Share

Under The Same Moonlight
Under The Same Moonlight
Author: desantrix

Simula

SIMULA

“Invitation card?”

Sandali siyang natigilan habang inaayos ang magulo niyang buhok at damit. Hindi nakatakas sa kaniya ang mapang-uyam na tingin ng mga guwardiya.

Paano ba naman, kahit magdamit siya ng maayos, hindi maipagkakailang isa pa rin siyang dukha. Lalo nang mas malala na pawang basahan ngayon ang kaniyang itsura. Napakadungis. Kakagaling niya lang sa ospital at wala pa siyang tulog buhat ng ma-admit ang kaniyang Lolo Avelino. Gabi na ng nagkaoras siya sa pag-alis. Dumiretso talaga siya dito matapos marinig ang balita.

“Po?” tanong niya pagkaraan.

Tama pala talaga ang kaniyang kaibigan. Hindi siya makakapasok basta-basta.

“Invitation card, Miss. Kung wala po kayong invitation card, hindi po kayo makakapasok sa event. Atsaka, sigurado po ba kayo na bisita kayo…”

Hindi na maituloy ng guard ang tanong dahil sa pagtataka sa kaniyang anyo. Hindi talaga kapani-paniwala na bisita siya. Sa totoo lang ay pumunta lang siya rito para sa isang importanteng pakay.

“Uh… Wala po akong invitation card.”

“I’m sorry then, Miss. Hindi ka pwedeng pumasok kung hindi ka bisita.”

“Gusto ko lang po sanang makausap si Don Lorenzo Tanaleon—”

“Hindi pwede, Miss. Exclusive ang okasyong ito. Mahigpit na ibinilin sa amin na hindi pwedeng makapasok ang mga walang invitation card.”

“Kahit limang minuto lang. Kailangan ko talagang makausap ang Don. Sige na po,” desperada niyang pakiusap.

“Miss, huwag ka ng manggulo dito. Napakaraming mga importanteng bisita sa loob.”

“Sandali lang po. Mabilis lang talaga. Hindi naman po ako manggugulo.”

“Hindi nga pwede, Miss. Umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin ka pa namin.”

Nagtagis ang kaniyang ngipin sa narinig. Bakit ba napakamanhid ng mga guwardiyang ito? Hindi ba nila naisip na ito na talaga ang huli niyang pagkakataon upang maisalba niya ang kanilang komunidad?

Ipinangako niya sa sarili na kahit ano’ng mangyari ngayong gabi, kailangan niyang makausap si Don Lorenzo Tanaleon.

“Sige na po. Kung hindi niyo ako pagbibigyan ngayon, mas lalo pang lalala ang mangyayari bukas!” bunyag niya.

It’s true. Talagang malala pa ang mangyayari bukas. Narinig niya na susugod dito ang mga kasama niyang taga-baryo. Nakita niya rin ang mga itong naghanda ng mga itak at kung ano’ng patalim na kanilang gagamitin upang sumugod sa Casa Tanaleon. Alam niyang hindi nagbibiro ang mga ito.

Lalong-lalo na ang kaniyang tiyuhin na si Ernesto. Hindi niya ito mapipigilan dahil maprinsipyo at matigas itong tao. Gayundin ang iba pa nitong mga kasamahan. Galit na galit sila dahil sa balitang pagpapalayas sa kanila sa lupain ng mga Tanaleon.

She can’t imagine what might happen tomorrow. She needs to stop the storm before it happens.

Ayaw niyang may masaktan. Ayaw niyang makulong ang mga kasamahan niya dahil alam na alam niyang wala namang magagawa ang mga ito kahit na maghamon pa ang mga ito ng away laban sa mga Tanaleon. Walang laban ang mga patalim nila sa pera at kapangyarihan ng mga ito. Baka sila pa ang makulong. Paano na?

“Pinagbabantaan mo ba kami? Hindi uubra ang mga sinasabi mo, Miss.”

“Hindi po ako nagbibiro! Pakiusap! Kahit isang beses lang. Please. Kahit sa telepono lang. Tawagan niyo po para makausap ko si Don Lorenzo Tanaleon!” lumuhod na nga siya sa pagmamakaawa.

Her hands were clasped firmly while begging for a chance to talk with the old Don of Tanaleons.

