Share

When You Were Mine
When You Were Mine
Author: QueenVie

Simula

Simula

Last Word

Nanginginig ang aking buong katawan habang pa-ika-ikang naglalakad palayo sa mansyon kung saan minsan kong tinuring na isang paraiso.

Wala ring tigil ang pagpatak ng dugo sa aking mga binti at ang dugo na nagmumula sa aking ulo. Kumapit ako nang mahigpit sa isang malaking puno at doon ay sumandal matapos makaramdam nang matinding hilo. Nanlalabo ang mga matang tinuon ko ang tingin sa unahan.

Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng mga luha habang kagat-kagat ng mariin ang aking mga labi. Pumikit ako dahil sa mga luhang kanina pa bumabagsak kasama ng ilang patak ng dugo na humihilam sa aking mga mata habang sinusuong ang matalahib na gubat

Hanggang sa makarinig ako ng mabibigat na yabag na palapit sa akin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pilit na tinatagan ang mga binti upang makahakbang.

"Hindi pa nakakalayo ang babae na 'yon hanapin n'yo. Tiyak na malilintikan tayo kay boss kapag binuhay n'yo pa 'yan!" Narinig ko ang boses ng pamilyar na lalaki mula sa hindi kalayuan.

My heart thumping hard against my chest. Mas ramdam ko ang kirot sa puso na malaman kung sino ang gustong magpapatay sa'kin, lalo pa ang dahilan n'ya kung bakit.

Labis na nawawarak ang aking puso sa bawat kong hakbang palayo sa palasyong minsan kong tinuring na akin. Sa palasyon kung saan bumuo ako ng mga panagarap kasama ang nag-iisang lalaki sa aking buhay. Ang lalaki na pinag-alayan ko ng lahat. Ang lalaki na minahal ko ng buong puso.

Tumigil ako sa paghakbang nang makaramdam nang matinding kirot sa aking bandang puson. Mas mariin ngayon ang naging pagkagat ko sa aking mga labi at upang pigilan gumawa ng ingay.

Sinubukan kong magkubli sa isang puno at doon naupo. Mabilis kong pinunasan ang dugong umagos sa aking mga hita habang walang patid ang pag-agos ng luha sa aking mga maga mata.

"No. . . My baby," impit kong d***g.

Nanghihina na rin ako't mukhang wala nang lakas pang tumayo. Mabilis kong nilibot nang tingin ang paligi. Mukhang malapit na ako sa highway ngunit paano ko magagawang makarating doon kung mataas ang lupa kung saan ako naroon.

Napakislot ako nang marinig ang mga yabag na palapit sa akin. Pumikit ako nang mariin at umusal ng dasal ngunit sa tingin ko'y huli na para gawin 'yon nang may humaklit sa aking braso para makatayo.

"Lintek ka, nandito ka lang pala nagtatago, pinahirapan mo pa kami!" Nanlilisik ang mata nito habang hawak ako ng buong higpit sa braso.

"P-pakawalan n'yo ako parang awa n'yo na!" Nanginginig ang aking mga boses dahil sa labis na takot para sa kahihinatnan ko at sa batang nasa aking sinapupunan.

"Akala mo makakabalik kapa sa mansyon ng buhay? Hindi na, dahil dito pa lang ay lalagutan na kita ng hininga," aniya sa buong tinig.

"Mag hayop kayo! Pagbabayaran n'yo ang lahat ng ginawa n'yo sa'kin!" Nagpumiglas ako gamit ang katiting na lakas.

Ngunit ang mala-demonyong halakhak lamang nito ang pumainlanlang sa paligid. Agad na bumalatay ang mabagsik niyang tingin sa'kin at dinuro ang aking sentido.

"Tonta! Sa tingin mo ba bubuhayin pa kita? Hindi na!"

Nanlamig ang aking buong katawan at sumulyap sa lalaking kadarating lang. Nakasuot ito ng T-shirt na siyang binagayan ng chaleko na itim at maong na pantalon. May suot din itong itim na sumbrero, ngunit kahit na gano'n ay kilalang kilala ko ito.

Pinitik niya ang hinihithit na sigarilyo sa damuhan at saka tumuon ang pansin sa'kin.

"Albert!" Nanginginig ang boses ko nang magsalita.

"Hayop ka! Paano mo nagawa ito sa kapatid mo?!" Nagpupumiglas pa rin ako kahit pa alam kong hindi ako pakakawalan ng mga ito.

Tumiim ang mga titig niya sa'kin matapos ay humakbang palapit. Walang pag-aalinlangan niyang pinisil ang aking pisngi kaya't napatingala ako dito.

