Share

Kabanata 1

7 HOURS AGO

They’ll never know.

How would they know? Hindi naman nila naranasan ang nararanasan niya. Hindi sila ang nasa kinalalagyan niya ngayon. Hindi sila ang naghihirap.

“G-general Hospital po, Doc?”

Malaking problema iyon. Hindi ito ang tamang panahon para magkasakit ang kaniyang lolo. Marami na silang inaalala at dumadagdag pa ngayon. Bigla na lamang bumigay ang katawan ng kaniyang lolo. Naghihirap na nga sila, mas lalo pang maghihirap.

“Yes, Ms. Aguilar. It’s better to transfer him to the General Hospital. Mas kumpleto sila sa equipments at manpower. Kung dito kasi ay mahihirapan talaga kami sa mga gagawing tests sa kaniya. Maselan ang kaniyang kondisyon. I really suggest to transfer him to the city.”

“Hindi po ba pwedeng resetahan niyo na lang po ng gamot ang lolo ko? Para naman po mabawasan ang pananakit ng ulo niya.”

“I’m afraid I can’t do that, Ms. Aguilar. Mabuti na'ng mas maingat tayo. Hindi pa man ako sigurado pero sa mga obserbasyon namin, may cancer ang lolo mo.”

Nanlumo siya sa narinig. Wala ng ibang paraan.

Ayos lang sana sa kaniya. Walang-wala iyon. Ayos lang kahit na magkano pa ang kanilang igagastos. Wala siyang pakialam doon kahit na gumapang pa siya para lang makahanap ng pera.

Ang ikinababahala niya lang ay ang kaniyang lolo. Matigas ang ulo nito at magpupumilit na umuwi na lang sila. Naiinis siya dahil napakanegatibo nito sa buhay.

Nang lumabas ang doktor ay agad siyang naupo sa gilid ng hospital bed. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kaniyang lolo.

“Ayos nga lang ako, apo. Pwede naman tayong umuwi na lang,” muling sabi ng kaniyang lolo.

“Hindi nga pwede, Lolo. Kailangan niyong magpagamot. Nahihirapan nga kayo kahit ang pagsasalita lang.”

“Napakamahal ng gamot, apo. Mas lalong mahal sa siyudad. Matanda na rin naman ako. Wala ring magagawa ang gamot na ‘yan sa’kin.”

“Huwag nga kayong magsalita ng ganiyan, Lolo. Huwag niyo ng isipin ang mga bayarin. Kung nag-aalala kayo sa laki ng gastos, mas dapat na magpalakas kayo at mabilis na magpagaling para makauwi agad tayo.”

“Naaawa lang ako sa’yo, apo. Nakadepende na lang ako palagi sa’yo. Hindi ka ba… napapagod? Dapat ay nagliliwaliw ka sa edad mong ‘to. Dapat ay naghahanap ka ng boypren. Pero nandito ka ngayon at ako pa rin ang inaalala mo.”

Tumawa lang siya sa sinabi ng kaniyang lolo. Wala na nga siyang panahon para sa sarili niya, idadagdag pa ang lovelife. Hindi iyon makakapagsalba sa kanila.

“Ikaw lang po ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay ko, Lolo. Kaya dapat na maging maayos kayo para huwag na akong mag-alala.”

Gusto niyang maiyak ngunit ayaw niyang ipakitang mahina siya sa harap ng kaniyang lolo. Ayaw niyang maramdaman nito na nahihirapan siya sa kanilang situwasiyon.

“Maraming salamat, apo. Simula ng mawala sina Mariano at Ayana, ikaw lang nagtiyaga sa akin ng ganito,” tukoy ng matanda sa kaniyang mga magulang.

“Tay, huwag niyo ng banggitin ang pangalan ng mga taong lumayas na,” biglang sulpot ni Pepa, ang kaniyang tiyahin na pinaglihi yata sa sama ng loob.

“Pepa…” saway ng kaniyang lolo.

“Totoo naman, lolo. Kaya lumayas si Tito Mariano dahil nagtanan si Tita Ayana sa mas maperang matanda.”

Natahimik siya sa sinabi ng pinsan niyang si Loisa. Ayaw niya mang aminin ngunit tama ito. Her mother left their house to marry an old rich man in Manila. Her father left home hurt because of what happened. Ang balita niya’y nag-abroad ito at may bagong pamilya. Aside from that, she had no idea where her parents are.

