Share

Kabanata 1

Kabanata 1

Lost 

Mabibigat ang talukap ng aking mga mata nang magising. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan dahil tila sobrang bigat ng aking binti at tagiliran.

Isang ungol ang aking pinakawalan dahil sa makirot na sugat. Pinilit kong dumilat at tanging puting kisame lamang ang naaninag ko. "Patay na ba ako?" usal ko sa sarili.

Nilibot ko ang aking nanlalabong paningin sa may bandang gilid ng silid kung saan nakita ko ang side table na may nakapatong na basket ng prutas habang ang malaking kurtina na tumatakip sa tiyak kong bintana. May napansin rin akong isang malaking salamin sa may gilid na malapit sa  aking kama na tila isang two way mirror.

Lumunok ako ngunit ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Muli kong nilibot ang aking paningin, ako lamang ang tao sa loob at tinitiyak kong hindi biro ang halaga ng silid na ito kung saan ako dinala.

Agad na pumasok sa isip ko ang batang dinadala at mabilis 'yon kinapa sa aking sinapupunan. Kinagat ko nang mariin ang mga labi nang makaramdam ng kirot sa pagitan ang aking mga hita at puson.

Gayon din pumasok sa isip ko ang imahe ni Albert at ang mga tauhan ni Miguel na pinagtulungan akong patayin. Mas naging mariin ang pagkagat ko sa mga labi at tuluyan nang dumungaw ang mga luha sa mata.

"Mga hayop kayo!" mariin kong sinambit.

Ngunit paano ako napunta dito? Paano kung malaman ni Albert na buhay pa ako?! Hindi, kailangan kong makaalis agad dito.

Mabilis kong inalis ang oxygen mask na nakalagay sa'kin kahit pa nagdugo ang aking kamay nang hilahin ko ang dextrose ay hindi ko 'yon alintana.

Babangon na sana ako ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang dalawang babae na naka-uniform.

"Miss, saan ho kayo pupunta bawal pa ho kayong gumalaw, baka ho bumuka ang mga sugat n'yo." Pigil ng isang nurse sa'kin.

"No, hindi ako pwedeng magtagal dito. Kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon!" Muli akong nagpumiglas ngunit hinawakan nila ang aking magkabilang braso.

Doon naman may pumasok na isa pang tiyak kong nurse na may bitbit na munting lalagyan maya pa'y nilabas n'ya ang isang hiringgilya at bahagya pa 'yon pinitik bago itusok sa'kin.

"Hindi pa ho kayo pwedeng makalabas, miss!"

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa n'ya maya pa'y bigla akong nakaramdam ng matinding panghihina at pag-ikot ng aking paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Nagmulat akong muli at mabilis na umayos ng higa nang mapansin ko ang isang lalaking nakatayo sa may malaking bintana kung saan abot tanaw ng tingin ang buong siyudad dahil sa nagkikislapang ilaw ng mga building at sasakyan.

Sa tingin ko ay isa ito sa mga nurse dahil sa suot niyang puting damit. Hindi ko rin nakalimutang pasadahan ng tingin ang malapad niyang balikat at medyo way ngunit nasa ayos na buhok. Matangkad rin ito na sa tingin ko'y nasa 5'10 ang height.

Lumunok ako at binuka ang mga labi. "S-sino ka?"

Pansin kong umayos ito ng tayo matapos ay pumihit paharap sa'kin.

Muli akong lumunok nang magtama ang mga mata namin. His eyes is dark and serious, kulay tsokolate ito na binagayan ng matangos niyang ilong at hugis pusong mga labi. Bumagay rin dito ang hugis ng kaniyang mukha na sa pantaha ko'y bagong ahit kaya't pansin kong umigting ang panga niya bago magsalita.

"Mabuti't gising ka na,"  aniya sa mababang tinig matapos ay humakbang palapit sa'kin.

Mabilis naman akong nataranta at binayo ng kaba dahil sa tahasan niyang paglapit. Agad na nanariwa sa'kin ang mga nangyari ng gabi na 'yon. Ang gabi na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan.

"H-huwag kang lalapit! Sisigaw  ako!" Mabilis akong umatras at niyakap ang kumot upang iatakip sa sarili.

It's alright, hindi ako masamang tao, hindi kita sasaktan," aniya na itinaas pa ang dalawang palad bilang pagsuko.

