Hindi akalain ni Mutya na magagawa nyang pikutin ang among si Drake Rufino. Ito lang ang naisip nyang paraan upang hindi sya mapalayo sa binata ngunit ngayon ay parang gusto na nyang umurong. Tumikim sya ng konting alak kagabi para magkaroon ng lakas ng loob na ituloy ang planong pagpikot dito. Ngayong nawala na ang epekto ng alak ay katakot takot na kaba ang nararamdaman ng dalaga.
Magbibihis pa sana sya ng marinig ang bahagyang pag galaw ni Drake. Nagmamadali nyang dinampot ang tuwalya na malapit sa kanya at itinapis ito sa hubad nyang katawan. Nais nyang makaalis na agad sa kwarto ng amo habang tulog pa ito upang hindi sya nito makita. Mahimbing pa rin ang tulog ni Drake marahil ay epekto ng pampatulog na inihalo sa inumin nito. Isa-isa nyang pinulot ang kanyang mga damit at panloob. Isusuot na lang nya ito mamaya sa pinakamalapit na banyong madadaanan. Nasa resort sila ngayon at kabi-kabila ang palikuran sa labas. Ang mahalaga ay makaalis sya habang tulog pa ang amo. Dahan dahan nyang pinihit ang seradura ng pinto upang hindi sya makagawa ng ingay.Laking gulat na lamang nya dahil hindi pa man nya tuluyang nabubuksan ang pintuan ay may tumulak na nito mula sa labas kasunod ang maraming kislap at tunog ng camera.“Miss ikaw ba ang bagong girlfriend ni Drake Rufino?”“Anung pangalan mo?”“Nasa loob ba sya?”“Gano na kayo katagal?”Sunod sunod na katungan ng mga reporters. Sa takot ay napaurong sya. Hindi nya alam ang gagawin. Napatigil ang dalaga sa pag-urong nang bumangga sya sa matitipunong dibdib mula sa lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Gising na si Drake.“What’s going on here?” halata sa mukha ng lalaki na bagong gising pa ito. Nakapulupot sa hubo’t hubad nitong katawan ang puting kumot. Naguguluhan sya sa nangyayari.“Drake, sya ba ang bagong girlfriend mo?” malakas ang boses ng reporter na nagtatanong habang tuloy pa rin ang kislap ng mga camera.“What the f*ck!?!” gulat na gulat na wika ni Drake. Ngayon lang nya napagtuunan ng pansin ang babaeng nakatapis ng tuwalya sa harapan nya."Oh sh*t!" bulalas ni Drake ng mapagtanto kung ano ang nangyayari. Hinila nya papasok ang babae at dali-daling isinara ang pinto.Litong lito ang binata sa nangyayari ngayon. Kagigisng lang nya at ganito agad ang bumugad. Tanging kumot lang ang ipinantakip nya sa hubad na katawan dahil nagmamadali syang tumayo kanina upang alamin kung ano ang kaguluhang nangyayari sa labas.“What the hell is going on?” malakas nyang pagkakasabi.Nilingon nya ang babae. Nakabalot ng tuwalya ang balingkinitan nitong katawan at mukhang hindi pa nasusuklay ang mahaba nitong buhok. Makapal ang kilay nito, mapupula ang mga labi at katamtaman ang tangos ng ilong. Ganun na lang ang pagkagulat nya nang mamukhaan ito.“Mutya?!?” hindi makapaniwalang wika ni Drake na nakatitig sa mukha ng dalaga. Hindi nya agad ito namukhaan dahil palaging nakatali ang buhok nito.“Anung ginagawa mo sa kwarto ko….. at bakit ganyan ang suot mo?” hindi nya akalaing makikita ang katulong sa ganitong itsura.Ang alam nya ay bata pa ito ngunit ngayon ay tanging maikling tuwalya lang ang tumatakip sa kabuuan nito at dahil sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay tanaw nya ang ibabang parte ng pang-upo ng dalaga. Isang ganap na babae ang nasa harapan nya ngayon.Napayuko si Mutya. Hindi nya mapigilang mapahikbi. Hindi nya inaasahan na may mga reporter sa labas. Ang plano lang nya ay magising sila ni Drake na magkatabi nang sa ganun ay isipin nito na may nangyari sa kanila at pananagutan sya. Hindi nya alam kung saan nanggaling ang mga reporters at kung bakit nasa labas ang mga ito na parang nag-aabang talaga sa paglabas nila ni Drake.Tulirong nagpaikot-ikot ang binata. Hanggang ngayon ay hindi nya alam kung anong nangyayari. Wala syang maalala kagabi. Ang tanging natatandaan lang nya ay nag-iinuman sila ng girlfriend nyang si Audrey. Bigla syang inantok at hanggang doon na lang ang naaalala nya. Napaupo sya sa sofa at sapo sapo ang noo.