“Tsaka, nandito rin kami na nag-aalaga sa’yo, Tay. Nagtatiyaga rin kami sa’yo. Parang pinapalabas niyo na pinapabayaan ka namin. Ako na nga ang nagbayad ng bill mo rito sa ospital dahil alam kong hindi rin kayang bayaran ng isa diyan,” pagpaparinig ng kaniyang tiyahin.

Iniwasan niya ang mga nanghahamong tingin ng kaniyang tiyahin at pinsan. Kahit kailan talaga ay pinupuna ng mga ito ang lahat ng mga kamalian niya.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin makalimutan ang ginawang pambibintang ng mga ito tungkol sa pagnanakaw niya.

“Ako na po ang bibili ng pagkain, Tita.”

“Sus! May pera ka ba diyan? Hindi ka nga makabili ng damit. Wala ka ngang ambag sa bahay.”

Gusto niyang umirap ngunit pinigilan niya ang sarili. Nanunumbat pa talaga ito na wala siyang ambag sa bahay? Eh, hindi naman siya nakatira sa bahay nito. Doon nga lang siya natutulog sa kamalig.

Pumupunta lang siya sa bahay ng mga ito para tignan ang lolo niya. Tsaka, siya na nga ang naglalaba at naglilinis ng mga damit at gamit nila kahit hindi naman niya iyon responsibilidad. Para na nga siyang yaya na walang sweldo tapos siya pa ang lumalabas na masama.

“May pera po ako dito, Tita. Kaya ko pong bilhan ng pagkain si Lolo.”

“Talaga lang, ah?” nakataas at nanunuyang tugon ng kaniyang tiyahin.

“Feeling ko, Ma, iyong perang ibibili niya ay baka ninakaw niya rin,” komento ni Loisa.

“Hindi ako magnanakaw.”

“Pakunwari ka pa. Saan mo kinuha yung pera mo kung gano’n? Sa hacienda? Ang liit-liit ng sweldo niyo dun.”

“Pepa, huwag niyo ng awayin si Maya,” pagpigil ng kaniyang lolo. “Hindi magnanakaw ang apo ko.”

“Hindi naman namin siya inaaway, Tay. Nagsasabi lang ako ng totoo. Ako na nga ang ninakawan niya, ayaw niyo pang maniwala.”

“Oo nga, Lo. Nakita ko nga. Ninakaw niya yung benta ni Mama.”

Kumuyom ang kamao niya sa kasinungalingan ng mga ito.

“Talagang nakakahiya iyang apo niyong ‘yan. Graduate nga sa college pero magnanakaw. Agriculture lang naman tinapos niyan. Walang-kwenta! Nagwaldas lang ng pera at panahon. Kung sana lumuwas ‘yan ng Maynila at namasukan, edi sana mas malaki sweldo niyan. Dagdag palamunin lang sa bahay, wala namang ginawa.”

Naramdaman niya ang paghawak ng kaniyang lolo sa kaniyang kamay. Hudyat na kailangan niyang kalmahin ang sarili. Nanggagalaiti siya sa galit ngunit hinayaan niya lang din sa huli ang insulto ng kaniyang tiyahin at pinsan. Wala nga siyang magagawa.

“Ano na, Tay? Malala ba iyong sakit niyo? Ano’ng sinabi ng doktor? Sinabi ko naman sa inyo na huwag kayong magpapagod palagi. Ang tigas kasi ng ulo niyo.”

“Kailangan daw ma-transfer ni Lolo sa siyudad para magpa-test.”

“Ano?! Sa siyudad? Ang mahal-mahal do’n! Wala ngang pamasahe! Paano pa yung magpa-admit do’n!” reklamo ng kaniyang tiyahin.

Nakahawak ito sa ulo na parang problemadong-problemado sa kanilang situwasiyon.

“Hindi na nga ako pupunta sa siyudad. Ayos lang ako rito—”

“Lolo! Hindi nga pwede! Kailangan niyong ma-transfer para malaman natin kung ano talaga ang sakit niyo!” pagtutol niya.

