Share

CHAPTER 1: HACIENDA VERGARA MASSACRE, CRIME OF THE YEAR

November 11, 1992-One hundred eleven people were killed in Hacienda Vergara, the victims were mostly farmers and workers, their corpses hastily buried in shallow graves...

Sarmiento Press Headlines

Hacienda Vergara Massacre: One hundred eleven people were brutally killed on a stormy afternoon, and the dead bodies were buried near the vicinity of Vergara's mansion.

The Daily Inquirer

The whole nation was shocked when one hundred eleven people were massacred at Hacienda Vergara. Police reports said that the Vergara Family is the prime suspect in the horrible crime.

"Ariah," Mom called me. I was busy reading the news articles that were published 30 years ago when she came out from the kitchen.

"Yes, Mom," I answered without directly looking at her.

"Binabasa mo na naman 'yan, anak." She sounded so disappointed. "Ilang ulit na ba kitang pinaaalahanan na 'wag mo ng pakialaman ang mga gamit na may kinalaman sa trabaho ko noon, paulit-ulit mo nalang akong sinusuway," dagdag pa niya.

I felt a pinch of guilt nang sabihin ni Mama 'yon.

"I'm sorry Ma, gusto ko lang kasing mas matutunan pa ang mga bagay na may involvement sa trabaho mo. I want to be like you. Gusto kong sundan ang yapak mo," sincere kong sabi. "Bakit ba ayaw mong maging isang journalist din ako tulad mo?" tanong ko habang deretsong tumingin sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama, pagkatapos ay nanatili siyang tahimik. Alam kong noong una pa lamang ay tutol na talaga siya sa kinuha kong kurso pero ito talaga ang gusto ko. I graduated Bachelor of Arts in Journalism and gusto ko talagang maging isang successful journalist tulad ni Mama.

"Ma—" I finally broke the silence, "Bukas na pala ang start ng internship ko," nag-aalinlangan kong sabi.

"Anak, makinig ka." Bakas sa mukha ni Mama ang pagka-disgusto. "Hindi na ba talaga magbabago ang gusto mo?" biglang nag iba ang emosyon sa mukha niya, magkahalong kaba, takot at pag-aalala.

"Ma, hanggang ngayon 'yan na naman ba ang pag-aawayan natin?" medyo napataas ang boses ko. Simula noon ayaw na talaga ni Mama na maging journalist din ako tulad niya. Ang dahilan niya? Wala. Wala siyang masabi o ma-explain man lang kung bakit.

"Wala kang alam sa mundong iyong papasukan Ariah, kaya habang buhay pa ako, hindi ako papayag na matulad ka sa akin," sagot ni Mama at deretso akong tinalikuran.

Naiwan akong naguguluhan. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga.

******

Sarmiento Press Inc.

Sarmiento Press Inc. is a known topped rating Press company in the Philippines, it is managed by Sebastian Sarmiento, the eldest son of the influential and prominent Sarmiento Clan.

I was still in awe of the acceptance of my Letter of Intent and Application for my Internship. Hindi kasi basta-basta tumatanggap ng internship at maging new employees ang kompanya.

I was busy browsing the internet, reading about Sarmiento Press Inc. Its background, history, and Management nang pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Ariah—" Mother paused nang napasulyap siya bigla sa screen ng laptop ko, her eyes widened and then suddenly turned furious. "Sa Sarmiento Press ka mag ta-trabaho bilang intern?" may halong galit ang tono ng boses nito.

"Yes, Ma—"

"No!" Mom interrupted me. "Hindi, hindi puwede," hysterical niyang sabi.

"Ma, ilang ulit na ba nating pinagtalunan ang bagay na 'to? pwede ceasefire muna? pagod na pagod na ako, whatever your reason is, I don't care. Ma, pwede bang kahit ngayon lang suportahan mo naman ang gusto ko-ang pangarap ko," frustrated kong sumbat at dahil nawalan na ako ng ganang ipagpatuloy ang ginagawa ko ay deretso kong tinurned-off ang laptop ko.

"Good night, Ma," walang gana kong sabi. Kailangan kong matulog ng maaga para naman kahit papaano fresh akong papasok sa first day ng aking internship.

Deretso akong humiga sa malambot kong kama at nag talukbong ng kumot, wala akong pakialam kung nandiyan pa si Mama. Nagtatampo ako sa kanya dahil hindi man lang niya magawang suportahan ang gusto ko, ang pangarap ko.