“What are those reporters doing outside?” bulalas nya.“Hindi ko po alam.” umiiyak na tugon ni Mutya. Nilingon syang muli ni Drake. Muli nitong hinagod ang kanyang kabuuan.“Can you please put your clothes on for God’s sake!” angil ni Drake kay Mutya. Nagtatakbo ang dalaga sa banyo habang sinusundan sya ng tingin ng lalaki.“What have I done?” Napasabunot si Drake sa kanyang buhok. Right at this moment he knows he’s doomed. He’s lost and he knows that there’s only one person who can help him right now. Kinuha nya ang cellphone sa loob ng drawer at may tinawagan. Narinig nyang nagring sa kabilang linya. Hindi agad ito sumagot. Dalawang beses pa nya ito muling tinawagan. Nakahinga sya ng maluwag nang marinig magsalita ang nasa kabilang linya.“Dad, I need your help!” desperadong wika ni Drake**************************Sa mansyon ng mga Rufino….“You have to marry her!” ma-awtoridad na wika ni Don Antonio, ang ama ni Drake. Katabi nito ang asawang si Donya Agatha ang ina ni Drake na kanina pang walang imik.“I can’t do that!” malakas na tutol ni Drake. Hindi sya makapaniwala sa narinig at napatayo pa sa kinauupuan nito.“You should have thought about it before you stick your d*ck in it.” Kahit hindi sumisigaw ay nakakatakot pa rin ang boses ng matandang Rufino. There’s something about his presence and tone that will intimidate anyone around him.“She’s only seventeen and a minor.” patuloy ng Don at si Mutya ang tinutukoy nito.Samantalang si Mutya naman ay kanina pa yukong yuko sa kabilang upuan. Alam nyang kasalanan nya ang lahat. Naghahalong hiya at takot ang nararamdaman nya ngayon. Kanina pa syang lumuluha ngunit di nyang magawang umiyak ng malakas. Alam nyang wala syang karapatang magreklamo dahil kasalan naman nya kung bakit sila nagkakagulo ngayon."Dad I have a girlfriend. You know all the sacrifices she did for me. I am deeply indebted to her. I owe her my life!” unti-unti nang namamaos ang boses ni Drake at namumula ang mga mata. Nagsisimula ng pumatak ang mga luha nito. Naaawa si Drake sa girlfriend kapag naiisip nya ang mararamdaman nito.“You would've ended up in jail if I hadn't paid off those reporters.” makikita ang pagpipigil ng emosyon sa mukha ng matanda.“Mutya’s turning 18 in two weeks. She’s gonna stay in Singapore until she’s legal. ” patuloy ng don.Napasubsob si Drake sa kanyang mga palad. Para syang pinagsakluban ng langit at lupa. Nilapitan sya ng ina at hinagod hagod ang likod upang aluin. Alam ni Drake na wala na syang magagawa. Hindi nya kayang sirain ang reputasyon ng kanyang pamilya at kompanya na tatlong henerasyon nang nakatayo. Binalaan din sya ng kanyang ama na aalisin ang kanyang mana at karapatan sa kompanya. Aalisin din maging ang posisyon nya bilang COO ng Rufino Holding Company. Second-in-command sa kanyang ama si Drake. Si Don Antonio ang CEO nang kanilang kompanya. Isang taon na lang at magreretiro na ang matandang Rufino. Si Drake ang inaasahang papalit sa posisyon nito.Pinoproblema sa lahat ni Drake ay ang girlfriend nyang si Audrey. Hindi nya kayang