Share

Charmed (Explicit Reunion 1)
Charmed (Explicit Reunion 1)
Author: J. A. Cuñado

Kabanata 1 : Part 1

SAINT Augustine Academy of School Batch 2008-2009 one week reunion opening will be held in SAA's Function hall at exactly 09:00 am on February 20, 2020. Reunion itinerary and the rest will be discussed in the opening ceremony. Please forward this to the rest of the batch. - Shiela S, head organizer.

Napatitig si Eselle sa kawalan nang makatanggap ng text message galing sa barkada niyang si Olivia, ang class president sa section nila noon na isa rin sa pinakamalapit niyang kaibigan. Gaganapin daw ang first reunion nila sa susunod na linggo.

"One week?" Napailing-iling siya at pumalatak kalaunan. "No way. One week is a lot of time to waste. Marami pa akong kailangang gawin."

Hinarap niya ang laptop at binalewala ang mensahe, itinuloy ang pag i-edit ng manuscript na ipinasa ng writers nila for publishing next month. She was currently one of the Editor in IPC o Ink Publishing Company, a famous publishing company in the country. Maliban rin sa pagiging editor, she was also a fantasy writer under the pseudonym E. M. E. na kaunti lamang ang nakakaalam sa kadahilanang ayaw niyang makakuha ng pansin sa ibang tao.

Pasado alas-singko, nagpaalam na si Eselle sa ibang kasamahan sa opisina at dumeretso na sa walking distance na condo. Hawak-hawak ang strawberries na galing sa refrigerator, binuksan niya ang laptop at saktong nag ingay ang group chat nila na pinangalanang MOEN, abbreviation ng mga pangalan nila. Sinagot niya ang tawag at tumambad sa screen ang mukha ng tatlo niyang kaibigan na si Marielle, Olivia, at Nadia.

"God, excited na talaga ako sa reunion! Punta kayo, ha. Ito lang ang time ko para makasama kayo ulit." bungad ni Nadia na nakatihaya sa higaan nito. "At saka kasama ko si Roman. Excited na ako kasi sa St. Augustine kami nagkakilala noon tapos ngayon kasal na kami."

Pinigilan niyang mapa-sana all sa relationship goals ng kaibigan. Halos siyam na taon nang magkasintahan ang dalawa at nagpasiyahan na ng mga itong magpakasal sa taong 2018.

Hay, sana all talaga!

"Of course, Nadi, we know you were busy with the coffee shop chain in QC. Ako naman, sasama talaga ko kasi gusto ko kayong makita ulit bago ako ikasal," magiliw na pahayag ni Marielle. "God! Two weeks na lang at magiging ganap na akong Fuentabella!"

Ngayon, gusto niya namang mainggit. Three years ago, head over heels lang itong si Marielle sa crush nitong piloto na si Alejandro Fuentabella. Ngayon naman ikakasal na ito sa crush na pinakahahabol ng dalawang taon. Kaya naman ng marinig niya ang balitang nahuloy din ang loob ng natipuhan nito ay hindi na siya nagtaka. Bagay na bagay ang dalawa dahil Flight Attendant ang kaibigan tapos piloto naman ang magiging asawa nito.

"God!" Tumili naman si Olivia, hindi na naitago marahil ang tuwa. "Feel ko ang nararamdaman mo, Mari! I've been there. Kahit ngayon kilig na kilig pa rin ako sa asawa kong Engineer."

Napangiti si Eselle sa kagalakan ng kaibigan. Dalawang taon ng kasal ang kaibigan niyang si Olivia at napakasaya nito sa piling ng asawa. Iyon siguro ang napapala kapag pinaglaban ang pinakamamahal sa pagtutol na pamilya. Kumbaga, mala-Romeo and Juliet ang love story ng buhay nito.