“Ayaw naman pala ni, Tatay. Bakit ka pa nagpupumilit na dalhin siya sa ibang ospital?”

“Tita, gusto ko lang magamot si Lolo.”

“Ayaw niya nga. Mas mabuti iyon. Desisyon niya eh. Hindi na tayo gagastos.”

“Pero—”

“Bakit, may pambayad ka kung dadalhin siya do’n?”

Alam niyang wala siyang pambayad ngunit hindi siya susuko sa ganoong kadahilanan. Maraming paraan kapag gugustuhin.

“Maghahanap ako ng pera. Huwag kang mag-alala, Lo.”

Tumawa lang ang kaniyang tiyahin at pinsan na para bang may sinabi siyang nakakatawa.

“Apo, hindi na kailangan.”

“Promise po, Lolo. Ipapagamot ko kayo,” bulong niya rito habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng matanda.

“O siya. Kumain ka muna ng prutas na dala namin, Tay. Pagbabalatan ka ni Loisa.”

Sinadya pa siyang bungguin ng kaniyang pinsan at inagawan ng upuan sa tabi ng kaniyang lolo. Hinayaan niya lang ang mga m*****a.

Sa huli ay nagpaalam na siya upang bumili ng pagkain at iba pang necessities ng kaniyang lolo. Kung hindi siya aalis ay baka hindi niya mapigilan ang pagpatol sa mga ito. Pasalamat lang ang mga ito dahil may natitira pa siyang respeto at pasensiya.

UMUWI siya para bumalik sa trabaho. Hindi pa nga siya nakakaupo sa kawayang bangko ay biglang sumulpot ang kaniyang kaibigan. Tagaktak ang pawis nito na hinuha niya’y nagtabas na naman ng mga damo sa taniman ng mangga.

“Maya! Dali! Malaking problema!”

Problema na naman. Nagkakapatong-patong na yata ang mga problema nila.

“O, bakit?”

“Galit na galit sina Ka Pedring at Tito Ernesto! Bilis! Samahan mo ‘ko!”

Nagpatianod siya paghila ng kaibigan. May mas malala pa ba sa situwasiyon ng kaniyang lolo? Ano ba ang nangyayari?

“Ano ba kasing problema?” kuryoso niyang tanong.

“Hindi mo ba narinig? Saan ka ba nanggaling?! Halos magwala na lahat ng mga tao dito!”

“Binantayan ko si Lolo sa ospital.”

“Ano?! Naospital si Lolo Binong?!”

“Oo. Bigla kasing nahimatay habang nagsisibak ng kahoy.”

“Diyos ko! Malaking problema talaga ‘to, Maya!”

“Bakit? Ano ba kasing nangyayari? Sabihin mo na kasi.”

Bago pa makapagsalita ang kaniyang kaibigan ay nakarating sila sa lugar kung saan sila laging nagpupulong. Pawa siyang nabingi sa sigawan at reklamo ng mga kasamahan nilang nagtatrabaho sa hacienda.

“Matagal na tayo dito! Wala silang karapatan na palayasin tayo!”

“Porke’t mayayaman sila, kaya na nila tayong itsapuwera!”

“Pwe! Traidor si Don Lorenzo! Sinabi niyang libre tayong tumira dito. Pero ano ito ngayon?! Palalayasin din pala tayo para sa walang kwentang hotel na ‘yan!”

Pinagtagpi-tagpi niya ang mga sinasabi ng kasamahan. Hindi siya makapaniwala ngunit kung tama ang pagkakaintindi niya, palalayasin sila sa lupa ng mga Tanaleon!

“Ano’ng mangyayari sa’tin, Maya? Wala na tayong matitirhan!” naiiyak na tanong ng kaniyang kaibigan.

“Kumalma ka, Rosell. Baka nagkamali lang tayo. Saan niyo ba narinig ang balitang ‘yan?”

“Totoo talaga ‘to, Maya! May pumunta kanina ritong mga attorney at engineer. Akala namin noong una, ay bumibisita lang sila. Pero nagsimula silang nagsukat ng lupa. Doon na kami kinutuban.”

“Imposible ‘to, Rosell. Nangako si Don Lorenzo na pwede tayong tumira sa lupa nila.”

