Share

Chapter 6

Drave POV

Nagmamadaling akong umalis para makarating agad sa school. Baka kung ano pang problemang idagdag ni Mutya sa opisina ni Chairman Tan. Napakatabil pa naman ng bibig ng bulilit na yun. Nakasalubong ko si Darren, ang Financial Manager ng aming kompanya at matalik kong kaibigan. Highschool pa lang ay magkaibigan na kami. Bukod sa pamilya ko at family lawyer ay ito lang ang nakakaalam ng tungkol kay Mutya. Malayo pa ay nakangiti na ito sa akin at may bitbit na kape.

“Going somewhere?” bati nito saken.

“Talk to you later.” maikli kong sagot at nilagpasan ito. Wala na akong oras makipag-usap ngayon. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay muli ko itong nilingon.

“On the second thought…. can you come with me? I need to go to Neumann University” wika ko kay Darren.

Naisip kong mabuti nang may kasama ako mamaya. Baka hindi ako makapagtimpi kay Mutya at baka kung ano pa ang magawa ko.

“Anung merun? Mukhang hindi maipinta yang mukha mo?” pag-uusisa ni Darren.

“Mutya caused trouble just now. She got into a fight…. on her first day of school. Can you believe that?” nanggigigil kong sabi. Napatawa si Darren sa narinig.

“I would love to go and see that.” malawak ang pagkakangiti ni Darren. Sumunod ito sa akin. Wala akong inaksayang oras at agad na akong nagdrive papuntang Neumann University.

Alam na alam ni Darren kung gaano ako katutol sa pagpapakasal. Hindi ko alam kung tama ba na ipinaalam ko pa rito ang pagpapakasal ko kay Mutya. Puro kantyaw lang naman ang inabot ko dito dahil para daw akong sugar daddy. I didn't find that joke funny. It gives me chills when I think about being married to a woman who is almost 12 years younger than me and still in senior high school.

Pakiramdam ko ay nag-aalaga ako ng nakababatang kapatid. Para bang inampon ng mga magulang ko si Mutya tapos sa akin ipinaalagaan. This girl is like the female version of my younger sibling Andrew, who is around the same age as her. Parehong nakakairita ang kanilang mga presensya. Ang ipinagkaiba nga lang ng dalawa ay mas bratinela itong si Mutya at napaka bungangera. Para itong senior citizen kung magbunganga. Kaya naman ayaw ko itong nakikita at makausap. Palagi ko lang itong naaabutang natutulog sa sofa.

Naalala ko tuloy yung tungkol sa sofa. Noong maabutan ni Mutya si Audrey sa condo.

“Wag kayong umupo dyan sa sofa ko, ilang beses ko na yang naututan!”

Bigla tuloy akong napatawa nang maalala ko ang reaction ni Audrey sa sinabi ni Mutya dahil bigla itong tumalon mula sa pagkakaupo sa sofa at nagsisigaw ng “Eeeew!”

Nagalit si Audrey saken dahil tawa ako ng tawa.

Napalingon si Darren saken nang mapansing tumatawa ako.

“Anong nakakatawa?” tanong nito saken. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Humagalpak naman ng tawa si Darren sa narinig.

“Deserve nyo yun. Bakit naman kasi pinapunta mo si Audrey sa condo nyo. Magagalit nga yang asawa mo.” wika ni Darren na tumatawa pa rin.

“Hindi ko siya pinapunta. Nagulat na nga lang ako nang dumating si Audrey. Wala naman akong balak na patagalin sya dun. Paalis na nga sana kami noong dumating yung bratinela” paliwanag ko.

"Oh, so you already have a nickname for your wife. Bratinela? Aren't you being too harsh on her?" Darren asked.

“Kung makikita mo lang kung paano niya paiyakin si Audrey, hindi na rin ako magugulat kung malalaman kong nakipag sabunutan sya sa mga babae dun sa school.” wika ko.

“Don’t judge her so quickly. Baka sya pala itong naagrabyado at pinagtulungan.”

“I doubt it!” sigurado kong tugon kay Darren.

As soon as we arrived at school, we immediately went to the Chairman's office. Typically, students are not brought here during incidents like this. Our company happened to become the largest shareholder of this school, so Chairman Tan also got involved.

