All Chapters of Sassy Gay: Chapter 31 - Chapter 40
51 Chapters
31
Masyadong madaya ang tadhana sa isang katulad ko. Paghihiganti ang gusto ko pero bakit ako bibigyan ng lalaking mamahalin ako? Letse.Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tila ba umurong lahat ng plano ko para pabagsakin siya. Makita ko pa lang na umiiyak si Kyro ay nalulungkot na ako. Paano pa kaya kapag napatay ko ang daddy niya?"I'm really confused, Mel. Please, bigyan mo ako ng oras to figure this out. Letse naman!" panggagaya ni Cyril sa sinabi kahapon ni Jacob. Napalunok ako nang bigla siyang tumawag kanina pagkagising ko."Ikaw na mismo ang sumusuway sa batas, Kuya! What if malaman 'to ni Panot? Ano na lang ang gagawin mo? Last mission mo na 'to, Kuya! Ngayon ka pa ba papalpak?" tanong niya na nagpakaba sa akin.Halos lahat ng sinabi niya ay may punto. Halos lahat ay sumakto sa puso ko. Halos lahat ay nagpapabaliw sa akin."Hindi ako papalpak, Cyril. Gagawin ko
Read more
32
"Tama na 'yan, Marky," ani Aileen pagdating niya.Inirapan ko lang ito at muling nilagok ang baso na may lamang tequilla. Napabuntong hininga lang ako at kumuha ulit ako ng isa. Inikot ikot iyon iyon habang pinagmamasdan. Kita ko kung paano umikot ang gintong likido. Katulad nang pag-ikot ng mundo ko matapos kon tanggapin ang misyon na 'to. "Nasaan si Lucio? Si Nicko?" takang tanong ko sa kaniya.Narito ako sa bar kung saan ginanap ang pagdiriwang sa show ni Nicko noon. Tinawagan ko silang dalawa at sinabing pumunta para ipagdiwang ang pagiging marupok ng kanilang kapatid.Umupo si Aileen sa tabing sofa na kinauupuan ko. "Paparating na sila," sagot nito. Kinuha niya ang tequilla na sana ay iinumin ko. "Akin na 'yan. Ako naman! At mukhang kanina mo pa winawarshock yung baso."Inirapan ko siya at dinuro. "Kapag nagalit sakin si Kyle ika
Read more
33
Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang mga 'to. Ang demonyong si Jacob ay naging anghel. Imagined, araw-araw akong nakangiti. Sa tatlong araw na lumipas ay tanging kasiyahan lang ang naramdaman ko."Papasok na 'ko, Mel. Ikaw na muna bahala kay Kyro," aniya bago ako bigyan ng halik sa aking noo.Natulala ako. Isa 'to sa mga ginagawa niya. Tatlong araw na ang nakalipas pero walang humpay sa pagbibigay kasiyahan ang isang 'to. Masyado akong nahulog. At hindi ko akalain na ganito pala kalalim ang bangin na huhulugan ko."Mag-ingat ka. Siguraduhin mong uuwi ka ng maaga dahil tatadyakan kita sa leeg kapag ginabi ka," sagot ko na nagpangisi sa kaniya bago ako bigyan ng isang flying kiss.Clićhe ba? Para kaming teenager sa isang campus. Punyetang 'to. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng ganitong side. Masyado akong nacocornyhan. Kung may cctv man dito ay paniguradong tumatawa na si Cyril.
Read more
34
"Ice cream!" dinig kong magkakasabay na sigaw ng tatlo. Si Cyril, si Nicko at si Kyro. Tuwang tuwa ang dalawang kapatid ko nang ipakilala ko sa kanila si Kyro kanina.Ngayon nga ay natawa pa rin ako nang maalala ko ang mga sinabi kanina ni Cyril."Nako, kung ganito pala ang masasagasaan sa misyon baka umatras na ako. Napakacute!"Matapos kong pumunta sa clinic ay dito ako dumiretso. Nagsabi kasi ako kay Kyro na babawi ako. Pauwi na kasi sila nang makarating ako. Si Marcus naman ay umuwi na rin. Nagmamadali pa nga 'yon at mukhang may emergency na kailangang puntahan."Pandan po tito!" dinig kong sigaw ni Kyro.Kumakain sila ngayon ng ice cream. Nakapaglunch naman na kami rito sa condo ni Nicko. Exclusive raw 'tong condo niya dahil maraming security. Nakakagulat nga at walang media na nasa labas. Tinanong namin siya kung bakit at ang tanging sagot lang niya ay magic daw."Ch
Read more
35
Hindi ako nakatulog ng ilang araw dala siguro ng konsensya na bumabalot sa isip ko. Idagdag mo pa ang sinabi ni Cyril na ang lakas magpakaba. Mga letse.Kinuha ko ang cellphone ko at agadna tinawagan si Aileen."Nasaan si Rebecca?" agad na tanong ko.Nakatanggap kasi ako ng text sa kaniya kahapon at hindi ko alam kung anong nakain ng manananggal na 'yon. Kung bakit pa niya kailangan makipag-usap sakin. Masyado lang akong nagtataka."Nasa coffee shop sa BGC. Kanina pa 'to rito, eh. Hindi ka ba pupunta? Di ba nagtext siya sayo?"Napairap ako sa kawalan. "Oo, papunta pa lang kasi ako."Nakasakay ako ngayon sa taxi at sa kabutihang palad ay hindi si Julius ang driver. Bwisit siya. Nagawa ko nang tanggalan ng pera ang kompanya ni Jacob. At ang nakakainis ay halos kalahati ang natanggal. Letseng Cyril 'to. Hindi man lang nagsabi para nakapaghanda ako.Ilang oras
Read more
