Share

Chapter 5

Drake POV

“Wala pa rin bang balita?” tanong ko sa kabilang linya. Nasa opisina ako ngayon at kausap ang imbestigador na binayaran ko upang hanapin ang isa sa mga sumagip ng buhay ko.

“Negative boss. Gaya ng dati, sa mukha lang sya nakikilala pero hindi nila alam ang pangalan. Hindi rin nila alam kung taga saan.” sagot ng aking kausap.

Tinapos ko na ang aming pag-uusap dahil wala rin naman pala itong magandang maibabalita. Kung hindi lang sana na-trauma si Audrey ay malaki sana ang maitutulong nito para mapabilis ang paghahanap sa lalaking sumagip ng aking buhay.

6 months ago ay nanirahan ako Batangas. Yun ang pinakamadilim na parte ng aking buhay. Sunod sunod na dagok ang dumating. Na-diagnose na merun akong Fuchs Dystrophy. Nung una akala ko ay simpleng panlalabo lang ng mata. Kahit gumamit ako ng salamin ay patuloy pa ring lumalabo ang aking paningin lalo na sa umaga. Sign na pala yun na may matindi na akong sakit. Hanggang sa tuluyan ng nanlabo ang aking paningin na halos wala na akong makita dahil puro liwanag na lang ang naaaninag ko. Ang tanging solusyon lang para maibalik ang aking paningin ay cornea transplant. Gusto ng aking ama ay sa Amerika isagawa ang surgery. Ngunit mas pinili kong manatili dito sa Pilipinas. Madedepress lang ako sa Amerika. Isipin ko lang na may chance na tuluyan akong mabulag ay parang gusto ko nang bumigay.

Pansamantala akong nagstay sa isang beach sa Batangas habang naghihintay ng eye donor. Pansamantala akong tumuloy sa isang condotel. Mas gusto ko ang kasimplehan nito kesa sa ibang hotel na malapit dito. Mas malapit din ito sa dagat.

Nakilala ko doon ang isang lalaking nag ngangalang Lucas. Naglalako ito ng ibat ibang klaseng putahe. Napakasarap ng pagkakaluto ng mga paninda nito, mas masarap pa kesa sa luto ng cook namin sa mansion. Kaya naman naging regular nya akong customer. Magaan ang loob ko dito dahil napaka masiyahin nitong kausap. Tuwing dumarating si Lucas ay may baon itong jokes para sa akin. Ang totoo ay hindi naman nakakatawa ang mga jokes nito. Mas natatawa ako sa kung paano ito magsalita.

Akala ko ay magiging payapa ang pananatili ko sa Batangas. Isang gabi ay nabulabog ako ng ingay na nanggagaling sa labas. Nagkaroon ng malaking sunog sa condotel na tinutuluyan ko. Nagising ako sa makapal na usok. Halos hindi ako makahinga. Dalawang anghel ang pumasok sa loob ng tinutuluyan ko. Oo mga anghel sila dahil iniligtas nila ang buhay ko.

“Boss Drake kumapit ka po saken.” habol ang hininga ng lalaking nagsalita. Boses ni Lucas yun.

“L-lucas...?” hindi na ako masyadong makapag salita dahil parang mauubusan na ako ng hininga.

“Itakip nyo po ito sa ilong nyo” boses ng kasama nitong babae at inabot saken ang basang panyo.

Ganun nga ang ginawa ko. Kahit paano ay nakatulong yun para hindi ko masyadong malanghap ang usok. Hindi ko na halos marinig ang boses ng mga ito dahil masama na ang aking pakiramdam. Inalalayan ako ni Lucas at ng kasama nito. Narinig ko ang malakas na kalabog. Napasubsob kaming tatlo sa sahig.

“Kuya!” narinig kong humiyaw ang babae.

Kahit hindi ko nakikita ay narinig ko sa kanila na nabagsakan ng isang malaking bahagi ng kisame ang mga binti ni Lucas. Naipit ito at hindi nya maigalaw.

“Unahin mo na syang ilabas!” sigaw ni Lucas ngunit umiiyak na tumanggi ang babae.

