Share

Kabanata 3

Kabanata 3

Shelter

"Pwede na ho kayong lumabas ngayong araw. Pinirmahan na ho ni Dok ang discharge paper n'yo," anang nurse na nag-a-assist sa'kin. Tinanggal na niya ang dextrose na nakakabit sa aking kamay.

Bahagya lamang akong tumango dito. Ang totoo kasi niyan ay wala akong matutuluyan kapag labas ko ng ospital. Malayo dito ang probinsya namin at hindi ako agad-agad na makakauwi doon dahil kinakailangan pang sumakay ng barko o hindi kaya ay eroplano upang makauwi ng probinsya.

"Ito pala ang mga pampalit mong damit nakahanda na rin ho ang ilang personal n'yo na gamit d'yan sa bag."

Bumaba ang tingin ko sa isang traveling bag na nilapag niya sa aking kama. Labis ang pagtataka ko nang ibalik ko ang tingin sa kanya.

"Si Dr. Ramirez ho ang naghanda ng lahat nang 'yan. Hintayin n'yo lang ho siya may ino-operahan ho kasi si dok ngayon," aniya na bakas ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

Labis naman ang pagtataka ko sa kaniyang mga sinabi ma tapos ay bumabang muling ang tingin sa traveling bag na nasa may kama. Wala sa loob na nilapitan ko ito at dahan-dahan binisita ang mga laman no'n. 

May mga nakita akong ilang pirasong damit, shorts at mga under garments. Pati na rin ang ilang personal na gamit gaya ng toothbrush, pabango at ilang pang gamit na pwede kong gamitin araw-araw.

"Sige ho, mauuna na ako sa inyo."

"Sige, maraming salamat."

Umalis na rin ito kaya't nanatili pa ako ng ilang minuto sa loob ng silid na hindi alam ang gagawin sa mga gamit na nasa aking harapan. Talaga bang binili ito ni Dr. Ramirez para sa'kin?

Isang buntong hininga ang malakas kong pinakawalan matapos ay naupo sa may gilid ng kama at tinitigan ang ilang mga gamit na naroon. Hindi ko mapigilan isipin kung bakit gano'n na lang ako tulungan ni Dr. Ramirez kahit pa ngayon ko lamang siya nakilala.

Gayon pa man ay itinuturing ko siyang isang malaking blessing sa'kin dahil sa pagliligtas niya ng buhay ko. Sa tingin ko ay hindi sapat ang salitang salamat upang suklian ang mga naitulong niya sa'kin.

Bago sumapit ang alas onse ng umaga ay sumilip na ang gwapong mukha ng doktor sa aking silid. Pansin kong hindi  hindi na niyto suot ang kaniyang uniporme at tanging kulay blue long sleeve polo at dark pants na lang ang suot n'ya. 

Gayon pa man ay looking fresh at halatang hindi ito pagod sa dami ng trabaho.

"Mukhang naka-ayos na ang lahat ng mga gamit mo?" Humakbang ito upang kunin ang bag na nasa kama ngunit pinigilan ko nang hawakan ko ang kaniyang palapulsuhan.

"Hindi mo na kailangan gawin ito, dok. Sobrang dami mo nang naitulong sa akin," wika ko sa mababang boses.

Agad naman bumaba ang tingin n'ya sa kamay kong hawak-hawak ang palapulsuhan niya kaya't napapaso naman na binitiwan ko siya.

"Resposibilidad kita mula nang makita kitang halos wala nang buhay sa daan, kaya hayaan mo akong tulungan ka. Isa pa, pansamantala lang naman ito, kapag maayos ka na at kaya nang makahanap ng bagong malilipatan pwede ka nang umalis any time you want. Pero hanggat hindi mo pa kaya at hindi pa rin tayo sigurado sa seguridad mo ay hayaan mong tulungan kita at bigyan nang proteksyon."

Yumuko ako at nilunok na lang lahat ng kaniyang mga sinabi. Ano pa nga ba ang hihilingin ko sa kanya? He is willing to help me, which I badly needed the most lalo na ngayon nasa peligro pa rin ang buhay.

Dahil na rin sa seguridad ko ay kinailangan na sa likod kami ng ospital dumaan kung saan nag-aabang na doon ang kaniyang kulay itim na kotse. Tahimik lamang din ako habang byahe, panay rin ang sulyap ko sa rear view mirror at sa ilang sasakyang nakakasabay namin, nag-aalala na baka isa sa mga sasakyan ni Miguel o, ni Albert ang mga iyon.

"Hey, are you alright?" 

Pinukaw ako ng mababang boses ng doktor kaya't sumulyap ako dito matapos ay umiling. Hanggat maari ay ayoko na siyang idamay pa sa aking personal na problema. Hindi rin magandang malaman niya ang pinagdadaanan ko ngayon kahit pa sabihing nakahanda siyang tulungan ako.

From here, I could see how calmly and securely he maneuvered the steering wheel. Tila walang bakas ng pag-aalala kung sino ba talaga ako at kung saan ako galing.

He is such a lucky guy. May mga tao pa palang hindi nakakakilala kay Miguel at sa dynasty na meron siya. Kung kilala n'ya siguro si Miguel ay malamang na hindi malabong kilala n'ya rin ako. Pero paano?

Paano ang isang sikat na negosyante at nagmamamy-ari ng mga real estate building, shopping malls at ilang bangko sa Pinas ay hindi man lang sumagi sa isip ng isang Wyatt Ramirez. Labis akong natataka kung bakit wala ring isa na nakakilala sa'kin sa ospital na 'yon?

