Share

CHAPTER 4: MYSTERIOUS SAVIOUR

Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ng taong humahabol sa akin ngayon, patuloy pa rin ang paghabol nito kahit ilang ulit ko nang sinubukang iligaw.

Oh no! bakit ba kasi ang tanga ko, kung dumeretso na sana ako sa police station total doon naman talaga ang sadya ko!

I'm now heading to nowhere at hindi ko na alam kung saan na ako patungo, mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyan na kasalubong ko at mukhang liblib na kalsada na 'tong binabaybay ko.

"Oh, God please help me, please," nanginginig na ang kamay ko, tagaktak na rin ang pawis ko at nagsimula na akong magpanic.

Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo, bahala na kung ano ang mangyari, at least I'm trying to escape from death.

Pigil hininga ako habang mahigpit na nakahawak sa manibela, ngayon lang ako nakapagmaneho ng ganito ka bilis, it's a matter of life and death now.

Pasulyap-sulyap ako sa side mirror ng kotse ko, hoping that the man who's tailing me is already gone.

After a few turns, I took again a short glimpse on the side mirror of my car...

"Oh my God! He's gone!" I exclaimed triumphantly.

I double checked at binagalan ko ang pagpapatakbo, I turned my head at the back to make sure na wala na talagang sumusunod sa akin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga, nakahinga ako ng maluwag, wala na ang taong sumusunod sa akin!

Pero ilang sigundo lang ang lumipas ay may isang malaking pagsabog sa aking likuran, agad kong tinigil ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada at dali akong lumabas. Tanaw ko sa 'di kalayuan ang naglalagablab na isang bagay.

Possible kayang? I gasped in shock when I saw a man's silhouette slowly walking in my direction.

I didn't waste any second at nagmamadali akong sumakay sa kotse. My hands are trembling kaya nahirapan akong buhayin ang makina ng kotse ko.

Oh my God! He's getting nearer.

Ilang metro na lang ang layo nito sa kinaroroonan ko. Ilang ulit kong sinubukang paandarin ang sasakyan but it looks like bad luck is in my side now.

"Ano ba! umandar ka!" frustrated kong hampas sa manibela.

I wiped sweats from my brow with a shaking hand. Panic started to dominate my whole system. I'm scared to death!

"Oh my God!" bulalas ko.

"Umandar ka ple—" I was about to turn my head when a bullet whizzed past my ear, napatili ako dahil sa magkahalong gulat at takot.

Nabasag ang salamin sa likorang bahagi at ang windshield ng kotse ko. Nanlumo ang aking katawan, I let out a piercing scream hoping somebody would hear my plea.

Na blangko ang utak ko, nanigas ako sa kinaroroonan ko, I can't properly think about what else should I do in this life and death situation, I just closed my eyes hoping for a miracle to happen.

Isang putok na naman ang kumawala, I was waiting for a bullet to hit my body, but nothing happened.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata, I was petrified upon seeing the lifeless body of a man in front of my car. His eyes are widely opened, fresh blood flows from his head, and a bullet pierces through his skull.

"Ano ang nangyari?" I was puzzled.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong there's another person in front of me, a man wearing a black jacket, a cap and a mask that covered his face, may dala siyang baril and probably siya ang pumatay sa lalaking nakahandusay sa harap ng kotse ko ngayon.

Ganito pala ang feeling kapag malapit nang mamatay. Tears started to flood in my eyes and my heart is pounding so fast.

I intently looked at the death in front of me, I didn't blink even once, all I thought was he'll shoot me too, but I was wrong, may inihagis siyang isang bagay sa loob ng kotse ko.

Gas started to diffuse and evaporate.

All at once, a sudden shock passed through my whole being, my eyes swiveled, and I seemed wrapped in a blinding white mist.

My mind was full of confusion; who is this man who mysteriously save me? Those were a few of my thoughts before darkness enveloped me.

****

The noises on the outside wake me up from my deep slumber. Dahan-dahan kong ibinuka ang talukap ng aking mga mata, my vision is still blurry, and it took time bago naka adjust ang mga mata ko.

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nasa loob ako ng isang puting silid, some beeping machines on the sides...

Wait, paano ako napunta sa ospital? Sino ang nagdala sa akin dito?

I heard some murmur of voices na paparating...

"She's fine, may na inhale lang siyang kaunting sleeping gas kaya kailangan lang niyang magpahinga for now," dinig kong sabi ng isang boses sa labas, I pressumed it's a doctor.

"Thank you, doc," someone answered, and hearing that voice I know it was my mom.

Pagkabukas ng pinto ay agad na nagtungo si mama sa kinaroroonan ko.

"Anak, are you okay? may masakit ba sa katawan mo? tell me?" My Mom asked worry and fear are evident on her face. I can sense the sincerity of my mom’s voice.

Nasaktan ako, how could I doubt my mom? I didn't respond, I just pulled my mother and hug her tight. I thought I can't see her anymore.

Niyakap din ako ni mama while her hands gently brushed the back of my hair.

"Ma," I said in between my sobs.

"It's okay, shhh... I'm here baby, I'm here," My mom told me while holding my hands, she never failed me in making me calm.

"Ma? paano ako napunta rito?" I asked confusedly, pagkatapos kong kumawala sa pagyakap kay mama.

I didn't remember a thing after I lost my consciousness. Sino ang nagligtas sa akin?