Pagdating ko sa opisina ay nakita kong nakaupo si Mutya. Mukhang okay naman ito. Nang makita nya ako ay nagbawi ito ng tingin at yumuko. Hinanap ko ang mga babaeng nakaaway nito ngunit 2 estudyanteng lalaki ang naroroon na naka-upo malapit kay Mutya. Napansin kong namumula ang kaliwang pisngi ng isa sa mga ito. Bigla akong kinutuban.

“Don’t tell me…” bulong ni Darren saken habang nakatingin sa dalawang lalaking estudyante. Mukhang pareho pa kami ng naiisip.

“Mr. Rufino, we apologize for the need to have you come to our office but it is a necessary part of our procedure. There was a disagreement between your niece and these boys that escalated into a fight. The matter has been resolved and those who were hit by your niece will no longer file complaints. If you want to file a complaint against these boys….” wika ng Chairman.

Napapikit ako at napabuntong hininga. I can’t believe this is happening. Hindi lang pala ito bungangera, basagulera pa.

“If everything is sorted out, then we are ready to leave now. My apologies for the trouble.” Hiyang hiya ako sa pangyayari.

Hindi ko akalaing magsosorry ako sa harap ng Chairman ng school. Never na nangyari ito sa buhay ko kaya gusto ko nang makaalis agad sa lugar na yun.

“You!” baling ko kay Mutya. Mula sa pagkakayuko ay napatingin ito sa akin.

“You're coming with me!” Binigyan ko ito ng matalim na tingin. Hindi naman ito sumagot at nakayukong sumunod sa akin.

Nang makalabas kami ng opisina at kaming tatlo na lang ay binalingan ko si Mutya.

“What the hell is wrong with you! Isang araw ka pa lang dito pero ipinapahiya mo na ako. You need to leave that barbaric attitude behind. You’re carrying my family name.” galit na galit kong sabi dito.

Ugh, I'm so freaking angry! I feel like I'm about to burst. Thank goodness I dragged Darren along. Darren saw how I looked, so he didn't hesitate to take Mutya away and seat her on a nearby bench. Mutya didn't say anything. Ang luha nito ay pumatak na lang. Napabuntong hininga ako dahil siya pa itong may ganang umiyak ngayon.

“Hindi mo ako makukuha sa paiyak-iyak mo. Wala dito si dad kaya itigil mo yang kadramahan mo.” dagdag ko pa. Hindi ko mapigilang sisihin si dad. Palibhasa lagi nitong kinakampihan si Mutya kaya namimihasa.

Pambihirang buhay to, wala pa nga akong anak pero naipatawag na agad ako ng school. Napahilamos ako ng mukha at ilang beses akong nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Pilit kong pinakakalma ang aking sarili. Mabuti na rin at hindi sumasagot itong si Mutya ngayon dahil kung hindi ay baka sumabog na talaga ako. Ilang minutong namutawi ang katahimikan sa aming tatlo. Kilala ni Darren kung paano ako magalit kaya hinayaan na lang muna nito na humupa ang galit ko. Maya maya ay nahimasmasan na ako at nawala na ang pagdidilim sa aking mukha.

Nakita kong tumayo sa Mutya at isinakbit ang backpack nito sa kanyang balikat. Naglakad ito patungo sa direksyon ko at nilagpasan ako. Pagkuwa’y nilingon ako nito.

“Tapos ka na? Tara na.” anito at tuloy tuloy na naglakad.

Nagkatinginan kami ni Darren at pareho kaming natigilan sa inasta ni Mutya.Ganun lang yun? Napanganga ako at hindi makapaniwala. Samantalang si Darren naman ay naiiling at nangingiti ang sulok ng bibig. Humupa na ang aking galit pero gusto ko pa ring kutusan ang bulilit na yun. Mukhang nababasa naman ni Darren ang nasa utak ko.

“She’s just a kid. Wag mo nang patulan.” bulong saken ni Darren.

Habang naglalakad kami patungo sa sasakyan ay pinagmasdan ko ang kabuuan ni Mutya. Nauuna ito sa aming maglakad. Napangiwi ako sa suot nito. She was wearing an oversized t-shirt, paired with baggy pants, and black Converse shoes on her feet. Nakapusod ang buhok nito at may iilan ilang hibla ng buhok ang nakalaylay. Hindi ko tuloy napigilang magkomento.

“Tomboy ka ba?” tanong ko kay Mutya.

