Share

CHAPTER 2: SUICIDE OR MURDER?

BREAKING NEWS!

Wala ng buhay nang matagpuan ng mga pulis ang killer na may pakana sa pagpatay sa kanyang buong pamilya. Ayon sa mga pulis sa San Fernando police station ay suicide ang dahilan ng pagkamatay ng suspect. Hinala nila ay hindi na kinaya pa nito ang bigat ng konsensya dulot ng pagpaslang niya sa kanyang buong pamilya.

"Nakakalungkot naman, siguro nga talaga hindi na niya kinaya pa ang konsensya at siya na mismo ang kumitil sa buhay niya," ani ni Tanya na nasa tabi ko na pala.

Nagitla ako sa nalaman ko. Nagpakamatay si Ka Pening?

"Hooooy! Ayah...ano ka ba kanina pa ako nagdadaldal dito para lang pala akong nakipag usap sa hangin. Ano na namang tinutunganga mo diyan?” maarting tanong nitong katabi ko.

"Ah wala, iniisip ko lang kung bakit nagpakamatay si Ka Pening," pag-aalibi ko.

"Haler? Hindi pa ba obvious? Of course, it is because of guilt! Sino ba naman kasi ang magiging masaya after niya patayin ang buo niyang pamilya?" nakahalukipkip na sagot sa akin ni Tanya.

"Oo nga, siguro 'yan ang dahilan. Napakasaklap naman ng sinapit ng buong pamilya nila." I agreed, but I know something was wrong, at kailangan kong alamin 'yon.

Alam kong hindi ako mapakali lalong lalo na kung may pagdududa akong nararamdaman sa isang bagay.

I wasn't really paying attention sa mga pagdadaldal ni Tanya kaya hindi ko namalayang bumalik na pala siya sa table niya. I'm not into talking kaya mabuti nalang at pinagtatyagaan akong kausapin ni Tanya, 'yon nga lang minsan naiirita na 'tong tainga ko sa ingay ng boses niya.

Paper works ang naka assign sa amin ngayon kaya sobrang bored na bored ako. Hindi muna kami pinasama sa news team, siguro na disappoint si Sir Edward sa amin kahapon. Wala kasi kaming nakuhang mga importanting detalyi sa naka assign naming case kahapon. Tanging pag-aassist lang ang pinapagawa sa amin ngayong araw.

"Miss Ayah, pwede mo bang dalhin 'to sa may stock room?" utos ni Maam Anne sa akin sabay bagsak ng isang box ng mga papel sa table ko. She raised her eyebrows nang hindi agad ako sumagot.

"Ah yes Maam, no problem." Agad akong tumayo at binitbit ang box. Hindi naman mabigat dahil puro papel lang naman ang nasa loob kaya okay lang.

Pagkalabas ko ng Newsroom ay ngayon ko lang napagtantong hindi ko pala alam kung nasaan ang stock room. Pangalawang araw ko palang sa kompanyang ito at hindi ko pa kabisado ang buong building.

Bahala na, magtatanong nalang ako sa ibang empleyado rito.

Sobrang laki pala talaga ng building ng Sarmiento Press Inc. sobrang gara at nakakalula. Saan kaya dito ang stock room? babalik na lang kaya ako, wala naman yatang mga empleyadong naglalakwatsa dito sa labas kahit saan ako lumingon.

"Excuse me? Are you new here?" ani ng isang mahinhin na boses sa likod ko. Napansin siguro nito na balisa ako at parang may hinahanap.

Paglingon ko. Halos lumukso ako sa tuwa, totoo ba 'to? Si Ms. Anastacia Sarmiento in flesh! The second heir and the only daughter of the Sarmiento Clan. My God! Sobrang swerte ko naman ngayong araw na 'to!

"Ah-eh yes po maam," nahihiya kong sagot, "Actually second day ko pa po dito," I stuttered, parang umurong yata ang dila ko ng 'di oras, sobrang intimidating pala ng isang Sarmiento sa personal. Sopistikada at halatang mayaman talaga ang itsura nito.

Her eyes widened at parang gulat siya ng makita ako. "What's your name iha?" malumanay nitong tanong sa akin.

"Ah-ano po, A-Ariah De Vera po," nauutal kong sagot, my tongue wasn't cooperating me this time. Nakakahiya.