saktan ang loob ng dalaga. Napakalaki ng naging sakripisyo nito. Handa itong mamatay para sa kanya at napatunayan nya ito noong iligtas sya sa sunog kahit hindi pa sya nito kilala. Hindi sya nito iniwan nung nanganganib ang buhay nya. Nandun din ang dalaga noong nagpapagaling sya sa ospital. Inalagaan sya nito hanggang sa tuluyang syang gumaling. Hindi deserve ni Aubrey ang mga nangyayari ngayon. Kung alam lang nyang mangyayari ito ay matagal na sana nya itong pinakasalan. Nakinig din sana sya kay Audrey na sisantihin ang katulong na si Mutya dahil may nararamdaman itong kakaiba at hindi maganda sa bagong kasambahay.Hindi naman kayang panoorin ni Mutya ang eksenang yun nina Drake at Donya Antonia dahil sa tindi ng konsensyang nararamdaman nya ngayon. Naawa sya lalo na sa donya dahil napakabait nito sa kanilang mga katulong. Kahit minsan ay hindi sila itinuring na mas mababa sa kanila. Napapikit si Mutya at huminga ng malalim. Aaminin na lang nya na walang nangyari sa kanila ni Drake na sya mismo ang pumasok sa kwarto nito at naghubad sa kanilang dalawa upang palabasin na nagalaw sya ng binatang amo.“A-ang totoo po….” kumakabog ang dibdib ni Mutya dahil handa na syang umamin at tanggapin ang kaparusahan. Bago pa man nya maituloy ang sasabihin ay nagsalita si Don Antonio.“Papakasalan mo ang anak ko. Hindi ka pwedeng tumanggi. Hindi mo alam kung paano ako magalit.” Madiing sabi ng don at walang kakurap kurap na nakatingin sa kanya.May kung anong takot na naramdaman si Mutya dahil sa himig nang pagsasalita nito. Matiim itong nakatingin sa kanya. Hindi nya kayang salubungin ang mga mata ng don kaya tumahimik at napayuko na lang ang dalaga. Matinding takot ang naramadaman nya lalo na sa tinuran nitong “Hindi mo alam kung pano ako magalit.” Isa yung pagbabanta na parang may malalim na ibig sabihin. Ang tinuran ng matandang amo ay sobrang tagos sa dibdib ni Mutya siguro ay dahil alam nya sa sarili na napaka laki ng nagawa nyang kasalanan sa mga ito.Alam nyang makapangyarihang tao si Don Antonio at hindi nya gugustuhing malaman pa kung anong kaparusahan ang gagawin nito oras na ipagtapat nya ang totoo. Hindi na sya muling nagsalita at umayon na lamang sa lahat ng sabihin ng don. Dahil sa takot ay indi na nya itinuloy ang pag-amin sa totoong nangyari noong gabing pikutin nya si Drake. Wala na rin syang nakikitang rason upang ipagtapat sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit ginusto nyang pikutin ang binata at manatili sa buhay nito.Aaaaaaahhh!!!!” Isang malakas na hiyaw ang namutawi sa loob ng studio. Punong puno ng galit ang nararamdaman ngayon ni Audrey dahil sa mga oras na ito ay malamang ikinakasal na ang kanyang boyfriend na si Drake. Ipinagbabato nya anu man ang kanyang mahagip. Wala syang pakialam kahit masira ang mga iyon na pag-aari ng modelling agency na nagmamanage sa kanya. Malakas ang loob ng dalaga dahil sya ngayon ang pinaka-indemand na modelo sa PhilStar Modelling Agency dahil na rin sa tulong ng kanyang maimpluwensyang boyfriend na sya ring pinakamalaking sponsor ng ahensya. “I should have dispatched that b*tch a long time ago!” habol ang hininga dahil halos maubos ang kanyang enerhiya sa pagbato ng mga gamit. “You need to calm down.” saway ng baklang manager ni Audrey na si Jonas. Sa simula pa lang ng career nya sa modelling ay ito na ang kasa-sama nya. Napabuntunghininga ito habang tinitingnan ang kalat na ginawa ng alaga nyang modelo. Binalingan sya ni Audrey. “It’s your fault. You should
