Share

Book 2 - Charmed and Torn

Bilang isang manunulat, walang ibang hinangad si Markell Hernandez kundi sumunod sa yapak ng kanyang ina at mapaibig ang kanyang matagal na hinahanggaan na si Nikolai Fuentebella, isang matikas at sikat na aircraft pilot sa Pilipinas. Ipinangako niya sa sarili na kailangan mapapasakanya ang binata simula noong mga bata pa lamang sila at gagawin niya ang lahat para mapaibig ito.

Kaya naman ng alukin siya nito ng no strings attached set up matapos ang kanyang walang katapusan na pangungulit at pang-aakit rito ay hindi na nagdalawang isip si Markell na pumayag dahil akala niya ay magiging daan iyon upang mahulog ang binata sa kanya, kahit na alam niyang maraming tututol sa kanyang desisyon at isa na roon ay si Lucan Salazar, isang coffee shop owner at ang kanyang boy best friend na lingid sa kanyang kaalaman na may gusto sa kanya noon pa.

Sapagkat kabaliktaran ang mga nangyari at mas lalo lamang napagtanto ni Markell na wala siyang laban sa nakaraan ni Nikolai. Patuloy pa kaya siyang aasa na may magandang patutunguhan ang kanyang mga pagsasakripisyo para sa taong kanyang gusto o mas pipiliin niya na lamang ang kanyang kaibigan kahit na alam niyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal nito?

***

Disclaimer: Chapters with (M) chapters contain explicit content and mature scenes. Read at your own risk.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status