Share

Kabanata 4

MARRIAGE PROPOSAL

“One year?!” sigaw ni Rosell.

Ikinuwento ni Maya ang lahat simula noong nangyari sa engagement party, ang pagdala sa kaniya sa ospital, ang pagiging buntis “kuno” niya, at ang marriage proposal ni Lorenzo Tanaleon III.

“Hinaan mo nga ang boses mo. Baka magising si Lolo.”

Napalinga si Maya sa kaniyang lolo na mahimbing na natutulog sa hospital bed nito.

“Ang kapal talaga ng mukha ng Lorenzo na ‘yan! Sinasabi ko sa’yo, Maya. Huwag na huwag kang pipirma sa marriage contract na ‘yan! Hindi ako papayag.”

“Hindi naman ako pumayag, Rosell. Hindi ako pumirma at hindi ko pipirmahan.”

“Eh, ano ‘yan? Bakit mo pa dinala ang marriage contract na ‘to kung hindi mo naman pipirmahan? Nagdadalawang-isip ka pa?”

Natigilan si Maya sa tanong ng kaibigan. Ayaw niya mang aminin ngunit may isang bahagi ng kaniyang isipan na gustong ikonsidera ang mga benepisyong maaari niyang makuha kung sakaling pumayag siya sa proposal ni Lorenzo Tanaleon III.

“Iniisip ko lang naman, Rosell. Kasi sabi niya, tutulungan niya tayo,” sa mahinang boses niyang sabi.

“Naku, Maya! Hindi mo ba ako narinig kanina? Ininsulto ako ng kaibigan niya. Binayaran pa ako para lang palayuin ka sa lalaking iyon. Ikakasal na siya, Maya! Huwag mo ng palalain pa lalo ang ginawa mong gulo. Sa oras na malaman ‘to ng lahat, hindi lang ikaw ang malalagot. Tayong lahat ang malalagot!”

“Kaya nga, Rosell. Natatakot din akong madamay kayo. Pero iyong balita kanina. Hindi ba’t nakatulong ‘yon sa atin?”

Tinutukoy niya ang balitang kinansela pansamantala ang kasunduan ng Tanaleon at Huesca tungkol sa pagpapatayo ng five star hotel sa kanilang lugar.

Tama nga rin ang hinala niya, binalita na may baliw na babaeng sumira ng engagement party ngunit hindi sinabi ang detalye, gayundin ang kaniyang pangalan. Sa dinami-dami ng mga kuhang litrato sa kaniya ng gabing iyon ay walang lumabas sa publiko.

Sigurado siyang dahil sa impluwensiya ng Tanaleon at Huesca ay nakontrol nila ang media na gawan sila ng anumang eskandalo.

“Isipin mo, Rosell. Hindi na sumugod sina Tito Ernesto at Ka Pedring sa mga Tanaleon. Napigilan nating magkagulo sila.”

“Huwag mong gamitin sa’kin ang rason na ‘yan. Tama na ang lahat ng iyon. Tapos na. Pakiusap naman, Maya. Ikaw ang kawawa kapag pumayag ka.”

“Alam ko naman ‘yon, Rosell.”

Napabuntong-hininga si Rosell. Kanina pa ito naha-high blood pagkatapos nilang umalis sa mamahaling ospital. Mabuti na lang at tinawagan niya ang kaibigan at doon na sila nagkita. Ngunit sa pagkakataong iyon ay wala na si Lorenzo Tanaleon III.

“Ibang-iba ang estado nila sa’tin, Maya. Hampas-lupa lang tayo sa paningin nila. Kaya bakit sa dinami-dami ng babae diyan, bakit ikaw pa ang pinili niya? Dahil iniisip niyang madali ka lang mauto. Tingin niya’y pera lang ang katapat mo. Naiintindihan mo ba ako, Maya?”

Napatitig si Maya sa marriage contract. Nakakainsulto nga ang dating ng dokumentong iyon. Hindi niya rin sana iyon dadalhin ngunit nagpumilit si Lorenzo Tanaleon III. Ngayon ay mas lalo siyang naguguluhan.

“Isa lang ‘yang kabaliwan, Maya. Akala ko ba’y hindi ka magpapakasal hangga’t hindi ka sigurado?”

Hinding-hindi mag-iiba ang kaniyang prinsipyo. Hindi siya ganoong babae. Ngunit sa kabilang banda, hindi lamang siya ang sangkot dito.

