Share

Kabanata 3 : Part 2 (M)

Nag-init ang mga pisngi ni Eselle sa mga masasamyong kataga. Ngunit isang parte ng isip niya naman ang nalungkot sa sinabi nito. Gayong malapit na magkaibigan sila ay parang gusto niya na tuloy bawiin ang ipinangako noon.

"You're not so bad yourself, Marky. Malaki na ang ipinagbago mo. Hindi ka na sakitin. Hindi ka na rin lampa. You're sizzlin' hot now. Hindi na ako magtataka kung ilang babae na ang pinaiyak mo at naikama."

"Well..." Napaismid ito at napakamot sa batok. Sandaling kalungkutan ang bumahid sa mukha nito. "We should sleep now. Maaga pa tayo bukas."

Tumayo na ito at tumalikod, walang-lingong tinungo ang pinto.

"Sleep with me..." biglang bulalas ni Eselle.

Nakakunot ang kilay, bumaling ito sa kanya. "What?!"

"No. No! Marky..." natatarantang iwinasiwas niya ang dalawang kamay. "I mean tabihan mo ako sa pagtulog, please. I really miss you."

Napangiti ito bago siya pinangko paangat sa ere. "You don't have to say please, Ellie. Matutulog talaga ako sa tabi mo simula ngayon kahit na ayaw mo."

Hindi makapaniwalang napangiti na lamang siya. Personality and looks isn't just what Mark has changed. He has a sweet urging tongue now. At hindi na siya magtataka kung ilang beses na itong umubra sa mga babae para ikama.

Maingat siya nito inihiga sa malambot na kama pagkatapos ay banayad na hinagod ang kanyang buhok. Nanuot ang panglalaking perfume sa kanyang ilong. Goodness gracious, Mark smells like mint aftershave. Suwabeng-suwabe talaga iyon sa pang-amoy niya.

Yumapos si Eselle sa baywang nito at mas ibinaon pa ang mukha sa leeg ni Mark. "I miss you so much, Marky. So much..." Mas isiniksik niya pa ang katawan sa binata. "Nakakatampo ka talaga! Hindi ka man lang nagparamdam sa akin simula noong lumuwas ka sa States. Kahit isang wave lang sa messenger hindi mo man lang nagawa."

"I was busy on college and working out, Ellie. But don't worry. I am back in the Philippines."

"For good?"

"For you—No, I mean... yes, for good. I am back in the Philippines for good."

Mahigpit na napaangkla siya sa leeg nito at ipinikit na ang mga mata. Ilang segundo pa lang ay nakaidlip na siya ng hindi niya namamalayan.

ALAS-SAIS ng umaga nang magising si Eselle sa mahibing na pagkatulog. Wala na ang kaibigan sa tabi. Nakatupi na rin ang mga damit nila na naalala niyang nagpakalat-kalat kagabi. Napangiti siya dahil nakasuot na siya ngayon ng puting t-shirt na hanggang mid-thigh level na tiyak na damit ng kaibigan.

Tinungo niya ang kusina at nakitang nagluluto roon si Mark nang almusal. Half naked ito pero naka-apron na pastel pink. Hindi rin lumampas sa kaniyang mga mata niya kung nagkislutan ang mga biceps nito sa tuwing hinahalo nito ang niluluto. Kaya naman wala sa sariling napakagat siya sa pang-ibabang labi sa nasisilayan. Food was her remedy kapag pagod sa trabaho. Pero simula noong nakasama niya na ulit ang malapit na kaibigan ay para bang nakalimutan niya kung gaano niya kamahal ang pagkain. Hindi niya tuloy mapigilan ang sariling maghinuhang may own version siya ngayon ng Erwan Eusaff na napakasigasig tingnan habang nakayapak sa kusina.

Namamangha napatango-tango si Eselle nang ibinaliktad nito ang egg omelet, base sa nilagay na ingredients ay Tuna Omelete ang niluluto ng kaibigan. Para siyang proud na girlfriend na nakamasid sa kaibigan, kulang na lang ay pumalakpak siya at bigyan ito ng halik for the job well down. Kung puwede nga lang iyon gawin iyon, marahil ginawa niya na kanina pa. Sadly, she wasn't. She was just his best friend...

Back then, Mark didn't know how to cook. Ang tanging alam lang nito ay magluto ng instant canton. Napabungisngis siya nang maalalang sumubok itong magluto ng simpleng sunny side up egg noon pero naging toasted scramble ang kalabasan.

Napapikit si Eselle sa memorya at napangiti. She really missed high school. Mostly with Mark, of course. Ngunit base sa mga kanyang napapansin, ang dating mga hindi kayang gawin ni Mark noon ay unti-unti na nitong nagagawa. At isa na roon ang pag-akit sa kanya.

Napaismid siya sa naisip at mapaklang ngumiti. Siguro nga't napakaswerte ng girlfriend nito.