Pansin ko ang stetoscope na nakasabit sa kaniyang leeg at balikat at ang name pin niya sa bandang gilid ng dibdib.

"Sino ka? Anong panagalan mo, bakit ako nandito?" Lakas loob ko muling tanong.

"I'm Dr. Wyatt Ramirez your attending physician." Dahan-dahan itong humakbang palapit sa'kin at bahagyang inaayos ang dextrose na nakasabit sa gilid ng aking kama bago muling yumuko sa'kin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" marahan niyang tanong.

Hindi ako sumagot mahigpit pa rin ang hawak ko sa kumot habang bakas malakas ang pagpintig ng puso dahil sa takot.

"Masyadong malalim ang natamo mong mga sugat sa may bandang hita, luckily daplis lang ang natamo mo sa 'yong tagiliran, pero. . ."

Tumaas muli ang tingin ko sa kanya na may pagtatanong.

"Unfortunately, hindi namin naligtas ang bata, I'm sorry," aniya sa mababang boses.

Doon na tumulo ang mga luha ko't sunod-sunod na umiling sa kanya. Gustohin ko man magwala ay tila wala na akong lakas pa. Tanging pag-iyak at hagulgol na lang ang tanging nagawa ko bago bumalik muli sa paghiga habang yakap nang mahigpit ang kumot.

"Mga hayop sila!" Hindi ko na napigilan pang sabihin.

Humikbi ako matapos ay tumingala dito nang maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking balikat.

"What happened to you?" aniya na tila handang makinig sa aking pinagdaanan.

Ngunit hindi ko magawang sumagot. Isa pa, sa tingin ko'y hindi tamang ibigay ko sa kanya ang mga impormasyon tungkol sa'kin kaya't sunod-sunod akong umiling dito.

"I saw you at the road that night. Papasok ako sa duty nang madaanan kitang nakahandusay sa gilid ng kalsada."

Muling umangat ang tingin ko sa kanya. Ibig pa lang sabihin ay siya ang nagligtas sa'kin? 

"Maraming tanong ang mga pulis tungkol sa insidente. Pero wala pa akong binibigay na statement sa kanila. Tell me, what is your name? What happened to you?"

Doon ako mabilis na kumapit sa kaniyang mga braso at pinilit na bumangon.

"Please, huwag mo akong ibibigay sa kanila. Huwag mo rin sasabihin sa kanila ang pangalan ko. S-sabihin mo patay na ako at hindi nakaligtas. . . Please!" Pagsusumamo ko.

Nakita kong kumunot ang kaniyang kilay dahil sa aking sinabi. Hindi ko narinig na sumagot ito kaya't mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa kaniyang mga braso. 

"Just tell me your name," he aksed under his breath. Matiim din ang mga titig niya sa'kin na tila gustong basahin ang tumatkbo sa aking isipan.  

Nangingilid ang mga luhang sumagot ako. "S-Serena." Pagsisinungaling ko matapos ko siyang bitiwan.

Dahan-dahan naman itong tumango at sa huli ay umayos ng tayo. "Mag-ra-round ang nurse mamaya para bigyan ka ng gamot. Pwede ka na rin kumain at kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang tawagan ako."

Tinuro n'ya ang intercom na nasa bandang kanan ng aking kama. Mabilis na rin itong umayos ng tayo at namulsa sa aking harapan.

"Sa ngayon kailangan mong magpalakas." Iyon lang ang huli niyang sinabi matapos simulang lumayo sa'kin ngunit mabilis kong hinawakan ang kaniyang braso upang pigilan.

"Pakiusap, huwag mo akong ibibigay sa kanila. Hindi nila pwedeng malaman na buhay pa ako!" Nangilid muli ang aking mga luha dahil sa takot.

Bumaba naman ang tingin niya sa aking kamay na nakakapit sa kaniyang braso. Hinawakan n'ya 'yon at bahagyang hinaplos.

"Titingnan ko ang magagawa ko. Dito ka lang sa silid at hintayin ang nurse na magra-round." 

Kahit hindi ako payag sa kaniyang sinabi ay tumango na lamang ako at tuluyan na siyang binitiwan.

Hanggang sa makasarado ang pinto ay tinatnaw ko pa itong palabas. Muli akong bumalik sa aking pagkakahiga at muli ay hinila ng antok. . . 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status