“Naniniwala ka pa sa matandang ‘yon? Halos magkapatayan na sila kanina ng mga tauhan ng Don habang nagtatalo tungkol sa bagay na ‘yan! Wala talagang pakialam ang matandang ‘yon sa’tin. Umasa lang tayo sa salita niya. Wala tayong magagawa dahil nagbago ang ihip ng hangin.”

Nanlumo siya sa narinig. Kung totoo nga ang lahat ng ito, kawawa silang lahat.

Sumasakit ang ulo niya kakaisip ng mga mangyayari sa kanila. Gayundin sa iba pang mga nakatira roon, kalimitan ay mga kapwa niyang magsasaka.

Saan sila pupulutin ng kaniyang lolo? Sa Hacienda Tanaleon na siya lumaki at nagkamulat. Napakasakit isipin kung lilisanin nila ang tahanan kung saan nanatili ang memorya niya sa kaniyang Lola Esmeralda.

Mas lalo na sa lolo niya. Triple pa ang mararamdaman nitong kalungkutan. Buong buhay nito ay doon ito nakatira. Even their ancestors way back then.

Hindi maaaring palayasin sila roon. May sakit ang kaniyang lolo. Hindi pa man kinukumpirma ng doktor ngunit sigurado siyang malala na ito dahil nakita niya ang paghihirap ng matanda.

Isa lang naman ang tanging kahilingan niya— ang manatili ang kaniyang lolo nang may kapayapaan sa lugar kung saan ito napamahal at nagkaroon ng buhay.

Ayaw niyang madagdagan ang stress ng kaniyang lolo.

“Magsitahimik!” sigaw ng kaniyang Tito Ernesto. “Wala tayong makukuhang solusyon kung hindi natin ‘to pag-iisipan ng maigi.”

“Tama ka, Ernesto. Hindi niyo ba nakikita na unti-unti tayong nabubuwag dahil sa kagagawan ng mga taong iyon?!”

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Ka Pedring.

“Makinig kayong lahat! Matagal na tayo rito. Mas matagal pa sa mga Tanaleon! Kaya ano’ng karapatan nila para palayasin tayo?! Wala silang karapatan!”

Napailing siya sa mga salita ng kaniyang tiyuhin. Hindi tama na himukin ang kanilang kasamahan na kontrahin ang mga Tanaleon.

Tama nga ito sa sinabing nauna silang naninirahan sa lupain ngunit matagal na rin ng ibinenta nila ito sa mga Tanaleon. Maswerte na nga sila na pumayag ang Don na manatili sila doon.

If facts and law were to use against them, they’ll loose. This fight is not for them. Magiging malala lang ang lahat kapag ipapairal nila ang mga galit.

“Ang matandang iyon ay niloko tayo! Wala siyang isang salita. Huwag nating hayaang apihin lang tayo at itapon ng ganito na lang! Hindi niya tayo kayang palayasin dito! Lalaban tayo kung kinakailangan!”

“LABAN!”

ALIGAGA si Maya habang naglalakad pabalik-balik. Natapos na ang pagpupulong ng mga kapwa magsasaka. Kakausapin niya ang tiyuhin tungkol sa mga sinabi nito. Kukumbinsihin niya ang mga ito na itigil ang anumang karahasan.

“Maya, saan ka pupunta?”

“Hahanapin ko si Tito Ernesto. Hindi pwede ang binabalak nila.”

“Wala kang magagawa dun, Maya. Nakita mo kung gaano sila kagalit? Walang makakapigil sa kanila.”

“Pero, Rosell. Hindi naman pwedeng wala akong gawin. Ano’ng laban nila kung sakaling sumugod nga sila? Tingin mo ba ay masosolusyunan nila ‘to kung magpadalos-dalos sila?”

“Tama ka naman diyan pero wala tayong magagawa, Maya. Tsaka, ang dami mo ng problema. Huwag ka ng makialam. Nasasangkot ka palagi sa gulo.”

“Kaya nga, Rosell. Kailangan kong makialam dahil problema ko rin ‘to. Ayokong malaman ni Lolo ang nangyari. Malulungkot siya.”

“Kasalanan talaga ng five star hotel na ‘yan! Nakayanan nila tayong palayasin ng ganito at sisirain pa nila ang mga tirahan natin!”

