Share

Kabanata 4

Kabanata 4

New Beginning

Matapos kong ilagay sa closet ang mga gamit kong binili sa'kin ni Dr. Ramirez ay bumaba na rin ako para sa pananghalian. Hindi ko na sila hinintay pa na akyatin ako sa aking silid bagay na labis kong ikinahihiya.

Ayokong isipin nilang pa-importante ako kaya ako na mismo ang bumaba upang tumungo sa may komedor. Naabutan ko nga doon ang mayordoma na si Aling Dolor at ilang kasambahay na naghahanda ng pagkain.

Halos matulos naman ang mga ito nang makita akong nakatayo sa may bungad ng pinto. Narinig ko pang bumagsak ang isang baso sa lamesa na siyang nakagawa ng ingay sa pagitan namin.

"Ah, pasensya na kayo kung nagulat ko kayo." Dahan-dahan akong umatras ngunit pansin ko ang matigas na bagay na sumalo sa aking likuran.

Mabilis akong tumigala at agad na nagsalubong ang mga mga mata namin ni Dr. Ramirez. His eyes is so deep and serious at this time ngunit naroon pa rin ang pagkakalmado na palagi niyang ipinapakita sa'kin.

"Mabuti nandito ka na, ipapatawag sana kita kay manang para sa lunch."

Tuluyan na akong humarap dito at mabilis na umiwas ng tingin. "Bumaba na rin ako para hindi ko na sila maabala pa," sagot ko.

Tumuon muna ang tingin niya sa mga kasambahay bago ibalik ang pansin sa'kin. "So, we better eat, baka lumamig pa ang pagkain."

Yuko naman ang ulo kong sumunod sa kanya na siyang naupo sa pinaka sentro ng lamesa habang pumwesto ako agad sa silya kung saan may nakapatong na pinggan sa may tabi n'ya.

Agad na tumaas ang tingin ko sa mga kasambahay na siyang tila gulat na gulat nang tingnan ko. Gayon pa man ay hindi ko nakalimutan ngumiti sa mga ito.

"Salamat ho sa pagkain," hindi ko na napigilang sabihin.

Hindi na nagsalita pa ang mga ito at isa-isa nang umatras upang pumwesto sa malapit sa may pintuan ng komedor.

Bumaling naman ang tingin ko kay Dr. Ramirez na siyang sa tingin ko'y kanina pa pinapanood ang mga kilos ko.

"I'm glad you like the food, kumain ka nang marami para bumalik agad ang lakas mo," aniya na tinuloy na muli ang pagsubo ng pagkain.

Kinuha ko naman ang pagkakataon upang magpasalamat muli sa kanya at sa lahat ng tulong na ibinibigay n'ya sa'kin.

"Hayaan mo kapag magaling na ang mga sugat ko at nakauwi sa probinsya namin. Hindi ko kakalimutan ang lahat ng utang na loob ko saiyo," wika ko mataps ay sinimsim ang juice sa baso dahil sa matinding kaba.

Paano'y titig na titig ito sa'kin habang nagsasalita ako. Kulang na lang ay mabulol ako dahil sa mga nakakapaso niyang mga titig sa'kin.

"Pwedeng tawagin mo na lang akong Wyatt? Mas maganda siguro kung hindi tayo pormal mag-usap." Pansin kong umangat ang gilid ng kaniyang mga labi.

Mabilis naman akong sumulyap sa ilang kasambahay at sa mayordoma na naroon, halos lahat sila ay nakayuko ang ulo na tila hindi alaintana ang pag-uusap namin ng doktor.

"Mas okay na ho akong tawagin kayong doktor." Pagpupumilit ko.

"Kung yan ang gusto mo, hindi na kita pipilitin. Oo nga pala kung sakaling may kailanganin ka, o gustong ipabili. Huwag kang mahihiyang magsabi kay Aling Dolor siya ang bahala sa lahat ng kailangan mo."

"H-hindi na, wala naman akong gustong bilhin, e." Pagtanggi ko.