Hindi kumibo si Mama at nanatili lamang itong nakaupo sa tabi ko. Pinakiramdaman ko kung ano ang gagawin niya ngunit patuloy lang ito sa pagpapakawala ng sunod-sunod na buntong hininga.

Lumipas ang ilang oras, narinig ko ang pagsara ng pinto. Lumabas na si Mama na wala man lang, "Good night too, anak." Gaya ng palagi niyang ginagawa tuwing matutulog na ako.

Hindi ko maiwasang magtampo kay Mama at talagang masama ang loob ko.

Nakatulala ako habang nakatitig sa kisame, kung saan-saan na naglalakbay ang utak ko hanggang sa finally dinalaw na ako ng antok at dahil na rin siguro sa masama kong pakiramdam ay kusa nalang tumiklop ang talukap ng aking mga mata. Then, darkness totally engulfs my whole system.

***

SARMIENTO PRESS INC. MEETING ROOM NEWS SECTION

"Good morning, everyone, my name is Edward Cortiz, ako ang head ng news team. Based on our informant may i- co-cover tayong crime ngayong araw. E-ready na ninyo ang mga gamit, dapat tayo ang unang makakapunta sa crime scene before other news company. And by the way we have our new interns, Miss Ariah De Vera, Miss Tanya Cañete, and Mr. Adrian Sandoval. Welcome to Sarmiento Press Inc. Let's all welcome them with a warm applause," maikling introduction ni Sir Edward.

"Good morning po sa inyong lahat," sabay-sabay naming bati.

"It is an honor to become part of news team po sir," sabi ko habang nakangiti ng pagkalapad-lapad.

"Interns, this is your first assignment so break a leg," Sir Edward seriously uttered. Looking at him, he has an undeniably strict persona.

"Okay, I think everyone, and everything is all set now. Let's go, baka maunahan pa tayo ng ibang news company," he added with his autocratic toned voice.

We're ten on the team including Tanya and Adrian. I'm nervous but at the same time excited sa unang assignment namin.

"Ariah, Tanya and Adrian. Sa kotse ko na lang kayo sasakay ang iba ay sa van ng company naman," matipid na wika ni Sir Edward, after our casual meeting was adjourned.

"Hi, I'm Tanya. It's so nice to work with you Ariah," ani ni Tanya habang inilahad ang kamay niya. Looking at her, she looked sophisticated at maganda ang hubog ng katawan niya.   She probably has a good future in modeling than being a reporter.

"Nice meeting you Tanya, I'm sure magiging magaan ang trabaho ko with you. By the way, Ayah nalang ang itawag mo sa akin, hindi kasi ako sanay na may ibang tumawag sa akin ng Ariah. Si mama lang kasi ang tumatawag sa akin ng pangalang 'yan, mostly of my friends at mga naging classmates ay Ayah ang tawag sa akin," sabi ko while shaking hands with my newfound friend and co-worker.

"Hi, by the way, ako si Adrian Sandoval, it's my greatest pleasure to work with two beautiful ladies like you," sabi ni Adrian. Pareho kaming napalingon ni Tanya sa kanya, and honestly, he wasn’t a male model, but he should have been. The aquiline nose he donned perfectly complemented his prominent cheekbones. Handsome in an understated way, his chiseled jaw, a well-built physique, alluring lips, and toned muscle will surely make everyone drool in admiration. His tantalizing yet deep eyes caught my attention. 

Tanya giggled at agad na inilahad ang kamay kay Adrian.

"Hi Adrian, I'm Tanya and I'd love to spend the rest of my days with you," Tanya said in a flirty voice.

Natatawa at napailing si Adrian sa sinabi ni Tanya.

"I'm Ariah De Vera," casual kong sabi.

And after some sort of chitchats, sabay-sabay na kaming lumabas at sumakay agad sa sasakyan ni Sir Edward habang ang iba ay sa designated van ng news team naman sumakay.

We're now heading sa crime scene ng una naming magiging assignment. I felt tensed and kinakabahan ako, medyo na masa-masa na din tong kamay ko dahil ganito talaga ako kapag kinakabahan, nagpapawis ang mga palad.

"I can do it, I'll make you proud Ma," bulong ko sa sarili.

*****

San Fernando Police Station

"Ikaw si Ka Pening 'di ba? Ano ang dahilan bakit mo pinatay ang pamilya mo? Ano ang motibo mo sa pagpaslang sa kanila? Demonyo ka ba? Bakit mo 'yon nagawa sa sariling mong pamilya?!" Pabulyaw kong tanong sa kanya.