It’s cruel. Hindi niya maisip na mabubura lahat ng mga kabahayan nila at mga puno ng mangga na matagal na nilang inaalagaan. Mawawalan sila ng trabaho, mawawala sa kanila ang lahat. Habang ang mga mayayamang iyon ay mas nagpapayaman at nagpapalawak ng negosyo.

Malalim na napabuntong-hininga ang kaniyang kaibigan.

“Ano na ang plano mo ngayon?”

“Kakausapin ko si Don Lorenzo.”

“Paano, Maya? Bantay-sarado iyong mansiyon nila. Hindi ka makakapasok ng basta-basta dun. At saka, kahit na makapasok ka man, sa tingin mo ba ay may makikinig sa’yo? Nakita mo naman na ganito na ang ginagawa nila sa’tin.”

“Pero, kailangan kong subukan. Hindi ako naniniwala na tatalikuran lang tayo ng Don ng ganito kadali.”

“People change, Maya. Tingin mo ba talaga ay mabait ang matandang ‘yon? Ibang-iba ang estado nila sa atin! Kayang-kaya nila tayong balewalain. Dahil wala naman tayong halaga sa kanila.”

Napaupo siya sa bangko. Bakit palaging may punto ang sinasabi ng kaniyang kaibigan? Gayunpaman, ayaw niyang tuluyang sumuko. Kung may paraan pa naman ay gagawin niya.

There’s nothing wrong in trying.

“Gusto mo bang tawagan natin si Kael?” tukoy nito sa kaibigan nilang abogado.

“Huwag na, Rosell. Aabalahin mo pa yung tao. Ayokong madamay pa siya rito.”

Naalala niya na naman ang maraming beses na pagtulong nito sa kaniya. Nitong huli lang ay tinulungan din siya nito tungkol sa pagnanakaw ‘kuno’ niya. Malaki na ang utang na loob niya sa lalaki. Ayaw na niyang dagdagan pa.

“Pero, paniguradong tutulong ‘yon. Isang tawag ko lang na may problema ka, dadating agad ‘yon.”

Napakunot ang kaniyang noo sa makahulugang sinabi ni Rosell. Alam na alam niya ang pinaparating nito.

“Huwag na nga. May sariling trabaho yung tao. Ang problema natin, sa atin lang yun.”

“Sigurado ka ba diyan?”

Natigilan sila pareho nang tumunog ang kaniyang cellphone. Napailing siya nang makita ang tumatawag.

“Si Kael ‘yan, ‘no? Ganda ng timing. Mukhang na-sense niya yatang may problema ka kaya tumatawag,” nakangising sabi ni Rosell.

Ilang segundo pa bago niya sinagot ang tawag nito. Bakit ba nagpaparamdam ito sa tamang oras.

“Hello?”

“Ang tagal mong nakasagot. Ano’ng nangyari? Kanina pa ako tumatawag.”

Ang bilis lumipad ng balita. Nalaman niya kaagad ang nangyari sa hacienda? Napatingin siya sa kaniyang kaibigan. Suspetya niya ay ito ang nagbalita kay Kael.

“Ano? Wala akong sinabi! Promise!” pagtanggi agad ni Rosell na para bang alam na nito ang tinging kaniyang ipinupukol.

“Huwag kang mag-alala. Ayos lang kami. Huwag mo ng problemahin.”

“Ano’ng huwag problemahin, Maya? Na-ospital si Lolo Binong! Kung hindi pa tumawag si Loisa, hindi mo pa sasabihin sa’kin?”

Loisa! Ang pinsan niyang iyon pala ang nagtsismis. Akala niya’y ang tungkol sa hacienda ang sasabihin nito, iyon pala ay ang sa pagkakaospital ng kaniyang lolo.

“Hindi na ako nakatawag. Masiyado kasing mabilis ang pangyayari. Tapos ay naging abala na ako sa pag-alaga kay Lolo kaya nakalimutan ko.”

Sandaling natahimik ang kabilang linya. Pangiti-ngiti naman si Rosell habang nakatingin sa kaniya.

“Ayos ka lang?”

Hindi siya okay. Paano siya magiging maayos sa panahong ito? Sunod-sunod na ang mga problema niya. Pero hindi niya iyon sasabihin kay Mikael. Alam niya ang ugali nito, gayundin ang mga kilos nito. Ramdam niya ngunit ayaw niyang bigyan ng kahulugan. Wala siyang interes at panahon para sa ganoong bagay.

