Aaaaaaahhh!!!!” Isang malakas na hiyaw ang namutawi sa loob ng studio.
Punong puno ng galit ang nararamdaman ngayon ni Audrey dahil sa mga oras na ito ay malamang ikinakasal na ang kanyang boyfriend na si Drake. Ipinagbabato nya anu man ang kanyang mahagip. Wala syang pakialam kahit masira ang mga iyon na pag-aari ng modelling agency na nagmamanage sa kanya. Malakas ang loob ng dalaga dahil sya ngayon ang pinaka-indemand na modelo sa PhilStar Modelling Agency dahil na rin sa tulong ng kanyang maimpluwensyang boyfriend na sya ring pinakamalaking sponsor ng ahensya.“I should have dispatched that b*tch a long time ago!” habol ang hininga dahil halos maubos ang kanyang enerhiya sa pagbato ng mga gamit.“You need to calm down.” saway ng baklang manager ni Audrey na si Jonas.Sa simula pa lang ng career nya sa modelling ay ito na ang kasa-sama nya. Napabuntunghininga ito habang tinitingnan ang kalat na ginawa ng alaga nyang modelo. Binalingan sya ni Audrey.“It’s your fault. You shouldn't have allowed those reporters to see Drake with that b*tch!” Malakas na sigaw nito sa manager. Tumikwas ang kilay ng bakla.“Look, sinunod ko lang ang instruction mo na dalhin ang mga reporters sa labas ng kwarto nyo ni Drake. Hindi ko kasalanan na natulog ka sa tent. Sino bang mag-iisip na pagdating namin dun eh yung mutsatsang yun ang madadatnan namin.” Pagpapaliwanag ni Jonas at isa isang inaayos ang mga upuan na ipinagtatalsik ni Audrey.Totoo ang sinabi ng manager nya. Inutusan nya ang katulong nyang si Iska para lagyan ng pampatulog ang inumin ni Drake. Inutusan din nya si Jonas na magtawag ng mga reporters upang ibulong sa mga ito na may kasamang babae ang mailap na si Drake Rufino, 29 years old bachelor na tagapagmana ng Rufino Holding Company na isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa.Ang planong yun ay para sila sana ni Drake ang madatnan ng mga itong magkasama sa iisang kwarto upang mapilitan itong iannounce ang relasyon nilang dalawa. Malakas ang tolerance ni Drake sa alcohol kaya kahit lasingin nya ito ay maari itong magising agad at lumabas bago pa man dumating ang mga reporters. Nilagyan nya ng pampatulog ang inumin nito para siguraduhing makakatulog ito ng malalim hanggang kinabukasan. Ang hindi nya maintidihan ay kung bakit nakatulog sya sa tent kung saan sila nag-inuman ni Drake. Ang naaalala nya ay inihatid nya ang boyfriend sa kwarto nila ng unti-unti nang tumatalab ang pinainom nyang gamot. Bumalik lang sya sa tent para kunin ang kanyang gamit ngunit nakatulog sya doon.Gusto rin nyang sisihin ang boyfriend nya dahil ilang beses na nya itong sinabihan na sisantihin ang katulong. Palagi kasi nya itong nahuhuling nakatingin kay Drake. Sabagay ay napakagwapo naman talaga ni Drake kaya madaming babaeng umaaligid at lumalandi dito. Nagalit sya ng makitang si Mutya pa talaga ang isinama nitong alalay nang magpunta sila sa resort nang magdiwang si Drake ng kaarawan. Si Audrey mismo ang nag-asikaso ng romantic dinner na yun sa isang resort. Sinabihan sya ni Drake na wag masyadong intindihin si Mutya dahil bata lang daw ito. Nagwala siya sa galit at dahil doon ay nangako ito na pagbalik ng Maynila ay sisisantihin ang katulong. Hindi nya akalain na sa bandang huli ay ito pa pala ang papakasalan ng boyfriend nya.