Kanina pa mainit ang dugo ko, galit ako... galit na galit. Medyo hindi pa ako naka-recover sa nadatnan namin sa crime scene kanina. Wala ng buhay ang asawa niya na naliligo sa sariling nitong dugo at wala ng dila pati ang tatlong anak niya na pawang mga menor de edad pa at puno ng pasa ang mga katawan habang may laslas ang kanilang mga leeg.

Horrifying! Halos masuka narin ang mga kasama kong reporter kanina.

Nadatnan namin siya sa kwarto na nakatulala habang hawak-hawak ang isang kutsilyo na ginawang weapon sa kagimbal-gimbal na krimen. Puno ng dugo ang kanyang suot at hindi man lang pumalag nang pusasan siya ng mga pulis.

Tiningnan ko siya sa mata pero ang ikinagagalit ko ng husto ay wala man lang emosyon na makikita sa kanya. No remorse, regret, or repentance. Demonyo.

"Alam mo bang ang hustisya ay para lang sa mayaman." Ngumiti ito ng mapakla at tumingin ng deretso sa mga mata ko, his eyes were full of anger and pain.

"Alam mo bang para lang tayong mga piyesa ng chess na nilalaro nila," dagdag niya. Mahiwaga. Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya.

"DEMONYO! DEMONYO KAYONG LAHAT!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw at parang wala sa sariling tumawa ng malakas. It looks like he lost his sanity.

"PAPATAYIN KO SILA, AT ISUSUNOD KITA." I was caught off guard, nagulat ako sa ginawa ni Ka Pening. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan pagkatapos niyang ibulong sa akin ang mga katagang 'yon.

Ito ang huling sinabi niya sa akin bago siya tuluyang umalis at bumalik sa selda niya.

His words left me dumbfounded.

"Ayah! Ano ka bang babae ka, kanina ka pa hinahanap ni Sir Edward. May nakuha ka na bang mga importanting detalye para sa gagawin nating news article?" tanong ni Tanya sa akin habang Nakapamewang.

"Ha? Ahh-wala eh, wala akong matinong sagot na nakuha sa kanya. Mukhang he has lost his sanity. Anong gagawin natin ngayon Tanya?"

"Ay naku huwag mo munang problimahin 'yan. First day pa naman natin eh. Halika na kanina pa tayo hinihintay ni Sir Edward sa sasakyan," pagyayaya ni Tanya sa akin.

Pero hindi parin nawala sa isip ko ang huling sinabi ni Ka Pening sa akin.

"Hoy! Aya. Bakit tulala ka? hindi ka pa nakakaget over sa nasaksihan natin kanina 'no?"

I just nodded, ayoko na kasing humaba pa ang usapan namin ni Tanya. Pakiramdam ko wala pa ako sa tamang wisyo pagkatapos ng usapan namin ni Ka Pening. Nanginginig pa rin talaga ang kalamnan ko sa mga binitawan niyang salita.

"Aya..Tanya get in the car. Si Adrian nasa van na sumakay, kanina pa sila umalis." Bungad ng head namin na si Sir Edward habang nakadungaw sa bintana ng kotse niya.

Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa parking lot ng police station.

"Alam mo si Sir gwapo sana pero sobrang sungit. Ganyan siguro 'pag wala pang lovelife walang inspiration sa katawan," mahinang bulong sa akin ni Tanya nang makasakay na kami sa kotse.

"Manahimik ka nga baka marinig tayo ni sir, first day na first day natin baka bad record na kaagad tayo," suway ko.

Tahimik at seryoso lang si Sir Edward sa pagmamaneho. Mabuti nalang at nanahimik na din 'tong katabi ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaisip sa mga nangyari, kanina nang madatnan namin si Ka Pening sa kwarto ng bahay nila ay parang wala ito sa sarili. Basa ang kanyang pisngi ibig sabihin ay umiyak siya ng mga panahong iyon. Bakit hindi siya tumakas?

My instinct tells me that there's something off sa mga nangyari.

At ang mas lalong ikinabahala ko ay paulit-ulit parin na gumugulo sa utak ko ang mga sinabi ni Ka Pening.

First day ko pa, paano na kaya sa mga susunod pang mga araw? Ito na ba ang ibig sabihin ni Mama na ayaw niyang matulad ako sa kanya?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Amara Sanchez
I started to love this story... mmmm interesting
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status