Share

Kabanata 6

Kabanata 6

Pain

Pumikit ako at pinatay ang hawak na cell phone. Gusto kong iwaglit sa isipan ko si Miguel at kalimutan na lang ang lahat ng nangyari sa amin ngunit kahit na anong gawin ko'y pilit pa rin niyang sinisira ang sistema ko.

Mapait akong ngumiti, muling kinapa ang nararamdaman para sa asawa at hindi na ako nagulat sa natuklasan. Pinasya ko nang patayin ang aking at matulog na para mawaglit na sa isipan ko ang lahat ng tungkol sa kanya...

"Wow! In all fairness nag mukha kang sosyal sa suot mo!" bulalas na wika ni Jana matapos kong suotin ang dress na binigay sa'kin ni Mr. Monteverde. Maging ang stiletto ay sinuot ko na rin dahil binuyo ako ni Jana na suotin 'yon kahit na ang balak ko talaga ay huwag sumipot sa dinner na sinabi n'ya.

"Hindi ba mukha akong tanga sa suot ko?" Ilang beses kong binaba ang laylayan ng suot kong dress pagkat hindi ako sanay na 'yon ang suot.

Palagi naman akong naka mini skirt sa trabaho ngunit hindi ko akalain na hindi ako magiging komportable na su
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status