“Unang kita ko pa lang sa malanding tsimay na yun, alam ko nang walang gagawing mabuti. Kitang kita ko kung paano nya titigan ang boyfriend ko. Ang kapal!” paghihimutok ni Aubrey sa manager nito.Hindi malaman ni Aubrey ang gagawin para pakawalan ang galit na nararamdaman. Pasalya syang umupo sa couch. Sapo-sapo ang ulo na nananakit na sa sobrang stress. Mabuting boyfriend si Drake. Sunod lahat ng luho niya. Nag-iba ang takbo ng kanyang career mula nang maging sila. Kung dati-rati ay matumal ang projects na natatanggap nya, ngayon ay kabi-kabila na dahil sa impluwensya ni Drake. Dati ay nangako ang binata sa kanya na oras na makuha nito ang posisyong CEO ay iaannounce nila sa publiko ang kanilang relasyon ngunit hindi nya kayang maghintay ng ganung katagal. Tatlong buwan pa lang silang magboyfriend ni Drake at maraming babaeng umaaligid dito kaya binalak nyang bakuran agad ang kasintahan. Hindi naman nya akalain na ang katulong nito ang makinabang sa pinlano nya.“Sana pinigilan mo yung kasal. Bakit ka kasi pumayag” sagot ni Jonas na patuloy na nililinis ang paligid.“Pano ko gagawin yun, eh tatanggalan sya ng mana pati trabaho nya mawawala. I know Drake is f*cking hot pero aanhin ko naman yun kung wala syang pera. Pano na career ko? Tengga na naman kagaya dati? Ayaw ko nang bumalik sa ganung buhay na minamaliit ka ng mga kapwa mo modelo.” ani Aubrey na kumukuyakoy ang mga paa. Unti-unti ng nawawala ang kanyang pagka histerical.“So pano ngayon kasal na sila nung mutsatsa?” tanong naman ni Jonas dito.“He will become the CEO in less than a year, taking over from his dad then idi-divorce nya ang malanding yun.” Kahit masama pa rin ang loob ang napangiti sya sa idea na magiging malaya na muli Drake. Sigurado syang tutuparin nito ang pangako dahil alam na alam nya kung gaano sya kahalaga para sa binata.**************************Samantala agad na ipinadala ni Don Antonio si Mutya sa Singapore pagkatapos makuha ang passport nito. Palibhasa ay maraming koneksyon kaya naman mabilis itong naproseso. Kasama ni Mutya si Donya Agatha na umalis ng bansa. Sa Singapore na rin nagdiwang ng ika-18 na kaarawan si Mutya. Isinama sya ng ginang sa isang mamahaling restaurant at niregaluhan sya ng mamahaling necklace. Yun ang unang beses na makatanggap ng mamahaling regalo si Mutya. Nahihiya man ay tinaggap nya ito. Laking pasalamat ni Mutya dahil sa magandang pakikitungo ng ginang sa kanya.Simula ng magtungo sila ng Singapore ay isang beses lang nakita ni Mutya si Drake. Yun ay sa mismong kaorasan na ng kanilang kasal. Kagaya nang nakaplano ay nagpakasal sila pagkatungtong na pagkatungtong nya ng disi-otso anyos. Wala silang bisita maliban kay Donya Agatha at isang abogado ng pamilya Rufino. Nag pirmahan lang silang ng marriage contract. Wala pang 15 minutos ay tapos na ang kasal. Agad din nagpaalam si Drake na hindi man lang kinausap ang bagong asawa. Hindi naman yun nakaapekto kay Mutya dahil napakabait ng ginang at parang anak na siya kung ituring nito. Marahil ay pinupunan lang nito ang matabang na pakikitungo ni Drake sa asawa.Pagkabalik nila ng Pilipinas ay ikinuha ni Don Antonio ng condomiunium unit ang bagong kasal upang doon manirahan. Kasama ni Donya Agatha na namili ng mga bagong gamit si Mutya. Bilang bagong miyembro ng pamilya Rufino ay nakatanggap din si Mutya ng Black Card. Yun ay isang exclusive credit card na para lamang sa mga ultraweathy family. Ramdam ni Mutya ang maluwag na pagtanggap sa kanya ng pamilya Rufino maliban kay Drake.Mutya POV Magdadalawang linggo na kaming kasal ni Drake. Pinalipat kami ni Don Antonio sa isang unit ng condominium building na pag-aari ng mga Rufino. Hindi kami masyadong nagkikita ni Drake dahil gabi na ito kung umuwi. Kapag naabutan ko sya ay hindi naman ito nagsasalita at dire-diretso lang sa kwarto nito. Napakalamig ng pakikitungo nito sa akin. Isang tanong isang sagot lang din ito kapag sinusubukan kong kausapin. Mukhang hindi naman masama ang ugali nito dahil kapag nakakatulog ako sa sofa ay magigising na lang ako na may nakapatong ng kumot sa akin. Wala namang ibang gagawa nito maliban sa kanya dahil dadalawa lang naman kami sa condo. Kanina ko pa hinihintay si Drake para magpaalam dito.Bukas ang birthday ni kuya Lucas. Sya ang nag-iisa kong kapatid. Simula nang maikasal ako ay hindi ko pa sya ulit nadadalaw sa Batangas. Nanonood ako ng K-drama ng dumating ang aking hinihintay. “Kumain ka na ba?” tanong ko dito. Hindi nya ako sinagot kahit alam kong narinig ako nito. Patul
