Share

Chapter 18: His Secret

Lumipas ang ilang minuto pagkatapos ng pagsabog ay daling lumabas si Adrian para tingnan kung ano ang dahilan ng nangyaring pagsabog sa labas.

Magkahalong takot at kaba ang aking naramdaman dahil baka may nangyaring masama kay Ninang Trishia. Kahit paman ay hindi pa malinaw sa akin kung may kinalaman ba talaga siya sa pagkamatay ni Mama ay ayoko paring may mangyaring masama sa kanya lalo na't isa si Ninang Trishia sa mga taong malapit sa puso ko. Ayokong mawalan na naman ng mahal sa buhay.

"Anong nangyari? ano ang dahilan ng pagsabog...may namatay ba? bomba ba ang dahilan?" sunod-sunod kong tanong kay Adrian nang makapasok ito sa loob ng bahay.

"Isang gas explosion ang nangyari do'n sa may tindahan sa kanto. Mabuti na lamang at agad na naagapan at hindi na lumaki pa ang apoy," pagsasalaysay ni Adrian. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko may nangyari ng masama kay Ninang.

"Adrian..." mahina kong sambit, pagkatapos ng sinabi ni Ninang Trishia kanina'y may pagdududa na akong nararamdaman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status