All Chapters of Sassy Gay: Chapter 11 - Chapter 20
51 Chapters
11
Halos masabunutan ko na ang aking sarili dahil sa inis. Hindi matigil ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa kaba.Bwisit na demonyo na 'yon. Bakit ba ang lakas ng loob niya? Talagang pumasok pa siya sa bahay ko and worst! Sa kwarto ko pa.Teka?Kwarto?Agad nanlaki ang aking mata.Yung earpiece!Agad kong hinanap ang earpiece at ang baril na ginamit ko kagabi.God, Marco!Paano kung nakita niya? Mabubuking ka nito sa kapabayaan mo!Hinalughog ko ang lahat ng gamit sa kwarto. Mula sa gulo gulong kama hanggang sa cabinet na puro damit.Muli kong nasabunutan ang sarili.Bwisit! Nasaan na ba 'yun!Patuloy ako sa paghahanap. Wala akong pake kung naghihintay pa rin sila sa baba. Huling araw ko naman na sa school na 'yon. Alas syete pa lang naman at mas importante ang misyon ko kesa
Read more
12
Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang kailangan na kailangan niya talaga ako para sa anak niya. Buti na lang talaga at napalapit sa akin si Kyro. Hindi ko akalain na ito ang bunga ng ginawa ko.Kaunting kaunti na lang.Nasaikalawang hakbang na ako sa aking plano at kaunti na lang ang bibilangin ko bago ko maikasatuparan ang lahat. Maipaghihiganti ko na sila Mama at Ate. Mananahimik na ang kanilang mga kaluluwa sa itaas."Good Morning, Sir," wika ng mga gwardya nang makapasok kami sa isang matayog na gusali. Puro salamin 'yon at nagsisisigaw ito sa karangyaan.Hindi nagsalita si Jacob, nagpatuloy lang sila ni Rebecca sa paglalakad na siyang nagpairap sa akin. Mga walang pagmamahal sa mga empleyado. Bumagsak sana kompanya mo.Kasunod nila kami ni Kyro sa likuran kaya naman ako na lang ang bumati sa kanila."Good Morning po kuya," ani ko bago yumuko. Bahagya akong nagulat da
Read more
13
Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang kailangan na kailangan niya talaga ako para sa anak niya. Buti na lang talaga at napalapit sa akin si Kyro. Hindi ko akalain na ito ang bunga ng ginawa ko.Kaunting kaunti na lang.Nasaikalawang hakbang na ako sa aking plano at kaunti na lang ang bibilangin ko bago ko maikasatuparan ang lahat. Maipaghihiganti ko na sila Mama at Ate. Mananahimik na ang kanilang mga kaluluwa sa itaas."Good Morning, Sir," wika ng mga gwardya nang makapasok kami sa isang matayog na gusali. Puro salamin 'yon at nagsisisigaw ito sa karangyaan.Hindi nagsalita si Jacob, nagpatuloy lang sila ni Rebecca sa paglalakad na siyang nagpairap sa akin. Mga walang pagmamahal sa mga empleyado. Bumagsak sana kompanya mo.Kasunod nila kami ni Kyro sa likuran kaya naman ako na lang ang bumati sa kanila."Good Morning po kuya," ani ko bago yumuko. Bahagya akong nagulat da
Read more
14
Pagdating namin sa palapag ay halos naunang maglakad itong si Kyle. Nagtataka tuloy ako ngayon. Kung bakit siya nandito, at kung bakit siya nagmamadali. Baka pupuntahan niya si Jacob?Teka.Kilala ba niya si Jacob?Kung kilala niya nga, bakit hindi niya hinatid si Kyro do'n mismo sa bahay nila? Bakit kailangan niya pa akong sundan para lang maihatid si Kyro? Agad nitong pinihit ang mga doorknob ng pinto. Hindi na ako nagsayang ng oras at agad na hinawakan ang kanyang braso gamit ang isa kong kamay. "Kyle, sino bang hinahanap mo?" tanong ko dahilan para mapalingon siya. "Baka makulong ka sa ginagawa mo, trespassing ka!" dagdag ko.Napahinga ito ng malalim. "Kilala mo ba 'yung sekretarya ni Mr.Perez?" tanong nito na tila ba nagtitimpi. Namumula na ang tainga niya na nagdadagdag sa kanyang kagwapuhan. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.Teka, sekretarya ba kamo? Sa pagkakatanda ko ay si Aileen pa lang
Read more
15
Hindi ko maibuka ang bibig ko. Muli ko na namang maramdaman ang estrangherong pakiramdam na 'to. Kinakabahan na naman ako sa hindi ko malaman na dahilan.Nasa loob kami ngayon ng sasakyan ni Jacob at papunta kami sa isang restaurant para maglunch. Nasa kabilang sasakyan ang sekretarya niyang si Aileen kasama ang asawa nitong si Kyle.Nakakalungkot isipin na hindi na ako madidiligan ni Kyle. Kailangan ko 'yong tanggapin. Masama kasing magpadilig sa hose na may iba ng dinidiligan. Masasaktan lang ako kapag umasa pa ako. Isa pa kaibigan naman na ang turing ko kay Aileen kahit pa kanina lang kami nagkakilala.Hindi ko alam sa aking sarili pero ramdam ko ang pagod sa hindi ko malaman na dahilan. Naging mahaba ang araw na 'to at sigurado akong pahinga lang ang katapat nito.Tulog na sa tabi ko si Kyro. Nakahiga ito habang nakakandong ang ulo nito sa mga hita ko."Nag-salita na ba ulit yung anak
Read more
16