Napatigil ito sa paglalakad at biglang tumawa ng malakas. Nagkatinginan kami pareho ni Darren dahil sa pagtawa nito. Humarap ito sa amin.

“Ako? Tomboy? “ sarkastikong pagkakasabi ni Mutya at nakaturo ang daliri sa kanyang mukha.

“Etong ganda kong ‘toh?” at patuloy pang tumawa. Maging si Darren ay napatawa na rin dahil sa sinabi nito.

“Oy asawa ko, para sabihin ko sayo. Marami kayang nanliligaw saken sa probinsya namin. Swerte mo dahil ikaw ang pinakasalan ko.” walang kagatol gatol na wika ni Mutya. Napatawa ako ng mapakla sa sinabi nito.

“Congrats bro! Ang swerte mo naman.” nakabungisngis na wika ni Darren saken.

“Mag-iinom ka nga ng kape para kabahan ka naman. Manalamin ka na rin paminsan minsan” sabi ko kay Mutya. Inirapan lang ako nito at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagdating namin sa sasakyan ay pinagbuksan ni Darren si Mutya ng pinto ng kotse sa likuran. Nakita ko kung paano ngumiti nang ubod ng tamis si Mutya kay Darren. Aba at nagpapacute pa talaga ito sa kaibigan ko. Akala mo naman ay matitipuhan sya ni Darren. Napailing na lang ako dahil pakiramdam ko talaga ay nag-aalaga ako ng bunsong kapatid.

Sa byahe ay hindi ko alam kung bakit ba bigla ko pang naisipang tanungin si Mutya.

“Bakit nga pala sinabi mo kay Chairman Tan na pamangkin kita?” tanong ko dito.

“Alangan namang asawa. Nakakahiya kaya yun.” sagot ni Mutya.

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi nito. At sya pa talaga itong may ganang mahiya na ako ang asawa niya, ibang klase! Nakita ko si Darren na kumakalog ang balikat. Ang nakatikom nitong kamay ay nakatakip sa kanyang bibig at nagpipigil ng tawa. Kung bakit ba kasi natanong tanong ko pa ito. Kahit kailan ay wala kang makukuhang matinong sagot dito.

Inihinto ko ang kotse sa harapan ng condominium building namin. Inihatid ko muna si Mutya dito at saka kami babalik ni Darren sa opisina.

Nang makababa ito ng kotse ay kinatok nito ang bintana sa tapat ng kinauupuan ni Darren. Ibinaba naman nito ang bintana.

“Bye Darren.” wika ni Mutya at matamis na ngiti ang ibinigay nito sa aking kaibigan. Gumanti naman ito ng ngiti kay Mutya.

“Bye Mutya ingat sa pag-uwi.” tugon ni Darren.

“Diretso sa bahay. Wag kang pupunta kung saan saan. Grounded ka ngayon.” wika ko kay Mutya.

She gave me the stink eye at saka sumimangot. Inirapan ako at tinalikuran na kami. Nang tuluyan itong makaalis ay tsaka naman pinakawalan ni Darren ang kanina pa nyang pinipigilang tawa. Nahahalata ko na parang kanina pa itong nageenjoy na pagtawanan ako.

“Para kayong mag-ama.” tumatawang sabi nito.

“Napansin mo nagpapacute sayo?” wika ko dito.

“I think she’s cute.” tugon ni Darren sa akin

“Did you see kung gaano sya kabaduy manamit?” tanong ko dito.

“Well…. that…” ani Darren na mukhang sang-ayon naman sa sinabi ko.

"...but I find her personality cute... I like that." I couldn't help but laugh at what Darren said.

“Ligawan mo.” pabiro kong sabi.

“Tsaka na kapag divorce na kayo.” ganting biro ni Darren sakin.

Hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na nagalaw ko si Mutya. Ang gaganda ng mga naging girlfriend ko bukod pa dun ay maraming babae ang kusang lumalapit sa akin. Hindi ako desperado para patulan ang babaeng kagaya ni Mutya. Kung hindi ako nalasing ng gabing yun ay never kong magagalaw ito. Hindi ko rin alam kung ano talaga ang nangyari nung gabing yun. Nang hinanap ko ang record ng CCTV sa resort ay nalaman kong hindi raw ito gumagana. Ang sabi naman ni Mutya ay wala din syang maalala dahil nakainom sya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status