Dumadagundong ang kalangitan dahil sa walang humpay na kulog at kidlat. Masama ang pakiramdam ng panahon parang may babala ang langit.
Mag-asawang sampal ang pumukaw sa lasing na diwa ni Antonio, nasundan pa ito ng isang kabit na hambalos na tuluyang gumising sa kanya.
"Ama!" gulat ang rumehistro sa mukha niya nang makita ang nanlilisik na mata ng kanyang ama.
"Anong—" hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil bigla na lamang siyang kwenilyuhan ng nang-gagalaiting ama, dahan-dahan siyang hinatak palabas ng kwarto niya.
"A-am-ma, Ba-ba-kit? nauutal niyang tanong.
"Wala kang ibang ginawa kundi magbigay ng sakit sa ulo, Antonio! Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?! Dinungisan mo ang pangalan ng ating angkan! Sucio Bastardo!" sa tanang buhay niya ngayon lang niya nakita ang ama na ganoon ka galit. Parang umurong ang kanyang dila at wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya.
Hinatak siya ulit ng kanyang ama palabas at marahas na tinulak pasakay sa kotse.
Patuloy ang pagbuhos ng ulan na sinabayan pa ng malakas na bugso ng hangin. Ilang minuto pa ang lumipas ay huminto na ang sinasakyan nila, nasa gitna sila ng kanilang Hacienda.
"Baba!" malakas na sigaw ng ama, naguguluhan man ay kusang gumalaw ang kanyang katawan at lumabas na sa kotse.
Nilibot niya ang kanyang tingin sa paligid, nanlaki ang kanyang mata dahil sa daang katawan na walang buhay ang nakahilera sa harap niya.
Naguguluhan siya, "Anong nangyari?" takang tanong niya sa ama, ngunit hindi siya nito kinibo.
"Ilibing ninyo ang mga 'yan, siguraduhin niyong walang makakaalam nito, bilisan ninyo!" narinig niya ang utos ng ama sa kanilang mga tauhan.
"Ano ba ang nagawa ko? Ano ang nangyari?" napahilamos siya sa kanyang mukha, nanginginig ang kanyang kalamnan, nangangatog ang kanyang tuhod.
Napaluhod siya sa lupa at napatingin sa langit, ramdam niya ang bawat patak ng ulan sa kanyang mukha.
"GOD! Ano ba ang nagawa ko? Wala akong maalala." Nanginginig na tanong ni Antonio sa sarili.
Kagabi lang ay nilunod niya ang sarili sa alak dahil sa sugatang puso ngunit hindi niya lubos akalain na isang kahindik-hindik na pangyayari ang kasasangkutan niya ngayon.
Napasabunot siya sa kanyang ulo, may samo't saring ala-ala ang biglang nagsulputan sa kanyang utak.
Marami... Magulo...Malabo...
"Papatayin ko silang lahat!"
"Hindi kita mahal, Antonio!"
"Bakit si Sabing ang hinahanap mo Antonio?! Nandito ako, ako dapat ang nasa puso mo!"
"Pagsisisihan mo ang ginawa mo Antonio, gagawin kong impyerno ang buhay mo."
Puno ng hiyawan, umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril, dumanak ang dugo, naging pula ang lupa.
Iba't-ibang imahe ang nagsusulputan. Nakakagimbal, nakakatindig balahibo, nakakahilo.
"Tingnan mo ang ginawa mo, Antonio!" ani ng isang matinis na boses galing sa isang bulto ng tao, malabo, sobrang labo...
"AAAAAAAAHHHH!" sumigaw siya ng malakas hanggang sa namaos ang kanyang boses.
Ano ang nagawa ko? Tanging nasambit niya habang sinasabunutan ang sarili.
"Ano ang nagawa ko?"