Mutya POV Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa harap ng mansion ni Don Antonio. San pa ba ako pupunta kundi dito lang. Wala naman akong kakilala dito sa Maynila. Madalas din akong pumunta dito kapag naiinip ako sa condo. Atleast dito palagi akong nakakakain ng masasarap na desserts na gawa ng aking byenan. Mahilig kasi itong magbake. Kung anung ikinasungit ni Drake ay sya namang kabaliktaran ni Donya Agatha. Hindi na rin ako ganung natatakot kay Don Antonio dahil ni minsan ay hindi nya ako pinagtaasan ng boses. Palagi pa nga itong nangungumusta. Hindi kagaya ng masungit nilang anak. Naalala ko ang unang araw na dumating ako sa mansion. Tatlong araw akong hindi kumain. Nagtiis talaga ako ng gutom para siguraduhin na kapag nasa harapan nako ng mansion ay doon ako aabutin ng pagkahilo. Tagumpay naman ang aking plano dahil saktong sasakyan ni Donya Agatha ang papasok sa gate nang mawalan ako ng malay. Yun ang naging tulay para makapagtrabaho ako sa mga Rufino. Sinabi kong wala na ako
Drake POV“Wala pa rin bang balita?” tanong ko sa kabilang linya. Nasa opisina ako ngayon at kausap ang imbestigador na binayaran ko upang hanapin ang isa sa mga sumagip ng buhay ko.“Negative boss. Gaya ng dati, sa mukha lang sya nakikilala pero hindi nila alam ang pangalan. Hindi rin nila alam kung taga saan.” sagot ng aking kausap.Tinapos ko na ang aming pag-uusap dahil wala rin naman pala itong magandang maibabalita. Kung hindi lang sana na-trauma si Audrey ay malaki sana ang maitutulong nito para mapabilis ang paghahanap sa lalaking sumagip ng aking buhay.6 months ago ay nanirahan ako Batangas. Yun ang pinakamadilim na parte ng aking buhay. Sunod sunod na dagok ang dumating. Na-diagnose na merun akong Fuchs Dystrophy. Nung una akala ko ay simpleng panlalabo lang ng mata. Kahit gumamit ako ng salamin ay patuloy pa ring lumalabo ang aking paningin lalo na sa umaga. Sign na pala yun na may matindi na akong sakit. Hanggang sa tuluyan ng nanlabo ang aking paningin na halos wala na ak
Drave POV Nagmamadaling akong umalis para makarating agad sa school. Baka kung ano pang problemang idagdag ni Mutya sa opisina ni Chairman Tan. Napakatabil pa naman ng bibig ng bulilit na yun. Nakasalubong ko si Darren, ang Financial Manager ng aming kompanya at matalik kong kaibigan. Highschool pa lang ay magkaibigan na kami. Bukod sa pamilya ko at family lawyer ay ito lang ang nakakaalam ng tungkol kay Mutya. Malayo pa ay nakangiti na ito sa akin at may bitbit na kape. “Going somewhere?” bati nito saken. “Talk to you later.” maikli kong sagot at nilagpasan ito. Wala na akong oras makipag-usap ngayon. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay muli ko itong nilingon. “On the second thought…. can you come with me? I need to go to Neumann University” wika ko kay Darren. Naisip kong mabuti nang may kasama ako mamaya. Baka hindi ako makapagtimpi kay Mutya at baka kung ano pa ang magawa ko. “Anung merun? Mukhang hindi maipinta yang mukha mo?” pag-uusisa ni Darren. “Mutya caused trouble jus
