Share

Chapter 14

Mutya POV

“Sa Friday na ang date namin ni Darren. Anong isusuot ko?”

Araw ng Lunes ngayon. Sa Friday pa ang date namin pero hindi na ako makatulog. Actually, last week pa talaga ako excited. Habang papalapit ng papalapit ang dinner date namin ay saka ko nararamdaman ang matinding kaba. Ang lakas ng loob kong magyaya tapos kapag kaorasan na pala ay saka naman ako dinadaga.

“Isipin mo muna kung paano mo paninipisin yang kilay mo.” biro ni Kai. Matagal na itong gigil na gigil sa kilay ko.

Nakalabas na kami ng school. Nasa mall kami ngayon at sasamahan daw nila ako para makapag ready sa date ko. Akala ko ay didiretso agad kami sa tindahan ng damit para mamili ng isusuot ko. Sa halip ay sa isang beauty salon nila ako dinala.

Una ay binigyan ako ng bagong haircut. Long layered cut daw ang tawag dito. Pagkatapos ay nilagyan din ng konting highlights. Pagkatapos patuyuin ay binlower naman ito hanggang sa matuyo. Ang galing ng hairstylist na ito dahil habang natutuyo ay unti unting nagkakaroon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status