Napatingin siyang muli sa kaniyang lolo.

“Sinabi niyang mapapagamot niya raw si Lolo.”

Napahawak sa kaniyang sentido si Rosell. Alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang lolo at alam din nito na ang lolo niya lang ang kaniyang lakas at kahinaan. Wala na siyang ibang mahihiling pa kundi ang gumaling ito.

“Huwag tayong magpadalos-dalos, Maya. Hindi mo ba napapansin na unti-unti ng kinokontrol ng mga mayayaman na 'yon ang buhay mo? Pipikutin ka lang ng Lorenzo na ‘yon. Ako itong natatakot para sa’yo.”

“Natatakot din ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, Rosell.”

Nais niyang mapaiyak ngunit pinigilan niya ang sarili. Sumasakit lang lalo ang ulo niya.

“Tatawagan ko si Kael.”

Napatingin agad siya sa kaibigan. Ayaw niyang ipaalam ito kay Kael.

“Huwag na, Rosell. Ang dami-dami na ng utang ko sa kaniya. Mas lalo lang akong nababaon. Tsaka, wala siyang kinalaman sa problema natin.”

“Iyan ang problema sa’yo. Panay ang reklamo mo pero ayaw mo namang may tumutulong sa’yo. Ang taas ng pride mo kasi. Ano na’ng gagawin mo ngayon, aber?”

Tama ang kaniyang kaibigan. Mataas nga ang pride niya kaya masiyado siyang maprinsipyo. Pinakaayaw niya ang humingi ng tulong lalo na sa mga taong kilala niya.

“Uutang na lang ako kay Simon.”

Nanlaki ang mga mata ni Rosell.

“Maya! Nababaliw ka na ba?!”

“Hinaan mo nga ang boses mo—”

“Paano ko naman hihinaan ang boses ko?! Napakatuso ng buwayang ‘yon! At ilegal ang pagpapautang niya, Maya! Triple pa ‘yong interes! Hindi mo kaya ‘yon!”

“Papakiusapan ko na lang. Alam mo naman na—”

“Maya!” sigaw ni Rosell bago siya hinampas sa balikat. “Kung ganito lang pala ang plano mo, sana tinanggap ko na lang ‘yong tseke ng hambog na doktor na ‘yon!”

Napailing siya sa reaksiyon ng kaibigan. Alam niya kung bakit ayaw nito ang ideyang mangutang kay Simon.

“Walang mangyayari sa’kin. Huwag kang mag-alala.”

“Paanong hindi ako mag-aalala, Maya? Kulang na lang ay maglaway yun sa’yo. Naku! Hindi ko talaga gusto ang tingin at hawak nun sa’yo. Kinikilabutan ako.”

“Samahan mo ako kung gano’n.”

“Sasama talaga ako kahit hindi mo pa sabihin. Kailan mo planong pumunta?”

“Ngayong gabi.”

“Naku! Kung hindi lang kita kaibigan, iiwan talaga kita.”

Tumango lang siya kay Rosell. Sa ngayon, ito ang plano niya. Ipapagamot niya ang kaniyang lolo para hindi na niya maisipang pumayag sa alok ng Lorenzo na iyon. Hindi siya pwedeng gipitin sa oras na ito.

HE SIPPED his wine while staring outside the window. As he rested his back on his chair, his grandfather’s voice instilled in his mind.

“Kung hindi mo ako susundin, expect that I will never hand you the company.”

“Lolo— I mean, Chairman. You’re joking, aren’t you? I’m your only grandson.”

“I never make jokes, Mr. Lorenzo. Sa kompanya ko, hindi basehan kahit apo pa kita.”

“Why are you doing this to me, Chairman Tanaleon? Naniniwala talaga kayo na nabuntis ko ang babaeng ‘yon?”

“Mr. Lorenzo, how could I entrust you the company kung sa ganitong isyu lang ay hindi mo pa magawang masolusyunan?”

“Of course. I could think of other ways, Chairman. Pero ang pakasalan ang babaeng iyon, I can’t do that.”

“Buo na ang desisyon ko, Mr. Lorenzo. The board meeting is in five days. I hope you'll think about it.”

“Fuck!” singhal niya bago tinapon sa kung saan ang kaniyang wineglass.