Sa kanilang apat ay siya ang pinakasawi sa lovelife. Katunayan, inggit na inggit na talaga siya sa mga kaibigan, hindi niya lamang inaabiso at baka tadtarin lamang siya ng asar. Sabi naman ng iba, maganda raw siya. Makapal ang kilay na nababagay sa kanyang strong features. She has porcelain skin too. Sakto lamang din ang height niya na 5'4 at waist size niya na 25. Kaya maraming nagtataka kung bakit single pa siya hanggang ngayon at walang kalampugan ika pa nga ng mga kaibigan.

"Oh ikaw, Eselle?" untag ni Nadia.

Napaigtad si Eselle sa tanong, halos malulon ang tangkay ng strawberry sa gulat. "A-ako?" Turo niya sa sarili tapos balewalang nagkibit-balikat. "Ito, gano'n pa rin. Lagi naman, eh. At saka ewan, hindi ata ako makakapunta, may tinatapos kasi akong i-proofread this week."

"Kaya ka olats kasi lagi ka na lang work work work. Fifth Harmony ka, girl? Office, condo and repeat? Jeez, give yourself a chance to fall in love, Es. Twenty-seven ka na ngayong akinse ng Hulyo hanggang ngayon NBSB ka pa rin."

"Oy! Excusez moi merde!" Tinuro niya ng nakakaloko si Olivia. "Kahit NBSB ako ay may nanliligaw pa rin naman sa akin. 'Yong isa nga sasagutin ko na sana kaso nakita kong may kahalikan sa MOA last year. Kaya no talaga! Ekis! Mabuti pa'ngsingle na lang. No problem. No hassle. Ganda only!"

Sabay na umiling sina Nadia at Olivia. Si Marielle naman ay pumalatak at humalukipkip.

"Buti na nga lang pero... ano nga ba'nguse ng ganda kung wala namang jowa?" natatawang tudyo ni Marielle.

Pabirong pinatirik ni Eselle ang mga mata sa mga kaibigan nang sabay-sabay itong napahalakhak. "Ano namang use ng ganda kung wala namang pera? Look, wala pa sa life list ko 'yan kaya shut up na lang kayo, okay?"

"Eselle Mari Elle..." Inilisya niya ang mata nang magsimula na naman si Nadia sa parunggit. "Kailangan mong humanap ng katuwang sa buhay. Hindi lahat ng lalaki katulad ng... katulad ng papa mo." malumanay na wika nito.

Sa sinabi ng kaibigan ay naalala niya ang ang ginawa ng ama noon. Her dad cheated on her mom and left them hanging when she was just first year high school. Walang awa itong tinalikuran ang responsibilidad bilang ama para sa nakasama nito. Simula noon, nagbago na ang pananaw niya sa mga lalaki. Mga manloloko. Mapapanggap. Sex lang ang habol na mga walking disaster! And no one can blame her for that mindset. At the age of twelve, being in a broken family is a horrid experience. Hindi na rin siya na-offend sa sinabi ng kaibigan sapagkat kapatid niya na rin ang turing dito.

Pilit na ngumiti siya sa mga ito. "Hindi ko pa masasabi 'yan ngayon. Ah, basta! Final na talaga. Hindi na ako pupunta."

"Ano ka ba, Es! Malay mo namang ando'n ang forever mo!" tudyo ni Olivia at binigyan siya ng nakakalokong tingin.

"Forever? What's that?" pasimple niyang asiwa tapos kumagat sa strawberry.

"God! Bitter ka talaga! Pero hayaan mo I'll talk to my aunt. Siguro akong bibigyan ka noon ng kahit seven days leave pag nalaman niyang first reunion natin 'yon." mungkahi ni Marielle.

"Don't you dare do it, Mari. I really wanted to come because I miss you guys, I really do. Pero work first ang priority ko ngayon. I'm sorry."

Sabay-sabay sumilay ang matinding lungkot sa mukha ng mga kaibigan. Pati siya ay napalabi na lamang din sa reaksiyon ng mga ito.

"Sayang naman. Pero sige kung hindi ka na talaga mapipipilit. Chikahan ka na lang namin after." ani Olivia.