Alam niyang wala siyang karapatan para humingi ng pabor sa Don. Sino ba naman siya? Isa lang rin siyang butil ng buhangin kumpara sa mga diyamante. Nanatili sa pinakalaylayan ng lipunan.

Ngunit ayaw niyang sumuko. Alam niyang busilak ang puso ng Don. Mabuti ang pakikitungo nito sa kaniyang Lolo Avelino. Ang sabi’y magkaibigan ang mga ito kaya hindi siya naniniwala na kaya sila nitong palayasin sa lugar kung saan matagal na silang naninirahan.

Hindi pwede iyon.

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Miss? Tumayo ka na diyan at huwag mag-eskandalo dito. Kami ang malalagot kapag may dumating na bisita. Baka isipin pa nilang may ginawa kaming masama sa’yo. Sumusunod lang naman kami sa utos.”

Hindi siya natinag sa kaniyang posisyon. Buo na ang kaniyang desisyon. Hindi siya aalis doon hangga’t hindi niya nakakausap ang matandang Don.

“Pakiusap. Kahit isang beses lang. Pagkatapos ay aalis na ako,” ulit pa niya.

“Alis na nga! Bakit ba ang kulit mo?”

“Isang beses nga lang! Bakit ba ayaw niyong makinig? Ang tigas din ng mga ulo niyo!” balik niya ring sigaw.

Sandaling natigilan ang mga guwardiya na para bang napagalitan sila ng kanilang mga nanay. Natigilan rin siya roon.

“Teka nga lang, sino ka ba para pagsabihan kami?! Amo ka ba namin, ha?!” anang isang guwardiya.

Napangiwi siya roon at kinalma ang sarili.

“Pasensiya na po. Bakit kasi ayaw niyo po akong pagbigyan?” nanlulumo niyang tanong.

“Sandali. Parang pamilyar ka.”

Mabilis siyang yumuko at pasimpleng kinutusan ang sarili.

“Uh… Masiyado po kasing ordinaryo ang mukha kaya baka—”

“Hindi! Kilala talaga kita. Ikaw si Maya, ‘di ba?”

Kinabahan siya roon. Paanong nakilala siya ng guwardiyang ito?

“Ngayon lang po ako nakatapak dito. Imposibleng kilala niyo ako.”

“Ikaw yung magnanakaw sa merkado!”

“Wala po akong ninakaw. Tapos na ang isyung ‘yon.”

Pagod na pagod na siya kapapaliwanag na hindi nga siya isang magnanakaw. Ngunit dahil sa nadungisan na ang kaniyang pangalan at masiyadong makitid ang utak ng mga tao, hindi pa rin mawala-wala ang nangyaring iyon.

“Alisin niyo na ‘yan. Baka magnakaw pa ‘yan sa mansiyon.”

“Hindi nga ako magnanakaw! Kailangan ko lang makausap ang Don!”

Tila walang narinig ang mga guwardiya sa kaniyang sinabi. Masiyadong judgmental ang mga tao. They will make a big deal to a small fault.

Kasalanan lahat iyon ng kaniyang tiyahing si Pepa, asawa ng kaniyang Tito Ernesto. Noon pa man ay mainit na ang dugo ng tiyahin sa kaniya. Ngunit hindi niya inaasahan na pati pambibintang na nagnakaw siya ng isda sa ibinibenta nito sa merkado ay gagawin din nito. Hayun tuloy at pawang isa na siyang virus na nilalayuan ng mga tao.

Napansin niya ang pagkataranta ng mga bantay habang nakatingin sa malayo. Bumaling siya doon at nakita ang liwanag ng paparating na sasakyan. Siguro’y may dumating na importanteng bisita kaya ganoon na lang ang kanilang pagkaaligaga.

“Bilis. Iyan na yata ang Mayor!” sigaw ng isa.

Sinenyasan ng punong tagapagbantay na maghanda para sa pagbukas ng gate. Ang isa naman ay lumapit sa kaniya at hinatak siya patayo. The guard dragged him away from the gates.

“Umalis ka na dito. Huwag ka nang umasa na makapasok sa mansiyon.”

Nanatili ang mapanghusgang tingin sa mga mata ng guwardiya. Siya nama’y nag-iisip ng maaari niyang gawin upang makapasok sa gate. Naningkit ang mga mata niya habang pabalik-balik ang tingin sa gate na may papasok na van at sa guwardiyang nakahawak sa kaniyang kamay.