Ayaw niya talagang pakasalan ang babaeng iyon. Ngunit dahil sa lolo niya, kailangan niyang gawin. Hindi niya maintindihan kung bakit naniwala ito sa kasinungalingang iyon. Gayundin ang kaniyang lola.

Hayun tuloy at kailangan niya pang bayaran si Dr. Fuentes para lang baguhin ang resulta. Kailangan niyang kunin ang tiwala, hindi lamang ng kaniyang lolo’t lola kundi pati na rin ni Mariyanna Aguilar. Ang babae lang ang susi niya para makuha niya ang kompanya at ang kaniyang mana.

He even made the marriage contract without the knowledge of his grandfather. Ayaw niyang maging problema si Mariyanna Aguilar sa oras na kukuha siya ng divorce. He doesn’t want to be taken advantage as he knows how sly that girl is. Hindi man mukhang pera ang babae, but who knows what will happen in the future? Money can change everyone.

Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Where did it all go wrong? Where did it started? Karma niya ba ito kaya sunod-sunod ang kaniyang problema?

Tumunog ang kaniyang telepono.

“Excuse me, Sir Enzo. Nandito po si Señor Lorenzo. Gusto po kayong makausap,” report ng kaniyang secretary.

His head throb in annoyance and frustration. Ano’ng ginagawa niya ngayon dito? Ano na naman ang kailangan niya?

“Papasukin mo.”

Napatayo siya sa kaniyang swivel chair. Siya namang pagdating ng kaniyang ama na galit na galit na naman ang mukha.

“What did I hear, Lorenzo? Papakasalan mo ang hampas-lupang iyon?!”

“You just came here to ask that?” walang-emosiyong tugon niya.

“Wala ka na talagang modo! Wala kang respeto sa akin!”

Napangisi siya sa sinabi nito. Bakit nakakatawa ang sinabi nito?

“Wala ka ring respeto sa’kin. So why do I have to respect you—”

Isang malakas na sampal ang natikman niya mula sa kaniyang ama. Agad niyang pinahid ng kamay ang gilid ng kaniyang labi na dumugo. He’s used to this. Sanay na sanay na siya para hindi maramdaman ang sakit.

“You ungrateful, bastard! You ruined my plan! My billions slept away just like that! It's all because of your stupidity!”

Napailing siyang muli sa sinabi nito.

“Kung wala na kayong sasabihin, lumabas na kayo sa office ko.”

“You!”

“If you badly want that billion dollar project, bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa mga Huesca? Isn’t that what you want to happen?”

“Lorenzo Tanaleon III!”

“Get out now or I’ll make my men drag you out.”

“Wala ka talagang kwenta! Tandaan mo, sa oras na malaman kong ikakansela ni Papa ang project sa mga Huesca, ikaw ang pagbabayarin ko ng lahat!”

“Get out.”

“Aalis ako! You stay on your crappy office!”

Nang lumabas ang kaniyang ama ay napasuntok siya sa kaniyang mesa. Ang lahat ng makuha niya sa ibabaw nito ay pinagtatapon niya sa kung saang parte sa loob ng kaniyang opisina. Ginulo niya rin ang kaniyang buhok.

Gosh. He really needs to control his temperament. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang galit niya.

“Sir Enzo, may— Sir! Ano pong nangyari?” gulat na tanong ni Gilbert nang makita ang magulo niyang office.

“Nevermind. What’s your report?”

“Uh…”

Nagdadalawang-isip pa si Gilbert kung uunahin ba nitong sasabihin ang report o aayusin muna ang nagulong opisina.

“Just spit it out, Gilbert. Don’t waste my time.”

Napakamot naman sa ulo si Gilbert bago nagdesisyong magsalita.

“Ito po ang update kay Ms. Aguilar ayon sa mga tao natin,” aniya sabay lahad ng tablet. “Pumunta po siya kaninang umaga sa ospital kung saan naka-admit ang kaniyang lolo. Kasama niya po ang kaibigan na si Ms. Dormitorio.”

“Okay. Good job. Continue to monitor her,” he said as he scrolled through the pictures.

Maaasahan talaga ang kaniyang mga tauhan. Kailangan niyang malaman ang bawat galaw ni Mariyanna Aguilar. Gayundin ang proteksyonan ito sa kung sino mang umatake sa dalaga. Alam niya kasing marami ang magagalit dito katulad na lang noong nangyaring pagsugod ng modelong si Elyse sa ospital.