Pinatunog ni Eselle ang daliri at magiliw na itinuro ang kaibigan. "And that my friend is what I will anticipate after a week. You guys enjoy."

"Oo na, sige na. Bye na. Padating na ang asawa ko." dugtong ni Olivia sabay pilyo na ngumisi. "At kung padating na ang asawa meaning..."

"Jug-jug ah-ah na!" sabay na puna ng mga kaibigan at humalakhak.

Napailing-iling si Eselle, animo hindi nakarelate. At wala siyang ganoon para makisabakay sa tatlo.

"Ba-bye na, Eselle. See you on the reunion." masiglang paalam ni Marielle bago nawala ang mukha sa screen.

See you on the reunion? Mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni Eselle. Walang siyang oras para maglaan ng atensyon doon. At natitiyak niyang hindi siya pupunta.

Sunod-sunod namang nawala at nag-off camera sina Olivia at Nadia.

Naiwang tulala si Eselle sa screen ng laptop, nagnilay-nilay. Ang saya ng mga kaibigan niya dahil sa pag-ibig pero heto siya at napaka-bitter. Sandali siyang napaisip. Siya kaya? May pag-asa pa kayang mahanap niya ang sinsabi nilang forever?

Napapilig si Eselle kalaunan at iwinaksi ang pagkainggit. Minabuti niya na lamang i-proofread ang chapter na naapula kanina sa office.

KINABUKASAN, nagulat si Eselle sa biglang pagpapatawag sa kanya ng secretary ng Editor-in-chief ng IPC. Bahagya siyang kinabahan at napatanong sa sariling kung ano ang kanyang nagawa na hindi kaaya-aya.

Am I losing my job?

Napailing-iling si Eselle sa naisip. Hindi maaring mangyari ang natanto. Masyadong mahal niya ang trabaho para bumitaw. Masakit man sa mata at minsan nakakasakit ng ulo pero sa pagsusulat lamang siya kumukuha ng lakas at kasiyahan.

Mahinang kumatok siya sa pinto, hindi naalis ang kaba. "Ma'am?"

"Oh, Ms. Elle. Sit down. Let's talk about your one-week leave." marahang bungad ni Mrs. Santos sa kanya na naging dahilan sa pagkapanatag ng kanyang loob.

Kahit na nanggagalaiti sa galit sa pamangkin nitong si Marielle Santos ay napaupo na lamang siya gaya ng utos nito.

"Marielle told me about your reunion next week. Hindi ko naman kayang supilin 'yon sapagkat napakaimportante ng reunion na iyon para sa inyong makakaibigan. It was a high school reunion, hija, you should come."

"Pero hindi pa po ako tapos sa trabaho—"

"Kung ano lang ang matapos mo, ayos lang, hija. Ibigay mo na lang kay Henry since tapos na naman siya sa pag-proofread sa naatasan niyang akda. Don't worry at naayos ko na rin naman ang schedule mo for next week."

Gusto niya sanang tumutol sapagkat kilala niya ang editor-in-chief ng fantasy department. Kapag sinabi nito ay final na iyon. Nagpasalamat na lamang siya sa ginang at nag proofread ulit para kahit papaano ay mabawasan ang ihahabilin na gawain.

Dumaan ang mga araw na tila wala pa ring nagbago. Gaya ng sabi Nadia, sa opisina at condo lamang napapadpad ang kanyang mga paa. Her life was too reserved but she never see it as a burden.

Huminga ng malalim si Eselle at napatingin sa full-length mirror nang maisukat ang damit na binili galing sa Lazada na Bohemian dress. Umiikot-ikot siya at tiningnan ang sarili kung gaano kahapit ang damit na napili at kung paano nabigyang ganda ang kanyang leeg. At dahil pupunta na rin naman siya sa reunion ay pagbubutihin niya na lamang ring umawra sa dadaluhan.

Baka nga totoo ang sinabi ng mga kaibigan, baka nga nandoon ang kinabukasan ng lovelife niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status