Share

Chapter 4

Mutya POV

Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa harap ng mansion ni Don Antonio. San pa ba ako pupunta kundi dito lang. Wala naman akong kakilala dito sa Maynila. Madalas din akong pumunta dito kapag naiinip ako sa condo. Atleast dito palagi akong nakakakain ng masasarap na desserts na gawa ng aking byenan. Mahilig kasi itong magbake. Kung anung ikinasungit ni Drake ay sya namang kabaliktaran ni Donya Agatha. Hindi na rin ako ganung natatakot kay Don Antonio dahil ni minsan ay hindi nya ako pinagtaasan ng boses. Palagi pa nga itong nangungumusta. Hindi kagaya ng masungit nilang anak.

Naalala ko ang unang araw na dumating ako sa mansion. Tatlong araw akong hindi kumain. Nagtiis talaga ako ng gutom para siguraduhin na kapag nasa harapan nako ng mansion ay doon ako aabutin ng pagkahilo. Tagumpay naman ang aking plano dahil saktong sasakyan ni Donya Agatha ang papasok sa gate nang mawalan ako ng malay. Yun ang naging tulay para makapagtrabaho ako sa mga Rufino. Sinabi kong wala na akong ibang matutuluyan kaya kinuha akong katulong ni Donya Agatha.

“Ansarap po! Ngayon lang ako nakatikim ng Matcha cake.” sarap na sarap ako sa cake na gawa ni Donya Agatha. Mommy Agatha na nga pala dahil ito ang gusto nyang itawag ko sa kanya.

“Mag-uwi ka kung gusto mo. Marami pa sa ref. Para matikman din ng asawa mo yan” Nakangiting wika ni mommy Agatha. napakabait talaga ng aking byenan.

“Salamat po!” yun lang ang sagot ko. Alam ko namang di kakainin ni Drake yun dahil hindi ito kumakain sa bahay. Hindi na lang ako nagkwento. Nakakahiya at ayaw ko silang idamay sa kung anumang nangyayari samen ni Drake.

May isang oras din kaming nagkwentuhan ng ginang. Nang matapos ang kwentuhan namin ay nagsabi akong matutulog muna dahil kanina pa talaga akong pagod na pagod. Pinagpahinga ako ni mommy Agatha sa dating kwarto ni Drake sa mansion. Hindi ako makapaniwala na parte na ako ng kanilang pamilya. Kung hindi inutusan ni Audrey ang kanyang katulong na haluan ng pampatulog ang alak ni Drake ay baka wala rin akong pagkakataong isagawa ang plano kong pikutin ito.

Naalala ko ang pangyayari sa resort. Sumunod ang katulong sa utos ni Audrey. Saglit na umalis ito upang kumuha ng tray. Sinamantala ko iyon at mabilis na sinalinan ang isa pang baso at sigurado akong para kay Audrey yun dahil silang dalawa lang naman ni Drake ang magkasama. Hindi ko alam kung anung balak ng tikling na yun pero inunahan ko na sya. Dahil din naman sa kanya kaya ko naisipang pikutin si Drake. Matagal nang mainit ang dugo ni Audrey saken at kinulit nito si Drake na patalsikin ako. Pumayag naman ang lalaki at ipinangakong pagbalik sa Manila ay sisisantihin agad ako. Ngunit ayokong umalis ng mansion dahil si Drake naman talaga ang nag-iisang pakay ko dito sa Maynila.

Habang binabalikan ko ang pangyayaring yun ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Matagal din akong nakatulog dahil pagtingin ko sa bintana ay medyo madilim na. Napabalikwas ako. Dali-dali kong inayos ang aking sarili at lumabas na ako ng kwarto. Pagdating ko sa living room ay nagulat ako nang makita ko si Drake. Nakatingin ito sa akin.

“Kanina ka pa hinihintay ng asawa mo. Dito na kayo maghapunan. Sandali at ipapahanda ko na ang kusina” ani mommy Agatha at nagtungo ito sa kusina.

Paglingon ko kay Drake ay nakatingin pa rin ito sa akin. Inirapan ko sya. Ansarap sarap ng tulog ko tapos pagmumukha lang nya ang una kong makikita. Tumalikod ako para sundan sana sa kusina ang aking byenan.

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Drake. Hinawakan na naman nito nang mahigpit ang aking braso. Kinabig ko ito para bitawan nya. Ngunit mas malakas ito kesa saken.

“Ano ba! Kanina ka pa ha. Pasa na nga yung braso ko eh.” asar kong sabi dito. Binitiwan naman nya ako.

“Tara na, umuwi na tayo.” pabulong na wika nito ngunit ramdam ko ang pagpipigil.

“Ayoko! Dito na lang ako. Ayokong makita ang kabit mo.” matapang kong sagot.

“Don’t you ever call her mistress. I told you many times sa papel lang tayo mag-asawa.” ramdam ko ang galit sa boses ni Drake. Nagpipigil lang ito dahil nasa mansion kami. Hay! Nauumay na ako dahil pauilt-ulit nyang binabanggit saken yun.

“Alam ko naman eh. Ilang beses mo na yang ipinamukha saken pero bakit sa bahay pa natin? Konting respeto naman. Pinatira tayo dun ng mga magulang mo. Pwede rin ba akong magdala ng lalaki dun?” pumipiyok kong sabi dahil pinipigilan kong umiyak.