“Oo na. Bitawan mo na ako! Aalis na ako,” aniya at doon na siya binitawan.

“Huwag ka ng bumalik dito kung ayaw mong ipakulong ka na—”

Malakas niyang itinulak ang guwardiya dahilan para matumba ito. Hindi agad ito nakabangon dahil sa pagkabigla.

She seized the chance to run towards the gate. Hindi siya napansin ng mga guwardiya dahil abala ang mga ito sa pagkausap sa driver.

Mabilis ang takbo niya papunta sa nakabukas na gate kung saan dumadaan ang mga sasakyan. Dahil sa iba nakatuon ang atensiyon ng mga guwardiyang nakabantay, sa gilid siya ng van dumaan upang malusutan ang tingin ng mga guwardiya.

Nagsisigaw na ang guwardiyang kaniyang naitulak habang tinuturo siya na nakapasok na sa gate. Tuloy-tuloy agad ang kaniyang pagtakbo ng makita ang mga gulat nitong ekspresiyon. Wala na siyang ibang maisip kundi ang tumakbo ng tumakbo.

Halos takasan siya ng kaluluwa ng lumingon at nakita na maraming nakasunod sa kaniya bitbit pa ang mga doberman na aso. Mas lalo pa niyang binilisan ang paghakbang habang nilalampasan ang mga pine trees sa gilid.

“Tigil! Tumigil ka! Trespassing!” sigaw ng mga guwardiyang humahabol.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya makita ang mansiyon. Kanina pa siya tumatakbo ngunit mga halaman lang ang nakikita niya sa paligid. Gayunpaman, binaybay niya lang ang sementadong daan dahil may nakikita siyang ilaw sa dulo no’n.

Sa wakas ay naaninag niya ang malaking fountain sa harap ng malawak at engrandeng mansiyon. Nakasisilaw ang mga party lights. Napakaraming tao sa paligid. Ang mga mamahaling kotse ay nasa malayong gilid.

Nahinuha niyang sa labas ginaganap ang pagdiriwang dahil mayroong malaking entablado sa harap, at maraming mga lamesa ang kaniyang nakikita.

Hinabol niya muna ang hininga nang sa tingin niya’y natakasan niya ang mga guwardiya. Paniguradong ayaw ng mga guwardiyang iyon na mag-eskandalo at gumawa ng gulo sa pagdiriwang. Takot ang mga iyong hulihin siya sa harap ng mga bisita. Isa iyong malaking kahihiyan sa mga Tanaleon.

Kung huhulihin man siya ng mga guwardiya, gagawin ng mga iyon na walang nakakapansin. Gagamitin niya ang pagkakataong iyon para makihalo sa mga bisita.

Inilibot niya ang tingin. As usual, ibang-iba ang party ng mga mayayaman. Gabundok ang mga pagkain sa lamesa ngunit hindi halos ginalaw. Halos ang lahat ay may kani-kanilang mundo.

Gracefully and elegantly talking in small groups. Mamahalin ang mga gowns at suits. May hawak na kopita ng bino sa kanilang mga kamay. Tipid kahit ang pagngiti.

If you’re not part of their society, you’re nothing to them. Wala silang pakialam. Mas importante sa kanila ang magtawanan, maglamangan ng yaman, at kung ano-ano pang sila lamang ang nakakaintindi.

She envies everyone in the party. Nakakainggit na wala silang pinoproblema. Nakakainggit na nagpapakalunod sila sa ganitong klaseng pagdiriwang habang sila ay kahit anumang oras ay mawawalan na ng matitirhan.

Sandali siyang nagulat ng biglang magpalakpakan ang mga tao. Napadako ang kaniyang mga mata malapit sa entablado at doon nakita ang Don. The old man is standing in front of the microphone while holding a glass of wine.

Paano niya ito malalapitan? May mga bodyguards ang Don na nakabantay lang sa gilid. Kahit saan rin ay mayroong guwardiya.

“Again, thank you everyone for coming tonight. Ang gabing ito ay para sa aking apo at sa kaniyang fiancée. Let’s give them around of applause!”

Nagpalakpakan muli ang mga tao. Nanatili ang kaniyang tingin sa stage kung saan tumayo ang magkasintahan.