Mutya POV Magdadalawang linggo na kaming kasal ni Drake. Pinalipat kami ni Don Antonio sa isang unit ng condominium building na pag-aari ng mga Rufino. Hindi kami masyadong nagkikita ni Drake dahil gabi na ito kung umuwi. Kapag naabutan ko sya ay hindi naman ito nagsasalita at dire-diretso lang sa kwarto nito. Napakalamig ng pakikitungo nito sa akin. Isang tanong isang sagot lang din ito kapag sinusubukan kong kausapin. Mukhang hindi naman masama ang ugali nito dahil kapag nakakatulog ako sa sofa ay magigising na lang ako na may nakapatong ng kumot sa akin. Wala namang ibang gagawa nito maliban sa kanya dahil dadalawa lang naman kami sa condo. Kanina ko pa hinihintay si Drake para magpaalam dito.Bukas ang birthday ni kuya Lucas. Sya ang nag-iisa kong kapatid. Simula nang maikasal ako ay hindi ko pa sya ulit nadadalaw sa Batangas. Nanonood ako ng K-drama ng dumating ang aking hinihintay. “Kumain ka na ba?” tanong ko dito. Hindi nya ako sinagot kahit alam kong narinig ako nito. Patul
Mutya POV Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa harap ng mansion ni Don Antonio. San pa ba ako pupunta kundi dito lang. Wala naman akong kakilala dito sa Maynila. Madalas din akong pumunta dito kapag naiinip ako sa condo. Atleast dito palagi akong nakakakain ng masasarap na desserts na gawa ng aking byenan. Mahilig kasi itong magbake. Kung anung ikinasungit ni Drake ay sya namang kabaliktaran ni Donya Agatha. Hindi na rin ako ganung natatakot kay Don Antonio dahil ni minsan ay hindi nya ako pinagtaasan ng boses. Palagi pa nga itong nangungumusta. Hindi kagaya ng masungit nilang anak. Naalala ko ang unang araw na dumating ako sa mansion. Tatlong araw akong hindi kumain. Nagtiis talaga ako ng gutom para siguraduhin na kapag nasa harapan nako ng mansion ay doon ako aabutin ng pagkahilo. Tagumpay naman ang aking plano dahil saktong sasakyan ni Donya Agatha ang papasok sa gate nang mawalan ako ng malay. Yun ang naging tulay para makapagtrabaho ako sa mga Rufino. Sinabi kong wala na ako
Drake POV“Wala pa rin bang balita?” tanong ko sa kabilang linya. Nasa opisina ako ngayon at kausap ang imbestigador na binayaran ko upang hanapin ang isa sa mga sumagip ng buhay ko.“Negative boss. Gaya ng dati, sa mukha lang sya nakikilala pero hindi nila alam ang pangalan. Hindi rin nila alam kung taga saan.” sagot ng aking kausap.Tinapos ko na ang aming pag-uusap dahil wala rin naman pala itong magandang maibabalita. Kung hindi lang sana na-trauma si Audrey ay malaki sana ang maitutulong nito para mapabilis ang paghahanap sa lalaking sumagip ng aking buhay.6 months ago ay nanirahan ako Batangas. Yun ang pinakamadilim na parte ng aking buhay. Sunod sunod na dagok ang dumating. Na-diagnose na merun akong Fuchs Dystrophy. Nung una akala ko ay simpleng panlalabo lang ng mata. Kahit gumamit ako ng salamin ay patuloy pa ring lumalabo ang aking paningin lalo na sa umaga. Sign na pala yun na may matindi na akong sakit. Hanggang sa tuluyan ng nanlabo ang aking paningin na halos wala na ak
Drave POV Nagmamadaling akong umalis para makarating agad sa school. Baka kung ano pang problemang idagdag ni Mutya sa opisina ni Chairman Tan. Napakatabil pa naman ng bibig ng bulilit na yun. Nakasalubong ko si Darren, ang Financial Manager ng aming kompanya at matalik kong kaibigan. Highschool pa lang ay magkaibigan na kami. Bukod sa pamilya ko at family lawyer ay ito lang ang nakakaalam ng tungkol kay Mutya. Malayo pa ay nakangiti na ito sa akin at may bitbit na kape. “Going somewhere?” bati nito saken. “Talk to you later.” maikli kong sagot at nilagpasan ito. Wala na akong oras makipag-usap ngayon. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay muli ko itong nilingon. “On the second thought…. can you come with me? I need to go to Neumann University” wika ko kay Darren. Naisip kong mabuti nang may kasama ako mamaya. Baka hindi ako makapagtimpi kay Mutya at baka kung ano pa ang magawa ko. “Anung merun? Mukhang hindi maipinta yang mukha mo?” pag-uusisa ni Darren. “Mutya caused trouble jus