"Good Morning, Marky." masiglang bati niya nang maramdaman ang kaunting inggit.

Ngumiti ito at humalik sa pisngi niya bago inihain ang huling niluto. "Fried Rice with Tuna Omelete. Carrots and Sweet Corn on the side for a beautiful lady which is in front of me," Kumindat ito sa kanya at inilapag ang plated food sa kanyang harap. "At mango juice naman para sa inumin. Kain na tayo?"

"Thank you, espren. How sweet of you."

"You're always welcome, espren. Simula ngayon, name the food you want to eat, I'll cook it for you."

"Ay shalan! Hindi ko talaga tatanggihan yan, espren!"

"I'm glad to hear that. but first let's eat."

Napangalumbaba siya sa harap nito at napatitig sa guwapo nitong mukha habang suwabeng ngumunguya. "Ang guwapo mo na talaga, Marky."

PASADO alas-otso nang makarating sila ni Mark sa gate ng school na magkahawak kamay. At dahil hindi sila classmate ni Mark noong fourth year high school ay sa ibang linya ito naatasang pumila para sa parade.

Hinatid siya ni Mark sa unahan linya pagkatapos ay mahigpit na pinisil nito ang kanyang kamay kaya napatingin siya dito.

"Later's Ellie." Hindi na siya nagulat nang humalik ito ng sa kanyang pisngi. Napangiti siya dito bilang tugon at hinatid niya na lamang ito ng tingin kahit na gusto niyang pagtutusukin ang mga mata ng batchmate niyang napalingon sa gawi ng guwapong kaibigan.

Tumalikod siya para pigilan ang naramdamang galit. Nang makita ang mga nakakalokong tingin ng barkada ay agad na napawi ang ngiti niya sa labi at patay-malisyang lumapit sa mga ito.

"God, Ellie! We saw that. Don't you dare deny it! Did Mark actually kiss you on the cheeks?" maarteng bungad ni Marielle.

Nagsalubong ang mga kilay ni Eselle. "We do that all the time, Mari, kahit noon pa. Alam mo 'yon."

"Yes, we know that, pero iba na ang tinginan ninyo ngayon, eh. Parang may something na. Something happened last night, ano?" usisa ni Nadia na binigyan na naman siya ng nakakalokong tingin.

"Yes, something really good happened last night." diretsahang sagot niya para mas maosyo pa ang mga kaibigan.

"What?! Did Mark finally pop your over ripe cherry?!" si Olivia.

"How was it?!" sunod na tanong naman ni Marielle.

"Heaven, is it not?" nakangising tudyo pa ni Nadia.

"Jeez. Puro kayo sex! We just kissed that's all... At saka ang harsh mo sa over ripe cherry, Via, ha."

Nagkatinginan lang ang tatlo at napatakip ng bibig.

"Oh, we're so proud of you, Es." mangiyak-ngiyak na wika ni Olivia.

Nadia awed sweetly at her too. "At last, hindi na virgin ang lips mo!"

Pinaningkitan niya lang ito ng mata bilang tugon.

"At least naman, 'di ba? Buti nga may at least, eh." hirit pa nito.

Tinapik-tapik naman ni Marielle ang kanyang balikat. "Way to go, Es! Balitan mo kami pag nag sex na kayo."

Pinaikot ni Eselle ang mata bago binigyan ng tag-isang kurot ang mga ito sa tagiliran. Sabay na nagngiwian ang mga uto at tumawa.

"Mga baliw! Hinding-hindi mangyayari 'yon."

TANGHALIAN nang matapos ang morning program. Ang susunod naman na venue ay bukas ng alas-singko ng hapon para sa bonfire ng resort ng pagmamay-ari ng kanilang classmate na malapit sa Ilijan Port, ang Sunuen Resort, na paglilipasan nila ng apat na araw para sa reunion. Nakibahagi na din ang ibang classmate nila sa pagsabay ng pag-lunch pagkatapos nang parade. Ang circle of friends na iyon ay barkada ng crush niya noong fourth year highschool na si Billy. Nalaman niyang hindi daw ito nakadalo dahil nagka-urgent emergency sa hospital na pinagtratrabahuan nito. Yes, the ever gentleman Billy Fontanilla, her former crush was a successful doctor now.

Most of their batch has professional job and she couldn't be prouder. Teachers, doctors, business owners, and lawyers. And of course, she was a known writer. Ang pinagkaiba niya nga lamang sa mga ito ay nanatili siyang walang naging kasintahan. Ang mas masaklap pa ay siya itong maraming nangliligaw noon pero siya naman itong kulelats ngayon sa love life, na isa rin sa rason kung bakit ayaw niyang dumalo sa reunion.

Abala sa paglaro ng Mobile Legends nang maramdaman niya ang bahagyang pagsiko ni Olivia sa kanyang tagiliran. Nasa Triple Kill na siya sa laro.