Ngunit nawala na ang pansin ko sa iniisip nang mapansin kong palayo na kami sa siyudad. Madalang na na lang din ang nadaraanan naming mga building at establisyamento at puro puno at bukirin na ang tinutumbok namin.

"I actually drove an hour bago makarating ng ospital." Kibit balikat niya na tila nabasa na ang tumatakbo sa aking isipan.

"Bakit hindi malapit sa trabaho mo ikaw manirahan?" Hindi ko na napigilan pang bang sambitin.

"Ang totoo ay plano ko na 'yan matagal na. Tumitingin na rin ako ng magandang lote na malapit sa ospital," aniya na hindi inaalis ang tingin sa daan.

Sandaling naglagiu ang mga titig ko sa kanya. Mas lalo kong napagmasdan ang angulo n'ya sa ganitong pwesto. Tila perpekto ngang matatawag ang kaniyang panga na may ilang tumutubo nang buhok doon, lalo pa ang malalim niyang mga mata at matangos na ilong.

Hindi ko rin mapigilang isipin kung may asawa na ba ito o, girlfriend? Hindi kasi malabong meron nga itong karelasyon ngayon.

Nakakahiya kung malalaman nila na may inuuwi siyang babae sa kanilang bahay. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Kailangan ay makaalis na rin ako sa puder niya sa lalong madaling panahon dahil ayokong maging malaking issue ang pagtulong niya sa'kin at pamamalagi ko sa sinasabi niyang bahay.

Ngunit gano'n na lang  ako natigilan nang makapasok kami ng kanilang bakuran. Tila hindi ordinaryong bahay lang ang nasa akin ngayong harapan. Tila isa itong mansyon kung susuriin.

"Is this the house you are talking about?" I asked with my trembling lips.

"Yeah, pasensya ka na sa bahay namin," aniya habang minamaniobra ang sasakyan papasok ng bakuran.

Hanggang sa humimpil ang sasakyan sa tapat ng kaniyang bahay. Doon naman isa-isang nagsilabas ang mga kasambay na may pare-parehong uniporme. Kulang na lang ay umawang ang mga labi ko sa dami nang mga 'yon na sumalubong sa pagbaba ni Dr. Ramirez. 

Magandang tanghali ho, senyorito," bati ng isang may edad na babae sa bagong dating.

Hindi naman niya nakalimutan tapunan ako ng tingin na tila bakas ang matinding gulat nang makita ako.

"Ah, si Serena nga pala. Kaibigan ko. Dito muna siya pansamantala habang hindi pa siya nakakahanap ng bagong matutuluyan," aniya sa kasambahay na tila hindi pa rin natitinag habang nakatitig sa'kin.

"Manang Dolor pakisamahan ho si Serena sa kaniyang magiging silid," ani Dr. Ramirez dito.

Tila doon naman natauhan ang ginang at tumango nang sunod-sunod dito. Agad rin naman akong humakbang papasok nang iabot ni Dr. Ramirez ang aking bag sa tingin ko'y mayordoma dito sa bahay.

Hindi ko rin nakalimutan na sulyapan si dok bago ako umakyat sa hagdanan kung saan nauna nang umakyat ang mayordoma.

"Ito ang magiging silid mo," anang mayordoma sa'kin.

Mabilis kong nilibot ang loob ng silid. Tipikal na silid na may malaking kama, side table at may couch sa kabilang bahagi ng silid. Sinulyapan ko ang walking closet na naroon at ang tiyak kong banyo sa bandang dulo ng silid. Hindi naman bago sa'kin ang makakita ng ganito ka disenteng silid dahil ang silid ko sa mansyon ng mga Guevarra at hindi hamak na mas malaki ang mansyon na 'yon kumpara dito.

"Salamat ho, manang Dolor," wika ko bago ngumiti sa kaniya nang matamis.

Tila natulos naman sa kaniyang pagkakaupo ang ginang nang makita ang aking mga ngiti kaya't kumunot na ang noo ko dito. Pakiramdam ko kasi ay kanina pa siya natutula nang makita ako at para pa itong nakakakita ng multo.

"Ayos lang ho ba kayo?" Sinubukan kong hawakan ang kaniyang braso at pansin ko ang panlalamig no'n.

"A-ayos lang ako, ineng. Paano mauuna na ako, tawagin mo lamang ako kapag may kailangan ka," aniya  bago na mabilis na tumalikod sa'kin ngunit napa-atras ako nang pumihit ito paharap at humakbang palapit.

Mabilis niyang sinuri ang kabuuan ko at ang aking mukha at buhok. 

"Sigurado kabang Serena ang pangalan mo?"

Lumunok ako. Agad akong nabahala, hindi kaya kilala n'ya ako? Hindi malabo, pero paano n'ya ako makikilala?

Dahil sa matinding kaba ay wala sa loob akong tumango. Walang dahilan para amaninin ko sa kanya ang tunay kong pagkatao. Para na rin ito sa kaligtasan nila kaya mas maiging wala silang malaman na detalye mula sa'kin.

Nanatili pa ito ng ilang segundo habang titig na titig sa'kin bago umatras na.

"Pasensya ka na, ineng. Paano, mauuna na ako."

Hindi ko na nga nagawa pang magsalita nang lumabas na ito ng aking sild at doon lang ako nakahinga ng maluwag bago maupo sa malambot na kama.

Sa tingin ko ay mas maiging hindi ako magtagal dito dahil kapag nagkataon ay baka madamay pa sila sa gulong kinasasangkutan ko...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status