Halos hindi ako makapagsalita buong byahe. Ni hindi ko na nga nakuha ang sukli kay manong. Alas singko na ng hapon at bida na naman ang mga batang naglalaro sa park. Kulay kahel na ang kalangitan. Kanina pa dapat ako nakauwi pero inabot ako ng ilang oras sa pagtambay. Hindi ko namalayan ang takbo ng orasan.Nanood ako ng movie mag-isa sa mall para naman maalis sa aking isipan ang mga sinabi ni Aileen. Pero pagkatapos ng pinanood ko ay tila ba walang nagbago, patuloy akong ginugulo ng mga salitang binigkas niya. Patuloy nitong binulabog ang katawang lupa ko."Mel!"Dalawang hakbang nalamang mula sa bahay ngunit agad akong napatigil sa paglalakad. Lumingon ako sa aking gilid at nakita ko si Aling Wency at ang mga dabarkads niyang tsismosa sa harap ng tindahan. Mukhang may tsismisan session na naman na magaganap.Wala akong nagawa kung hindi ang pumunta sa kanila. Maaga pa naman kaya keri ko pang makipagkwent
Read more
17
Mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi ko namalayan ang ginawa niyang paghila sa'kin. Basta ang alam ko lang ay nasa loob na ako ng sasakyan niya ngayon. Hindi ako makatingin sa kanya. Nasa labas lamang nakatuon ang aking atensyon. Tinatahak namin ngayon ang madilim na kalsada. May pag-ambon sa labas dahilan para magkaroon ng mga butil ang bintana. Hindi ko alam kung bakit pero muli na naman akong nakaramdam nang pagkailang. Yung tipong natatakot ako sa mga ikikilos ko sa kanyang harapan. Hindi ko maibuka ang mga bibig ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan."Bakit na sa bar ka? It's already 8, gabing gabi na para sa katulad mo." Pinasadahan ako nito ng tingin. Dahilan para mapalunok ako."S-Sir, pangit po yata kung umaga ako pupunta," sagot ko.Halos mapangiwi ito at maya maya lang ay muli akong tinignan. Kahit na nasa labas ang aking atensyon ay ramdam ko pa rin ang kanyang pagkunot."Wag mo'kong sinasagot
Read more
18
Halos mandilim ang paningin ko nang makita ang paglisan ni Jacob. Agad siyang sinakay sa sasakyan at ang nakakainis pa ay hinabilin lang niya ako sa kaibigan niyang si Marcus. Hindi man lang ako sinabay. Matapos ko siyang alagaan? Gano'n lang igaganti niya? Pwe.Dumagdag pa sa pagkairita ko ay yung pagkakalingkis sa katawan ni Rebecca. Itong higad na 'to. Mukhang kulang na naman sa kamot."Nay, maraming salamat po pala ulit sa pagpapatuloy niyo," ani ko bago yumuko.Napayakap ako sa aking sarili. Papaangat pa lang ang araw at medyo malamig pa rin sa balat ang simoy ng hangin."Wala 'yon, buti na lang at hindi kayo napano nung mga mangangaso. Hayaan mo, iho, itatawag ko yun sa itaas para maaksyunan kaagad. Nang hindi kayo naiistorbo sa camping niyo," sagot nito."Maraming salamat po ulit."Tuluyan kaming nagpaalam kay nanay. Gusto ko pa sana magstay para makilala ang
Read more
19
Maingay. Masyadong maingay. Halos dumagundong ang silid dahil sa tugtog. Masyado ring madilim at ang tanging liwanag lang na makikita mo ay ang ilaw sa dance floor.Pagpasok namin ni Aileen sa bar ay ito agad ang bumungad sa amin. Pamilyar ang mga taong nasa loob. Mga kaibigan at kakilala ni Cyril at Nicko.Pagsara ng pintuan ay siyang pag-iwas ko sa papalapit na kutsilyo. Tanging ulo ko lamang ang ginalaw ko para maiwasan 'yon. Pagbaling ko sa kanan ay agad na bumungad sa akin ang nakangisi kong kapatid."Bitch, akala ko matatamaan ka na. Akalain mong hindi ka kinakalawang?" Natawa ito sa tanong niya.Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Nice to see you again, my dear Kuya," ani nito."Asan ang kapatid mong best actor ang galawan?" tanong ko nang bumitaw ito sa yakap."Nasa sofa, nagmumukmok," sagot nito at bumaling kay Aileen. "Gosh! Aileeeen!" sigaw ni
Read more
20
Tila ako napako sa madilim na pasilyo. Nasa harapan ako ng isang itim na pinto. Nakauwang na ito at naamoy ko na ang kakaibang amoy na nagdadagdag sa init ng aking katawan.Wala akong magawa dahil nakatitig lamang ako kay Jacob habang nakikipagsigawan siya sa waiter.Hindi ko alam pero ngayon ko lang siya nakitang galit. Nakakatakot. Masyado siyang nakakatakot.Napaiktad ako nang dumapo ang kanyang mata sa aking pwesto.Bigla akong nanlamig. Pero tila ba nag-iinit ang aking katawan sa titig na 'yon. Masyado akong kinakabahan pero nananaig sa akin ang mainit na pakiramdam.Nanginig ang aking tuhod nang mabilis itong nagtungo sa aking direksyon. Nakakunot ang noo nito at halos magpantay na ang kilay."Hindi ba't sinabi kong pumasok ka sa loob?" agad na sigaw nito.Hindi ako nakagalaw sa aking kinakatayuan. Masyado akong natakot sa sigaw niyang 'yon.
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status