Sa huli ay nagkibit balikat lamang ito at matapos ay tinuloy na ang pagkain. Hindi na rin kasi ito nagbukas pa ng ibang usapin. Mabilis ko rin tinapos ang pagkain at umakyat na rin sa aking silid.

Narinig ko ang sasakyan ng doktor na umalis. Marahil ay babalik na ito ngayon sa ospital at mamayang gabi na muli ang uwi. Kinuha ko naman ang pagkakataon para magpahinga kaya't hinila agad ako ng antok.

Nagising lamang ako bandang alas kwatro ng hapon. Pinasya kong bumaba upang sana'y tumulong sa paghahanda ng hapunan sa may kusina ngunit imbes ay pinaupo ako ni Aling Dolor sa isang silya at hinainan ng mainit na tsokolate at buko pie.

"Mag miryenda na ho kayo, senyorita. Kami na ho ang bahala dito sa kusina," aniya.

"P-pasensya na ho kayo, mukhang na double ho ang trabaho n'yo dahil sa pagdating ko." Pulang pula ang mukha kong nakayuko sa umuusok na tsokolate sa tasa.

"Gusto nga ho namin na may bisita dito. Halos kami-kami lang ho kasi ang magkakaharap dito sa bahay. Sawang sawa na ho kaming makita ang isa't isa." Humagikgik ang isang babae na siyang may hawak nang kutsilyo na patuloy sa paghihiwa ng gulay.

"Si Beatrice 'yan, ang pikabata ditong serbidora," ani Aling Dolor sa'kin.

Tumango naman ako at humigop muna sa tasa bago sulyapan si Beatrice. Mukhang ngang bata pa ito at naglalaro ang edad sa bente , o bente tres.

"Kung minsan nga ay kami lang talaga dito sa mansyon kapag may conference na pinupuntahan si senyorito," dagdag pa n'ya.

"Nasaan ho ang mga magulang n'ya?" Wala sa loob kong tinanom=ng.

Nasa abroad pareho, madalang na rin umuwi dito. Kasama nila doon ang buso nilang kapatid na isa namang nurse. May dalawa pa siyang kapatid, pareho nang may asawa kaya si senyorito na lang ang naiwan dito sa mansyon," ani Aling Dolor.

Kung gano'n pala ay hindi malayong binata pa itong si Dr. Ramirez, malayong malayo sa inaakala ko. Ngunit hindi pa rin mawala ang interest ko sa usapan kaya nagtanong akong mul;i.

"Si dok, ho? May asawa na rin?"

Natigilan ang dalawa sa kanilang ginagawa matapos ay nagkatinginan bago sumulyap sa'kin.

"Wala, single si dok." Iyon ang sagot ng mayordoma sa'kin.

Ngunit bakit pakiramdam ko'y may itinatago ang mga ito sa'kin? Kung sabagay ay wala naman akong karapatan para ungkatin pa ang personal na buhay ng doktor. Mas mabuti nang iyon lamang ang alam ko sa kanya.

"Kung hindi mo mamasamain, ineng. Saan mo ba nakilala si dok?" tanong ni Aling Dolor sa'kin. Tila sila naman ang gustong may malaman tungkol sa'kin.

"Ah, Isa ho ako sa mga pasyente n'ya na tinulungan. Sa ngayon kasi ay wala pa talaga akong matutuluyan kaya tinanggap ko na ang alok ni dok. Huwag ho kayong mag-alala, aalis din ho ako agad kapag magaling na ang mga sugat ko."

Muling nagkatinginan ang dalawa na labis ko nang pinagtakhan, kaya kumunot na ang noo ko sa mga ito.

"Wala naman problema sa amin kapag gusto ni dok, welcome na welcome ka dito, ineng," sambit ni Aling Dolor sa huli.

Ngumiti ako ng tipid, kahit pa bahagya akong nakaramdam ng hiya.

"Serena ba talaga ang pangalan mo?" Tila hindi na napigilang tanong muli sa'kin ni Aling Dolor.