She seems shocked pero bumalik din naman agad sa usual prim and proper nitong itsura.

"Parang may hinahanap ka, saan ka pala pupunta?" pag uusisa nito.

"Sa stock room po sana pero dahil bago palang po ako rito, hindi ko po alam kung saan," sagot ko.

"Sino ang nag utos sa ‘yo? Hindi ba niya alam na bago ka palang dito? Nasa tabi ng Office ko ang stock room. Good thing papunta ako roon. You can come with me," pagyaya niya sa akin, "C'mon," dagdag nito nang mapansing parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko.

Ito ba ang tinatawag nilang lucky day? Oh, my Godness! Kasama ko ngayon ang isang high paid model and actress internationally, I'm a fan, really!

"A-ano-pwede ho po ba maam?" nakakahiya naman pero bahala na chance ko na tong makasama si Ms. Anastacia Sarmiento.

"Of course, halika. Follow me," tipid nitong sabi.

Nauna itong naglakad, looking at her back hindi parin talaga halata na may edad na. She walked so elegantly, a model indeed.

Bigla siyang tumigil sa harap ng elevator then pressed number 11.

Sobrang humble talaga ng mga Sarmiento, akalain mo sa sobrang yaman nila, wala man lang alalay o dalang maid tulad ng mga ibang mayayaman diyan.

"Get in," maotoridad nitong wika.

Bigla akong natigilan. From being a soft-spoken woman kanina ay biglang naging stiff and frigid ang tono ng pananalita nito.

"Ah oo. Sige po," sagot ko habang dali-daling pumasok sa loob ng elevator.

Tahimik. Sobrang tahimik sa loob. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.

Ting! The elevator opened. Nasa 11th floor na pala kami. Dere-deretso lang lumabas si Ms. Anastacia na parang walang kasama kaya sumunod na rin agad ako.

"Dumeretso ka lang nasa dulo ang stock room. Make sure na wala kang gagalawin doon or else pagsisisihan mo ang gagawin mo—" she paused at may pagbabantang tumingin sa mga mata ko, "Wala kang ibang gagawin kundi ilagay lang iyang box na 'yan. Hanapin mo lang kung saang storage iyan ilagay, used the passcode tatlong eleven," sambit nito bago pumasok sa loob ng opisina niya.

Naiwan akong nakaawang ang bibig dahil sa magkahalong gulat at takot. The way she looked at me bring shivers in my entire body. 'Yon ba ang tunay na katauhan ng isang Sarmiento? Or I was just assuming things?

***

I was shocked at ilang segundo pa ang lumipas bago ako maka-get over sa nangyaring interaction namin ni Ms. Anastacia at nagpatuloy agad ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dulong bahagi ng hallway. Nakatayo ako sa harap ng isang malaking pinto, malaki ito kompara sa ibang pinto ng mga opisina na nadaanan ko kanina. Tumingala ako at nakita ko ang malaking signage sa itaas ng pintuan.

STOCK ROOM

Nagpalingon-lingon ako sa paligid pero walang katao-tao, sobrang tahimik ng buong hallway, at hinuha ko walang ibang empleyado sa floor na ito.

Iba ang pakiramdam ko sa paligid pero ipinagsawalang bahala ko nalang.

Napatingin ako sa pinto at hindi ko mapigilang mamangha, ang yaman nga talaga ng mga Sarmiento kasi ang Storage room nila ay naka passcode door lock talaga. Nilapag ko muna ang dala-dala kong box at pagkatapos ay pinindot ko ang number 1 ng anim na beses.  Umilaw ng kulay green ang light sa ibabaw ng pinto then the door automatically opened.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay namilog ang dalawa kong mata at nalaglag ang aking panga sa nakita, para akong nasa loob ng isang maze ng sandamakmak na shelves na nakahilera, ang expectation ko sa storage room ay tambakan ng mga gamit at magulo pero itong storage room ng mga Sarmiento ay mas mukha pa itong mamahaling library sa gara.

Nilibot ko ang aking paningin at kapansin-pansin na ang bawat row ng shelves ay may mga malalaking letra na signage, obviously naka-alphabetical order ang mga shelves na nandito.

Sabi ni Ms. Anastacia kanina, hanapin ko lang raw kung saang storage ilagay 'tong box na dala ko. Sinuri ko ang box na dala ko at ngayon ko lang napansin na may code palang naka imprinta rito.

