Share

16

Halos hindi ako makapagsalita buong byahe. Ni hindi ko na nga nakuha ang sukli kay manong. Alas singko na ng hapon at bida na naman ang mga batang naglalaro sa park. Kulay kahel na ang kalangitan. Kanina pa dapat ako nakauwi pero inabot ako ng ilang oras sa pagtambay. Hindi ko namalayan ang takbo ng orasan.

Nanood ako ng movie mag-isa sa mall para naman maalis sa aking isipan ang mga sinabi ni Aileen. Pero pagkatapos ng pinanood ko ay tila ba walang nagbago, patuloy akong ginugulo ng mga salitang binigkas niya. Patuloy nitong binulabog ang katawang lupa ko.

"Mel!"

Dalawang hakbang nalamang mula sa bahay ngunit agad akong napatigil sa paglalakad. Lumingon ako sa aking gilid at nakita ko si Aling Wency at ang mga dabarkads niyang tsismosa sa harap ng tindahan. Mukhang may tsismisan session na naman na magaganap.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumunta sa kanila. Maaga pa naman kaya keri ko pang makipagkwent

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status