November 11, 1992-One hundred eleven people werekilledin Hacienda Vergara, the victims were mostly farmers and workers, their corpses hastily buried in shallow graves...SarmientoPress HeadlinesHacienda Vergara Massacre: One hundred eleven people were brutally killed on a stormy afternoon, and the dead bodies were buried near the vicinity of Vergara's mansion.The Daily Inquirer
BREAKING NEWS! Wala ng buhaynangmatagpuanng mgapulisang killer na maypakanasapagpataysakanyangbuongpamilya.Ayonsa mgapulissa San Fernando police station ay suicide angdahilanngpagkamatayng suspect.Hinalanila ay hindi nakinayapanitoangbigatngkonsensyadulotngpagpaslangniya sakanyangbuongpamilya. "Nakakalungkot naman, siguro nga talaga hindi na niya kinaya pa ang konsensya at siya na mismo ang kumitil sa buhay niya," ani ni Tanya na nasa tabi ko na pala. Nagitla ako sa nalaman ko.Nagpakamatay si Ka Pening? "Hooooy! Ayah...ano ka ba kanina pa ako nagdadaldal dito para lang pala akong nakipag usap sa hangin. Ano na namang tinutunganga mo diyan?” maarting tanong nitong katabi ko.
Sylvia Dela CruzSylvia Dela CruzSylvia Dela CruzPaulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang huling sinambit ni Beatrice."Damn Ma! Anong kinalaman mo sa nangyaring pagpatay sa pamilya ni Ka Pening?" frustrated kong sambit, naguguluhan ako at kailangan kong malaman kung ano ang totoo.I
Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ng taong humahabol sa akin ngayon, patuloy pa rin ang paghabol nito kahit ilang ulit ko nang sinubukang iligaw. Oh no! bakit ba kasi ang tanga ko, kung dumeretso na sana ako sa police station total doon naman talaga ang sadya ko! I'm now heading to nowhere at hindi ko na alam kung saan na ako patungo, mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyan na kasalubong ko at mukhang liblib na kalsada na 'tong binabaybay ko. "Oh, God please help me, please," nanginginig na ang kamay ko, tagaktak na rin ang pawis ko at nagsimula na akong magpanic.
Namayani ang katahimikan, walang nagsasalita sa aming dalawa simula pa kanina, kahit maraming tanong sa utak ko ay tila ayaw gumalaw ng dila ko at walang salita ang lumalabas sa bibig ko."Ariah—" he called me, finally breaking the silence between us."I know, naguguluhan ka sa mga pangyayari pero I don't have the right to tell you everything," he said while looking directly into my e
Napabalikwas ako ng bangon at bumungad sa aking paningin ang puting pintura ng silid. Walang mga gamit at tanging ang maliit na kama na aking hinihigaan ang nandito sa loob.Biglang kong kinapa ang aking mukha, dibdib at maging ang aking paa. Patay na ba ako? Nasa purgatoryo na ba ako? Oh my God! nasaan si Beatrice? Ang tanging naalala ko ay may isang malaking bagay ang bumunggo sa sinasakyan namin bago ako mawalan ng malay.Napatingin ako sa gawing kanan nang bumukas ang pinto, napaawang ang bibig ko nang mapagtanto kong may isang lalaking nakasuot ng purong i
Tulog si Tanya nang madatnan ko. Mugto ang mata nito sa kaiiyak at bakas pa rin sa mukha nito ang matinding takot. Mabuti nalang kanina at nakontak ko ang number ni Tanya, ngunit si Adrian ang nakasagot. Nakita niya raw si Tanya na tumatakbo sa daan at may humahabol sa kanya, mabuti na lang daw at may nakalimutan siya sa newsroom kaya't naroon pa siya noong mga oras na 'yon. Humahangos at nanginginig sa takot daw si Tanya nang nakasakay ito sa kotse niya. Swerte nga at natakasan nila ang mga taong humahabol sa kanila. Kasalukuyan kaming nandito sa condo ni Adrian. Ayaw daw umuwi ni Tanya sa tinutuluyan niyang bahay dahil baka raw matutonton siya ng mga humahabol sa kanya kaya't dinala siya ni Adr
Everything happened in a flash, and I can't believe that Tanya has gone by the wind before my eyes. Hot tears streamed down my cheeks, I was petrified, and seemed too appalled to speak. Andrian doesn't speak either, we're both in total shock at what had happened. No one dares to speak; silence is too bold to cover us both.I tried to close my eyes, hoping that my brain could finally process what had happened. But to no avail, I was still in total disbelief. I covered my face with my shaking hands, tears flooded again and my memories with Tanya continued flashing in my head.Adrian suddenly clears his throat; silence goes away in an instant. He stops the car in the middle of nowhere. "Ariah," Adrian muttered, "Lakasan mo ang loob mo, they already eliminated Tanya, and God knows we'r