Share

Kabanata 15 : Part 1

*flashback*

NAPAUNGOL si Mark nang isang sapak ang lumapag sa kanyang mukha na nagpaluhod sa kanya sa bermuda grass. Pinigilan niyang huwag mapaluha sapagkat alam niyang kakantihin pa siya ng mga ito kapag nagpahayag ng mas matinding kahinaan.

“L-late na ako. Ginawa ko na naman ang assignmnet ninyo sa Science `di ba? So p-please—”

Napaigik siya nang tinadyakan na naman siya ng bully nilang senior na nagngangalang Rey sa tagiliran. Awtomatikong napahawak siya sa tagiliran sa sobrang sakit niyon. Palagi namang ganoon ang bagsak niya tuwing recess at lunch; pinagtri-tripan dahil sa anyo niyang mala-Jose Rizal.

“Kinuha ninyo na r-rin ang baon ko. Pakawalan n-n’yo na ako, please... L-late na ako sa first subject ko...” pagmamakaawa niya. Base sa pagkirot ng gilid ng isang sulok ng labi ay sigurado niyang may putok na iyon.

Laking gulat niya na lamang na may biglang lumipad na libro na tumama sa ulo ni Rey. Hustong nag landing ang libro sa tapat niya.

Filipino Book? tanong niya sa sarili ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status