Mutya POV “Manong eto po. Keep the change” wika ko sa uber driver habang inaabot ko ang bayad sa pamasahe. Excited akong bumaba ng kotse. Andito nako ngayon sa tapat ng Neumann University. “Ang ganda!” hindi ko mapigilang mamangha sa prestisyosong paaralan na sa mga magazine ko lang nakikita. Hindi ko akalain na makakapag enroll ako dito. Dati ay naririnig ko lang ang pangalan ng school na to. Isa daw ito sa pinakasikat na school sa bansa at napakamahal daw ng tuition fee dito. Diko alam kung magkano dahil sekratarya ni Don Antonio ang nag asikaso ng enrollment ko. Dati rati ay okay na akong makapasok sa public school. Baon at mga gamit sa school na lang ang pinoproblemahin namin ni Kuya Lucas. “Kuya Lucas sana nakikita mo ako ngayon.” usal ko. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ibinigay sa akin. Alam ko namang pansamantala lamang ito. Hindi ako tanga. Alam kong naghihintay lang ng tamang pagkakataon si Drake na hiwalayan ako. Habang hindi pa nagyayari yun ay gagawin ko ang lahat
Mutya POV“Your student info didn't give the specific details of your connection to Mr. Drake Rufino, but it did mention that he is your guardian. Pareho kayo ng last name so I’m assuming na magkamag-anak kayo.” panimula ni Ms. Bautista.Hindi ko alam na si Drake pala ang nakalagay na guardian ko sa aking student profile. Hindi rin nakasulat doon na mag-asawa kami.“Pamangkin nya po ako.” pagsisinungalin ko dito. Tumango tango naman si Ms. Bautista.Nasabi ko lang yun dahil nahihiya akong sabihin dito na ang bata-bata ko pa pero may asawa na ako. Maayos naman ang pakitungo ni Ms. Bautista sa akin.Nasa Chairman's office na kami ngayon. Mas malaki nang di hamak ang lugar na ito kaysa sa Guidance counselor. May ilang staff din dito at may sariling kwarto pa sa loob para sa Chairman. Nakaupo ako malapit sa pintuan ng opisina ng Chairman.Nang pumasok ako kanina dito ay hindi ako nakaramdam ng pang mamaliit mula sa mga staff na naabutan ko, hindi gaya kanina sa Guidance Counselor office. A
Mutya POV Kung kahapon ay sobrang excited ako, ngayon naman ay parang napakabigat ng aking katawan na bumangon sa aking higaan. Tinatamad kasi akong pumasok ngayon pag naiisip ko ang nangyari kahapon sa school pero nakakahiya naman kay Don Antonio kung malalaman niyang unang linggo pa lang ay umabsent na agad ako. Bigla akong kinabahan nang maalala ko ang aking biyenang lalaki. Paano pala kung malaman nya na nakipag-away ako sa first day ko sa school? Kung nakakatakot si Drake ay di hamak namang mas nakakatakot magalit si Don Antonio. Kaya kahit tinatamad ay naghanda na ako para pumasok. Bahala na mamaya. Pagka baba ko pa lang kanina sa taxi ay parang napakabigat ng aking mga paa habang naglalakad papasok sa loob ng paaralan. Hindi ko alam kung expelled na ba ako o hindi. Suot ko pa naman ngayon ang bagong uniform ko at baka ngayon na rin ang huling araw na maisususot ko ito. Hindi ko pa kasi ulit nakakausap si Drake tungkol dito. As usual ay gabi na itong umuwi kagabi. Hinintay ko s
Drake POV Hindi ko pa tapos basahin ang business proposal from Carmax Motor Co. pero kailangan ko munang ipahinga ang aking mga mata. Hinubad ko ang aking anti-glare glasses. It’s been almost 6 months since I got my surgery for eye transplant. My doctor required me not to stare at the computer screen for more than 1 hour until I’m fully recovered. Magsi-six months na pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang aking eye donor. Wala pang 1 week after nang sunog ay nagkaroon ako ng eye donor. Nais ko rin sanang ipahanap kung sino ito ngunit talagang wala akong mahagilap na impormasyon. Ilang beses na rin akong nakiusap sa aking doktor ngunit tikom ang bibig nito. Nakiusap daw ang pamilya ng eye donor na ilihim ang kanilang impormasyon. Kung tutuusin ay kaya ko namang ipabuklat ang record nila dahil pag-aari namin ang hospital kung saan ako inoperahan ngunit ang ipinagtataka ko ay wala ito sa record. Kung sino man ito ay napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Diyos na s