36
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Pinakalma ko ang aking sarili sa isipin na napaglaruan ako. Kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong isipin na pinagkaisahan ako. Masakit kasi sa part ko lalo na't nagdalawang isip akong ituloy ang misyon ko para lang laruin ang damdamin ko.Kung sakali mang totoo ang sinabi ng Rebecca na 'yon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Baka umatras na ako o baka magawa ko ang bagay na matagal ko nang dapat ginawa. Ang patayin ang taong pumatay kay Mama.Two side...Muli akong napailing. May dalawang panig sa bawat istorya. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos dahil alam kong hindi maganda ang kakalabasan no'n. Alam ko ang kaya kong gawin at hindi ko hahayaan na mangyari 'yon dahil ayokong masaktan si Kyro. Ang dami ko nang iniisip tapos dumagdag pa 'to. Kahit kailan talaga at hindi maganda ang pakikipag-usap sa babaeng manananggal na 'yon."Kuya, pakibilisan naman," ani ko
Read more
37
Ramdam ko ang lamig mula sa aking likuran. Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Mariin akong napapikit. Ilang beses akong napakurap para makita nang maayos ang nasa paligid ko. Letse talaga! Wag mo sabihing papatayin na 'ko kaagad ng demonyong 'yon? Kung kailan wala akong laban! Kung kailan hindi ko na siya kayang patayin! Napakadaya!Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo. Nasaan ako? Wag mo sabihing kinulong niya ako? Gugutumin ako bago patayin?Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.Letse naman. Talagang nakakulong ako sa letseng kulungan na 'to!Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad. Kainis! May paiyak iyak pa siyang nalalaman tapos ikuku
Read more
38
"Hindi ka pa ba kakain?" tanong sa akin ni Elena nang marinig naming sumara ang pinto.Muling namayani ang katahimikan. Dilim na naman ang namuo sa silid na 'to.Napaismid ako at umayos ng upo. "Wag na, baka may lason pa yang pagkain na 'yan."Hindi siya umimik at mas piniling lumapit sa rehas. Kinuha niya ang pagkain at nagsimulang kumain. Tignan mo! Binibiro lang, eh! Kanina pa kaya kumakalam yung sikmura ko!Bahagya akong natawa. "Kapag bumula yang bibig mo tatawanan talaga kita."Nagkibit balikat ito at hindi ako pinansin. Patay gutom. Mabilaukan ka sana letse ka.Nang mangalahati ang nasa pinggan niya ay agad niya 'yong inilapag.Nagkunwari akong tatanggi. "Wag kang makulit. Hinding hindi ko kakainin 'yan," ani ko habang nakatingin sa pagkain.Kumunot ang noo nito at tumingin sa akin. "Sino nagsabing sa'yo 'to?" tanong niya na i
Read more
39
Sa apat na taon kong pamumuhay, simula nang nawala ang ate at si mama, ang tanging gusto ko lang ay mapatay ang mga taong humamak sa kanila. Apat na taon akong nagkimkim. Apat na taon akong nagtiis. Puro sakit at galit ang namayani sa apat na taon kong pamumuhay.Ngayon. Nasa harapan ko na ang tatay ng lalaking pumatay sa mama ko.Ang akala ko noon na kapag natanggap ko na 'tong misyon na 'to at nakapaghiganti na ay ok na ang lahat. Akala ko kapag nakapaghiganti ako ay matatahimik na ang damdamin ko. Akala ko mawawala yung sakit at galit. Pero habang ginagawa ko ang misyon na 'yon ay iba ang naramdaman ko. Hindi ko akalain na sasaya ako kahit na panandalian lang. Si Kyro at Jacob ang nagsilbing panandaliang saya sa misyon ko. At hindi ko akalain na mababago non ang takbo ng buhay ko.Nakaupo kami sa loob ng selda. Nakatitig ako sa lalaki habang ito naman ay nakatingin sa itaas. Nasa labas si Aileen at tinitignan kung may d
Read more
40
Dali dali akong tumayo at lumabas kaagad sa madilim na selda na 'to. Hindi pa man ako nakakalayo sa paglalakad ay kaagad na tumulo ang luha ko. Parang nasaksak yung puso ko dahil sa mga nalaman ko ngayong araw. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Naghalo na sa sistema ko ang sakit at emosyon sa aking dibdib. Kaagad kong pinahid ang luha ko. Hindi ko na inisip ang itsura ko. Masyado akong nilalamon ng sakit.Madilim ang paligid. Kasabay non ay siyang pagdilim ng puso ko. Masyado akong naiinis. Masyado akong nasaktan. Kahit anong pilit kong alisin sa isip ko na huwag umiyak ay kusang pumapatak ang luha ko.Hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap na yung taong nagkunwaring tumulong ay siyang may kasalanan ng lahat ng 'to. Hindi ko masikmura ang mga nalaman ko. Ang akala ko ay hinahanap niya si Papa pero mukhang malabo. Tanginang panot na 'yan!Napasigaw ako sa inis. Nasabunutan ko ang sarili ko at napaluhod sa sahig.
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status