Hindi maaaring masaktan si Mariyanna Aguilar. Kailangan niya ito upang matupad ang utos ng kaniyang lolo.

“Uh… Sir. Sa tingin niyo po ba, papayag si Ms. Aguilar sa proposal ninyo? Mukhang matigas po ang ulo niya.”

“Don’t worry about that, Gilbert. Susuko din ang babaeng ‘yon. She doesn’t have a choice,” he stated confidently.

“Uh, Sir. Sinabi rin po ng mga tauhan natin na umalis din daw agad sina Ms. Aguilar at Ms. Dormitorio. Mukhang may importante silang pupuntahan.”

“Where?”

“Sa Simon’s po, Sir Enzo.”

“And what is that place?”

“Isa pong bar sa bayan.”

Natigilan naman siya. Si Mariyanna Aguilar ay mahilig sa bar? Ano’ng gagawin niya doon? Hindi niya naisip na ang maliit na babaeng iyon ay marunong din sa night life. Mukha kasing itong magsasaka.

“Okay. Report to me immediately if she’s doing something suspicious. And give me more information about that bar.”

“Yes, Sir.”

Inilahad niya pabalik ang tablet ngunit hindi pa rin umaalis si Gilbert. Takha niya naman itong tinignan.

“What else do you want to say, Gilbert?”

“Ah, Sir. Tumawag po kasi sa’kin si Dr. Vester kasi hindi niya po kayo ma-contact.”

He sighed. Mukhang alam na niya kung saan patungo ang usapang ito.

“Si Ms. Valerie po kasi, buong araw na nasa condo ninyo. Ayaw daw umuwi. Ipapasundo ba natin, Sir?”

“No need. Let them deal with their family affairs.”

“Pero, Sir. Lasing na lasing daw si Ms. Valerie. Baka mapa’no po siya.”

“Let her. Just get out, Gilbert.”

“Okay po, Sir.”

Napapikit siya sa sobrang galit. Kung katulad lang ito noon, he won’t hesitate to check on her. But everything has changed.

He’s not sure if it is still within his responsibility. Given all those pain and betrayals she inflicted in him, he’s not sure.

PAGKABABA sa tricycle ay buong tapang na naglakad si Maya. Madilim na ang buong paligid at nakasisilaw naman ang ilaw na nagmumula sa loob ng bar.

“Maya, sandali nga lang. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” tanong ni Rosell.

“Ilang beses mo na ba ‘yang tinanong, Rosell? Nandito na tayo. Wala ng atrasan.”

Dumiretso na agad siya sa harap ng bar kung saan may dalawang naglalakihang bouncer ang nakatayo. Lalagpas na sana sila nang pigilan sila ng mga ito.

“Hindi po kayo pwede dito, Ma’am.”

“Bakit? Hindi naman kami mga menor de edad,” sagot niya.

“Sinusunod po namin ang patakaran dito, Ma’am. High-end po ang bar namin. Hindi po kayong pwedeng pumasok na ganiyan ang suot. Mabubulabog po ang ibang mga bisita.”

Nagkatinginan silang dalawa ni Rosell. Ano namang problema sa damit nila? Hindi ba pwede ang simpleng t-shirt at pants dito?

“Gusto ko lang makausap si Simon. Sabihin niyong gusto siyang makausap ni Maya. Kilala niya ako.”

“Ah! Ikaw pala si Maya. Sige po, Ma’am. Sumama po kayo sa’kin.”

Nagkatinginan silang muli ni Rosell bago nagdesisyong sumunod sa isa sa mga bouncer.

Pagkaapak pa lang sa loob ay pumainlang ang nakakabinging ingay ng musika. Masakit sa mata ang iba’t-ibang kulay ng ilaw. Masakit sa ilong ang amoy ng alak at sigarilyo. Maraming mga lasing ang nagsasayawan sa dance floor. Habang ang mga pole dancers, servers, at ibang mga escorts ay napaka-sexy ng mga suot.

Hindi niya naisip na ganito pala ang kaganapan sa loob ng bar. Muntik pa siyang masuka nang may makitang naghahalikan sa madilim na bahagi.

“Dito po tayo, Ma’am.”

Umakyat sila sa second floor hanggang sa dinala sila nito sa parteng hindi na masiyadong maingay. Nakita niya ang pangalang VIP sa parteng iyon.