C12

"Mabuti na lang at letter C and nakalagay sa box na dala ko, paano pa kaya kung letter Z 'to? Baka abutin ako ng hapon kakahanap kung saang lupalop ko 'to ilagay." Dahan-dahan akong naglakad papunta sa shelf na may signage na letter C, kapansin-pansin na may mga boxes na nakalagay and all of them are sealed and secured.

Ano kaya ang laman ng mga box na nandito?

"Make sure na wala kang gagalawin doon or else pagsisisihan mo ang gagawin mo." Biglang nag echo sa utak ko ang sinabi ni Ms. Anastacia. I sighed. I won't let my curiosity swaddle me this time.

Dali kong hinanap kung saan area ko ilagay ang dala kong box. Mabuti nalang at hindi ako nahirapang hanapin. Inilapag ko agad ito at tiningnan ulit kung tama ba talaga ang pinaglalagyan ko.

C10, C11, C12 ...

Nang masiguro kong okay na ay naglakad na ako papunta sa pinto pero napalingon ako dahil may naramdaman akong kakaiba.

Tsk. "Curiosity kills a cat, kaya better leave now Ariah," bulong ko sa sarili.

Sinulyapan ko nalang saglit ang mga nakahilirang shelves sa stock room bago tuluyang lumabas.

Napadaan ako sa office ni Ms. Anastacia Sarmiento and I felt something was wrong, but I don't know why.

***

"Bakit ang tagal mo?" Maam Anne asked me with her irritable toned voice, "Nagawa mo na ba ang iniutos ko sa 'yo?" dagdag pa nito.

"Ah sorry po maam. Medyo natagalan po kasi akong tuntunin ang stock room, hindi pa kasi ako familiar sa loob ng building, second day ko pa po kasi ngayon," ine-emphasize ko talaga ang salitang second day para malaman niyang wala pa akong masyadong alam sa pasikot-sikot ng building na 'to.

Tinaasan lang ako ng kilay bago ako tinalikuran. She's professional in her work, she looks nice on Television, but she has an annoying attitude in person. People have two-face, I supposed.

"Miss Anne, pinapapunta ka ni Ms. Anastacia sa office niya. Tumawag po ngayon ang secretary niya," sabi ni Tanya.

Hearing about it, natataranta si Maam Anne at dagli itong lumabas.

I looked around and everyone is busy, ilang oras ko nang tinitigan ang orasan. Ang tagal mag 5 pm, may gusto pa akong puntahan.

"Ayah, nakita mo ba ang hitsura ni Maam Anne kanina pagpasok?" Tanya said with her usual Marites look.

"Hindi eh. Busy ako kanina," alibi ko. Busy nga naman talaga ako kanina, busy sa pagbibilang ng oras.

"Alam mo ba—" hindi natapos ni Tanya ang sana'y sasabihin nito dahil biglang nag ring ang orasan sa loob ng newsroom. Meaning time na ng out namin. Wala namang masyadong kaganapan ngayong araw kaya bored kong niligpit ang mga gamit ko.

Si Tanya naman ay bumalik na rin sa table niya at nagligpit na rin. Hindi ko na siya hinintay at dali-dali akong umalis. May mahalaga akong pupuntahan ngayong araw na 'to.

***

"Excuse me po. Kilala niyo po ba ang nasa picture?" tanong ko sa lalaking tambay sa labas ng tindahan.

"Ah 'yan po ba, kilala 'yan dito sa amin sa tawag na Ka Pening, siya 'yong bali-balita ritong pumatay sa sariling pamilya," panimula nito, "Pero, ang ipinagtataka namin eh bakit binalitang patay lahat ng anak niya, eh tatlo lang naman ang namatay, apat naman lahat ang anak niya. Wala sa mga namatay ang panganay niyang anak," dagdag pa niya.

Tama nga ang hinala ko may mali sa mga nangyari.

"Alam niyo po ba kung nasaan ang isa pang anak? Sigurado po ba kayong apat talaga ang anak nila?" Panigurado kong tanong.

"Oo naman, noong isang taon lang sila lumipat dito sa San Fernando," sagot ng lalaki.

"Isa nalang po kuya, alam niyo po ba kung nasaan ang panganay na anak ni Ka Pening?" pag-uusisa ko.