"Alam mong wala sa akin ang desisyon kundi na kay kuya, kapag sinabi niya, sinabi n'ya at walang pwedeng bumali no'n kahit na sino."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nangilid muli ang mga luha. "Pero wala akong ginagawang masama!"

Ngumisi lamang ito at mas diniinin pa ang pagpisil sa aking pisngi kaya't napadaing na ako sa sakit.

"Wala? E, kaninong bata iyang dinadala mo? Hindi ba sa kabit mo?"

"H-hindi totoo 'yan!"

Ngunit halos mabale ang leeg ko dahil sa malakas na sampal na ibinigay niya sa akin.

"Sinungaling!"

Marahas akong humarap dito at dinuraan na siya sa mukha.

"What the fuck?!" Isang sampal pa ang iginawad n'ya sa'kin.

"Sige, itumba na 'yan at ayokong may makikitang bakas n'ya. Gusto ko malinis ang trabaho n'yo!" aniya sa mga tauhan.

"Please, Albert, huwag mong gawin sa'kin ito. Hindi ako nagsisinungaling, kanya ang anak na dinadala ko, maniwala ka naman!" Bumuhos na ang luha sa aking mga pingi at kulang na lang ay bumagsak na dahil sa pangangatog ng mga tuhod.

"Pero hindi naniniwala si kuya sa sinasabi mo, kaya sorry ka na lang." Ngumisi ito sa'kin na akala mo'y nasasapian ng demonyo.

Nanlaki rin ang mga mata ko nang bunutin niya mula sa kaniyang bulsa ang isang pistol na pinaikot pa n'ya sa kaniyang daliri.

Sa puntong 'yon ako umatras at nanginginig ang mga labi na nagsalita. "Please, 'wag mong gawin ito. Anak ni Miguel ang dinadala ko, please maniwala ka naman!"

Nakita kong umigting ang dalawang panga niya matapos ay binalingan ang dalawang lalaki na mahigpit na nakahawak sa aking magkabilang braso bago tumango.

"Takbo! Tumakbo ka hangga't kaya mo, dahil kapag naabutan ka nitong bala ko. Patay ka!"

Mariin akong pumikit dahil sa malakas niyang pagsigaw. Doon na rin ako binitiwan ng kaniyang mga tauhan.

"Takbo!" Ulit niya kaya't kahit namamanhid na ang mga paa at nanghihina ang mga tuhod ay inumpisahan kong tumakbo.

Narinig ko ang warning shot n'ya at ang malalakas na halakhak na umuupos sa aking katinuan. Kahit pa pa-ika-ika dahil sa masakit na puson ay tiniis ko makatakas lang sa kamay ng mga demonyo na 'yon.

"Kamila!"

Nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ang malakas na sigaw ni Albert. Dahil sa labis na takot ay hindi ko magawang lumingon. Mabilis akong nagkubli sa isang malaking puno at mabilis na nilingap ang mga mata kung saan ako pwedeng dumaan upang makatakas.

Ngunit tanging bangin na lamang ang naroon at tiyak na ikamamatay ko kung tatalon ako doon.

"Kamila!" Malakas na sigaw ni Albert.

Sa puntong 'yon ay nilingon ko na ito at natulos ako mula sa pagkakaupo nang makita kong nakatutok sa akin ang hawak niyang baril.

"I told you, run for your life, pero hindi mo ginawa. Kaya pasensyahan na lang tayo!"

Pumikit ako matapos kong makarinig ng isang putok. Mabilis din akong nagmulat ng mata at yumuko sa aking bantang hita kung saan umaagos na doon ang dugo. Mabilis akong napaupo at tiningala ang palapit na si Albert.

"Goodbye, Kamila. Wala nang makakaalala ng pagkawala mo at lalong hindi ka hahanapin ni Miguel," aniya habang bakas ang maluwang na ngigi sa labi.

"H-Hayup ka. . . " Nanghihina kong bikas.

"Any last word?"

Pumikit ako't pinigilan ang pagbalong ng mga luha. Sa pagkakataon na ito'y tinanggap ko na ang kakahinatnan ng lahat masakit man tanggapin pero wala na akong magagawa. Yumuko ako at hinaplos ang maliit na umbok ng aking tiyan.

"I'm really sorry baby," usal ko bago tingalain si Albert sa malayong distansya.

I looked at him in the eye. Hindi ako nakaramdam ng ano mang takot bagkus ay lakas loob akong nagsalita.

"Hindi pa tayo tapos, kung mapatay n'yo man ako ngayon. Sisiguraduhin kong pagbabayaran n'yo ang lahat ng ginawa n'yo sa impyerno!" malakas kong sigaw.

Pinilit kong tumayo at susubukan pa sanang tumakbo nang marinig ko ang malakas na pagputok ng baril at ang pagdidilim ng aking paningin. .  .

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status