“Ang yaman yaman mo naman bakit hindi mo na lang sya ibili ng sariling condo para dun na lang kayo magchukchakan. Ang tatanda nyo na pero bakit parang mas isip bata pa kayo kesa saken?” Kahit hindi umiiyak ay kusang pumatak ang aking mga luha.

Agad ko naman ito pinawi dahil ayaw kong makita yun ni mommy Agatha.Mukhang tinamaan naman ang magaling kong asawa dahil ilang segundo itong natahimik.

“I already talk to Audrey. Hindi mo na sya ulit makikita sa condo. ” tugon nito sa akin.

“You did what? Pinapunta mo ang babae mo sa condo nyong mag-asawa?” boses ni Don Antonio. Pareho kaming nagulantang lalo na si Drake.

Namayani ang katahimikan ngunit madilim ang mukha ni Don Antonio. Matalim ang tingin na ipinukol nito sa anak. Humakbang ito papalapit kay Drake.

“Look! I’m giving you a favor right now. This is your chance to fix your life. Don’t do anything stupid that you’ll regret for the rest of your life!” mahinahon ngunit malaman ang mga salitang binitawan ni Don Antonio kay Drake.

Hindi sumagot si Drake ngunit kita ko ang pagkuyom ng mga kamay nito. Naputol ang eksenang yun ng marinig namin ang boses ni mommy Agatha. Tinatawag na kami nito para kumain.

Naupo ako sa tapat ni mommy Agatha. Napapitlag ako ng umupo sa tabi ko si Drake. Ano naman kaya yun? Pakitang tao sa magulang nito? Kung hindi lang ako nahihiya sa mga byenan ko ay baka nakalipat nako ng pwesto.

“Mutya, your school starts next week. Everything is set. All you have to do is report on Monday.” wika ni Don Antonio nung nasa kalagitnaan na sila ng dinner.

“Thank you po!” sagot ko sa aking biyenang lalaki.

Last week pa nito nabanggit saken na ipinapaayos na niya ang enrollment ko para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ng senior highschool. Napahinto ako sa pag-aaral ng mamatay si kuya Lucas 6 months ago.

Si Drake naman ay tahimik lang na kumakain at parang walang pakialam sa kung anung kaganapan sa buhay ko. Panaka- naka ay nag-uusap tungkol sa negosyo ang mag-ama. Hanggang sa matapos kaming kumain at magpaalam sa kanyang mga magulang ay hindi man lang ako inimikan ni Drake.

Paglabas namin ay napakabilis nitong naglakad patungo sa kanyang kotse at ni hindi man lang ako hinintay. Mas lalo ko ngang binagalan ang aking paglalakad para bwisitin ito. Dun man lang ay makaganti ako.

Bumusina si Drake hudyat na naiinip na ito. Ansarap sa pakiramdam dahil alam kong napipikon na ito ngayon. Sigurado naman akong hindi nya ako iiwanan dito. Takot na lang nito kay Don Antonio. Buti na lang at nandyan si Don Antonio, kahit paano ay mayroon akong sandata laban kay Drake. Hindi ko mapigilang ngumiti. Hanggang sa loob ng sasakyan ay ngiting ngiti ako lalo na nang makita ko ang busangot na mukha ni Drake. Ang sama ng tingin ng ipinukol nito saken. Lalong lumawak ang aking pagkakangiti. As in ngiting tagumpay.

“Why are you smiling like an idiot?” nakakunot ang noo nito.

“Secret! You don’t deserve to know.” Napapa-english tuloy ako sa saya.

“Stupid!” narinig kong sinabi ni Drake at biglang pinaharurot ang sasakyan. Napasubsob tuloy ako sa harapan dahil hindi ko pa naisusuot ang seatbelt ko.

“Dahan dahan naman!” sigaw ko dito habang sapo sapo ko ang noo kong napuruhan.

“May pasok nako sa Monday, baka magkabukol ako.” Pagmamaktol ko dito habang tinitingnan ko sa salamin ng kotse kung may bukol ba ang aking noo. Paglingon ko sa kanya ay nakita ko itong nakangiti. Natigilan ako sandali. Himala! Ngayon ko lang ito nakitang ngumiti.

“What?” anito nang mapansin na nakatingin ako sa kanya. Hindi ako sumagot at inirapan ko lang sya.

“Put your seatbelt on.” sabi nito saken at sumunod naman ako.

Hindi na kami muling nag-usap sa loob ng sasakyan. Iniisip ko ang nangyari ngayong araw sa pagitan namin ni Drake. Narealized ko na maling hinanap ko pa ito. Sana ay nanatili na lang ako sa Batangas. Akala ko ay mababawasan ang aking lungkot kapag nasa tabi ko na sya. Heto at ilang pulgada lang ang layo namin sa isa’t isa ngunit hindi ko mahanap ang kapayapaang akala ko ay matatagpuan ko sa kanya. Mas lalo pa nga nitong pinabibigat ang aking kalooban.

Gusto ko mang umatras ay huli na. Maganda man ang pakitungo saken ni Don Antonio ay natatakot pa rin ako sa kung anong pwede nitong gawin kung gagawa ako ng bagay na ikagagalit nito. Ang pag-asa ko na lang para makawala sa sitwasyon ko ngayon ay si Drake na mismo ang makipaghiwalay sa akin. Hahayaan ko na lang sila ni Audrey. Sana mabuntis na agad ito ni Drake para mapabilis ang aming paghihiwalay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status