Agad naman tumahip ang kaba sa aking puso. Hindi ko gustong maghinalang kilala n'ya ako ngunit base sa pagsusuri niya sa aking mukha ay parang nakita na niya ako kung saan.

"S-Serena nga ho." Patuloy kong pagsisinungaling.

Sa huli ay tanging pagtango lamang ang ginawa ng ginang sa'kin. Mabilis ko na rin tinapos ang aking pagkain at umakyat na lang muli sa aking silid. Hindi na rin kasi nila pinagalaw sa'kin ang mga gawain sa kusina kaya pinasya kong umakyat na lang sa silid at manood ng telebisyon.

Ngunit kanina pa ako lipat nang lipat ng channel ay wala akong matipuhan na palabas. Masyadong maaga pa rin upang manood ng balita kaya naisipan kong maligo na lang at linisin ang aking mga sugat.

Sa puntong 'yon ay narinig ko na ang ugong ng sasakyan na humimpil sa may garahe. Tiyak na si dok na ang dumating. Kagat labi kong ibinaba ang aking blouse nang matapos na akong lagyan ng gasa ang sugat doon.

Mabuti na lang ay mabilis nang naghihilom ang aking mga sugat kaya't medyo nakakakilos na ako ng normal ngayon. Doon na rin ako nakarinig ng mahihinang katok sa pinto kaya't agad akong tumayo upang pagbuksan ito.

Agad naman akong napa atras nang makilala ang doktor na nasa may bungad ng pinto.

"Hi!" masigla niyang bati habang bakas ang mga ngiti sa labi. Hindi ko maitatanggi na ang lakas ng dating n'y kapag ngumingiti nang ganito.

He proudly show off his pearly teeth na tila alagang alaga ng dentista. Maging ang malalamlam niyang mga mata ay nagbigay dito ng malakas na aura. Hindi rin papahuli ang kaniyang matangos na ilong at ang sadyang mapupulang mga labi.

Mabilis akong kumurap at nahihiyang ngumiti dito. "K-kamusta ang trabaho?" wala sa loob kong tinanong para may mapag-usapan.

"Maayos naman, ito pala binili ko para saiyo. Tiyak na kakailanganin mo 'yan." Iniabot n'ya sa'kin ang isang paperbag na siya ko naman agad na inabot upang tingnan.

Kahit pa may panatahana na ako kung ano 'yon ay hindi ko ito pinagunahan.

"Cell phone, para naman makausap mo ang mga kamag-anak mo," aniya na namulsa na sa aking harapan.

Sundo-sunod naman akong umiling dito. "Hindi na ho, dok. Masyadong marami na kayong naitulong sa'kin."

Pero nagkibit balikat lamang ito at hindi tinanggap ang binabalik kong paperbag.

"Sabi ng isa sa mga nurse ay nanghiram ka ng cell phone sa kanya noong nakaraan para tawagan ang mga kamag-anak mo," aniya sa seryoso nang mga tinig.

"Hindi ko naman sila nakontak kaya ayos lang." Patuloy kong pagtanggi.

Subalit hindi ito natinag sa kaniyang pagtayo at pagtitig sa'kin nang seryoso,kaya't isang buntong hininga na ang pinakawalan ko bago sulyapan muli ang paperbag kung saan nakapaloob doon ang cell phone na sinasabi n'ya.

"Okay sige, pangako papalitan ko lahat ng tulong mo."

Bahagya lamang itong umiling sa'kin. "Just enjoy your staying here, wala naman nagpaalis saiyo dito," aniya matapos ay ngumiti nang maluwang sa'kin.

Wala naman sa loob na tumango ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Tiyak naman na hindi n'ya ako basta-basta paalisin dito hanggat hindi n'ya natitiyak na ligtas ako. Kaya para saan pang tanggihan ang lahat ng mga tulong n'ya?

Tatalikod na sana ito nang tawagin ko.

"Wyatt. . . "

His head turned and eyes bore into mine with antonished.

"S-salamat sa dito, at sa lahat ng mga tulong mo."

Pansin kong agad natigilan ito at sa huli'y kumamot lamang ng batok bago tumango sa'kin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status