“Oo. Huwag kang mag-alala.”

“Kamusta naman si Lolo Binong? Ayos na ba? May kailangang gamot?”

“Hindi pa namin alam, Kael. Kailangan pa siyang i-transfer sa General Hospital.”

“Ganun ba? Ako na ang bahala diyan, Maya. Huwag mo ng masiyadong alalahanin. Magpahinga ka na lang.”

“Ha? Hindi. Ayos lang. May pera naman ako dito. Kaya ko naman.”

“Huwag ng matigas ang ulo, Maya. Naibigay ko na kay Tita Pepa ang bayad sa ospital.”

Napamura siya sa kaniyang isip ng mapagtanto na kaya pala ang yabang-yabang ng tiyahin niya kanina nang sinabi nitong binayaran na niya ang bill sa ospital. Sigurado siyang hinuthutan na naman ng mga ito si Kael.

“Babayaran kita kapag nagkapera na ako.”

“Sinabi ko ng huwag mo ng alalahanin ang tungkol sa babayaran niyo. Mas mahalaga na magamot ang lolo mo.”

Hindi na siya kumontra pa. There’s no point arguing with him. Kael will still insist on helping whatever disapproval she’ll say.

“Ano’ng sabi? Binayaran niya yung pagpapaospital kay Lolo Binong?” agad na tanong ni Rosell nang maibaba niya ang tawag.

“Ano pa? Kilala mo yun. Nakikialam sa hindi niya problema.”

“Parehos lang din naman kayo. Sarap niyong pag-untugin sa ulo. Bakit hindi na lang kayo magpakasal?”

Pinandilatan niya ang kaibigan. Ano’ng kasal? Ni hindi nga sila magkasintahan. Wala namang sinasabi si Kael.

“Hindi ko gusto ‘yang sinasabi mo, Rosell.”

“Oo na. Parang hindi na mabiro. Alam ko namang allergic ka sa mga lalaki at malaki ang trust issues mo. Pero, bakit hindi mo subukan kay Kael? Mabait naman yung tao, may disenteng trabaho, gwapo, at matalino. Higit sa lahat, gusto ka niya.”

“Ayoko nga, Rosell. Ikaw na lang ang magpakasal sa kaniya kung gusto mo.”

“Hala siya. Bakit ako? May boyfriend na ‘ko.”

“Yung boyfriend mong manloloko. Bakit ba palagi mo na lang ‘yan pinapatawad? Paulit-ulit na lang ‘yang ginagawa niya sa’yo.”

“Hayaan mo na kasi yung lovelife ko. Hindi mo nga mahanapan ‘yang sarili mo, eh.”

Inirapan niya ito. That’s not important right now. Ayos lang na hindi niya maalagaan ang sarili basta’t maprotektahan niya ang mga mahal sa buhay.

“Nga pala, Maya. Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Kailan mo kakausapin ang Don?”

“Mamayang gabi.”

“Mamayang gabi?! Hindi ba’t engagement party mamaya ng apo ng Don? Sigurado ka bang ngayong gabi mo siya kakausapin?”

Oo nga pala. Ngayon niya lang naalala ang tungkol sa engagement party.

“Ikaw na rin ang nagsabi, Rosell. Hindi ko mapapakiusapan sina Tito Ernesto. Nakita mo naman ang mga patalim nila. Hindi sila magdadalawang isip sa gagawin. Kung tama ang hinala ko, bukas na bukas ay susugod agad sila.”

Sabay silang napabuntong-hininga ng kaibigan. Wala na talagang ibang paraan.

“Gusto mo bang samahan kita?”

“Huwag na. Ayokong madamay ka.”

“Paano ka naman?”

“Ako na ang bahala, Rosell. Kayang-kaya ko ang sarili ko.”

Kahit ano mang mangyari mamayang gabi, sisuguraduhin niyang masosolusyunan niya iyon bago pa magwala ang mga kasamahan niya. Papakiusapan niya si Don Lorenzo Tanaleon.

That’s the only way they’ll survive.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
baobei
Nakakainis yung tita at pinsan niya...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status