Share

Chapter 25: Heartbreaking Goodbye

Napahawak ako sa aking kaliwang braso, napangiwi ako sa sakit at ramdam ko ang preskong dugo na malayang umagos dahil sa daplis ng bala. Kung hindi ako naging maagap sa pagtulak sa ama kong si Sebastian ay tiyak sa dibdib niya tatama ang bala.

"Tama nga ang kasabihang 'Blood is thicker than water' hindi mo nga kayang tiisin ang ama mong demonyo." Nanlamig ang buo kong katawan nang mapagtanto kong ang lalaking kaharap namin ngayon ay walang iba kundi si Adrian. Tinanggal nito ang suot na mask at itim na cap, batid kong nanginginig ang mga kamay niya dahil sa galit, mariin niyang hinawakan ang baril na nakatutok sa aming dalawa ng ama ko.

"Adrian...please, huwag mong gawin ang masama mong balak! kung ano man ang kasalanan ng ama ko sa 'yo please, huwag mong dungisan ang mga kamay mo! May batas tayo Adrian, handa akong kumbinsihin ang ama ko na pagbayaran niya ang kasalanan niya sa inyo ng pamilya mo!" pagmamakaawa ko rito.

"Hindi ang batas rito ang nararapat na magparusa sa demonyo mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status