Wala sa sariling napaismid siya nang makita ang walang-emosiyong mukha ni Lorenzo Tanaleon III. Ito lang yata ang hindi masaya sa selebrasyong ito.

Nakaangkla sa braso ng lalaki ang maganda at inosente nitong fiancée, si Valerie Huesca, anak ng pinakasikat na hotel business gurus. Todo ngiti ito sa nakasisilaw na flash ng mga camera.

Napasulyap siyang muli kay Lorenzo Tanaleon III. Hindi niya makalimutan ang nasaksihan niya limang taon na ang nakakaraan. The first time she saw him worsen her impression on boys.

She caught him kissing a girl near the pavilion. Imbes na mahiya ang lalaki dahil nahuli niya ang mga ito ay mas lalo pa nitong ipinagpatuloy ang ginagawa habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

That was a horrible thing she witnessed. Para itong manyak na nakikipaglandian sa iba habang nakatingin sa kaniya. Hanggang ngayon, naghuhumindig ang balahibo niya tuwing naaalala ang mga dila nito. Nakakadiri! And for Pete’s sake, she was just a student that time!

Kaya nga, hindi talaga siya naniniwala sa mga lalaki.

“Let us toast for the successful engagement of these two people! Cheers!”

Itinaas ng mga bisita ang kani-kanilang mga baso bago uminom. Napailing siya sa kaartehan ng pagdiriwang. Is this normal for an engagement party? Ganito ba talaga iyon?

Nagkislapan ang mga flash ng camera. Hindi niya rin maintindihan kung bakit napakaraming mga reporters at camera man. Mukhang malaking balita talaga ang pangyayaring ito.

Kung sabagay, sa oras na maging isa ang dalawang pamilya, sila na ang magiging pinakamakapangyarihan at pinakamaimpluwensiyang pamilya sa buong bayan. At sa buong bansa.

She sighed once again. Sinundan ng kaniyang tingin ang matandang Don na pabalik na muli sa upuan nito. Kating-kati na talaga ang mga paa niya para lumapit sa matanda ngunit imposible iyon dahil naririyan pa ang mga bantay.

Naulinigan niya ang isang guwardiya na pasimpleng tumitingin sa paligid. Agad siyang yumuko para hindi makita.

“A pleasant evening, everyone. Thank you for coming to my son’s engagement and her beloved fiancée…” pagsisimula ni Mrs. Ruella Tanaleon.

Hindi na niya nakuha ang mga sunod nitong sinabi ng muntik na naman siyang makakita ng isa pang guwardiya. She’s sure that they were quietly hunting her down. Maswerte na siya at walang interes ang mga bisita sa kaniya kundi doon sa nagsasalita sa stage.

“And now, please allow me to present to you as well the merging of our companies. Tonight, Tanaleon Empire and Huesca Hotel Corporation will be one!”

Nagpanting ang tenga niya sa biglang anunsiyo ni Mrs. Ruella Tanaleon. Para atang nabingi siya sa sinabi nito at sa hiyawan ng mga tao.

Totoo ba ang kaniyang narinig? Merging of companies? Ngayong gabi?!

Lalo lang lumala ang kaniyang kutob ng makita ang paglapit ni Señor Lorenzo Tanaleon II at Mr. Victor Huesca sa harap.

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ang situwasiyon. Kaya ba maraming reporters? Kaya ba ang daming kilalang personalidad?

Ayaw niyang aminin ngunit kung totoo ang kaniyang hinala, hindi lang ito isang ordinaryong engagement party. Hindi siya bobo para hindi iyon maintindihan. Ngayong gabi rin gaganapin ang pirmahan ng kompanya!

Sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Hindi pwede ito. Hindi pwedeng mangyari ito. Ang akala niya’y pagkatapos pa ng kasal bago ang merger agreement! Ano itong nangyayari ngayon? Masisira ang plano niya.

Magiging imposible ang lahat! Mapupunta sa wala ang pinagdaanan niya para lang makaapak sa Casa Tanaleon.

Sa oras na magpirmahan ang dalawang pinakamayamang pamilya tungkol sa merging of companies, katapusan naman iyon ng kanilang buhay.

Nanginginig ang kaniyang buong katawan ng makita na naghahanda na sa pagpirma ang dalawang pamilya. Nakangiti ang mga ito sa lahat ng mga tao na para bang wala silang pakialam. Habang siya ay halos sumabog na sa kaba at takot sa mga mangyayari.