"Es, look!"

"Oh, shut up, Via! Wait lang at makakasavage na ako!" Naikuyom niya ang kamay sa ere nang mag Maniac na ang nilalaro. "Yes!"

"Es, stop playing! Billy is here." pagbibigay-alam ni Nadia na nagpaangat sa kanyang mukha.

Ilang segundo siyang naestatwa nang maaninag ang mukha na hindi pa rin nag bago. Billy was still a breathtaking man, smiling towards everybody on the table. Maamo pa rin ang mukha nito at kung titignan ito ay para talaga itong anghel. Bagay na bagay ang aura nito sa trabaho nitong doctor. Datapwat noon pa man ay wala na siyang naging tyansa dito. Base sa sabi-sabi noon ay type raw nito iyong mala-modelo na babae.

Napaismid si Eselle sa isiping iyon. Sa hanay palang niyon ay walang-wala na siya. Nang marinig ang pag-defeat ng laro ay pumalatak na siya at i-ni-exit na lamang ang app. Nagsitayuan naman na ang lahat nang matapos kumain.

Luminga-linga si Eselle, hinanap ang kaibigan. "Asan na ba yung kolokoy na 'yon?"

Bago pa man maganap ang parada ay napakasunduan nila ni Mark na sabay ng umiwi. Ngunit simula noong matapos ang parade ay hindi niya na ito nahagilap, marahil ay nambabae na. Sa anyo ba naman nito ngayon ay tiyak na ang babae na ang lalapit dito.

Napailing-iling siya at nagpamewang, naalala na hindi niya rin pala nakuha ang number nito kanina.

Abala si Eselle sa pagbanaag sa nawalang kaibigan nang lumapit sa kanya si Billy. Noon, hanggang tanaw lang siya nito sa malayuan, kaunting pagsipat lang nito sa gawi niya ay parang mahihimatay na siya sa kilig. Pero ngayong nasa harap na niya ito ay para bang wala na siyang maradamang kung anong kakaiba kagaya nang kapag lumalapit siya kay Mark. Kahit siya ay parang napapantastikuhan sa pagbabago ng nararamdaman.

"Eselle, kamusta? Kumusta ang trabaho?" salubong-bati nito.

"Okay lang. Heto full-time editor and a part time fantasy writer," nakangiting tugon niya. "Ikaw, Billy?"

"Busy on hospital pa rin kaya nga hindi ako nakapunta sa opening."

"Ah, kaya pala."

"Pero I have six days leave now."

"Muntikan na nga ring akong hindi makapunta dahil sa sobrang busy, eh. Buti na lang pinag-seven day leave ako ng chief editor namin."

"Buti na lang pinayagan ka at nakita ulit kita," Malamlam itong tumingin sa kanya. "Oh, I love your books by the way, waiting na ako sa sequel."

"Thank you, Billy. Working na rin ako sa sequel ng The Chronicles of Perin."

"I'm a huge fan of the book pero saan pala punta mo? Tara, hatid na kita." alo nito na sandaling nagpakabog ng kanyang puso.

"Ahh..." Sandaling natigilan si Eselle bago atubling inangat ang ulo upang tagpuin ang mga mata nito.

Ito na nga ba ang pinakahihintay niya? Susungaban niya na ba ang pagkakataon? After all she still has this, just a little, stirring of stomach when Billy is around. Para pa rin siyang teenager na inlababo kapag kasama ito.

"Ellie!" aniya ng pamilyar na boses.

Sabay silang napatingin sa direksyon na tumatakbo na si Mark patungo sa kanilang kinatatayuan na nasa di gaanong kalayuan. Pagkadating, hinawakan agad siya nito sa kamay ng mahigpit.

"Uuwi ka na ba? Tara?" tanong nito, hindi pinansin si Billy.

Pasitang pinanlikahan niya ito ng mata pagkatapos tumango. "Yes." diin na tugon niya, pasimpleng hinawi ang buhok at inihudyat ang ulo patungo kay Billy.

"Ah, pareng Billy, andiyan ka pala. Long time no see, pre!" maangas na nakipagkamay ito.

"Wait. Is that you? Mark? Mark Hernandez?" hindi makapaniwalang wika ni Billy, namamangha.

"Yes." sagot nito, matigas ang ekspresyon. "And still, I'm Ellie's... boyfriend..."

Nakita ni Eselle kung paano nag silingunan ang mga kaibigan sa kanilang gawi, sabay-sabay na pinanlakihan ng mga mata. Kahit siya mismo ay nagulat rin sa sinabi ni Mark.

"What?!" ani Billy tila hindi rin makapaniwala.

"Boy friend. I mean..." Sinapat siya nito ng saglit bago tumikhim. "Lalaking kaibigan, dude. May space sa gitna."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status