang section. Doon na magtatapos ang opening ng reunion at tuloy na naman ang opening parade bukas ng umaga.

Nagpaalam si Marielle nang sinundo ito ng ama. Si Olivia naman ay sumunod na nagpaalam nang dumating ang asawa. Napag-iwanan na rin siya ni Nadia nang sumama ito sa tiyahan nitong kakauwi lang din sa Batangas galing sa ibang bansa.

Napaismid si Eselle nang maiwan na naman siyang mag-isa. Sanay na siyang ganoon kaya hindi na siya nag reklamo pa. Hindi gaya ng mga kaibigan, hindi siya galing sa may kayang pamilya. Sa kanilang apat ay siya itong todo kayod na magtrabaho. Kulang na lamang ay isubsob niya na ang mukha sa screen para lamang maka-ipon ng pera. Since lahat rin naman ng relatives niya sa Batangas ay lumipat na sa Maynila, wala na siyang ibang pagpipilian kundi matulog sa makaluma nilang bahay-na ngayo'y marahil na inaamag na sa kalumaan kaysa naman umupa pa siya ng pagkamahal para sa isang linggo.

At sa kadahilanang walking distance lang ang bahay ay nagsimula na siyang maglakad habang bitbit ang itim na backpack. Napako lamang siya sa kinatatayuan nang may pumaradang misteryosong Ducati sa kanyang harapan na matinding nagpakaba sa kanya.

Fudge... Am I being abducted?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status