“Baka mamatay tayong lahat dito kung hindi ka makikinig saken!” umuubong sabi ni Lucas.

Walang nagawa ang babae kundi ang alalayan ako habang walang tigil ang paghagulhol.

“Aaaah!” d@ing ng babae dahil ito naman ang mabagsakan sa likod ng nagbabagang kahoy. Buti na lang at maliit lang yun kaya nakalabas pa rin sila ng pintuan. Ligtas din kaming nakalabas ng gusali. Inilalayan ako ng babae patungo sa isang wooden bench para maka-upo dahil hinang hina pa rin ako.

“Dito po muna kayo. Ligtas kayo dito. Babalikan ko lang si kuya” humahagulhol pa rin ito.

Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi nya dahil namamaos na ang boses nito sa kaiiyak. Mabilis itong umalis para balikan si Lucas. Pagkaalis nito ay nawalan naman ako ng malay dahil sa dami ng usok na nalanghap ko kanina. Nagising na lang ako sa ospital. Kahit hindi malinaw ang aking paningin ay alam kong isang babae ang nakatayo sa gilid ng aking kama. Hahakbang na sana ito ngunit pinigilan ko sya.

“Ikaw ba ang nagligtas sa akin?” tanong ko dito.

“Ha?” anito.

“Ikaw ba ang nagligtas sa akin?” muli ko syang tinanong.

“O-oo.” maikling sagot ng babae.

“Nasan pala si Lucas? Hindi ba binalikan mo sya? Nakaligtas ba sya?” tanong ko dito.

“U-umuwi na sya.” tugon nito saken.

“Wag ka munang umalis. Ano palang pangalan mo, ayus ka lang ba?” nag-aalala kong tanong dito dahil parang balisa ito.

“Audrey. Audrey Anderson.” tugon nito.

Doon kami unang nagkakilala ni Audrey. Napakalaki ng utang na loob ko dito dahil sa pagliligtas nya saken kaya ibinigay ko lahat ng naisin nito. Kahit na nung magpropse ito ng pag-ibig ay hindi ko sya tinanggihan. Maliit na bagay lang yun kumpara sa sakripisyong ginawa nito para sa akin.

Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Lucas. Akala ko nung una ay magkapatid sila ni Audrey dahil panay ang tawag nito ng “kuya” kay Lucas noong nagaganap ang sunog ngunit nag-iisang anak lang si Audrey. Kuya lang daw talaga ang tawag nya sa mga lalaking hindi nya kilala. Nagkasalubong lang daw sila ni Lucas noong gabing magkasunog. Ayaw ni Audrey na binabanggit ko ang tungkol sa sunog. Nagkaroon sya ng trauma at naghihisterikal ito sa tuwing napapag-usapan ang insidente sa Batangas. Kaya hindi ko na ito inungkat pa kahit napakarami ko pang gustong itanong sa kanya. Maraming bagay ang hindi pa malinaw lalo na ang misteryong pagkawala ni Lucas. Wala naman akong nabalitaang namatay sa sunog na yun. Matagal ko nang ipinapahanap si Lucas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol dito.

Naputol ang aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang pagtunog ng telepono. Tawag yun galing sa aking sekretarya.

“Hello sir…. May tawag po kayo galing sa Chairman ng Neumann University.” boses ng aking sekretaryang si Ms. Rivera.

Napaisip ako kung bakit ako tatawagan ng Chairman ng school.

“Why don’t you just talk to them? Just report it to me later.” sagot ko dito.

“....but sir, ikaw po mismo ang gusto nilang makausap…. regarding your niece.” sagot ni Ms. Rivera. Napakunot ang aking noo.

“Niece? What niece? I dont have a niece as far as I remember.” Nagtataka kong tanong dito.

“Mutya daw po. Kayo daw ang naka-register na guardian nya according to Chairman Tan. Nasa Chairman's office daw yung pamangkin nyo ngayon, may nakaaway.” paliwanag ng aking sekretarya.

I remember now, today is Mutya’s first day of school. Unang araw pa lang napaaway na agad ito? Napasapo ako sa aking noo. Anu bang pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko at nagkaroon ako ng ganitong sakit sa ulo?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status