"Si Beatrice po ba ang tinutukoy mo? Ah sabi sa mga Marites dito sa kanto, bigla na lang daw nawala si Beatrice at walang makapagsasabi kung nasaan siya," aniya.

Posible kayang nasaksihan ni Beatrice ang mga pangyayari? Kung ganoon nasaan ngayon si Beatrice?

"Ah sige po kuya salamat po sa mga impormasyon." Pagpapaalam ko sa lalaki at agad na pinaharurot ang kotse. Magbabasakali akong makikita si Beatrice sa bahay nila.

Pagkarating ko'y bumungad agad sa akin ang tahimik at gloomy na paligid. Wala paring pinagbago ang bahay nila Ka Pening, may mga yellow tape parin na nakalagay. Sobrang lungkot ng paligid na parang nakikisimpatya sa mga nangyari sa buong pamilya.

Medyo malayo layo rin ang bahay nila sa ibang kabahayan. Alas Sais na pala, nag-aagaw na ang dilim at liwanag, babalik na lang siguro ako bukas.

"Excuse me, police ka ba iha?" ani ng isang malamyos na boses, paglingon ko'y isang matandang babaeng nasa 60 yata ang edad ang paika-ikang naglakad papunta sa akin.

"Hindi po, isa po akong reporter. Isa po ako sa mga nag cover noong nangyari ang pagpatay po rito," nag-aalinlangan kong sagot.

"Ganoon ba, alam mo ba iha, halos hindi kami makapaniwala sa mga nangyari. Sobrang bait ni Ka Pening, masayahin nga ang pamilya nila ng lumipat sila rito. Sa pagkakaalam ko galing sila sa Bayan ng Del Pilar, noong isang taon lang sila lumipat dito." Kwento ng matanda.

"Del Pilar po? Di ba diyan nangyari ang Hacienda Vergara Massacre?"

"Ah oo diyan nga. Meron pa pala akong sasabihin sa iyo, noong isang araw nagkwento sa akin si Nida 'yung maybahay ni Ka Pening, may nag-ooffer daw sa kanyang reporter tungkol diyan sa sinasabi mong Hacienda Massacre, may impormasyon daw na gustong malaman kapalit ng malaking halaga." Nagitla ako sa nalaman. Ano ang koneksyon ng pagkamatay ng pamilya ni ka Pening sa naganap na massacre sa Hacienda Vergara noon?

"Ay mukhang napadaldal ata ako ng husto. Sige iha, aalis na ako dahil madilim-dilim na. Ikaw, umuwi ka na rin. Dilikado sa isang babaeng katulad mo ang magpagabi, alam mo naman hindi na safe sa panahon ngayon." Paalala nito bago tuluyang naglakad paalis.

Bigla akong napaisip. Mas lalong gumulo ang lahat. Parang nakaharap ako sa isang malaking puzzle.

Nasaan ang anak ni Ka Pening na si Beatrice?

May mahinang kaluskos sa 'di kalayuan kaya napatingin ako sa madilim na dako ng bahay.

Pupuntahan ko ba o hindi? My mind was battling between going there or not. Pero nang lumingon ako ay saktong nahagilap ng aking mga mata ang isang anino, Teka!

Mabilis itong tumakbo palayo. Mabuti na lang at may lahi akong cheeta at mabilis akong tumakbo. Kaunti nalang maaabotan ko na siya. Kaunti nalang... maaabot ko na ang kamay niya. “Sandali!” sigaw ko habang mabilis na dinaganan ang taong kanina ko pa hinahabol.

Nakasuot siya ng itim na hoodie at balot ang mukha dahil sa facemask. "Sino ka? Anong ginagawa mo sa pamamahay nina Ka Pening?" sunod-sunod kong tanong.

Nagpupumiglas siya pero masyado ata akong mabigat. Teka, hindi ito lalaki kundi babae. "Maawa po kayo, pakawalan niyo po ako. Hindi ko po sasabihin ang mga nalalaman ko. Mananahimik po ako, huwag niyo lang akong patayin tulad ng pamilya ko," nanginginig na wika ng isang dalagita.

Teka..."IKAW BA SI BEATRICE?" bulalas ko.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay tumulo lang ang mga luha sa mata nito, pero bago pa siya tuluyang mawalan ng malay may sinabi siyang nagpatigil sa mundo ko.

Sylvia Dela Cruz

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status