Binuksan ng bouncer ang pinakadulo at ang pinakamalaki ring kwarto. Nang mabuksan iyon ay tumambad sa kanila ang isang magandang opisina.

“Magandang gabi, Boss. Nandito po si Ma’am Maya.”

Agad na lumabas ang bouncer at iniwan sila ni Rosell sa loob. Doon ay nakita nila si Simon na nagbibilang ng pera nito kasama ang dalawa pang kalalakihan. Napataas ang gilid ng labi nito nang makita siya.

“My dear. What a surprise! Maupo kayo.”

Halos mapangiwi naman siya nang hinaplos nito ang sariling bigote. Kunot ang noo niya habang inililibot ang paningin.

“Kinikilabutan na talaga ako, Maya,” bulong ni Rosell sa kaniya.

Tahimik silang umupo sa sofa. Nasa harap nila ay ang dalawang kalalakihan na hindi rin maganda ang mga tinging iginagawad sa kanila.

“What brings you here, my dear?”

Narinig niya ang reklamo muli ni Rosell ngunit pinigilan niya ito.

“Kukuha ako ng loan.”

“Ows? Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin, my dear? Parang noon ay ayaw na ayaw mong umutang kahit na halos asin na lang ang kainin mo.”

Totoo. Ngunit iba na ngayon. Kailangan niya ng pera.

“Pwede bang pahiramin mo na lang ako ng walang maraming tanong? Babayaran ko rin naman ‘yan.”

“Okay, calm down. Pahihiramin naman talaga kita, my dear. How much do you want?”

Naramdaman niya ang mahigpit na hawak ni Rosell sa kaniyang braso.

“One hundred thousand.”

Napatawa si Simon sa kaniyang sinabi.

“Hmm. Sigurado ka ba diyan, my dear? Napakalaking halaga niyan. Alam mo naman na triple ang interes ko.”

“Alam ko.”

“Iyan ang gusto ko sa’yo, my dear,” anito sabay tawa.

Tumayo si Simon at lumapit sa kaniya. Naupo ito sa kaniyang tabi kaya agad siyang hinila ni Rosell palayo. Hindi naman siya nagpatinag. Ayaw niyang magalit ito sa kaniya lalo na’t kailangan niya ngayon ng pera.

“Pero kung gusto mo, pwede ko namang alisin ang interes.”

Kinuha ni Simon ang kaniyang kamay at hinalikan ito. Mabilis niya naman iyong binawi.

“Saan na ang pipirmahan ko?”

Tumawa muli ang matanda. Gustuhin niya mang sapakin ito ay pinigilan niya ang sarili.

“Hinay-hinay lang, my dear. Mahaba pa ang gabi.”

Sinenyasan nito ang isang tauhan na ihanda ang dokumento. Pagkatapos ay nagsalin ito ng alak sa dalawang baso na nasa ibabaw ng mesang nasa harapan nila.

“Sandali! Hindi umiinom si Maya. Ako ang iinom niyan,” sabat ni Rosell.

“Huwag kang makisali dito,” singhal ni Simon kay Rosell.

Sasabat pa sana muli si Rosell ngunit pinigilan niya ito.

“Ayos lang,” pagtitiyak niya sa kaibigan.

 “Ganito, my dear. Kung iinumin mo ang isang baso nito, hindi na kita bibigyan ng interes.”

“Maya!” pag-alma ng kaibigan. “Huwag kang iinom!”

Hindi pa niya kailanman nasusubukang uminom ng alak. Sa amoy pa lang no’n ay nasusuka na siya. Pero susubukan niya kung kinakailangan. Sayang din ang alok nito.

Hinawakan niya ang baso. Naaaliw namang tumawa si Simon.

“Cheers?”

Hindi na niya sinagot iyon at sa halip ay tinungga ang buong laman ng baso. One shot lang iyon. Bottoms up.

Nag-alala namang napahawak si Rosell sa braso ng kaibigan.

MAKAILANG beses nang tumunog ang kaniyang cellphone sa gitna ng pagmamaneho. Mataman lang niyang tinititigan ang pangalan ng tumatawag.

My love calling…

Naiinis siya dahil hindi pa rin niya napapalitan ang nickname nito sa kaniyang contacts.

After a few seconds, the call stopped. Mapapagod rin ito sa katatawag sa kaniya. At bakit nga ba siya ang tinatawagan? Bakit hindi doon sa iba niya? Bakit parang wala lang nangyari? Bakit wala itong sinabi noong engagement party nila?