Gulat siyang napaigik ng biglang may humawak sa kaniyang kamay. Ngayon niya lang naalala ang mga guwardiya. Nahuli siya ng isa sa mga ito.

“Bitawan mo ‘ko!” pagsisigaw niya.

Nagpumiglas siya sa mahigpit na hawak ng guwardiya. Ngunit walang bumaling sa kanilang direksiyon dahil natabunan ng malakas na palakpakan ang kaniyang sigaw.

This isn’t happening! She promised her lolo that no matter what happens, they will stay.

“Ang lakas ng loob mong pumasok dito! Magnanakaw ka talaga, ano?”

Ilang beses siyang napailing habang nakatingin sa stage. Ang mga mamahaling fountain pen ng mga ito ay malapit ng lumapat sa papel.

She shivered in so much frustration and hopelessness. What will she do?

Sa huling pagkakataon ay pinagana niya ang utak. Nag-isip siya ng pinakamabisang paraan para matigil ang seremonya.

She looked around and her eyes fixed on the stage. Ano ang dahilan kung bakit may company merger? Napaisip siya ng malalim habang nakatingin kay Lorenzo Tanaleon III at Valerie Huesca.

An idea suddenly hit her mind. Ngunit sa kabilang banda, ayaw niya ang ganoong kahihiyan. Ang planong kaniyang naiisip ay talagang delikado.

Nanginig muli ang kaniyang katawan ng mapatingin sa dalawang magkabilang panig na anumang oras ay sisira sa kanilang buhay.

Napapikit siyang muli at humugot ng malalim na hininga. Ang guwardiya ay patuloy pa rin sa paghila sa kaniyang kamay kaya naman kailangan niyang lakasan ang loob.

It’s now or never, Maya. Kung hindi mo magagawa ngayon, katapusan na ng buhay mo, ng lolo mo, ng mga tito at tita mo, ng mga kabaryo mo. You should do something than doing nothing at all!

Nang magmulat ang kaniyang mga mata ay bumwelo siya ng lakas. Pinilit niyang muling makatakas sa hawak ng guwardiya. Nang matagumpay na makatakas ay tumakbo siya sa gitna ng tumpukan ng mga bisita.

Wala na siyang pakialam kung may naitulak siya o nakabungguan. Ang mas mahalaga sa kaniya ay makapunta sa harap.

“Tigil! Itigil niyo ang lahat ng ‘to!”

Halos kapusan siya ng hininga sa malakas niyang sigaw. Inihanda niya ang sarili para sa kaniyang mga luha.

Gulat ang ekspresiyon ng lahat ng mga tao habang nakatingin sa kaniya na nasa harap. Marami ang nagbulungan at natuon sa kaniya ang camera ng mga media.

“I’m sorry. This is a misunderstanding,” ani Mrs. Ruella Tanaleon na may hawak na microphone. “What’s wrong, Miss?”

Nakita niya ang paghanda ng mga guwardiya sa gilid. Kinakabahan siya ng sobra. Parang gusto ng kumawala ng kaniyang puso sa nerbiyos ngunit hindi siya aalis na walang ginagawa. She will say it.

She will blurt out these lies to protect her family.

Mabilis ang kaniyang paghinga ng mapadako ang kaniyang tingin kay Lorenzo Tanaleon III.

“Hindi mo pwedeng gawin sa’kin ‘to. Hindi ka pwedeng magpakasal sa iba!”

Mas lalong umugong ang bulungan ng mga bisita. Gulong-gulo ang kanilang mga mukha liban kay Lorenzo Tanaleon III na parang hindi naman natinag sa mga pinagsasabi niya.

“I’m sorry, hija. What are you talking about? Nagkakamali ka lang yata?”

Galit na galit na si Mrs. Ruella Tanaleon ngunit nagtitimpi ang kaniyang tono. Si Don Lorenzo Tanaleon naman ay tahimik lang sa gilid kasama ang matandang Donya. Ang mga Huesca ay gulat at galit din sa kaniyang biglang pag-abala sa pirmahan.

“Buntis ako! Dinadala ko ang anak natin, Lorenzo Tanaleon III!”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
baobei
Hala! grabe ka Maya!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status