Mutya POV “Manong eto po. Keep the change” wika ko sa uber driver habang inaabot ko ang bayad sa pamasahe. Excited akong bumaba ng kotse. Andito nako ngayon sa tapat ng Neumann University. “Ang ganda!” hindi ko mapigilang mamangha sa prestisyosong paaralan na sa mga magazine ko lang nakikita. Hindi ko akalain na makakapag enroll ako dito. Dati ay naririnig ko lang ang pangalan ng school na to. Isa daw ito sa pinakasikat na school sa bansa at napakamahal daw ng tuition fee dito. Diko alam kung magkano dahil sekratarya ni Don Antonio ang nag asikaso ng enrollment ko. Dati rati ay okay na akong makapasok sa public school. Baon at mga gamit sa school na lang ang pinoproblemahin namin ni Kuya Lucas. “Kuya Lucas sana nakikita mo ako ngayon.” usal ko. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ibinigay sa akin. Alam ko namang pansamantala lamang ito. Hindi ako tanga. Alam kong naghihintay lang ng tamang pagkakataon si Drake na hiwalayan ako. Habang hindi pa nagyayari yun ay gagawin ko ang lahat
Mutya POV“Your student info didn't give the specific details of your connection to Mr. Drake Rufino, but it did mention that he is your guardian. Pareho kayo ng last name so I’m assuming na magkamag-anak kayo.” panimula ni Ms. Bautista.Hindi ko alam na si Drake pala ang nakalagay na guardian ko sa aking student profile. Hindi rin nakasulat doon na mag-asawa kami.“Pamangkin nya po ako.” pagsisinungalin ko dito. Tumango tango naman si Ms. Bautista.Nasabi ko lang yun dahil nahihiya akong sabihin dito na ang bata-bata ko pa pero may asawa na ako. Maayos naman ang pakitungo ni Ms. Bautista sa akin.Nasa Chairman's office na kami ngayon. Mas malaki nang di hamak ang lugar na ito kaysa sa Guidance counselor. May ilang staff din dito at may sariling kwarto pa sa loob para sa Chairman. Nakaupo ako malapit sa pintuan ng opisina ng Chairman.Nang pumasok ako kanina dito ay hindi ako nakaramdam ng pang mamaliit mula sa mga staff na naabutan ko, hindi gaya kanina sa Guidance Counselor office. A
Mutya POV Kung kahapon ay sobrang excited ako, ngayon naman ay parang napakabigat ng aking katawan na bumangon sa aking higaan. Tinatamad kasi akong pumasok ngayon pag naiisip ko ang nangyari kahapon sa school pero nakakahiya naman kay Don Antonio kung malalaman niyang unang linggo pa lang ay umabsent na agad ako. Bigla akong kinabahan nang maalala ko ang aking biyenang lalaki. Paano pala kung malaman nya na nakipag-away ako sa first day ko sa school? Kung nakakatakot si Drake ay di hamak namang mas nakakatakot magalit si Don Antonio. Kaya kahit tinatamad ay naghanda na ako para pumasok. Bahala na mamaya. Pagka baba ko pa lang kanina sa taxi ay parang napakabigat ng aking mga paa habang naglalakad papasok sa loob ng paaralan. Hindi ko alam kung expelled na ba ako o hindi. Suot ko pa naman ngayon ang bagong uniform ko at baka ngayon na rin ang huling araw na maisususot ko ito. Hindi ko pa kasi ulit nakakausap si Drake tungkol dito. As usual ay gabi na itong umuwi kagabi. Hinintay ko s