Ilang beses niyang pinaghahampas ang manibela bago inihinto ang kotse. Nagalusan agad ang kaniyang kamay ngunit hindi niya ramdam ang sakit. Hindi niya rin ininda ang sakit ng ulo sa dami ng kaniyang ininom.

It hurts. But nothing hurts more than his heart.

Muling tumunog ang kaniyang cellphone. Handa na niya iyong patayin ngunit nang makitang si Gilbert na ang tumatawag ay kinalma niya ang sarili. Sinagot niya rin ito pagkaraan.

“Sir! Malaking problema.”

“What is it about, Gilbert?”

“Inimbestigahan po namin ang owner ng Simon’s bar na si Simon Rivera. Napag-alaman po namin na ilang beses na po siyang inireklamo for sex assault, rape, money laundering, at pambubugbog.”

“So? What do you want me to do?” bored niyang tanong habang hinihilot ang kaniyang sentido.

“Sir, nakalimutan niyo po ba? Si Ms. Aguilar po, pumunta po siya doon sa bar para kumuha ng loan at—”

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ni Gilbert at agad niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan. Tila biglang tumaas ang init ng kaniyang ulo. What trouble is this again?

“Let our men clean the area first. Siguraduhin niyong walang galos si Mariyanna Aguilar!”

NATUMBA si Maya nang sinubukan niyang tumayo. Ano’ng meron sa kaniyang ininom at bakit sobrang lakas ng tama nito sa kaniya?

Umiikot na ang kaniyang paningin at ang tangi niyang nakikita ay ang ngisi ni Simon at ng mga kasamahan nito sa kaniya.

Inilibot niya ang tingin upang hanapin si Rosell. Nakita niya itong nakahiga sa sofa at walang malay. Ano’ng nangyari? Bakit nahimatay si Rosell? Bakit hindi niya makontrol ang sarili? Bakit napakainit ng kaniyang pakiramdam?

Agad na may lumapit sa kaniya at hinaplos siya sa bewang. Nang balingan niya ito ay ang nakakalokong mukha ni Simon ang kaniyang nakita. Nakaramdam agad siya ng takot.

“Boss, ano’ng gagawin namin sa isang ‘to?” tukoy nila kay Rosell.

“Sa inyo na ang pangit na ‘yan. Sa akin itong si Maya. Matagal na akong nanggigigil sa babaeng ‘to. Nagmamatigas pa kasi.”

Naramdaman niyang hinalikan siya ni Simon sa kaniyang leeg. Sinubukan niyang manlaban ngunit pawang nawalan siya ng lakas.

“Sige, boss. Pagtatiyagaan na namin ang isang ‘to.”

Tumulo ang kaniyang luha nang tumingin siya kay Rosell na unti-unting hinuhubaran ng mga lalaki.

“Hu…wag. Huwag… R-rosell,” mahina ang kaniyang boses.

Sa natitira niyang ulirat ay sinipa niya ang p*********i ni Simon. Napahiyaw naman sa sakit ang matanda. Hindi pwedeng pati si Rosell ay mapahamak nang dahil sa kaniya.

Sinubukan niya muling abutin ang kaniyang kaibigan. Kahit na gumagapang na siya sa sahig ay binuhos niya ang buong lakas.

Nang halos maabot na niya si Rosell ay may dumakot ng kaniyang buhok. Napakasakit. Sa sobrang sakit ay napaiyak siyang muli.

“Saan ka pupunta, my dear? Magsasaya pa tayo. Huwag mo akong galitin kung gusto mo pang makuha ang pera mo.”

Malakas siyang sinampal ni Simon at sumalampak siyang muli sa sahig. Naramdaman niyang muli ang nakakadiring halik ni Simon sa kaniyang likod.

Tahimik siyang umiyak habang unti-unting dumidilim ang kaniyang paningin. She felt sorry for Rosell. Nakikita niya ito ngunit wala siyang magawa. Mapapahamak ang kaniyang kaibigan. Naiinis siya sa sarili at pinipilit na buksan ang mga mata ngunit mabigat ito.

Ang huli niyang nakita ay ang malakas na pagbukas ng pintuan at ang isang bulto ng lalaki. Doon na siya tuluyang nahila ng kaniyang diwa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status