"May tumawag sa akin, anonymous number. Nataranta ako noong narinig ko ang sinabi niya na nasa ospital ka. Sinabi lang niya sa tawag ang address at pangalan ng hospital before the call ended, agad akong nagpunta rito at nakita kitang walang malay, good thing sabi ng doctor ay isang sleeping gas lang ang nalanghap mo," My mom answered.

I wonder kung sino ang nagligtas sa akin at ang nagdala sa akin rito.

"Ma, may taong gustong pumatay sa akin! sinusundan niya ako, pinaulanan niya ako ng bala, may bumaril sa kanya at-at-at namatay siya sa harapan ko may taong pumatay sa kanya, then-then after no'n wala na akong maalala." Mom is looking at me intently while I was telling her my narration.

"Anak, huwag mo munang stressen ang sarili mo, you need an ample rest para bumalik ang lakas mo. Maya-maya ay ilalabas na kita rito," mahinahong wika ni mama.

Napahilamos ako sa mukha ko, ano ang nangyari?

"Sandali lang anak ha, pupunta muna ako sa billing section para makaalis na tayo rito, magpahinga ka muna." My mom kissed me in the forehead before she left.

Naiwan akong nakatulala, I was puzzled.

Paano ako napunta rito?

Sino ang nagligtas sa akin?

Bakit may gustong pumatay sa akin?

My mind was preoccupied when I heard a sudden beep on my side.

Oh my God! my phone...

I hurriedly get my phone and opened it; one message was received from an unknown number.

0909****10*

You should stop digging what's already been buried, or else you'll be buried six feet under the ground.

Fear started to creep deep within me, who is the one responsible for all of this?

I started to call the number, but no one answers, I feel agitated. Napatingin ako sa pintuan pero wala pa si mama, mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Dahan-dahan akong bumangon, kahit papaano ay bumabalik na ang lakas ko, I need to see mom right now, I feel something, something bad.

I slowly walked outside when a sudden commotion happened, I saw doctors and nurses rush in my direction, and I gasped as I stared at the bloody and unconscious woman lying on the stretcher.

"Oh my God, Ma!" sigaw ko habang nanginginig na nakasunod papunta sa operating room.

"Ano ang nangyari, Oh my God please, please, iligtas ninyo ang mama ko please." Pagmamakaawa ko sa lalaking nurse na kanina pa pumipigil sa akin sa labas ng operating room.

"Miss calm down, the doctors will do the best that they can para iligtas ang mama mo, just calm down and wait," the nurse said with a reassuring voice before going inside the OR.

"Oh my God, ano itong nangyari sa buhay ko, what did I do? Bakit? Please Lord, save my mom, please." Tears started to flow as I hug my knees while sitting in the corner outside the operating room.

It's almost an hour pero hindi pa rin lumalabas ang doctor galing sa operating room. I started to cross my hands, begging God to save my mother's life.

"Ariah, My God! ano ang nangyari?" Humahangos na tanong ni Ninang Trish sa akin, humahagulgol ako ng iyak na parang bata at mahigpit na yumakap kay ninang. I called her earlier about sa nangyari, she's the only person left that I could lean on.

"Hindi ko alam, hindi ko alam," humihikbi kong sagot, maging ako ay walang ka alam-alam sa nangyari kay mama.

Napalingon kami ni ninang nang bumukas ang pinto sa operating room, dali-dali akong lumapit sa doctor, hoping for the good news.

"Sino dito ang pamilya ng pasyente?" tanong ng doctor habang deretsong nakatingin sa amin ni ninang.

"Ako po Doc, ako ang anak niya, kumusta na si mama? Okay na ba siya? Hindi na ba critical ang lagay niya?" I nervously asked.

"Maayos na ang lagay niya for now, mabuti na lang talaga at agad namin siyang nadala sa operating room at natanggal ang bala sa ulo niya, gaya ng sabi ko she's okay for now, she's still under observation lalo na't comatose ang mama mo, dahil sa tama ng bala sa ulo niya. But don't worry she's safe now, ililipat na namin siya sa isang private room para mamonitor namin ang kalagayan niya. Well, excuse me, may iba pa akong pasyente na aasikasuhin, ang mga nurse na ang bahala sa mama mo." Mahabang paliwanag ng doctor bago tumalikod.

Parang hindi nag si-sink in sa utak ko ang mga sinasabi ng doctor, maraming masamang bagay ang nangyari ngayong araw, it's so much for me to carry.

"You looked so horrible, Ariah, don't worry ako na ang bahala sa mama mo and everything, you need rest Iha," ani ni ninang habang inalalayan ako papunta sa kwarto na pinaglalagyan kay mama.

Hindi ko alam kung saan na ako pupulutin kung wala si Ninang, napahilamos ako sa mukha ko dahil sa frustration habang pinagmasdan ko si mama na walang malay na kahiga sa hospital bed, may mga tubong nakakabit sa katawan niya at sa mukha niya, I can't look any longer naaawa ako sa sitwasyon ni mama.

"Ariah, you need to sleep darling. Sobrang haggard na ng mukha mo at nanghihina na ang katawan mo, you need rest, don't worry nandito lang ako sa tabi mo." Ninang gives me a comforting smile.

Humiga ako sa mahabang upuan sa gilid ni mama, ramdam ko ang pagod ng katawan ko, my mind is exhausted as well. Kusa na talagang tumiklop ang talukap ng aking mga mata, but before I drifted to sleep, I heard a familiar voice inside the room.

"What happened?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status